09
"Si Mama?"
Tanong ko kaagad kay Tita Isabel pagkapasok ko ng bahay, dala-dala ang mga gamit ko. Agad naman siyang dumalo sa 'kin para tulungan ako sa mga dala ko. Isang linggo rin ako rito sa Laguna para sa short break kaya medyo marami ang inuwi kong damit at labada.
"Ay, Yanna, wala, e. Hindi rin umuwi rito kagabi," sambit ni Tita.
Tumango ako at hindi nagsalita. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at inayos ang gamit ko bago ako bumaba para tulungan si Tita maglinis ng bakuran. Nag-walis ako roon at nagdilig ng mga halaman, nakatulala pa rin, naguguluhan sa mga pala-isipang pumapasok sa utak ko simula noong iniwan ako ni Hiro sa pool club na 'yon.
Bakit ako umiyak? Iyon din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit kailangan ko iyakan 'yon, dahil lang ba sa tingin kong.. mukha na 'kong tanga? Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko lang na baka hanggang doon lang talaga ako. Hanggang pasarap lang. Hindi maaaring mahalin.
"Yanna, malulunod na ang halaman," napabalik ang tingin ko kay Tita.
Agad kong nilapag ang hose at sinara ang gripo dahil nagsasayang na pala ako ng tubig. Nang pabalik na 'ko sa bahay, naabutan ko si Mama sa gate, bihis na bihis at naka make-up pang umuwi. Napatigil siya nang makita ako.
"O, anak, nandito ka na pala," ngumiti siya sa 'kin.
"Oo," maikling sabi ko at pumasok sa bahay, hindi na nag-abalang tanungin kung saan siya galing o kung anong ginawa niya.
"Heto, marami akong dala at binili para sa 'yo," tuwang-tuwa niyang nilapag ang mga paper bag sa lamesa ng salas.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang mga paper bag na may logo ng iba't-ibang designer brands na pamilyar sa 'kin. Mga sinusuot ng mga modelo at mga socialite. Pinanood ko siyang i-labas ang isang magandang bag mula sa orange na paper bag.
"Bagay sa 'yo 'to, anak, oh!" Binigay niya sa 'kin 'yon.
Matagal kong tinitigan ang itim na bag na hawak ko. Hindi ito ang tipo ko ng bag kaya alam na alam kong hindi niya para sa 'kin 'to binili, kundi para sa kanya. O kaya naman binigay lang sa kanya ng lalaki.
"Ito pa, anak! Sa 'yo na 'to!" Nilabas niya ang magandang damit at lahat 'yon, binigay sa 'kin.
Tahimik lang akong tinatanggap lahat ng bigay niya dahil mukhang tuwang-tuwa siya. Ngumiti ako sa kanya nang tipid at umakyat sa kwarto ko para ilagay sa cabinet ang lahat ng 'yon. Mamaya ko na susukatin.
"Yanna, anak," narinig ko si Mama kumatok sa pinto.
Tumayo ako para pagbuksan siya. Ngumiti siya sa 'kin at nanatili sa labas ng kwarto ko, nag-aalanganing pumasok.
"Sa susunod na uuwi ka, i-text mo 'ko, ha. Para alam ko," hinaplos niya ang braso ko.
"Huwag na. Sanay na 'ko," kaswal na sagot ko.
Nawala ang ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ko pero agad ding nakaahon at binigyan ulit ako ng ngiti, mas malungkot nga lang ngayon.
"Nagtatrabaho ako para sa tuition mo, anak," pagpapaliwanag niya. "Kung gusto mong huwag akong magtrabaho, wala na tayong makakain dito."
"Wala akong sinasabi," seryosong sagot ko ulit.
"Alam mo namang kailangan, e, Yanna.." Malungkot na ang mukha niya ngayon, mukhang nagpapaawa. "Wala naman akong ginagawang masama. Promise!"
Tumango ako at sinara na ang pinto. Alam ko namang wala talaga siyang ginagawang illegal tulad ng pagdodroga o ano. Kilala ko siya at hindi naman talaga siya 'yong tipong gagawa ng ganoon. Marami lang talaga siyang kinukuhang 'raket' kung saan-saan.
Humiga ako sa kama ko at tinignan ang messages namin ni Hiro. Hindi niya alam kung paano isesend sa 'kin 'yong video kaya napilitan akong ibigay ang Facebook ko. Friends na tuloy kami sa Facebook at doon niya sinend.
Akihiro Leonel Juarez sent a video.
Pinindot ko ulit 'yong video para panoorin 'yon. Ilang beses ko na sigurong pinapanood at namamangha pa rin ako sa kagandahan ni Giselle, at naguguluhan sa ibang bagay.
Nakaupo sila sa sofa at hawak ni Giselle ang phone niya. Medyo nag-usap pa sila sa simula ng video.
'What's her name again?'
'Yanna. Go on, it's already rolling.'
Giselle was wearing a silk robe and her wavy hair was in a ponytail. Ngumiti siya sa video at kumaway nang kaunti.
'Hi, Yanna! Hiro's friend! Thank you so much for the support! Always keep your head up high and stay healthy! I hope to see you soon!' she gave a flying kiss and I heard Hiro's laugh.
Doon na natapos 'yong video. Napangiti ako nang mapait sa sarili ko nang basahin ulit ang ni-reply ko roon.
Ashianna Kim Fernandez: Ang ganda niya talaga :( Thank you, Hiro!
Akihiro Leonel Juarez: Always :)
Hindi na 'ko nag-reply pagkatapos noon at mukhang busy na rin siya. Inabala ko na lang din ang sarili ko sa pagliligpit ng kwarto ko at paglilinis ng bahay. Noong kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama ko at nagpapaantok, Hiro texted.
From: Hiro
Are you home?
Nag-reply kaagad ako.
To: Hiro
Oo, nasa Laguna ako ngayon.
From: Hiro
Are you okay there?
Napaisip kaagad ako sa tanong niya. Hindi ko alam na naaalala pa pala niya 'yong detalye tungkol sa nanay ko. He was actually so thoughtful.
To: Hiro
So far hahaha
From: Hiro
Good. Feel free to text me if something goes wrong.
Hindi na ulit ako nag-reply at natulog na lang. Kinabukasan, wala ulit si Mama at maaga raw umalis. Wala akong magawa kaya namalengke na lang ako at binigyan naman ako ng listahan ni Tita ng mga bibilhin.
"Hi sexy!" A man whistled.
Tinaas ko ang middle finger ko sa kanya habang tuloy-tuloy na naglalakad, buhat ang dalawang plastic.
Ilang catcall pa ang naranasan ko sa iba't-ibang lalaki nang mapag-desisyunan ko nang umuwi dahil baka mapaaway pa 'ko. Ang iba kasi, sila pa ang galit tuwing pinapakyu ko. Sasabihing ako na nga ang cinocompliment, ayaw ko pa. Edi isaksak nila sa baga nila ang compliment nila. Mga panget. Mga tatanga-tangang walang magawa kundi pairalin ang titi.
"Tricycle, ganda?" Tanong nung lalaki sa pilahan ng tricycle.
Magta-tricycle dapat ako pero nang iyon ang ibungad sa 'kin, parang mas gusto ko na lang mag-jeep bigla o maglakad na lang pauwi, kahit maraming dala dahil baka hindi ako ibaba sa bahay. Iyon ang takot na dinadala ng kababaihan araw-araw, tapos itong mga tangang 'to, sila na nga ang nambabastos, sila pa ang iiyak kapag sinasabihang basura sila. Hindi ba totoo naman?
Bandang huli ay nag-jeep na lang ako kahit malayo ang bababaan ko. Nang makarating sa bahay, pawis ako kaya naligo na 'ko kaagad, bago nagluto ng tanghalian. Habang nagluluto ako, narinig ko si Mama sa may gate.
"Halika, pasok ka," rinig kong sabi niya sa pinto.
Napalingon ako kaagad at nakitang may dala siyang lalaki sa loob. Mas matanda sa 'kin at mukhang mas matanda kay Mama, pero halatang mayaman dahil sa tindig at suot. Nagtama ang tingin namin ng matanda kaya napatingin siya kay Mama.
"Si Yanna! Anak ko," pagpapakilala ni Mama. "Yanna, si Fred. Nakilala ko sa trabaho."
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto, naiirita. Kada uwi ko ata ay iba't-iba ang pinapakilala niya sa 'kin tapos masasaktan lang siya. Napailing na lang ako at nag-hain na. Sakto lang ang hinanda ko kaya hindi na lang ako kumain para sa bisita niya.
"Ikaw, anak? Hindi ka kakain?" Tanong ni Mama.
Umiling ako. "Kumain na 'ko."
"Your daughter's gorgeous. Bakit hindi siya mag-modelo?" The man offered. "My agency hires models like her. Maganda rin lalo ang katawan kaya patok 'yon."
Napakunot ang noo ko at matalim siyang tinignan, hindi nagugustuhan ang sinasabi. Mukhang nailang din ang nanay ko at nerbyos akong tinignan.
"Ah, hindi mahilig sa ganoon si Yanna," sambit niya na lang.
"Really? Sayang naman. She will earn a lot of money. Look at your daughter. Maganda siya. Mukha at katawan. Gustong-gusto ng mga lalaki 'yan. May potential," pagpupumilit ng lalaki.
"May potential ka ring mamatay kapag sinaktan kita," matalim na sabi ko.
"Yanna!" Agad napatayo si Mama.
Madilim ko siyang tinignan at dumiretso na 'ko kaagad paakyat sa kwarto ko dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa lalaki niyang walang modo. Ni walang preno sa pambabastos sa 'kin sa sarili naming bahay. Gusto ng kalalakihan? Hindi ako pinanganak just to please men.
Me, having sex, does not mean I'm asking to be objectified.
"Fuck all of you," iritang bulong ko habang nilalabas ang mga gamit ko, pinipigilang umiyak sa sobrang galit at inis.
Napatigil ako nang tumunog ang phone ko kaya agad kong tinignan.
From: Hiro
Are you sure you're okay?
Napatakip ako sa mukha ko at pagod na umupo sa kama. Pangalawang araw ko pa lang dito, pakiramdam ko pagod na pagod na 'ko. Ang hirap talagang umuwi.
To: Hiro
Pwede na.
Ilalapag ko na sana ang phone ko nang tumunog ulit 'yon. Nag-chat na siya ngayon sa Facebook.
Akihiro Leonel Juarez: Send loc
Kumunot ang noo ko pero binigay ko pa rin naman ang location ko. Nagtaka ako kung bakit niya hinihingi at naisip na baka pupuntahan niya 'ko, pero mukhang imposible dahil nakita ko sa IG story ni Shan, nang inistalk ko, na nasa beach silang magtotropa.
Tama nga ako at hindi siya pumunta. Nagkulong lang din ako sa kwarto ko buong araw, gutom na gutom, hindi pinapansin si Mama kapag kumakatok. Nakakain lang ako nang si Tita Isabel ang kumatok at nag-iwan daw ng pagkain sa tapat ng pinto ko.
Kaunti lang ang kinain ko roon dahil wala ako masyadong gana. Bumaba ako saglit para ligpitin 'yon at umakyat na ulit para matulog.
Maaga ulit akong nagising para mag-linis ng bakuran. Nag-suot lang ako ng sando at dolphin shorts bago ako bumaba at kinuha ang walis ting-ting. Si Tita Isabel, naghahanda na ng umagahan. Si Mama, wala na naman.
"Yanna!" Tawag ni Tita.
"Po?!" Sigaw ko habang nakatalikod at nagwawalis.
Umupo pa 'ko para buhatin 'yong paso dahil natumba. Pumunta ako sa may gripo para hugasan ang kamay kong naputikan.
"You need help?"
"Puking-!"
Napatayo kaagad ako at napaatras nang makita si Hiro sa harapan ko. Natawa siya kaagad sa itsura ko at humalukipkip.
He looked so bright in the morning. Parang maganda ang gising niya habang ako, hindi pa naliligo. He was wearing a beach polo shirt, bukas ang tatlong butones, at sa baba naman ay naka-grey na shorts. May nakasabit pang shades sa may polo niya at nakaayos ang buhok. He looked so fresh.
"Bakit ka nandito?!" Gulat na tanong ko.
"Vacation!" Ngumiti siya at naglakad palapit para kuhanin sa sahig ang hose.
Nakatulala pa rin ako sa kanya nang buksan niya ang gripo at nagsimula siyang mag-dilig doon. Nakita kong naka-park ang magara niyang sasakyan sa tapat ng bahay namin, nakakaagaw ng atensyon!
"Akala ko kasama mo sila Shan?" Nagtatakang tanong ko.
"Yeah, it was boring," he chuckled while watering the plants.
"Boring din naman dito! Wala kang gagawin dito!" Nagpapanic na sabi ko para lang umalis siya.
"Hindi kaya," malokong sabi niya at lumipat sa kabilang side para roon magdilig.
Sumunod ako sa kanya at inagaw ang hose sa kamay niya. Hindi niya binigay kaya pinilit kong kuhanin ulit. Napatili ako nang bitawan niya bigla at nabasa ako ng hose. Agad kong binitawan 'yon at pinaghahampas siya. Tawa siya nang tawa at umiilag pa.
"See? It's not boring," he laughed again.
Napatingin ako sa sando ko, bakat na ang itim kong bra ngayon. Hinampas ko ulit siya at padabog na pumasok sa loob ng bahay para magpalit ng damit. Nag-suot ako ng bagong bra at puting shirt bago ako bumaba ulit. Pinipihit na ni Hiro ang gripo at tapos nang magdilig.
"Yanna! Pakainin mo ang poging bisita mo!" Bulong ni Tita Isabel sa 'kin at kinurot pa ang bewang ko.
"Hoy, kumain ka na raw," sabi ko kay Hiro.
Lumingon siya sa 'kin at pinunasan ang kamay gamit ang itim niyang towel bago sumunod sa 'kin papasok ng bahay. Ngumiti kaagad si Tita sa kanya at lumapit siya para mag-mano.
"Good morning po," bati niya at ngumiti kay Tita.
"Tita, si Hiro, kaibigan ko. Hiro, si Tita Isabel," pagpapakilala ko.
"Kain ka na, hijo," hindi mawala ang ngiti ni Tita sa mukha nang ayain si Hiro sa dining. "Pasensya ka na, maliit lang ang bahay namin, ha."
"It's beautiful," pambobola naman ni Hiro nang maupo.
Napairap ako habang kumakain. Sinipa pa 'ko ni Tita sa ilalim ng mesa para alukin si Hiro ng mga putahe. Hindi ko siya pinansin dahil may kamay naman si Hiro. Kuhanan niya ang sarili niya, 'no!
"Taga saan ka, hijo?" Tanong ni Tita.
"Manila po," magalang na sagot niya habang kumakain. "I just came here to visit."
"Kailan ka uuwi nyan?"
"Kapag umuwi na po si Yanna," ngumisi si Hiro.
Halos mabulunan ako nang marinig 'yon. Hindi ko alam kung seryoso siya o nanggagago lang dahil sa tono ng boses niya.
"Ahh, s-saan ka matutulog nyan? Nag-book ka ba ng hotel malapit?" Nag-aalalang tanong ni Tita.
"Oh, I did not.." Napaisip si Hiro bigla. "I can find a hotel-"
"Huwag na at sayang sa pera! Dito ka na lang matulog at may space pa naman dito! Malamig sa sala pero mayroon kaming extra foam sa kwarto ni Yanna," para akong binubugaw ni Tita.
"I can sleep here?" Lumiwanag ang mukha ni Hiro at tumingin sa 'kin, halatang nang-aasar. "Sure. Sayang nga ho sa pera kapag nag-book pa," plastik na sabi niya.
Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa pero mukhang hindi siya nasaktan. Lumayo lang siya nang kaunti at tinapakan pa ang paa ko para gantihan. Masama ko siyang tinignan at bubuhusan ko na sana ng tubig pero biglang pumasok si Mama sa bahay, kakauwi lang.
Napatayo kaagad si Hiro para batiin ito. Marami siyang dala at hirap na hirap isara ang pinto kaya lumapit si Hiro para tulungan ito. Gulat na napatingin si Mama sa lalaki sa harapan niya, nagtataka kung bakit bigla na lang may bagong tao sa bahay.
"Good morning po," bati ni Hiro pagkalapag ng mga gamit ni Mama sa sala.
Naguguluhang tumingin si Mama sa kanya, at sunod sa 'kin. Napabuntong-hininga ako at mula sa dining ko na lang pinakilala si Hiro.
"Ma, si Hiro, kaibigan ko. Hiro, si Mama," bored na sabi ko.
"Hi Mama," mapagbirong sabi ni Hiro.
"Magandang umaga, hijo," ngumiti si Mama sa kanya. "Ngayon lang nagdala ng kaibigan si Yanna, pasensya ka na ha. Nagulat ako."
"Okay lang po," Hiro smiled at my mom.
Napatitig nang matagal si Mama kay Hiro, namamangha sa tangkad at itsura nito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi niya habang pinapanood si Hiro na bumalik sa hapag.
"Hindi ka ba boyfriend ni Yanna?" Curious na tanong ni Mama.
Nasamid bigla si Hiro sa iniinom na tubig kaya nag-alala si Tita. Napasapo ako sa noo ko at umiling-iling, nahihiya sa nangyayari ngayon.
"Hindi.. po.." Hiro denied in between coughs.
"Talaga? Sayang naman," tumawa si Mama at bumalik sa sofa para ligpitin ang mga gamit.
Nang matapos kaming kumain, ako na ang naghugas ng plato. Si Hiro naman ay nakikipag-usap kila Mama sa sofa, iniinterview ata siya o ano. Basta masaya sila at nagtatawanan habang mukha akong kasambahay dito na pinagsisilbihan sila. Napairap ako at tinapos kaagad ang paghuhugas.
"Ma!" Sigaw ko kaagad nang mapansing pinapakita pala nila ngayon kay Hiro ang baby pictures ko sa isang album.
Hiro was laughing while pointing on a picture of me, crying. Napairap ako at sinubukang agawin ang album pero hinatak pabalik ni Hiro at kinuha 'yong isang maliit na picture na nakangiti ako sa camera. Naka-pitail pa ang buhok ko at naka-pulang daycare uniform, may dala-dala akong crayons sa isa kong kamay.
"Can I have this?" Tanong niya kila Mama.
"Hindi!" Sagot ko.
"Sige, hijo! Sa 'yo na!" Sambit naman ni Tita. "Marami kaming ganyang kopya, mas malaki pa dyan! Wallet size lang 'yan, e! Paborito rin naming litrato ni Yanna!"
Masama ko silang tinignan at nakitang tuwang-tuwa si Hirong nilabas ang wallet. Nilagay niya ang picture ko roon, kapalit ng picture ng aso nila.
"New pet," he mouthed.
Inambahan ko siya ng suntok pero umayos din ako nang lumingon si Tita sa 'kin. Napabuntong-hininga na lang ako at kumuha ng basahan para linisan 'yong lamesa.
"Nakapasyal ka na rito sa Laguna?" Rinig kong tanong ni Tita.
"Hindi pa po, e. Saan po ba magandang pumunta?"
"Nako, marami! Yanna, ilibot mo nga si Hiro rito!"
Kung ano-anong tourist destination na hindi pa naman namin napupuntahan ang sinabi ni Tita kay Hiro. Kung makakwento ay akala mo napuntahan na namin. Mukhang magtatagal si Hiro rito sa rami ng gustong puntahan.
"Sa mga springs, hijo! Pwede kayo roon ngayon! May kakilala ako!" Sabi ni Tita.
Napatingin ako sa orasan. 8 AM pa lang at may oras pa nga kaming makapunta roon. Nautusan din akong dalhin siya roon kaya pagkatapos kong magligpit, naligo at nag-bihis na 'ko. Nag-suot ako ng one-piece swimsuit sa panloob na kulay itim, tapos pinatungan ko ng light yellow dress. Nag-baon ako ng pamalit at nag-suot ng shades.
Hiro drove to a hidden valley spring. Something na ganoon. Nahirapan nga lang sa paghahanap ng parking spot. Ngayon lang ako makakapunta rito kaya hindi pamilyar sa 'kin, e. I was actually surprised dahil walang tao! We have it for ourselves!
I was actually amazed with what I saw. It was a tropical rainforest at marami siyang springs. Mayroon pang hidden falls sa loob. Hiro took his phone out to take a picture of the green view. The sound of water calmed me down.
"May ganito palang lugar dito," sabi ko habang naglalakad kami.
"You're a tourist in your own place," pang-aasar niya.
May mga rooms doon and we only rented one for the whole day para doon ibaba ang gamit namin. Pagkababa, I already took my yellow dress off and went straight for the spring. I submerged myself in water so I could wet my hair. Nang umahon ako, nakaupo na sa may steps ng hagdan si Hiro, pinapanood ako. Wala na siyang suot sa pantaas ngayon at naka-itim na beach shorts na lang.
"Lika na rito!" Sabi ko sa kanya.
"Wait," tumayo siya at kinuha ang phone niya.
Tumalikod kaagad ako sa kanya nang makitang kukuhanan niya 'ko ng picture. He laughed while I was swimming or walking away from him. Nang lumingon ako sa kanya, masama ko siyang tinignan dahil nakatapat pa rin ang camera sa 'kin.
"Halika na rito!" Aya ko ulit at sumenyas pang lumapit siya.
"Yeah, okay! Chill!" Tumawa siya at nilapag ang phone niya doon sa may taas ng shirt niya bago sumunod sa 'kin sa spring.
We relaxed for a bit and talked about other things before we decided to look for the hidden falls around here.
We started hiking to go to the hidden falls. Mas malakas siya sa 'kin at inaalalayan pa 'ko kapag may mga kahoy na dinadaanan. Pabiro niya pa 'kong tinulak kaya napatili ako at hinampas na naman siya. Tuwang-tuwa siyang tinatakot ako habang naglalakad kami papunta sa falls.
"We're near!" He clapped his hands to motivate me when we heard the sound of the water fall.
"Finally," bulong ko, nakahawak sa tuhod ko.
A good view of the falls in front of me took my energy back. I took a picture of it pero humaharang si Hiro, gustong masama sa picture. Tinulak ko ang mukha niya habang tumatawa. Hindi siya nagpatinag kaya sinama ko na lang siya sa picture. Tumalikod siya at inayos ang buhok para kunwari raw ay stolen. Parang tanga.
We stayed there, sitting on the rocks, before we went down again to swim on the warm pool. Nang mapagod, nag lunch buffet kami sa resort. May mga tao na ngayon kaysa kanina.
Nauna akong kumuha ng pagkain at naroon pa rin siya kaya tinignan ko muna ang social media accounts ko.
Hiro and I don't follow each other on Instagram so I used my dump account to stalk him and check his Instagram story. Napaawang ang labi ko nang makita ang video kanina, only with a grainy filter and a lo-fi music. The view was so beautiful. May mga puno, bato, at sa gitna ng spring ay ako na nakatalikod at naglalakad palayo sa kanya. I looked back at him on the video, glaring and gesturing him to come over.
Walang caption or text na nakalagay doon. It was aesthetically appealing to me. Sa susunod na story naman, he was taking a video of our hiking, only that it was just his shoes and his grainy filter. Nang iikot niya ang camera sa view, nahagip ako roon na hirap na hirap. I heard his laugh on the background.
The next story was a picture of the falls. Nakatalikod ako sa kanya, naka-one piece na itim, basa ang buhok habang pinipicture-an ko ang falls.
Tinago ko kaagad ang phone ko nang ilapag niya ang plato niya sa harapan ko. I stared at him for a few seconds and looked away when he smiled at me. I could hear my heart flutter.
"Saan tayo bukas?" Nakangiting tanong niya sa 'kin, excited.
"We can.. go to Mt. Makiling early in the morning to hike?" Suggest ko. "Hindi ako mahilig mag-hike pero parang gusto kong umakyat."
"Sure," tumango siya. "And then?"
"Uh, last day ko na bago bumalik sa Manila. We can.. I don't know. Go to EK?" Natawa ako sa suggestion ko.
"Enchanted Kingdom? The amusement park?" Nagtatakang tanong niya.
"Ewan. Hindi pa 'ko nakakapunta roon," pag-amin ko.
"Sure, let's go there."
Natahimik ako. Pagkatapos namin kumain, nag-banlaw na kami at umalis para pumunta sa panibagong destinasyon. We went to the Japanese garden just to roam around and relax. Kami lang ulit ang tao. We just walked slowly and quietly.
"Are you happy that I'm here?" He asked while we were walking.
Napatingin ako sa kanya pero nakapamulsa lang siya at nakatingin sa harapan. Umiwas ako ng tingin at tinanong ang sarili ko kung masaya ba 'kong nandito siya.
"Oo," I bit my lower lip. "It's good to have a.. friend around here. Nakaka-suffocate sa bahay."
"The travel was worth it, then," he gave me a small smile. "If you want to talk about it, I'm here."
Tumango ako. Hiro was too nice to everyone. Kapag kailangan siya, pinupuntahan niya agad, kahit fling or kaibigan. I noticed that about him. He was so.. giving. Kaya ang dali na lang bigyan ng ibang meaning ang mga actions niya kung hindi mo siya kilala.
"Masyado kang mabait, 'no?" Sambit ko at pinaglaruan ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Why?" Nagtatakang tanong niya. "I am?"
"Oo, kaya ang daming nahuhulog sa 'yong gago ka, e," natawa ako. "Ang dali dali mong magustuhan."
"Bakit? Gusto mo ba 'ko?" He laughed.
Umiling ako kaagad, defensive, kahit alam ko ang sagot sa sarili ko. Hindi kami nagsalita habang naglalakad. Nang ibaba ko ang kamay ko, tumama 'yon sa kamay niya. He chuckled at that and held my hand while walking. Napatingin ako roon nang kumalabog ang puso ko, pero iniwas ko rin.
Fuck, ano bang nangyayari sa 'kin?
We walked around and took some pictures for the memories.
"Ikot ka, this is a slow-mo," pang-uuto niya sa 'kin.
Nasa gitna kami ng parang tulay ngayon. Dahil naka-yellow dress ako, nang umikot ako, umikot rin ang palda ko. Tumawa ako pagkatapos at inayos 'yong damit ko. Hiro laughed while looking at the result.
"Ang pangit! I-delete mo 'yan, ha!" Sabi ko.
"Bakit? Maganda naman, ah," umatras siya at tinaas ang phone niya para hindi ko ma-delete 'yon.
"Nakakadiri! Mukha akong gago!"
Hindi niya 'ko hinayaang ma-delete 'yon kaya sumuko na lang din ako. He held my hand again while we were seated on the steps of the stairs, nagpapahinga. Nakatingin lang ako sa malayo at natauhan nang ayusin niya ang buhok na humaharang sa mukha ko.
"You're different when you're.. here," pansin niya. "You look.. softer."
"Softer?!" Singhal ko kaagad. "Anong sinasabi mo? Parehas lang naman, ah."
"I don't know," he shrugged. "You looked more sensitive to pain, maybe because no one's around except your family, so you don't have this facade," he gestured on his face.
"I don't have a facade," tanggi ko kaagad.
Tumahimik siya at pinaglaruan ang kamay ko. My heart fluttered again when he softly rubbed his thumb on my hand and squeezed it a bit. I stared at it before my gaze turned to him. Napabaling siya sa 'kin nang makitang nakatingin ako sa kanya.
He also stared at me for a few seconds before holding my chin with his other hand. My lips parted when he leaned and gave me a soft kiss.
Matagal kami sa ganoong ayos, until he moved and sucked on my lips softly. His hand caressed my face and kissed me more. His feathery kisses made me weak. He stopped to stare at my eyes. Then, he looked away. Napa-ayos din ako ng upo at natahimik.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang binabalot kami ng awkward na atmosphere. He fake coughed and stood up. Bumaba pa siya nang ilang steps para i-alok ang kamay niya sa 'kin.
"Let's go?" He gave me a small smile.
Tumango ako at humawak sa kamay niya bago kami naglakad pababa.
Nang makarating sa bahay, chinika na naman siya ni Tita. Si Mama, umalis na naman kaya tatlo lang kaming kumain. Pagkatapos, umakyat na 'ko at nag-ayos. Sumunod na rin si Hiro at nang siya na ang naliligo, inayos ko na ang hihigaan niya sa sahig.
Nag-latag ako ng foam at nilagyan 'yon ng bagong bed sheet. Binigyan ko rin siya ng dalawang unan at kumot bago ako umakyat sa kama ko. Single bed lang ang kama ko kaya hindi kami kakasya rito.
Pumasok si Hiro sa kwarto, pinapatuyo ang buhok niya gamit ang twalya. He was wearing his greay sweatshorts and white shirt. Sinara niya ang pinto at tumingin sa kama niya sa sahig.
"Okay lang ba sa 'yo?" Tanong ko at tinuro ang sahig.
"Of course, Yanna," he chuckled and sat on the foam.
Tumayo ako para buksan ang lamp. Pagkatapos, pinatay ko na ang ilaw kaya dumilim. Nakabukas na rin ang aircon para hindi siya mainitan.
Tumayo siya ulit para i-sabit ang basang twalya sa may upuan. Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame, binibilang na ata kung ilang alikabok ba ang naroon.
"Are you asleep?" Tanong niya pagkatapos nang ilang minuto.
"Hindi," sagot ko. "Hindi ako makatulog."
It was awkward for me! Mas mabuti pang nagse-sex kami kaysa magkasama kami sa kwarto ko, magkahiwalay ng kama, at tahimik. Hindi ko pa siya nakikita dahil nasa sahig siya.
"Do you want to kiss?"
Nanlaki ang mga mata ko at umayos ng upo sa kama ko. Nakaupo lang din siya at nakasandal ang likod sa side table.
"Uh, sige," umiwas ako ng tingin. "Huwag ka lang maingay, baka magising si Tita."
Natawa siya sa sinabi ko dahil para kaming mga teenager na nagtatago. He stood up and sat on my small bed. Umusog ako para magkasya kami rito.
Umusog siya ulit at nang humarap ako sa kanya, he held my nape and kissed me softly, different from how we used to kiss before. Napahawak ako sa balikat niya habang dinadama ang halik niya sa 'kin.
He stopped kissing my lips to give feathery kisses on my neck. I bit my lower lip and held on his shoulders for support. I craned my neck to give him more access. I was getting tickled by his soft kisses.
His kisses went back to my lips again. Bumaba ang kamay ko mula sa balikat niya, papunta sa dibdib niya at hinaplos siya hanggang sa baba niya. He chuckled and kissed me harder this time, his hand massaging my boobs.
"Shush," he whispered on me when I moaned. "I did not lock the door."
Napatakip ako sa bibig ko nang ipasok niya ang kamay sa loob ng shorts ko at hiniga ako sa kama. He hovered on top of me and without warning, his finger entered my wetness. He kissed me to stifle my moans.
"Kiss lang ba 'to," nahihirapang sabi ko sa kanya habang nararamdaman ko ang pinipihit na puson ko.
He smirked and kissed my lips again. The way his fingers destroyed my insides was the complete opposite of the way he kissed me. It was soft and passionate. I bit my lower lip when I felt my release.
Hinatak niya ang binti ko hanggang sa dulo ng kama para hubarin ang shorts at panty ko, then he kneeled and cleaned me with his tongue. Napasabunot ako sa kanya habang dinadama ang dila niya sa loob ko.
"Go inside," nanghihinang utos ko.
"Are you sure?" Nagtatakang tanong niya.
"Please," I begged.
He reached for the door to lock it before taking his shorts and boxers off. In a minute, he was already inside me again, pounding on me.
"Shhh," kinurot ko ang braso niya nang bilisan niya dahil naririnig ko ang pag-sampal ng balat naming dalawa.
"Sorry," he chuckled and gave me slow but hard thrusts.
He was hovering on top of me and thrusting himself inside me. He kissed my lips again and sucked on it. He gave a one last hard thrust before he spilled inside me. I felt my release along with him.
Inabot niya ang tissue sa side table para linisan kami pareho. Bumagsak ang katawan niya sa 'kin pagka-suot niya ulit ng boxers at shorts niya kaya naramdaman ko ang bigat niya. I laughed and pushed him away.
"Doon ka," bulong ko. "Ang bigat mo."
"Doon ka. Palit tayo," he joked. "I like here in your bed."
Hinampas ko ang balikat niya para lumayas na siya sa taas ko. Gumulong siya sa gilid ng kama at nanatiling nakahiga sa tabi ko habang sinusuot ko pabalik ang panty at shorts ko.
"Hoy, doon k-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makitang nakapikit na siya at natutulog.
Napabuntong-hininga ako at humiga na lang, nakaharap sa kanya at nakatingin sa mukha niya. He reached out for me and pulled me closer by my waist. Kumalabog ang dibdib ko nang isandal niya ang ulo ko sa may dibdib niya, hinahaplos niya ang buhok ko.
"Sleep," he whispered. "Don't stare at me."
Tumawa ako at hinampas lang ang dibdib niya. Umayos ako ng higa at uusog na sana paalis pero hinatak niya 'ko ulit at niyakap. I bit my lower lip as I inhaled his manly scent.
"Don't think. Just sleep. Think about it tomorrow," he whispered and tapped my shoulders.
Tangina, talo na nga 'ko.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top