11


"Do you want some marshmallows?" 


Napatingin ako kay Hiro na yumuko saglit para bumulong sa 'kin. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan, nakapaligid sa bonfire. Mahangin at malamig kaya niyakap ko ang sarili ko. Sleeveless pa kasi ang puti kong dress.


"Are you cold?" tanong niya ulit.


"Okay lang," ngumiti ako sa kanya. 


Tumango siya at umalis ulit para samahan mag-ihaw 'yong mga lalaki sa may tabi. Kasama ko sila Helen na nakaupo rito pero nasa kabilang side sila kaya malayo sa 'kin. Panay ang tingin ni Elyse tuwing nilalapitan ako ni Hiro, halatang nagseselos. Natatawa na lang ako imbis na magalit sa kanya. Bata siya sa paningin ko kaya normal lang na mag-amok siya dyan. 


"Hey." Napalingon ulit ako kay Hiro nang bumalik siya, dala-dala ang hoodie niya mula sa sasakyan.


"Thank you," sabi ko at sinuot 'yon. 


Masyadong malaki para sa 'kin pero aarte pa ba 'ko kung nilalamig na 'ko? Mahangin pa naman at tabing-dagat pa. Ayoko naman lumapit sa may apoy at baka masunog naman ako roon sa init. 


Umalis siya ulit, at pagbalik, may dala nang plato ng mga inihaw nila. Umupo siya sa tabi ko at inalok ako ng barbecue. Kumuha ako ng isa at kinagatan 'yon habang nakatingin sa mainit na apoy sa harapan namin. 


"Are you okay?" tanong niya nang mapansing nakatulala ako. 


"Oo naman," ngumiti ako sa kanya para kumbinsihin siya. "Ikaw ba? Okay ka lang ba? May problema ka ba?" 


Umiling siya kaagad. "I'm fine," he smiled. 


Natahimik ulit kaming dalawa pero umingay 'yong paligid nang dumating sila Shan, dala-dala na 'yong mga inihaw at binigyan sila Helen. Umupo na rin sila paikot at nagkanya-kanyang usap. Shan was holding Hiro's film camera, nangunguha ng litrato. 


"Yanna, look here!" sigaw niya bigla.


Napatingin ako kay Shan nang pumwesto siya sa harapan namin ni Hiro. Ngumiti ako sa camera at kinuhanan niya kami ng litrato. 


"Walang kiss?" Tumawa siya, nang-aasar.


"You really want us to make out in front of you?" Tumaas ang kilay ni Hiro. "Weird fantasy, dude." 


"Bro, I said kiss lang." Pinakyu ni Shan si Hiro at umalis na para manguha pa ng ibang litrato. 


Kumagat ulit ako sa barbecue ko habang tumatawa, pinapanood kung paano maggaguhan 'yong mga tropa ni Hiro. Inaasar nila si Elyse ngayon, lalo na't bumalik si Arman na may dalang alak. Bawal pa raw uminom si Elyse. 


"Yakult lang pwede!" sabi ni Shan.


"Kuya! One lang!" Nakanguso na si Elyse at pilit inaabot ang beer. 


"One banana milk?" Ayaw pumayag ni Shan. 


Tumawa ako at inabot 'yong beer mula kay Arman. Nakabukas na 'yon at napunasan na ang bote kaya deretso akong uminom. Ganoon din naman si Hiro. Kami lang ang nakaupo sa left side kaya medyo malayo kami sa mga tropa niya.


"Never have I ever tayo," sabi ni Shan at tinaas naman namin ang kamay namin. "Ikaw muna, Arman!" 


"Never have I ever sucked a dick," sagot nito.


Napairap kaagad ako at binaba ang isang daliri ko. Nagbaba rin si Helen at Ericka, habang si Elyse ay nakasimangot dahil masama ang tingin sa kanya ng Kuya niya. 


"Subukan mong ibaba 'yan," pagbabanta ni Shan ngunit pabiro. 


"Never have I ever had sex in the car," sambit ni Helen. 


Napangisi sila at nagkantyawan nang sabay naming binaba ni Hiro ang isang daliri. Bakit ba puro ganito ang mga tanong?! Natatalo ako rito, eh! 


"Never have I ever had a model ex-girlfriend." Malakas na tumawa si Neil. 


"Unfair," sabi ni Hiro pero binaba pa rin ang daliri niya. "Take that finger down, Shan!" 


Napakamot si Shan sa ulo at binaba rin ang isang daliri. Pareho na kami ni Hiro na natatalo sa laro kaya kinabahan ako. May truth or dare daw kapag talo, eh! Baka kakaiba ang takbo ng utak ng mga tropa niya.


"Never have I ever failed a subject last sem." Ngumisi si Ericka. 


"Engineering, what's up!" Proud na binaba ni Rey ang daliri niya. Nagbaba rin si Arman at Neil. 


Hinihintay kong magbaba si Hiro pero hindi nangyari. Hmm, matalino pala siya, huh? Buti napagsasabay niya ang flying school at engineering. 


"Never have I ever flirted with a Miss Universe candidate." Malakas na tumawa si Rey.


"What the fuck." Umirap si Hiro at binaba ang daliri niya.


Natawa ako, iniisip kung sino ba roon ang nilandi niya. Parang tinatarget talaga siya ng mga tropa niya ngayon at tuwang-tuwa pa. 


"Never have I ever learned how to play the piano," sambit ni Elyse. 


Nagbaba ng daliri si Helen, Shan, at Hiro. Isa na lang tuloy ang natitira kay Hiro. Mabuti na lang at safe ako! 


"Ako na!" Tuwang-tuwang sabi ni Shan. "Never have I ever concealed and denied my feelings for my friend! O, Hiro, truth or dare?" 


"Fuck you, wala pa nga." Umirap si Hiro at uminom sa beer niya. 


Napakurap ako at tumingin sa kanya, naguguluhan pero masyado siyang maraming kaibigan kaya hindi na lang ako umasa. Baka masaktan lang din naman ako. Napangiti na lang ako nang mapait. 


"Truth or dare!" pangungulit ni Shan. "Kapag hindi ginawa o sinagot, dalawang shot ng tequila!" 


Inabot ni Arman kay Hiro 'yong dalawang mataas na shot ng tequila. Nasusuka ako, tinitignan ko pa lang 'yon. Ang hirap sa tequila, gumuguhit sa lalamunan, e, tapos naiiwan 'yong lasa kinabukasan. 


"Truth," seryosong sagot ni Hiro. 


"Do you like someone right now?" Lumaki ang ngisi ni Shan. 


Napaawang ang labi ko nang ininom ni Hiro 'yong dalawang baso magkasunod at inabot ulit kay Arman, wala man lang chaser chaser! 'Yong beer ang ginawa niyang chaser. 


"Guilty!" Tumawa si Neil. 


He likes someone right now? 


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko roon. Napangiti ako nang malungkot sa sarili ko, binubulong sa hangin na sana ako na lang 'yon, pero mas maganda atang hindi para hindi ako gaanong masaktan sa pag-alis niya. 


"This game sucks," napailing si Hiro. 


"C.R. lang ako," tumayo ako at naglakad papasok ng villa.


Naramdaman kong sumunod si Hiro sa 'kin papasok at naghintay sa labas ng C.R. Hindi naman ako naiihi. Naghugas lang ako ng kamay at paglabas, nakita ko siyang nakasandal sa may pader. 


"Mag-C.R. ka rin?" tanong ko. "Oh, ikaw na." 


"No." He chuckled. "I want to rest already." 


"Saan ba matutulog?" 


"I have a room." 


Tumango ako at kinuha ang gamit namin sa sasakyan para i-akyat doon. Akala ko kasi ay deretso uwi rin kami kaso dito pala matutulog. It was just a small room pero okay na rin dahil may C.R. sa loob. 


"Sure ka okay lang sa friends mo na matutulog na tayo bigla?" tanong ko pagkalabas ko ng C.R, kaka-shower lang. 


"Yeah, I texted Shan. Mag-iinuman pa 'yon." Nakahiga na siya sa kama at nakapatong ang ulo sa braso. 


Humiga na 'ko sa tabi niya at niyakap 'yong unan. Pagod din ako dahil maaga akong gumising kanina tapos ang haba rin ng byahe. 


"Do you want to talk about something?" tanong niya sa 'kin bigla. 


Natahimik ako at umiling, natatakot sa sarili kong mga palaisipan. Natatakot akong harapin sila, dahil baka lumalim. Nakakatakot sumugal kung alam mong talo ka rin sa dulo. 


"Huwag na," mahinang sabi ko. 


"Okay," tumango siya. 


Natahimik ulit kami at parehong nakatingin lang sa kisame, hanggang sa maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko, hinahatak ako palapit. Umusog naman ako at sumandal sa may dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. 


"Let's sleep now," sambit niya sa akin.  


Dinalaw ako ng antok dahil sa paghaplos niya sa buhok ko. We slept like that and woke up again in that position, only that I had my arms draped over his waist and a leg on his. 


From: Hiro

Boarding. :) 


It had been a whole ass month ever since that day at the beach with Hiro's friends. Hindi kami masyadong nakapag-usap sa mga susunod na linggo dahil nagpe-prepare ako for finals. Siya rin ay naging busy. Nagte-text naman kami at paminsan-minsan, kumakain kami sa labas. It was weird. Ang sabi ko noon, ayokong lumabas-labas kami, pero iyon lang ang kinakaya ng schedule namin. 


Kakaalis niya lang kahapon papuntang U.S. at siguro ngayong oras, naroon na 'yon. Wala tuloy akong mapagsabihan ng nangyayari rito dahil nga nasa flight siya. 


Nasa condo kami ni Sam ngayon at nagkaroon kami ng kaunting sagutan nila Kierra tungkol sa boyfriend niya. Naiinis lang ako ngayon at nalulungkot dahil a-attend pa naman kami ng Paskuhan mamaya tapos mag-aaway-away lang kami. 


"Hayaan n'yo na. Huwag na kayong magalit kay Kierra." Sam sighed beside me. "Maybe she's just too busy to tell us about her boyfriend."


"Ang dali-dali lang mag-chat sa GC ng, hi guys, may jowa na 'ko." Umirap ako. 


"Siyempre, gusto niya personal ipapakilala." Kalmado lang si Sam at walang bahid ng galit sa mukha. 


Sam was actually so understanding. She was full of empathy, hindi katulad ko na basta-basta umaaksyon at pinangungunahan ng emosyon. Sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamabait at maintindihin. 


"So how's your relationship with your pilot?" She changed the topic.


"Wala. Friends kami," sagot ko dahil hindi ko naman alam talaga kung ano ba kami. "Nasa U.S. siya ngayon. Pagkauwi niya, pupunta kaming Coron." 


"I think he likes you." Sam shrugged. 


"You think?" Tumaas ang kilay ko. 


"Yes, but he's not allowed to, you know? Kasi aalis din siya?" dugtong niya.  


Napaisip din ako na baka ganoon nga pero mahirap kasing basahin si Hiro. Hindi ko alam kung umaasa lang ako pero isa lang ang nasisigurado ko. Iyon ay masasaktan din ako sa huli dahil aalis din naman siya. 


Mas mabuti na lang sigurong huwag pansinin 'yong nararamdaman ko, dahil iiwan din naman niya 'ko sa huli. Ngayon, susulitin ko na lang 'yong mga panahong narito pa siya. Okay na sa 'kin 'yong kahit hanggang magkaibigan lang kami. Mas mahihirapan lang ako sa pag-alis niya kapag sinabi niya sa 'king may gusto siya sa 'kin. 


Bandang huli, pumunta pa rin kaming Paskuhan pero wala si Kierra. Gustong-gusto kong paghiwalayin si Luna at 'yong jowa niya dahil nagyayakapan pa sila habang may tumutugtog. Hindi naman pang mga mag-jowa ang mga kanta! Pang mga nasasaktan 'yon, e! 


"Ang landi nitong si Luna," bulong ko kay Sam.


"What's new?" Tumawa naman siya. 


"Kakalimutan na kita..." Malakas na kanta ng mga nasa paligid ko, damang-dama ang kanta. Mga halatang walang jowa. "Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo..." 


"Ouch." Mapagbiro akong humawak sa dibdib ko. 


Bakit ba sumama pa 'ko rito sa Paskuhan? Parang ginawa 'yong mga kanta para sa sitwasyon ko, e. Nakakagago. Mas gusto ko pa 'atang mga sweet ang kanta kaysa inaatake ako rito. 


Noong fireworks na, naging taga-picture pa kami ni Sam doon sa magjowang nasa harapan namin. Napakamot na lang ako sa ulo ko at inirapan 'tong si Luna. Napakaharot! Pero masaya siya, kaya sana hindi na sila maghiwalay. Okay naman sa 'kin si Kalix. Matalino, tapos gwapo pa. Lugi siya kay Luna. Charot. Bagay sila. 


Umuwi rin ako sa dorm noong gabing 'yon para mag-impake. Kinabukasan, umuwi ulit akong Laguna dahil wala naman nang pasok. 


"Si Mama?" tanong ko kaagad kay Tita. 


"Ay, namalengke, hija! Bumibili ng mga pang noche buena. Alam mo naman, tuwing Pasko, laging may pa-fiesta 'yan." Ngumiti si Tita sa 'kin. 


Gumaan ang loob ko na wala siya dahil namamalengke, hindi dahil hindi siya umuwi. Umakyat na lang ako sa kwarto ko para ayusin ang gamit ko nang biglang tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot ang video call ni Hiro.


"Oh, nandyan ka na?" Gulat na tanong ko nang makitang nakahiga siya sa kama, naka-hoodie na grey at mukhang pagod. 


"Yeah, we're staying in New Jersey for Christmas Eve. It's so cold here," sambit niya at bumuntong-hininga. "How's Paskuhan?" 


Pinatong ko muna sa upuan ang phone ko para hindi ko mahawakan habang nag-aayos ako ng mga gamit ko. He chuckled when he saw me folding my clothes. 


"Kakauwi mo lang?" tanong niya. 


Tumango ako. "May kwento ako sa 'yo!" sabi ko nang maalala ang nangyari bago mag Paskuhan.


"What's the tea, sis?" he teased. 


Kinwento ko kaagad 'yong kay Kierra. Para akong nagra-rant dahil naiinis ulit ako tuwing naaalala ang nangyari. Tahimik lang siyang nakinig sa 'kin habang nagtutupi ako ng damit. Paminsan-minsan ay natatawa siya sa mga sinasabi ko. 


"Ang sungit mo naman." Tumawa siya. "Bakit inaway mo kaagad?" 


"Eh, bakit?! Kung nakita mo lang 'yong itsura nung lalaki! Kilala mo ba 'yon? 'Yong anak ng Mayor? Baka nakikita mo sa mga gatherings," sabi ko. 


"I don't know a Miguel." He fixed his hair. 


"Basta 'yon! Nakakaasar!" Nanggigigil ako kapag nakikita ko ang mukha niya.


"Calm down, babe..." He laughed. 


Sinamaan ko siya ng tingin pero nawala rin nang makitang lumingon siya sa may pinto at narinig ko ang boses ng matandang lalaki. It was probably his dad, kasi French ang narinig kong lengwahe. 


"T'es fatigué?"


"Ouais," sambit ni Hiro, nakalingon pa rin. "Pourquoi?"


Hindi ko lalong naintindihan ang mga susunod na sabi ng Daddy niya, mahaba kasi 'yon. Nang marinig kong sinara ang pinto, lumingon na sa 'kin si Hiro at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.


"My dad's calling me..." He sighed, disappointed that he had to end the call. 


"Sige na, mag-aayos pa 'ko ng gamit." 


Tumango siya at pinatay ang tawag. Nag-ayos na lang din ako ng gamit at bumaba para tumulong sa pagluluto ng leche flan tsaka ube. Nakauwi na rin si Mama at tumulong sa kusina. 


"Wala ka bang balak mag-boyfriend, anak?" tanong niya sa 'kin habang nagtutunaw ako ng asukal. 


"Wala po," maikling sagot ko. 


"Mag-iingat ka, ha..." Napabuntong-hininga siya. "Sa mga lalaki. May mga taong ipaparamdam sa 'yong mahal ka, pero kapag hingian na ng responsibilidad, saka 'yan tatakas. Ang ending, ikaw ang mag-aalaga sa bata-"


"Ma!" inis na sabi ko. "Wala ako sa mood para sa sex ed." 


"Sinasabi ko lang, anak." Ngumiti siya sa 'kin. "Para alam mo." 


Iyon lang ang nangyari hanggang sa mga susunod na araw, hanggang sa dumating ang Christmas eve. Pinilit ako nila Mama magsimba kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila. Nakatulala lang 'ata ako buong sermon, iniisip 'yong leche flan at spaghetti. 


"Demonyo ka na talaga, Ashianna, tumayo ka diyan." Kinurot ako ni Mama sa baywang. 


Napakamot ako sa ulo ko at tumayo. Hindi ko napansin na nakatayo na pala lahat at ako lang ang nakaupo dahil lumilipad ang utak ko. Baka masabihan pa 'ko ni Mama na satanista na 'ko kaya tinuon ko na ang atensyon ko kay father. 


Pagkatapos ng simba, umuwi na kami para sa noche buena. Nag-imbita pa ng mga kapitbahay 'tong si Mama para hindi kami malungkot. Tatatlo lang kasi kaming magce-celebrate ng pasko kung kami-kami lang nila Tita. Ang ingay tuloy ng bahay, lalo na't may mga batang anak pa. 


Todo countdown ang mga tao sa bahay para sa pasko at sabay-sabay na sumigaw ng Merry Christmas. Dumeretso kaagad ako sa mga pagkain. Ito ang hinihintay ko, e. 


"Merry Christmas!" bati ko kaagad kay Hiro nang tumawag siya, mukhang kakagising lang.


"Merry Christmas. Hindi pa pasko rito, though." Pumikit siya, inaantok pa. 


"Kailan flight mo?" 


"Uh, after Christmas." He smiled at me. "I need to shower now. I'll talk to you later!" 


Tumango ako at pinatay ang tawag. I slept after that. Mga tanghali na 'ko nagising. Chineck ko kaagad ang phone ko nang mag-chat si Hiro. 


Akihiro Leonel Juarez sent a photo.


Picture 'yon ng christmas party nila sa may isang bahay sa New Jersey.


Akihiro: Boring. Tried to talk to someone my age to ease the boredom pero sabi niya kaagad may boyfriend siya. Do I look like a flirt?


Ashianna: Type mo?


Akihiro: Lol no


Nakaramdam ako ng kaunting selos, kahit hindi dapat, pero may boyfriend naman daw kaya hindi ko na lang pinansin. Tumayo ako at bumaba para maglinis ulit ng bakuran at 'yong mga kalat kagabi na nakaligtaan. May inuman pa pala rito kagabi. 


Napakunot ang noo ko nang may bumabang matandang lalaki mula sa taas, inaayos ang shirt at mukhang kakagising lang. 


"Hello." Nagulat siya nang makita ako. "Uh, pakisabi na lang sa... Mama mo, aalis na 'ko." Ngumiti siya sa 'kin at nagmamadaling lumabas ng bahay.


Kumunot ang noo ko at napailing. Sino na naman 'yon? Bagong lalaki na naman. Monthly na 'ata nagiiba-iba? May monthly subscription ba sila? 


Habang nagwawalis ako, bumaba naman 'tong si Mama na kakagising lang. Napatingin kaagad ako sa kanya, gulo-gulo ang buhok at mukhang may hinahanap. 


"Wala, iniwan ka na," sagot ko at pinagpatuloy ang pagwawalis. "Sabi mo maging mailap sa mga lalaki pero tignan mo sarili mo." 


Hindi siya sumagot at ngumiti lang nang alanganin sa 'kin bago bumalik sa kwarto niya. It was a boring Christmas for me. Ang daming nangangaroling sa labas. Paano 'yon, eh wala rin naman kaming pera? 


Dalawang araw pagkatapos ng pasko, iyon lang ang ginawa ko. Naglinis, nagluto, naglaba, kumain, nagpahinga. Paulit-ulit lang 'yon. Minsan nga, naiisip kong sana may pasok na lang para naman may ginagawa ako kaysa mukha akong alipin sa bahay! Okay lang din naman. Aarte pa ba 'ko? Hindi naman kami mayaman. 


Naglalakad ako ngayon pauwi habang buhat ang apat na plastic ng pinamalengke ko. Nag-jeep kasi ako dahil cinatcall na naman ako ng mga bwisit na tricycle driver doon sa pila. Parang mga bobong hindi mabubuo ang araw kapag walang napipiswitan sa kalsada o kaya nasasabihan ng 'sexy' o 'ganda.'


"Hello, ganda, mabigat ba? Ako na rito," napalingon kaagad ako sa may matandang lalaking sumusunod sa likod ko.


"Hindi mabigat," sabi ko at binilisan ang lakad ko. 


"Akin na para hindi ka mahirapan." Lumapit pa siya at sinubukang kuhanin ang isang plastic. Inagaw ang kamay ko para hindi niya maabot. "Ang sungit naman. Taga-saan ka?" Sumusunod pa rin siya sa 'kin. 


Lumiko ako sa kabilang kalsada kahit diretso lang ang papunta sa bahay namin dahil baka malaman niya kung saan ako nakatira tapos abangan ako sa labas. Dere-deretso akong naglalakad, naghahanap ng tao sa paligid. 


"Miss, ang bilis mo naman maglakad," sabi niya ulit at binilisan din ang lakad niya. 


Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang akong tumakbo, takot na takot sa kanya. Lumingon ako para tignan kung sinusundan pa niya 'ko at nakahinga nang maluwag nang wala na siya. 


Napatigil ako sa pagtakbo nang mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki. Agad siyang napahawak sa bewang ko para alalayan ako. 


"Hey." Hiro was shocked to see me running. "Are you okay?" 


I suddenly felt relieved, pero mas nangibabaw ang gulat ko nang makita siya sa harapan ko! Kailan pa siya nakauwi?! Bakit nasa tapat siya ng bahay?! 


"Nakauwi ka na?!" gulat na tanong ko. 


"Surprise?" Tumawa siya at tinaas ang dalawang kamay niya, umaaktong may confetti siyang sinabog. 


"Kailan pa?!" naguguluhan kong sabi. Hindi ako handang makita siya rito, lalo na't hindi pa 'ko naliligo at pawisan pa sa kakatakbo. I looked stupid and ugly. 


"Uh, I just landed. I went straight here." He smiled. "I have gifts for your Mom and Aunt." 


Tinulungan niya 'ko sa mga dala kong plastic at pumasok kami sa loob ng bahay. Napatayo kaagad si Mama mula sa panonood ng TV sa sofa nang makita si Hiro. Lumapit din si Tita mula kusina. 


"Hijo! Kumusta?" bati ni Tita. 


"Merry Christmas po." Hiro smiled and gave them two paper bags. 


Napakunot ang noo ko, nagtataka kung ano ang laman noon. Tuwang-tuwang binuksan ni Mama 'yong sa kanya at mas lalong lumaki ang ngiti nang makita ang mamahaling pabango roon. Bag naman ang kay Tita. 


"Nako! Salamat, hijo! Pasensya na, hindi kami nakapaghanda ng regalo! 'Lika, kumain ka! Nagluto kami ng ube!" Tuwang-tuwa si Tita kay Hiro.


Napailing ako. Napakapa-good shot niya ngayon, ha! Kumindat pa siya sa 'kin para asarin ako bago siya sumunod kay Tita sa dining. Sinamantala ko 'yon para umalis at maligo sa taas. Nagbihis lang ako ng shorts at shirt tapos bumaba na ulit. 


"Talaga?! Pupunta kayong Palawan?!" gulat na sabi ni Mama. 


"Opo, bukas," sagot ni Hiro.


"Bukas?!" Gulat din ako nang pumasok sa dining. Bakit naman hindi ko alam?! 


Tinaasan niya 'ko ng kilay, nagtataka kung bakit hindi ko alam. Wala kaya siyang sinasabi sa 'kin! Pagkatapos tuloy niyang kumain, umakyat kaagad kami para tulungan niya 'kong mag-impake. 


"Wala kang sinabing bukas na!" sabi ko habang abala sa paghahanap ng susuotin sa cabinet.


"Relax." He chuckled. 


Nakaupo siya sa kama ko, pinapanood akong mag-panic sa pag-iimpake. Kinuha niya pa ang rubik's cube sa may drawer ng table ko para paglaruan 'yon. "Ilang araw tayo roon?" tanong ko.


"Three," sagot niya, binubuo 'yong rubik's cube. "And yes, I already booked us a place to stay in. I already took care of the island hopping boat so no worries." 


Napairap ako at nilagay ang mga damit ko sa maliit na maleta ko. Nang mabuo niya ang cube, umupo siya sa tabi ko at tinulungan akong mag-impake. Tumayo naman ako para magbaon ng essentials ko galing sa banyo. 


"Ang dami mong dala." He laughed at me. 


"Paki mo?!" Hinampas ko ang kamay niya. 


"May paki ako." He smirked and gave me a soft kiss.


Umirap ako at sinara na 'yong maliit kong maleta. After packing, we had a quick sex on my bed, then we went downstairs to eat dinner. Hiro was smirking while talking to my mother. Nakakaasar! 


"Opo, I'll take care of Yanna." He was teasing. "She's safe with me." 


Pagkatapos kumain, naligo na ulit ako at humiga na sa kama. Sumunod naman si Hiro pagkalabas ng banyo. 


"Dapat hindi na naglalatag Tita mo ng foam." He laughed again. "Tabi naman tayo. She's wasting energy," nakangising sabi niya at humiga sa tabi ko. 


Nakatalikod ako sa kanya kaya niyakap niya 'ko patalikod, inhaling the scent of my hair. Sumandal ako sa dibdib niya at humawak sa kamay niyang nasa may bandang tiyan ko. 


"Did you miss me?" he asked, hopeful. 


"Yeah," I whispered, getting sleepy. Hindi ko na rin alam ang sinasabi ko. 


"Good to know." He kissed my cheek. 


Natulog na kami pagkatapos noon. Maaga rin kaming nagising dalawa sa alarm ko kaya dali-dali kaming bumangon para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng ripped jeans at black tank top, tapos sneakers. Hiro was wearing a pair of black pants and a white button-down shirt. 


Hindi na namin ginising sila Mama para magpaalam dahil sinabihan naman na namin sila kahapon. He drove to Clark. Nagtataka ako pagkababa namin pero sumunod pa rin naman ako sa kanya. 


"Saan tayo?" tanong ko, hatak-hatak ang maleta ko.


"Plane?" tanong niya pabalik, nagtetext. 


"Okay," sambit ko. "Did you book a flight?" 


He laughed and ruffled my hair. "Yeah, I got a great pilot for our flight." 


"Sino?" Kumunot ang noo ko.


"Me." He smirked. 


Napakurap ako sa kanya, hindi kaagad nakuha ang sinabi niya. Nakasunod lang ako sa kanya habang may kinakausap siya sa airport. I started to get nervous and excited. First time kong sumakay sa eroplano at siya pa ang magda-drive! 


It was a small plane, siguro 2-3 passengers lang ang pwede niyang dalhin. He was outside, talking to somebody and inspecting the plane, then he went inside. 


"Seatbelt, Ma'am." He chuckled. 


Agad akong nagsuot ng seatbelt at pagkatapos, binigyan niya 'ko ng headset. Sinuot ko 'yon at sinuot niya rin ang kanya. I was so nervous while he was doing his 'thing.' First time kong sasakay sa eroplano! 


"Are you nervous?" He turned to me. 


Tumango ako sa kanya, hindi na makasagot dahil sa nerbyos. 


"Do you trust me?" He gave me a small smile. 


Tumango ulit ako at tumawa siya. He leaned to give me a soft kiss, then he fixed his headset again. 


"Clark tower, RP-C 892, requesting engine start-up," he said on the headset.


His voice sounded so much like a pilot. Ganoon ang mga naririnig ko sa mga napapanood ko. 


"RP-C 892, start-up approved..." I heard a man said. I blinked, not really understanding what's happening. "Call back when ready to taxi." 


He started the engine and fixed his headset again. Tumingin ako sa langit. Clear skies naman kaya nabawasan ang kaba ko. 


"Clark tower, RP-C892, ready to taxi to holding point..." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Hiro. Seryoso pa siya habang nagsasalita at abala. 


I was staring at him while he was talking. He checked the engine and some controls to make sure it was okay. He mentioned about a checklist. 


He talked to someone again and I couldn't understand what they were talking about. Puro numbers. Napapaisip ako kung paano nila naiintindihan ang isa't-isa. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang sinasabi dahil sa pananalita sa radyo. They had these 'codes.' Pilot language, I guess. 


"RP-C 892, cleared for takeoff." 


Napaiwas lang ako ng tingin nang umandar ang eroplano. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko sa kaba at excitement. Bumilis ang pagpapatakbo niya kaya napahawak ako sa seatbelt ko. 


"We're headed right up," he said to me and smoothly left the ground. 


Bumilog ang mga mata ko habang nakatingin sa bintana, natutuwa sa nakikita ko sa baba. He was looking around at marami akong naririnig sa radyo na hindi ko ulit maintindihan. He turned the plane smoothly. 


He held my hand and squeezed it for a bit to ease my nervousness. Binitawan niya rin kaagad para ibalik doon sa hawak niya. 


I was so amazed by everything. Mas lalo ko lang ginustong maging flight attendant. The skies... were so pretty. It felt good above the ground. 


"Ilan na nasakay mong babae mo?" I asked a little louder, teasing. 


He just laughed at my question and shook his head. 


"There's a first time for everything," he said.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top