08


"Wala ako sa mood uminom. Kayo na lang." 


Naging busy ako for the past few weeks at halos lahat nagpaplano na kung saan sila pupunta ng short break. Napag-usapan na rin namin nila Luna kung saan pero wala akong masagot dahil nga wala naman talaga akong plano kundi umuwi ng Laguna. Buti pa sila ng nilalandi niya, magbo-Boracay. Ang dami nilang pera. 


Hindi pa kami nagkikita ulit ni Hiro sa kadahilanang iniiwasan ko siya at inaabala ang sarili ko sa iba't-ibang lalaki. Nag-uusap pa rin naman kami sa text pero hindi talaga mag-tugma ang 'schedule' namin dahil busy din siya sa mga inaaral niya at siguro, sa mga babae niya. Ang daming balita ni Sam, e. 


Sulit na sulit niya ang hindi pagiging exclusive! 


"Bakit wala ka sa mood?" Ngumuso si Kyla. "Sige na, Yanna! Sumama ka na lang, kahit hindi ka uminom! Libre ko pa naman! Birthday ko, o! Sa exclusive inuman tayo! May swimming pool!" 


"Daming bigay ng sugar daddy, ah," pang-aasar ko habang nakadapa sa kama at nagbabasa. 


"Gago!" Tumawa siya at hinampas ako ng unan. "Si Bri, hindi umiinom, pero sasama! Sige na!" 


Napabuntong-hininga ako at tumango na lang. Bakit ba kasi ang kaladkarin ko? Gustong-gusto nila 'kong inaaya kasi oo ako nang oo! Okay na rin naman dahil kailangan ko ng distraction. Hindi na 'ko masyadong busy noong mga nakaraang linggo, e. 


"May pogi?" Tanong ko sa kanya. 


Hindi ko naman kilala lahat ng iimbitahin niya, e. Siguradong-sigurado rin naman ako na wala si Hiro dahil hindi naman sila magkakilala. 


"Ewan ko sa 'yo! Tayo-tayo lang din naman inimbita ko!"


By tayo-tayo, she means our circle of friends? Ano ba 'yan, ang boring! Sabi nang hindi ako pumapatol sa kaibigan, e! Nagbago na tuloy ang tingin ko ngayon kay Hiro dahil sinabi kong pwede kaming maging magkaibigan. Parang gusto ko na siyang layuan. Parang bawal. 


Tinatamad ako pero noong kinagabihan, naligo na 'ko at nag-ayos ng gamit. Ang sabi ay may pool. Parang pool club siya kaya nag two-piece akong kulay puti sa loob at nag-ripped maong shorts. Sa pantaas ay off-shoulder lang na black kaya kita ang string ng two-piece na nakatali sa may leeg ko. Bri braided my hair like Rapunzel's. Nag-makeup din ako para hindi naman ako magmukhang pale. 


"Nakakaluwag-luwag ka ngayon, ah," pang-aasar kaagad ni Chris kay Kyla nang sunduin kami sa tapat ng dorm. Siya ang may sasakyan, e. 


"Yanna, ikaw na sa shotgun seat," tulak sa 'kin ni Ky. 


Umirap ako at lumipat sa harapan. Hindi kami masyadong nag-usap ni Chris simula noong halikan ko siya club kaya nagkatinginan kami pagkasakay ko. Agad din naman siyang umiwas. 


"Baka naman mayayaman ang mga naroon!" Sabi ni Brianna, nag-aalala. 


"'Yon nga ang maganda," ngumisi ako. "E'di landiin mo. Bibigyan ka non ng maraming alak." 


"Ganoon ba 'yon?" Inosenteng tanong niya kay Kyla. 


"Hindi ko alam. Si Yanna lang ang expert sa landian dito kaya siya na lang ang bahalang kumuha ng maraming alak," ginamit pa 'ko ni Kyla. 


"Ako na bahala," sabi naman ni Chris. "Ako na magbabayad kapag may kulang." 


Kinatyawan kaagad siya ni Kyla na tuwang-tuwa, inaasar siyang burgis daw. Hindi ako nagsalita at nag-tingin ng Instagram stories ng mga taong nasa pool club na pupuntahan namin para tignan ko kung maganda ba 'yong lugar. 


Napakunot ang noo ko nang makita ang IG story 1 hour ago ng pamilyar na pangalan sa 'kin. Tinignan ko pa ang profile at tama nga akong si Shan 'yon! 'Yong party boy na kaibigan ni Hiro! Kinabahan kaagad ako dahil baka naroon din siya! 


"Ayoko nang sumama," sabi ko kay Kyla. 


"Anong ayaw mo na?! Nandito ka na, oh! Manahimik ka na nga lang, Yanna!" 


Hindi na 'ko nagtaka nang pagkapasok namin, rinig na rinig ko ang ingay ng mga tao sa isang table, mas maingay pa sa tunog. It was outdoor kaya medyo mainit. Mabagal akong naglakad para masuri ko kung sino ang nasa tatlong couch na nirentahan ng mga kasamahan ni Shan. I saw some familiar faces but Hiro wasn't there. Nakahinga tuloy ako nang maluwag. 


Nauna pa ang mga bisita ni Kyla. Halos lahat nga ay kilala ko pero medyo marami-rami 'yon. It was around 20-30 people. Naroon din sila Dennis kaya lumapit ako para umapir. 


"May bilyar table doon," bungad niya kaagad sa 'kin. 


Lumingon ako at nakitang mayroon ngang parang maliit na veranda sa may likod. Naka glass wall at may sliding door lang dahil naka-aircon ang loob. Wala masyadong naglalaro dahil wala masyadong tao rito. Puro mga teenager lang din at iilang foreigner. 


"Mamaya," sabi ko at umapir kila Jake bago naupo. "Pagaling ka muna, Dennis." 


Dumating na ang mga alak kaya nag-inuman na kami roon. Nang maka sampung shot na, inaya ko na sila Dennis sa bilyaran, dala-dala ko ang isang bote ng beer ko.


"O, Chris! Bakit andito ka? Mag-bibilyar ka rin?" Tanong ni Kevin.


Napataas ang tingin ko kay Chris na pumasok sa loob habang sumasargo ako. Hindi ko siya pinansin at tinira ang puti. Parang mga tangang nag-palakpakan sila Dennis nang ma-shoot ang apat na stripes. 


"Magaling ka pala mag-bilyar, Yanna," sabi ni Chris at naupo roon sa bench. 


"Maliit na bagay," mayabang na sabi ko at tumuwad ulit. 


"Yanna, patirahin mo naman kami!" Reklamo na ni Jake nang ma-shoot ko na naman ang dalawang bola. 


"Patirahin saan?" Ngumisi ako.


"Gago! Hindi tayo talo!" Pinakyu niya 'ko kaagad. 


Tumawa lang ako at pinasa sa kanya ang cue stick kahit turn ko pa. Kawawa naman, e. Dalawa na nga silang against sa 'kin, hindi pa makakatira. Umupo muna ako sa bench at uminom ng beer. 


"Gusto mo pa ng beer? Kuhanan kita?" Offer ni Chris sa 'kin.


Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya, sunod sa beer ko na kalahati pa lang ang nababawas. 


"Mamaya na," maikling sagot ko. "Hoy, tangina ka, Jake! Kanina ka pa bad shot, ah!" 


Tumayo kaagad ako at inagaw sa kanya ang cue stick. Tinawanan niya lang ako dahil nahuli ko siyang dinadaya ako. Pinalagpas ko na lang 'yon dahil nakakaawa sila. Nandaya na nga, tatlo pa lang ang nashoshoot. 


Nadistract ako habang sumasargo nang pumasok sila Shan, nagtatawanan at maiingay. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Hiro. Bago pa magtama ang tingin namin, binalik ko ang tingin ko sa bola at tinira 'yon. Nagpalakpakan na naman ang bobong sila Dennis kaya nakaagaw ng atensyon kila Shan. 


Nakatalikod lang ako sa kanila para hindi nila 'ko makita pero ang hirap tirahin ng puti sa pwesto ko kaya lumipat ako ng side. Tumuwad ulit ako para sumargo pero naramdaman kong may nakatingin sa 'kin kaya napabaling ako kay Hiro. 


Tinaas niya ang hawak niyang baso at ngumiti sa 'kin para batiin ako. Binalik ko ang ngiti sa kanya bago tirahin 'yong bola. Lumipat ako sa kabilang side at hindi na binalik kila Kevin ang cue stick dahil tinapos ko na kaagad ang laro.


"Napakaduga, Yanna! Huwag ka na ngang sumali!" Sabi ni Dennis.


"O sige, kayo muna," sabi ko at umupo na lang sa bench.


"Paturo ako mag-bilyar," tumayo si Chris at kumuha ng cue stick. "Sali ako." 


Napataas ang kilay ko sa kanya habang umiinom ng beer. Lumapit naman si Dennis para turuan siya pero sa 'kin siya nakatingin na parang tinatanong ako kung tama ba ang ginagawa niya. Umiwas ako ng tingin at napabaling kila Shan na naglalaro ng bilyar sa kabilang table. 


Nakaakbay si Hiro sa isang babaeng hindi ko kilala habang nakahawak ito sa bewang niya habang tumatawa sa tira ni Shan dahil tumalbog 'yong bola. Napatingin sa 'kin si Hiro nang mapansing pinapanood ko sila kaya umiwas ako ng tingin. 


"Go Lyla!" Kantyaw nila sa kalandian ni Hiro nang ito na ang titira. 


Tinago ko ang ngiti ko habang umiinom ng beer nang tumalon 'yong bola at nahulog sa sahig kaya napasigaw sila at nagtawanan. Parang napahiya 'yong babae at maarteng bumaling kay Hiro habang nakanguso pa. Hiro leaned to give her a soft kiss while smiling. Napaiwas kaagad ako ng tingin, pakiramdam ko ay hindi ko dapat nakita 'yon.


"Yanna, tama ba 'to?" Napabalik ang tingin ko kay Chris. 


Tumayo na lang ako at lumapit sa kanya para turuan siya. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan at i-pwesto 'yon habang bumubulong ako sa kanya. Napaayos ako ng tayo nang may tumuwad na babae sa likod ko kaya natulak ako. Irita akong lumingon at nakita 'yong kalandian ni Hiro. 


"Sorry!" Ngumiti siya sa 'kin bago tumuwad ulit. 


Pinaglagpas ko 'yon pero naulit na naman kaya irita na 'kong humarap sa kanila. Napansin din nila Dennis na parang sinasadya kaya tumitig din sila sa kabilang table, seryoso ang mukha at mukhang naghahamon na ng away. 


"Hoy," hinatak ko ang braso niya para mapaharap siya sa 'kin. 


Nagulat siya sa ginawa ko at agad lumingon. Lumipat ang tingin niya sa mga lalaking kasama ko at bahagyang natakot kaya napaatras. 


"Nananadya ka ba?" Mataray na tanong ko. 


Napatahimik kaagad sila roon at napalingon sa gawi namin, tinigil ang pagbibilyar dahil halata sa boses ko ang pagka-pikon. 


"H-huh?" Inosenteng tanong niya sa 'kin at niyakap pa ang cue stick.


"Anong huh? Hindi ako tanga. Kanina mo pa 'ko binubunggo," tinaasan ko siya ng kilay. 


"Hala.." Nakita kong naluluha na siya at lumingon kay Hiro. "Babe, inaaway ako.." 


Napairap kaagad ako. "Napakaarte mo," sabi ko at tumalikod na ulit. 


Wala akong pakialam kung magalit si Hiro sa 'kin. Kapag napipikon ako, sinasabi ko talaga! Kung ayaw nila ng away, aba, lumayo-layo sila sa 'min! Akala mo naman mga magagaling mag-bilyar. Ang tatanga naman. 


"Hayaan mo na," inakbayan ako ni Chris. 


Ngumiti lang ako sa kanya at uminom sa beer ko habang pinapanood si Kevin sumargo. Hindi na inalis ni Chris ang kamay sa balikat ko at sumandal na lang ako sa dibdib niya. 


Naglaro ulit ako pagkatapos kay Kevin at tuwing tumitira ako, napapalingon ang mga kaibigan ni Hiro sa table namin at pinapanood akong mag-bilyar. Nag-bulungan pa kung paano ko raw ginagawa 'yon dahil gagayahin daw nila. Seryoso lang na nakatingin si Hiro sa 'kin at mukhang hindi pinapakinggan ang sinasabi nung nilalandi niya. 


"Balik na muna 'ko," napagod din ako mag-bilyar kaya bumalik na 'ko roon sa table. Sumunod naman si Chris sa 'kin. 


Nagsi-swimming na sila kaya inubos muna namin ni Chris 'yong dalawang bote ng Cuervo habang nagkekwentuhan bago namin napag-desisyunang mag-swimming. I took my shirt off and my shorts before jumping on the pool. Kinantyawan naman ako nila Kyla pagka-ahon ko. 


"Yanna!" Sumunod si Chris at lumangoy papunta sa 'kin, wala nang suot pantaas. 


He snaked his arm on my waist and I put my arms on his neck, laughing. Napatitig siya sa 'kin bago ako hinalikan. Napangisi ako habang nakikipaghalikan sa kanya sa pool pero huminto rin ako nang magsawa. 


"Hi gorgeous," bati sa 'kin nung Amerikano sa isang cocktail table pagka-ahon ko, basang-basa pa ang katawan ko.


"Hi!" Agad akong lumapit sa table nila para makipag-kaibigan, at manghingi na rin ng alak. 


After a few minutes, I was already making out with the shy foreigner. Bumaba ang kamay niya sa pwetan ko dahil naka-bikini lang ako. I tiptoed so I can kiss his neck. 


"Yanna!" Napalingon ako nang hatakin ako ni Chris sa braso. 


"Huh?" Nagtatakang tanong ko dahil mukhang galit siya ngayon sa 'kin. 


Napatingin din tuloy ang ibang tao sa kanya sa lakas ng boses niya. Natanaw ko pa sila Hiro na bumalik na pala sa table nila at narinig din 'tong si Chris kaya pinapanood kami. Nakakahiya. Ako ang nahiya para sa kanya. 


"What the fuck are you doing?!" Sigaw niya sa 'kin. 


Nanlaki ang mga mata ko at nahihiyang lumingon sa paligid. He was fuming mad! Nakita ko pa ang natatawang pag-ngisi ni Hiro nang marinig 'yon. 


"Hahalikan mo 'ko, tapos hahalik ka ng iba!" Reklamo niya.


"What is he saying?" Tanong nung foreigner sa 'kin.


"He said he wants more beer," pag-translate ko.


"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin?!" Pagpupumilit niya, mukhang galit na talaga. "Nandito na nga ako, naghahanap ka pa ng iba!" He looked like he was going to cry.


"Hoy, ano ba, lasing ka ba?" Bulong ko sa kanya habang conscious na lumilingon sa paligid. 


"Yanna, ayoko nang maging magkaibigan tayo. Pwede mo na 'kong patulan," mukha na siyang nagmamakaawa ngayon. "Huwag mo lang ako paasahin.."


"Here. More beer," inabot sa 'kin nung foreigner 'yong apat na bote ng beer. 


Pinigilan ko ang tawa ko at kinuha 'yon para ilapag sa table namin. Sumunod naman sa 'kin si Chris na mukhang iiyak na talaga. 


"Yanna, I like you," sambit niya. 


Nagulat ako roon at lumingon sa kanya habang binubuksan ko 'yong bote ng beer, hindi nagsasalita. 


"Simula nung halikan mo 'ko sa club na 'yon, hindi ka na matanggal sa isipan ko," bumuntong-hininga siya. "Sorry.."


"Chris," hindi ako makapagsalita. 


A friend never confessed to me like this before! Sanay akong i-turn down ang mga flings ko pero pagdating sa kaibigan, parang nahihirapan ako! Ano bang sasabihin ko? 


"Alam mo namang.. hindi ako nagseseryoso," ngumiti ako nang alanganin sa kanya. 


"Kahit kaunti lang ba, Yanna, wala kang maramdaman sa 'kin?" Mukha na siyang kawawa ngayon. Naawa ako. 


"Wala, sorry," tinapik ko ang balikat niya. 


"E, bakit mo 'ko hinalikan? Bakit mo hinawakan kamay ko? Bakit hinahayaan mo 'kong akbayan ka at bakit sumasandal ka sa dibdib ko? Lahat 'yon, wala lang sa 'yo?" 


Napaisip ako kaagad kung dapat bang may meaning 'yon. Ganoon ba 'yon? May gusto ka ba sa tao kapag ganoon? Wala naman akong maramdaman sa kanya. 


"Wala," sagot ko. "Sorry, Chris."


Hindi siya nagsalita nang ilang segundo. Pagkatapos, bigla na lang siyang tumalikod sa 'kin at naglakad paalis. Napakurap ako sa gulat dahil sa nangyari. Napabalik lang ako sa katinuan nang lumapit sa 'kin sila Kyla, tinatanong kung anong nangyari. 


"Tangina ni Chris, eksena sa birthday ko!" Inis na sabi ni Kyla. 


Hindi ako nagsalita at napainom na lang sa beer ko, naguguluhan sa nangyayari. Napabuntong-hininga ako at inalok ako ni Dennis ng yosi. Kumuha ako ng isa at inabot niya sa 'kin ang lighter. 


"Yosi lang ako," paalam ko at naglakad paalis, suot-suot na ang shorts ko.


Pumunta ako sa side na walang tao, sa pinakalikod at pinakagilid. Sumandal ako sa pader at sinindihan ang yosi ko, malalim ang iniisip. 


"Hey," napalingon ako kay Hiro. 


Hindi ako nagsalita at pinanood ko lang siyang lumapit. Umupo siya sa steps ng hagdan sa tapat ko at sinandal ang braso sa tuhod, nakatingin sa 'kin. He was wearing black shorts and a black button-down polo shirt na nakabukas, revealing his white shirt inside. 


"O, ano? Mang-aasar ka?" Inunahan ko na siya. 


"No," he chuckled. "You smoke?" 


Napatingin ako sa yosi sa pagitan ng daliri ko. Nakakadalawang higop pa lang ako, parang gusto ko nang itapon. Matagal na 'kong tumigil at hindi naman 'yon maraming beses. Ngayon ko lang ulit ginawa. 


"Ngayon lang," sabi ko. "Nag-confess bigla 'yong kaibigan ko, e." 


I saw him looking on the other side, not wanting to smell the smoke so I stopped. Inupos ko ang dulo bago ko tinapon sa basurahan. Nilabas ko ang candy ko at nilagay sa bibig ko.


"Bigla na lang siyang sumabog nang ganoon, e ngayon ko nga lang ulit siya hinalikan. Ni hindi nga kami umabot sa kama, e. Ang gulo," napailing ako.


"Yeah, annoying, right?" He chuckled. "'Yong naglalaro ka lang tapos sasabihing nahulog sa 'yo. Hassle." 


I stared at him for a second when I felt something on my chest. I suddenly remembered Samantha's words.


"Yeah," tumango ako. "Nasaan na 'yong ka-date mo?" I changed the topic. 


"Oh, same case. I rejected her earlier when she started saying that she's already falling inlove with me," he shrugged. 


"Hindi mo ba naiisip na tayo 'yong mali? Na pinapaasa natin sila?" Curious na tanong ko sa kanya. 


"Flings are just flings, Yanna," he sighed. "I made sure I was clear on that before I even started flirting with her. How was that my fault?" 


I bit my lower lip and looked away.


"Ewan ko," I shrugged. "Hindi naman natin sila masisisi, e, kung mahulog sila. Hindi naman sila mali. It's normal. Dapat pala hindi ako naging harsh." 


"At least you were straight to the point."


Natahimik kaming dalawa dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Uminom siya sa beer na hawak niya habang nakatingin sa malayo, nag-iisip.


"How's your relationship with Giselle?" Tanong ko. 


Napabalik ang tingin niya sa 'kin. 


"We're fine. We're friends and we're still hanging out," he shrugged. "Pero hanggang doon lang." 


"Si Elyse?" Nagtatakang tanong ko. 


Napataas ang kilay niya. "You do know that.. Elyse is young, right?" 


Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam 'yon. Sa buong pagkakaalam ko ay magka-batch lang sila o kaya magkaklase kaya sila close! 


"She's in college," sambit ko.


"Yeah, but she's only 17. 1st year college," Hiro laughed. 


"Bakit kayo close?" 


"Oh, you don't know?" Gulat na sabi niya ulit. 


Obvious ba? Ano bang alam ko sa kanila? 


"She's Shan's sister," pagpapaliwanag niya. 


"Huh?!" 


"Yeah, half-siblings, though. They don't really live together because Shan has his own condo."


Oh god, she was a minor, too! Pinagsisisihan ko nang pinag-isipan ko silang dalawa ni Hiro nang masama. 


"She has a little crush on me," Hiro chuckled. 


"Alam mo? Sinabi sa 'yo?" Nagtatakang tanong ko.


"No, but I know when someone likes me," he smiled at me. 


"You go out together. Ipapakulong kita!" Pag-aakusa ko kaagad.


"I swear to God, I never did something to her. Besides the fact that she's not my type and clearly, she's a minor, Shan will murder me in my sleep," he chuckled again. "Tsaka kapag lumalabas kami, we're usually with our friends. She's like our little sister, you know."


Little sister-zoned. Natawa tuloy ako. Poor kid. Mukhang si Hiro ang first love pero rejected kaagad. 


"Are you drunk?" Tanong niya sa 'kin. 


"No," umirap ako. Anong tingin niya sa 'kin? Low tol? Uminom ako pero hindi ako madaling malasing, 'no. 


"Do you want to.." He trailed off. 


Napangisi ako at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? Miss mo 'ko?"


"To pray?" Dugtong niya. 


Minura ko siya at tumawa bago ako umayos ng tayo. Kinuha ko sa bulsa niya ang susi ng kotse niya at ako na ang naunang maglakad paalis. 


"Ah! Shit!" 


I moved my hips on top of him and he guided me deeper. Binilisan ko pa ang pag taas-baba ko sa taas niya hanggang sa maramdaman kong pinipihit ang puson ko. He started giving me sloppy kisses until I felt my release.


Hingal na hingal ako nang labasan ako, nakakapit pa sa balikat ni Hiro. Bumuntong-hininga rin siya at naramdaman ko ang init niya sa loob ko. Inabot niya kaagad ang tissue para linisan kaming dalawa. 


My OB already gave me a go since nagte-take na 'ko ng pills. Pwede nang bare. 


"I missed you," he whispered while kissing my neck. 


Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya bago ako nag-suot ulit ng bikini ko at shorts. Binalik niya na rin ang boxers at shorts niya. 


Bababa na sana kami ng sasakyan nang tumunog ang phone niya. Sinagot niya kaagad nang makitang si Giselle 'yon.


"Hey, what's up?" Casual na tanong niya habang inaayos ang belt, nakaipit ang phone sa balikat. "Yeah, I'm with the boys." 


Tahimik kong tinali ulit sa leeg ko ang bikini ko habang kausap niya si Giselle. Images of her flashed on my head. Sobrang ganda talaga ni Giselle. Bukod sa itsura niya, balita ko ay maganda rin daw ang ugali niya. Mabait at elegante, kaya hindi mahirap magustuhan. 


"You're outside my unit? Why?" Gulat na tanong ni Hiro. "Okay, give me around 20 to 30 minutes." 


Lumingon sa 'kin si Hiro at ngumiti lang ako sa kanya. He ended the call and gave me a meaningful look.


"I need to go," sambit niya. "I'm sorry." 


"Okay lang," tumango ako. "Why are you saying sorry?"


"I don't know. I just feel bad that I have to leave you here after.." He couldn't say it. 


"After sex?" Diretsong tanong ko. "Well, duh, Hiro, we're fuck buddies. Ano bang ineexpect mo? Magcucuddle tayo? Mag i-i love you-han?" 


"I did not say that," seryosong sabi niya. "And I clearly don't want that, Yanna. We're friends."


Napatingin ulit ako sa phone niya nang tumawag ulit si Giselle. He stared at me for a few seconds before answering the call. 


"Hey," his answered softly. "Yes, I'm on my way. Are you sure you're okay?" 


"Sige na, umalis ka na," tumango ako at bumaba na ng sasakyan, hindi na hinintay ang sasabihin niya. 


Wala na ang sasakyan niya sa harapan ko pero narito pa rin ako, nakatayo, hindi alam kung gaano ako katagal nakatulala. I knew I was zoning out but I was too clouded by my own thoughts, my face started to heat. 


I was pre-occupied when I texted Sam to pick me up. Umupo muna ako sa steps ng maliit na stairs sa may likuran ng club, malapit sa parking, hinihintay si Sam na sunduin ako. Brianna went out to give me my things and I just gave her a small smile. 


Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala nang huminto ang sasakyan ni Sam sa harapan ko. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan para pumunta sa 'kin.


"Hey, what happened?! Are you okay?! Sino nang-away sa 'yo?! Ha?!" Sam was ready to fight someone.


Tumayo ako at sumakay sa sasakyan niya. Umikot siya para sumakay rin sa driver's seat, nagtataka pa rin kung bakit ako biglang nagpasundo. 


"What? Did someone hurt you?!" She continued. "Give me the name and I will-"


Tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko at napatakip na lang ako sa mukha ko habang umiiyak sa harapan niya. Samantha stopped talking when she heard me crying. It was probably her first time hearing me cry like this. 


"Yanna.." Hindi alam ni Sam ang sasabihin.


Hinawakan niya ang braso ko para hatakin ako palapit. She hugged me and I started crying harder on her shoulders. 


"Shush," hinagod niya ang likod ko, pinapatahan ako. "Why? What's wrong? Why are you crying?" 


Umiling ako habang pinupunasan ang luha ko, pero tuloy-tuloy lang silang tumutulo. Ang sakit ng dibdib ko, parang hindi ako makahinga. Ang bigat bigat sa pakiramdam. 


"Wala," I whispered. "Wala 'to, Sam." 


I looked at my phone when it beeped. My vision was a blur but I managed to read Hiro's text. 


From: Hiro

I'll get you the video greeting that you want from Giselle :) 


I bit my lower lip and my tears started to fall on the screen while typing. 


To: Hiro

Weh?! Thank you! Send mo agad!


Napabuntong-hininga si Sam nang makitang tumutulo pa rin ang luha ko. Napailing siya habang nakatingin sa harapan, mukhang galit. 


"Get out of that deal before it's too late," sambit ni Sam.


Para ko na ring tinanggap na talo ako kapag ginawa ko 'yon. Napangiti ako nang mapait.


"No," umiling ako kaagad. "Ayoko, Sam."

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top