10
"Let's go, Yanna!"
Hiro clapped his hands to motivate me. Hingal na hingal akong umakyat at nang i-alok niya ang kamay niya sa 'kin para alalayan ako, tinanggap ko naman 'yon. He held my hand until we rested on the first station. Umupo ako sa may bato at uminom ng tubig habang nakatayo siya sa harapan ko, tinatanaw kung gaano kataas na kami sa bundok.
"Are you tired?" he asked, concerned.
Umiling ako habang umiinom ng tubig. Kinuha niya ang towel na hawak ko para punasan ang pawis ko. Tinapik ko ang likod ko para punasan niya rin 'yon. Iyon nga ang ginawa niya. Pinasok niya ang towel sa likod ko at pinunasan ang pawis ko roon habang inaayos ko ang ipit ko.
"More to go!" Hiro was so energetic! I can't keep up.
Pakiramdam ko ay mahilig siyang mag-hiking at ilang beses na niyang ginagawa kaya naman parang wala lang sa kanya 'to ngayon. Ako, hindi naman ako mahilig sa mga sports kaya pagod kaagad ako. Mabuti na nga lang ay inaalalayan niya 'ko at minomotivate niya 'ko.
We started to hike further. Kumakapit ako sa kanya kapag nadudulas ako and he would stay still so I could cling on him.
"Ah!" Napasigaw ako at napatingin sa paa kong natusok ng matalim na kahoy nang matapilok ako.
"Shit." Agad akong inupo ni Hiro sa may bato at lumuhod siya sa harapan ko. "What happened?!"
Nagpapanic siyang kumuha ng tubig sa bag niya at isang scarf. Napakagat ako sa labi ko nang buhusan niya ang sugat ko ng tubig at sunod alcohol. Napahampas ako sa braso niya sa sobrang sakit. Hindi naman ganoon kalaki pero pakiramdam ko ay malalim dahil dumudugo! Nakakatakot.
"Be careful next time." Mukhang galit pa siya. Bakit naman nagagalit 'to? Hindi naman siya ang nasaktan!
"Hindi ko naman ginustong matapilok ako."
"Kahit na!"
"Oh, bakit galit ka?" Nagtatakang tanong ko.
"I'm sorry," sambit niya habang tinatalian ng scarf ang ankle ko. "Just be careful, Yanna."
Napatingin ako roon at sinubukang tumayo. Masakit siya kapag tinatapak ko pero kaya ko naman tiisin, lalo na't malapit na kami sa pinakatuktok. He held my hand and we started hiking again. Mas mabagal nga lang ngayon dahil sa paa ko.
"Marami raw ahas dito, e," sabi niya. "Akala ko natuklaw ka, e."
"Kung may tutuklaw sa 'kin, ikaw lang 'yon." Umirap ako at tumawa naman siya.
Pahinto-hinto kami para sa paa ko pero nakarating din naman kami sa taas. Kitang-kita ko ang pagkakamangha sa mukha ni Hiro habang tinitignan ang view. He took his phone out to take a picture of it. Ang lamig pa rito at maaga pa kaya naka-jacket kami.
"Wow," he said, admiring the view. "This is my first time."
"Hiking?" tanong ko.
"In here. I used to hike with my dad when I was a kid. Nakalimutan ko na itsura sa taas." He chuckled, staring at the view in front of him. Ang langit at mga bundok. Ang ganda ng kulay.
"This is my first time," sabi ko rin habang nakapamaywang at nakatingin sa paligid, hinahangin ang kaunting hibla ng buhok ko na hindi nasama sa ipit ko.
"And it's with me." He made it sound like it was an achievement for me. Ako pa talaga ang hindi lugi, huh?
I laughed and took my phone out so I could take a picture of the view. Sumingit na naman siya kaya sinama ko na lang siya sa picture. He was facing sideways, acting like he was looking at the view. Natawa rin siya sa kagaguhan niya. Napaka-corny talaga.
"Wait... I think I have something here." May hinalungkat siya sa bag niya.
Napataas ang kilay ko nang maglabas siya ng film camera. Pinapunta niya 'ko sa harapan para makuhanan niya 'ko ng picture. Ngumiti ako sa camera at tinaas ang water jug ko.
"Nice shot!" sabi niya at lumapit.
Tinaas niya ang camera so he can take a selfie of us. I stuck my tongue out and he smiled before taking a picture. Then, we stayed there for a few minutes just to rest. Nakaupo ako sa may bato, yakap ang tuhod ko at pinapanood siyang i-video 'yong view hanggang sa umabot sa 'kin. I made a peace sign and rolled my eyes at him when he zoomed it on my face.
"Lalagay mo sa story mo?" tanong ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako roon o ano. Paano kapag may nagtanong tungkol sa amin? Ano kayang sasabihin niya?
"Yes," ngumiti siya habang kinakalikot ang phone niya. "You should follow me so you can see it."
"You're into film cameras now?"
"Yeah, I'm collecting travel memories," sabi niya at tinago ang phone niya. "Before I leave."
Naglakad siya palapit sa 'kin at umupo sa tabi ko. Naguguluhan pa rin ako sa ayos namin kagabi pero hindi namin pinag-usapan 'yon. Pakiramdam ko ay pareho naming ayaw pag-usapan kung bakit kami nagkaganoon bigla.
"Bawat fling mo siguro nilalagay mo sa IG story mo para may memories." Tumawa ako, kahit naramdaman kong kumirot ang dibdib ko.
"I rarely put anything on my story, though."
Natahimik ako bigla at umiwas ng tingin, pinipigilan ang sariling bigyan ng meaning lahat ng pinapakita niya sa 'kin ngayon. Ang hirap mahulog sa mabait. Hindi mo alam ang pinagkaiba ng mga kilos nila.
Ganito ba siya sa lahat? Niloloko niya ba ako sa mga pinagsasasabi niya? Ilang babae na kaya ang nagawan niya ng ganito? 'Yong pinapakita niya ba sa akin ay pinapakita niya rin sa iba?
"E, ba't naroon ako?" Tinaasan ko siya ng kilay, naghahanap ng kasagutan.
Our eyes met when he looked back at me. Nagtagal ang tingin niya sa mga mata ko, mukhang sinisisid ang kalaliman noon hanggang sa mawalan siya ng hininga, umahon, at umiwas ng tingin.
Tumayo siya at inalok ang kamay sa 'kin para alalayan ako. "Let's go," aya niya bigla.
Ayaw niyang sagutin at ayaw niyang pag-usapan. Ayaw naming pag-usapan pareho ang nararamdaman namin ngayon, afraid that it will just ruin what we had, kaya hindi na lang ako nagsalita.
Mas nahirapan ako sa pagbaba dahil sa paa ko pero inaalalayan naman ako ni Hiro. He would laugh, though, everytime na madudulas ako at aawayin ko naman siya kaya titigil siya sa kakatawa.
Nilabas ko ang phone ko para i-follow siya nang magka-signal. He immediately followed me back when he saw it. Nilagay ko rin sa IG story ko ang picture ng view kahit wala siya roon. Mahihirapan lang ata ako kapag nakita ko 'yon sa archives ko.
We stopped at a station to eat. Umupo kami sa may damuhan at kumain ng pinabaon samin ni Tita sa Tupperware.
"Kumusta kayo ni Giselle?" curious na tanong ko. Bakit ba nagtatanong pa ako ng mga bagay na alam ko namang masama para sa akin?
"I don't know." He shrugged. "I stopped talking to her but we're still friends."
"Bakit hindi na kayo nag-uusap?" nagtatakang tanong ko.
Matagal bago siya sumagot dahil tinignan niya muna ang itsura ko. Pagkatapos, ngumiti siya at umiling. "I don't know," sagot niya ulit.
Hindi ko na inalam ang dahilan. Mukhang wala naman siyang planong sagutin ako. Baka may kung anong nangyari sa kanilang dalawa kaya ayaw niyang sabihin sa 'kin. Private 'yon, eh. Sa kanila na 'yon.
"Saan ka sa Christmas?" tanong niya sa 'kin bigla.
Nagkibit-balikat ako. "E'di sa bahay pa rin. Ikaw ba?"
"U.S. We'll visit my dad." He sighed like it was a bad thing. Ayaw niya bang mag-bakasyon sa ibang bansa? Masaya kaya. Mabuti pa nga siya nakakaalis kung kailan niya gusto.
Tumango ako. "Ang saya siguro sa ibang bansa, 'no? Hindi pa 'ko nakakapunta, e."
"Love your own." He laughed for a bit. "Look at this view. It's almost the same so don't feel bad. I prefer traveling here."
"Sabagay. Mas gusto ko ngang ikutin muna 'yong Pilipinas..." I shrugged.
Natahimik siya at niligpit ang pinagkainan niya. Nakatingin na siya ngayon sa malayo habang kumakain ako, malalim ang iniisip.
"Do you want to travel with me?"
Muntik ko nang mabuga ang kinakain ko sa gulat. He looked serious, though, so I chewed faster so I could answer immediately. Hinihintay niya ang sagot ko, e.
"Saan naman?"
"Anywhere in the Philippines..." Umiwas siya ng tingin. "I can pay for everything. I just need a companion."
Huh? Ano 'yon? Ganoon ang sinasabi ng mga sugar daddy. Grabe ka na, Hiro!
"Bakit ako? Bakit hindi mga kaibigan mo?" Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ako? "Bakit hindi si Giselle? Or iba mo pang kalandian?"
"Bakit hindi ikaw?" seryosong tanong niya rin pabalik.
Pilit akong tumawa para hindi mailang sa titig niya sa 'kin. Napainom tuloy ako sa tubig ko habang iniisip kung ano ba talagang gusto niyang iparating. Ano ba ang gusto niyang maramdaman ko sa mga pinapakita niya?
"Okay, sige." Tumango na lang ako. "Sa pasko na 'yong susunod kong bakasyon, eh. Wala ka naman noon."
"I'll go home so we can travel." Tumayo siya at pinagpagan ang jogging pants niya. "For the meantime, think about the destination you want to visit next."
Tumango ako at tumayo na rin. Padilim na nang makabalik kami sa sasakyan niya. Pinag-iisipan ko na kung saan ko gustong pumunta sa susunod. "Palawan?" pag-suggest ko dahil doon ko talaga gustong pumunta.
"Where in Palawan?"
"Coron?"
"Coron, then." He gave me a small smile while driving.
Sumandal ako ulit at ngumiti sa sarili ko, excited sa susunod na buwan dahil sasakay ng eroplano papunta roon. First time ko! Hindi tuloy ako makapaghintay.
Gabi na nang makauwi kami ni Hiro. Kumain lang kami ulit ng dinner na hinanda ni Tita at umakyat na ulit para maligo at mag-ayos. Nauna siyang maligo sa 'kin ngayon kaya pagkalabas ko ng banyo, nakaupo na siya sa may dulo ng kama ko, nagpapatuyo ulit ng buhok.
I was already wearing my navy blue pajamas when I sat on the floor. Nilabas ko ang mga bag ko para mag-impake dahil deretso uwi na kami bukas ni Hiro galing Enchanted Kingdom. Baka nga roon kami matulog kapag tinamad siya mag-drive.
Hiro helped me pack my things. Siya pa nga ang nagtupi ng mga damit kong magugulo at nilagay sa maliit kong maleta. It was one of the most wholesome things we actually did inside a bedroom.
"Roll it for more space. You need it in the future, Miss FA," pang-aasar niya.
Ginawa ko ang sinabi niya. Habang nag-iimpake, nakita niya ang pills ko sa may mini-kit kaya curious niya 'yong tinignan.
"You took? Earlier?" tanong niya, naninigurado. Huwag kang mag-alala, Hiro. Hindi ka mapeperwisyo sa akin.
"I did," sagot ko.
Naka-alarm na ang phone ko para sa pills kaya hindi ko nakakalimutan. Madali ko 'yon makalimutan, eh. Lalo na't araw-araw ko pa siya tine-take.
"That's good." Tumango siya at binalik ang pills sa kit ko.
Pagkatapos mag-impake, humiga na ulit ako sa kama ko at tumabi siya sa 'kin doon. Kumalabog na naman ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kabilis tumibok ngayon. Posible pala 'yon.
I had never felt like this before. Hindi ako kinakabahan kapag may katabing lalaki sa kama. It already happened a lot of times... Pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon?
"May kama ka sa baba, bakit ayaw mo roon?" nagtatakang tanong ko habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame.
"I like it here," maikling sagot niya.
"Ang sikip kaya," pakikipagtalo ko pa. "Sanay ka pa naman sa malalaking kama, 'yong pwede kang magpagulong-gulong."
"It's comfortable," he argued back.
Dumapa ako at sinandal ang pisngi ko sa braso ko habang nakatingin sa kanya. Umayos siya ng higa at humarap sa 'kin para tingnan din ako.
"Ang gulo mo," bulong ko pero sapat lang para marinig niya.
"Mas magulo ka," seryosong sabi niya.
Ni hindi ko nga alam kung pareho ba kami ng tinutukoy na context pero napaisip ako kung ganito rin ba nararamdaman niya sa 'kin? Na magulo rin ako? Na hindi niya 'ko maintindihan?
Napatitig ako sa kanya, sinusubukang basahin ang iniisip niya pero hindi ko masisid 'yon. Siguro nga hindi ko pa siya ganoon kakilala. Ang gulo. Naguguluhan na ako sa mga kilos naming dalawa.
"Can I kiss you?" he suddenly asked, staring at my face.
Marahan akong tumango at umusog siya palapit sa 'kin para mahalikan ako. He caressed my cheek with his hand and kissed me softly. I parted my lips to give him more access. The kiss wasn't anything sensual. It was long, but he did not move.
"Let's sleep," he whispered to me, still holding my face.
Tumango ako at tumalikod sa kanya para mapigilan ang sariling yakapin siya ulit katulad kagabi. Umayos din naman siya ng higa at hindi ako hinawakan hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, maaga kaming gumising para pumuntang Enchanted Kingdom. I probably looked like an excited kid dahil ngayon lang din ako makakapunta roon. I just wore a high-waisted maong ripped shorts, partnered with a pink tank top na naka-tuck in. Nag-sunblock din ako at naglagay ng kaunting makeup. Powder lang, cheek at lip tint, then I curled my eyelashes. Maliit na white body bag lang din ang dala ko at nagsuot ako ng white sneakers.
Hiro was wearing a maong ripped jeans and a light pink shirt with a print on it, unintentionally matching my colors! Masama ko siyang tinignan pero 'yon talaga ang nabaon niya papunta rito kaya hindi ko na siya jinudge.
"Badtrip, mukha tayong magjowa." Napakamot ako sa ulo ko habang nagda-drive siya.
Nagpaalam na kami kay Tita. Kay Tita lang dahil wala ulit si Mama. Hiro thanked my aunt for taking good care of him. Ang sabi ni Tita ay bumalik daw si Hiro sa susunod. Obligasyon ko na tuloy na dalhin siya pabalik sa amin!
"It's okay. We're both single." He laughed a bit.
Maaga kaming nakarating doon para makabili ng tickets. Maraming tao as usual pero okay lang din naman. Masaya pa rin ako at parang batang tuwang-tuwa pagkapasok namin ni Hiro sa loob.
"Doon! Sakay tayo roon!" Hinatak ko ang kamay ni Hiro para pumila kami sa unang ride namin. "Grabe, kinakabahan ako!"
"Are you scared?" pang-aasar niya.
"Ewan ko, hindi pa 'ko nakakasakay sa mga ganito." Nakangiti ako kahit ninenerbyos.
"It's okay. You won't die," he assured me. "Unless..."
"Hiro!" inis na sabi ko dahil sa pananakot niya.
When it was our turn, nanlambot na ang tuhod ko at gustong umatras pero hinatak ako ni Hiro pabalik sa kinauupuan ko. Na-trap na rin ako nang ibaba 'yong nakaharang sa katawan ko na itim. I was clinging on it, waiting for the ride to start.
"Hindi ba 'ko masusuka rito?" kinakabahang tanong ko kay Hiro sa tabi ko.
"No. Just relax." Tinawanan na naman niya ako. Enjoy na enjoy, ah?
Kung abot ko lang siya ay hinawakan ko na ang kamay niya pero hindi! Nang magsimula ang ride, kabadong-kabado ako. Nang nasa kalagitnaan, in-enjoy ko na lang rin ang kakahiyaw tuwing tumataas dahil parang nakikiliti ako. Medyo nahilo lang ako pero nawala rin naman nang pumila ulit kami ni Hiro sa may tower ride.
"I hate this," seryosong sabi niya.
"Weh? Ayaw ko na rin! Tara na!" Inaya ko siya paalis dahil mukhang ako pa ang mas takot kaysa sa kanya.
"No, we'll ride this." Ngumisi siya, pansing takot ako.
Kabadong-kabado ako tuwing pinapanood ang mga mukha noong mga taong bumababa sa ride. Ang isa ay nanlambot pa ang tuhod at 'yong isa naman ay umiiyak. Napakapit tuloy ako sa braso ni Hiro na parang bata. Tumawa siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
"It's fine. It's just a few seconds," he tried to console me.
Na-distract lang ako sa takot ko nang tumingin ako sa paligid at nakitang todo tingin ang mga babae kay Hiro. Ang tangkad niya kasi. Madali siyang mapansin at mukhang siya ang tipong hindi mahilig pumila sa mga ganito dahil matagal. Seryoso siyang nakasandal sa railings at humalukipkip. Ako ang parang batang nakahawak sa braso niya ngayon.
"It's fine," ulit niya nang mapansing nakatingin ako sa kanya at kinakabahan.
Napangiti siya sa itsura ko at yumuko para mahalikan ako saglit. Nagulat ako at napatulala saglit sa kanya, parang nakalimutan na kung ano bang kinakatakot ko ulit.
Mas nakakatakot pa 'atang mahulog sa kanya kaysa mahulog sa ride na 'yon.
"Yanna, it's our turn." Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palakad sa ride.
Nanginginig ang tuhod ko habang nakahawak sa itim na nakaharang sa katawan ko. Unti-unti nang tumataas ang ride at bawat pag-angat non, parang umaangat din ang dugo ko sa ulo ko! Hindi ako makatingin sa baba at nakapikit na lang, hinihintay ang kamatayan ko.
"Hey..." Narinig ko ang tawa ni Hiro. "Here, hold my hand."
Inabot niya ang kamay niya sa 'kin. Kabadong-kabado akong humawak doon at pumikit ulit. Humigpit ang hawak ko sa kanya nang makarating kami sa pinakatuktok. I screamed when it fell down and my stomach turned.
"Tangina," bulong ko nang makarating na ulit kami sa baba. "Bakit ko ba sinakyan 'to?"
Nanlambot ang tuhod ko at inalalayan ako ni Hiro na tumatawa sa harapan ko, halatang nang-aasar. "Are you okay? Kilala mo pa ba 'ko?" He waved his hand in front of my face.
"Epal!" Sinipa ko siya at naglakad na palabas ng ride na 'yon.
He was laughing when he stalked me from behind. Napaupo ako sa may bench, hinahaplos ang paa ko dahil sa sugat ko. Umalis naman si Hiro saglit para bumili ng tubig.
"Here." Napaangat ang tingin ko kay Hiro, hawak-hawak ang cotton candy sa tapat ko.
"Thank you." Ngumiti ako at kinuha 'yon.
"Thank you," he mocked my voice.
Hinampas ko kaagad siya nang maupo siya sa tabi ko. Inabutan niya pa 'ko ng tubig bago niya nilabas ang film camera niya. He took pictures of me again eating the cotton candy. Pagkatapos magpahinga ay naka-isang ride pa ulit kami bago napagdesisyonang kumain na ng pizza.
"First time ko sa ganito..." Nagpahalumbaba ako.
"With me, again." He smirked and bit on his pizza.
"Feeling." Umirap ako at kumagat din sa pizza ko. "Nakapunta ka na ba sa Disneyland? Gusto kong pumunta roon, lalo na noong bata ako."
"Yeah, it's for kids," sagot niya kaagad. "Gusto mo roon, anak? Suotan kita ng mga pang princess-princess?" He teased me.
"Napaka-epal mo talaga." Umirap ako at sinipa siya sa ilalim ng lamesa.
Kumain na lang ako at hinayaan siyang ubusin ang natira nang mabusog na 'ko. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad lang kami paikot dahil baka masuka kami kapag nag-rides. We also went inside some stalls to look for souvenirs.
"Cute, oh." Turo ko sa mga costume na pambata.
"We don't have a kid so stop looking at it." He draped his arms over my shoulder and pulled me to the other side.
We played some perya games. Iyon lang ang magagawa namin, eh. Nagshoot-shoot kami ng mga isda roon at nanghuli pa pero bandang huli, isang unggoy na stuff toy lang ang nakuha namin. Tumatawa siya nang ibigay sa 'kin 'yon, inaasar akong kamukha ko raw 'yon.
Umupo kami sa may bench nang mag-sunset na. Wala kaming ginawa kung hindi kumain. Tulad ngayon, kumakain na naman kami ng ice cream.
"Kapag ako, may pera na pang-travel, una kong pupuntahan siguro ay Japan," sabi ko sa kanya.
"Yeah, Japan is a nice place." Tumango siya. "But I want to go to Venice."
"E'di pumunta ka. May pera ka naman para roon," masungit na sabi ko, naiinggit sa kanya!
"I'll bring you with me."
Napatigil ako sa pagkain ko ng ice cream at lumingon sa kanya. Hindi siya nakatingin sa 'kin ngayon at mukhang hindi narinig ang sarili. Alam niya ba ang sinasabi niya?
"So hindi na tayo fuck buddies ngayon? Travel buddies na?" pagbibiro ko.
"Travel buddies, but we can still fuck if you want," he bluntly said.
Nag-init ang pisngi ko at tumingin sa paligid, tinitignan kung may nakarinig ba. Tumawa siya nang makita ang hitsura ko.
Naghintay kami hanggang gabi para sa fireworks. Nakaupo lang kami sa may bench at nakatingala, nanonood. I could feel him staring at me but I refused to look back at him. Kapag nagtatama ang tingin namin, kung hindi ako ang iiwas, siya naman. Hindi naman kami ganito dati. Ano'ng nagbago?
"Mas maganda fireworks ng UST kapag Paskuhan," natatawang sabi ko. "Sayang, nasa U.S. ka na 'ata non."
"Yeah." He sighed. "I'll come home before new year so we can spend it together."
Together.
Parang imposible naman.
Parang imposibleng makasama ka. Parang hindi pwede. Baka hanggang dito na lang talaga ang kaya ko... ang kaya nating dalawa. Kaya siguro hindi natin kayang pag-usapan dahil alam nating walang patutunguhan. Ang dulo nito ay ang pag-alis mo... at hindi na 'yon magbabago kahit ako pa ang pagsulatin mo ng kwento nating dalawa... dahil mas pipiliin kong umalis ka kaysa manatili ka at magsisi sa tabi ko.
"That will be my last celebration of new year here," rinig ko ang lungkot sa boses niya pero ngumiti pa rin siya sa akin.
"Kailangan mo ba talagang umalis?" I sounded hopeful that he would say no... But I also did not want him to say it.
"Yes." He sighed.
Good... That was good.
Tumango na lang ako at hindi nagsalita. We went straight home after that kaso mukhang wala pang tao sa dorm kaya sa condo niya na lang muna kami dumeretso. Naliligo na siya sa banyo habang nakahiga ako sa kama niya, nagtitingin ng IG story niya.
Nagulat ako dahil nakuhanan niya akong nakatingin sa fireworks, my face reflecting the colors of it. Maliwanag ang mga mata ko at nakangiti. He put a grainy filter on it and added a small text.
'Happiness.'
Tinago ko kaagad ang phone ko nang lumabas siyang banyo. Deretso siyang dumapa sa may tabi ko, halatang pagod. He was just wearing his black boxers and nothing else. I stared at him and unconsciously smiled a little. Happiness... Yes, you are.
"I'm tired," bulong niya. "Long drive."
"Masahe, gusto mo?" tanong ko.
Ngumisi siya sa 'kin at tinapik ang likod niya habang nakadapa siya. Umangat ako at umupo sa may pwetan niya para mamasahe ko ang balikat niya. He groaned when I started massaging his shoulders.
"Stop, I'm getting hard," he joked.
"Gago." Hinampas ko ang balikat niya at pinagpatuloy ang pagmasahe.
He was silent again. Hindi rin ako nagsasalita habang hinahaplos ang likod niya, ang balikat niya, at braso niya. He tried to look back to me but I pinned his head on the pillow, which made him laugh.
"Wrestler," he teased.
"Nasaan na friends mo? 'Di ba magkakasama kayo sa beach? Hindi ba sila nagalit?" nagtatakang tanong ko.
"Nah, they're cool with it," he assured me. "I guess."
Tinapik ko ang likod niya nang matapos, at saka umalis na rin ako sa pagkakaupo ko sa kanya. Sumandal na 'ko sa headrest ngayon at umayos naman siya ng upo. I was just wearing an oversized shirt and a black laced panty underneath. We were already this comfortable with each other.
Kinuha ni Hiro ang isang unan at siya na ang nagharang sa gitna namin, alam na 'yon ang gagawin ko pero ngayon, hindi ko na nga naisip 'yon.
"Huwag na," sabi ko kaya napatigil siya.
"Are you sure?" he asked again.
Tumango ako kaya inalis niya na ang unan sa gitna namin. Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame. Nakapatay na ang ilaw ngayon at tanging ilaw lang galing sa lamp shade niya ang dahilan kung bakit ko natatanaw ang mukha niya.
"Do you want to come with me and my friends tomorrow?" he asked.
"Saan? Iinom ulit?" natatawang sabi ko.
"No." He laughed, too. "They want me to come back to the beach so we could take pictures."
"Yeah, sure. Wala pa naman akong gagawin," sambit ko.
Tumango siya at hindi nagsalita. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatingin siya sa kisame at mukhang may iniisip din. Pareho kaya kami ng iniisip?
I scooted over so I could reach his face. He looked at me in the eyes before holding my cheek to give me the kiss that I wanted.
I closed my eyes as he sucked on my lower lip. He pushed his tongue inside before giving me soft tender kisses again. After that, we went to sleep. Umakbay siya sa 'kin at sumandal ako sa may dibdib niya, already feeling comfortable with my spot there.
"I thought you don't like cuddles," mahinang sabi niya.
"Ayoko nga," sagot ko.
"Okay..." Pero hindi niya tinanggal ang hawak niya sa 'kin. Hindi rin ako umusog. When I closed my eyes, I suddenly felt his lips on my forehead. "Good night," he whispered before I dozed off to sleep.
He woke me up early in the morning so we could go to the beach. Mabuti na lang talaga at may extra pa 'kong bikini na binaon. Iyon ang sinuot ko. Kulay maroon siya at strings ulit, high waisted nga lang ang pambaba. Pinatungan ko lang 'yon ng puting flowy dress, ending above my knees. Hiro was wearing a white button-down polo shirt and a black shorts. Naka-shades din siya nang bumaba kami ng sasakyan.
It was a long drive kaya around 10 AM na kami nakarating sa beach. I knew it was a private and exclusive beach dahil walang tao kung hindi kami lang.
"Hiro! Bro! Bumalik ka!" Sinalubong siya nila Shan pagkapasok namin sa villa. "At may kasama ka pa! Hi Yanna!" Ngumisi ito sa 'kin at bumeso sa pisngi ko.
"Ah, Yanna, this is Lyle, Arman, Rey, Neil," pagpapakilala niya sa mga lalaki roon na nagbabaraha. Hindi ko matandaan lahat pero ngumiti na lang ako at nakipag-shake hands sa kanila.
"Si Hiro, pormal na nagpakilala ng babae," tumatawang bulong nung Lyle. "Tangina, bro, pa-lechon ako?"
"Tanga." Tumawa si Rey at tinulak ang mukha ng tropa.
"Kala ko ba bawal ang jowa!" reklamo noong Neil.
"Hindi raw sila magjowa, bro. Shut up ka diyan, mabugbog ka pa," sabi ni Arman.
"Ah, oo nga pala." Tumawa si Neil at makahulugang tumingin kay Hiro. Ano na naman 'yon?
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Hiro sa kanya kaya napangiti si Neil at lumipat ang tingin sa 'kin. "Hindi tayo pwede..." pagkanta nito habang nag-aayos ng baraha.
"Yanna! 'Lika, I'll introduce you to the girls." Umakbay sa 'kin bigla si Shan at hinatak ako palabas ng villa, papunta sa may buhanginan.
Nakita kong may tatlong babaeng kumukuha ng litrato sa may buhanginan. Isa roon si Elyse. Nang tinaas ni Shan ang kamay niya ay lumapit ang mga 'yon sa kanya.
"Si Yanna, Hiro's friend," he emphasized on the word 'friend'. "Friend daw, ah. Friend. Tandaan niyo 'yan. Friend."
"Oo na, friend na! Hi, Yanna! Ericka." The petite lady offered me her hand so I took it and smiled at her.
"Helen," nakangiting pagpapakilala rin noong naka-white bikini. She looked like a model. Ang tangkad at ang ganda.
"Elyse. We already know each other." The kid smiled at me but it was fake.
The two actually looked nice. Umakbay kaagad sa 'kin 'yong Ericka at inaya akong mag-take ng pictures kasama sila. Hiro actually had nice friends. Ito siguro ang mga babaeng hindi niya naging fling noon.
"What's the score between you and Hiro?" Helen gave me a teasing smile.
"Come on, Elyse, don't be jealous." Umakbay si Ericka sa bata at tumawa, nang-aasar pa lalo. "I told you, Hiro is kuya na so find other men that will make you happy."
"Gusto ko engineering." Elyse pouted.
"Hindi naman mage-engineer si Hiro! Magpipiloto siya, okay?"
"Magaling pa rin siya sa math."
Hindi mapinta ang mukha ni Elyse habang pinapaglaruan ang buhanginan. Nakaupo kasi kami sa lilim ng puno.
"Friends," sagot ko. "We're friends."
"Bullshit!" sabay na sigaw ni Helen at Ericka.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanila, hindi naiintindihan kung bakit hindi sila naniniwala sa 'kin. Kaibigan nila si Hiro kaya alam kong kilala nilang matinik sa babae 'yon.
"Hiro wouldn't bring you here if you guys were just 'friends,'" Ericka giggled. "So sabihin mo na 'yong totoo!"
"'Yon nga 'yong totoo." Naguguluhan na rin tuloy ako. Ano ba ang gusto nilang sabihin ko? Iyon naman talaga ang napagkasunduan namin.
"Really? Sabi niya sa 'yo friends lang kayo?" curious na tanong ni Helen.
"Hindi. Sabi ko," pag-amin ko. Ako naman talaga ang nagsabing maging magkaibigan kami, e.
"Friend-zoned!" sabay ulit na sigaw noong dalawa at nag-apir pa, tuwang-tuwa sa pang-aasar nila.
"Hiro's fucking friend-zoned. Dumbass." Tumawa si Ericka.
"If you don't want him, I'll go for him." Elyse rolled her eyes.
"Oh, shut up, babe." Helen tapped Elyse's head like a kid. "You can't be with your Kuya's friend."
"Akala namin kayo na? We were teasing Hiro about it when he posted on his Instagram story. I mean, knowing Hiro? Minsan lang siya mag-story. Sabay-sabay pa kaming nag-reply sa kanya ng 'sana all'!" Ericka laughed again. "Dude, iniwan niya tayo bigla rito?! Super gago!"
"Yeah, he doesn't do that." Helen laughed. "Sabi niya emergency daw. What the hell? Emergency landi?"
"He's just nice," sambit ko.
"Yeah, he's nice. I agree. Marami nga namang dine-date si Hiro lalo na noong last last week ata 'yon? Ang O.A niya sa part na 'yon. Pati 'yong maarte pinatulan. Sino ba ulit 'yon?" Tanong ni Helen kay Ericka.
"Ewan ko roon. 'Kala mo explorer, e. Mixed signals pa naman lagi." Ericka shrugged.
"Ah, and also, Giselle was trying to get back with him, right? He rejected her last week. Kawawa siya. Hiro said he was confused, eh?" Pagkwento ni Helen.
"Ang sabi niya, hindi niya babalikan kasi aalis din naman daw siya pagka-graduate," pagpapaliwanag ko.
"Right, he's leaving nga pala." Lumungkot bigla ang boses ni Helen.
"Be easy on him. Hiro's actually... lonely." Ericka gave me a small smile.
"Yeah, his dad's kind of sick," Elyse said, still playing with the sand. "So he really needs to leave."
"Elyse! Shush!" Helen whispered.
"What? It's the truth! He's already booked to Florida the day after his graduation. That fast. I'm getting lonely tuloy." Elyse pouted.
After his graduation? Wala man lang palugit. I smiled bitterly.
Doon ko lang napagtanto na alam ni Hiro lahat ng problema ko sa buhay, pero kahit minsan pala ay hindi ko tinatanong ang kanya. Baka kailangan niya rin talaga ng kasama. He was always there for other people, but who would stay for him?
Maybe I will. Hangga't narito siya. Hangga't hindi siya umaalis.
Mananatili ako sa tabi niya kahit hindi niya 'ko kailangan. Mananatili ako kahit alam kong siya, hindi... dahil ito na lang ang kaya kong gawin para sa kanya... para mabalik lahat ng kasiyahang binigay niya sa akin. The comfort, the happiness, the experience... All those things that made me happy, even for a short time.
"Kain ka muna ng breakfast. I'm sure you're tired! Saan ba kayo nanggaling?" tanong ni Helen.
"Ah, sa condo niya lang," sagot ko.
Nagkatinginan si Helen at Ericka. "You slept on his bed? I mean, you slept together?" ulit ni Ericka.
Kumunot ang noo ko. "Yeah? Bakit?"
"Wala lang," Ericka laughed. "Punyeta si Hiro, kapag tayo, kahit umupo lang sa kama, ayaw pa. Life is so unfair!"
Naguluhan ako sa pinag-uusapan nila pero hindi ko na lang pinansin. I shouldn't give meanings to every little thing Hiro did. Magiging malala lang ang sitwasyon.
Bumalik ako sa loob nang tawagin ako ni Hiro para mag-almusal. Pagkatapos namin kumain, nag-aya nang mag-swimming 'yong mga kaibigan niya kaya naman hinubad ko na ang dress ko at naglakad sa buhanginan. Si Hiro naman ay nakasunod sa likod ko.
Napasigaw ako nang buhatin ako bigla ni Hiro at tumakbo papuntang dagat. Pinaghahampas ko siya para ibaba niya 'ko at sa sobrang galaw ko, binitawan niya nga 'ko sa may buhanginan. Tawa siya nang tawa habang hinahabol ko siya.
"Gago ka talaga!" sigaw ko, galit na galit.
"Gago ka talaga," he mocked me again.
Hinabol ko ulit siya. Ngayon, hindi na siya tumakbo. He welcomed me with open arms and carried me again. Nabasa ang buong katawan ko nang lumusong siya sa dagat, dala-dala ako.
"Hiro!" Inis na sigaw ko nang ibagsak niya ko roon. Naabot ko ang buhok niya kaya sinabunutan ko siya.
"Aray!" sigaw niya. "Hindi na! Masakit, Yanna!"
Binitawan ko siya at umahon na 'ko mula roon. Basang-basa ang buhok at katawan ko nang tumapak ulit ako sa buhanginan. Sumunod naman sa 'kin si Hiro, tinatawanan ang itsura ko. Masama ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya palapit.
He laughed and gave me a warm embrace to apologize. Inalog niya pa 'ko nang kaunti habang nakasimangot pa rin ako.
"I'm sorry na." He laughed a bit and cupped my face to give me a kiss.
"Sana all!" Napatingin kami kay Shan na naglalakad palapit.
"Ano?" Tinaasan siya ng kilay ni Hiro, bahagyang nairita.
"Bro, 'lika rito! Mag-iihaw tayo ng barbecue!" Inakbayan siya ni Shan at dinala palayo.
Naglakad ako at umupo sa may mga lounge chair, kung saan nakaupo sila Helen. Nakangisi na siya nang salubungin ako.
"Bakit ka nakangiti?" nagtatakang tanong ko nang i-abot niya ang twalya sa 'kin.
"Wala lang. Ang saya ni Hiro." Her smile grew wider. "I'm just happy."
"Lagi naman siyang nakangiti," sagot ko.
"Yes, but he's genuinely happy when he's with you, Yanna. I hope you know that."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top