07


"Mas malayo 'yong sa 'kin!" 


Tumawa ako at tinanaw ang maliit na batong binato niya roon sa malalim na dagat. Tipsy na ata kami pareho kaya kahit ito, tinatawanan pa namin. Ang babaw na ng kaligayahan ko rito, e. Kanina pa kami bumabato ng maliliit na bato or ibang pebbles na nakikita sa may buhanginan, nagpapalayuan. 


Nang mapagod, umupo na lang ulit ako sa buhanginan at tumabi naman siya sa 'kin. Tinungga ko 'yong wine habang nakatingin sa malayo. This was one of the most peaceful nights I had. I never laughed like this before. I was never this happy before. 


"Napag-isipan mo na ba kung babalikan mo si Giselle?" Curious na tanong ko. "Naalala ko sinabi mo sa 'kin kahit lasing ako." 


He gave me a small smile and sighed heavily. Hindi siya sumagot at kinuha lang sa 'kin ang bote para siya naman ang mainom doon habang ang isang kamay ay nakatungkod sa likuran, sinusuportahan ang bigat niya. Magulo na ang buhok niya dahil hinahangin 'yon at ang limang butones ng polo ay nakabukas na dahil nainitan. 


"I already told you, I don't have a choice," sagot niya at binalik sa kamay ko ang bote. 


"What you felt with her.. What kind of love was that? Calming? Aggressive? Mad? Puppy love?" Curious na tanong ko.


I feel like I have never actually loved someone seriously. My exes were all puppy love. I thought it was love but it turned out that it was not. I only know love from the movies. Ang labo ng pag-ibig para sa 'kin. It was something foreign to me. 


"It was the same," he shrugged. "I had girlfriends before but the love I felt.. it's all the same. I don't know what you're talking about." 


"Maybe you can't differentiate it because you haven't felt a different kind of love yet," sambit ko pagkainom ko sa bote. 


"Why do you want to talk about love? Do you know anything about it?" Tinaasan niya 'ko ng kilay. 


"Ang alam ko lang, nababaliw ang mga tao sa pag-ibig na 'yan," umirap ako. "Hindi ko makita ang sarili kong nagmamahal nang seryoso, alam mo 'yon? Ang labo sa 'kin, e. Para sa 'kin, basta masarap at masaya ako, okay na. That's why I'm only capable of having sex."


"Sex is different when you do it with the one you love," mayabang na sabi niya dahil may experience siya. 


"Anong pinagkaiba? It's all just giving and receiving pleasure," pakikipagtalo ko naman. 


"It's.. different. Basta, ang hirap ipaliwanag. It's a different kind of intimacy. I hope you can experience it soon so you would know the feeling." 


I called bullshit on that one. Ano bang pinagkaiba non? Pare-pareho lang naman lahat ng experience ko at wala namang kakaibang feeling sa mga 'yon. Hindi ko maintindihan. Wala naman kasing nagpapaintindi sa 'kin. 


"Hanapan mo kasi ako ng jowa," napailing ako.


"You said you don't do boyfriends, remember?" Tumaas ang kilay niya sa 'kin. 


"E, parang gusto ko na! Wala ka bang marereto dyan?" Pagbibiro ko.


"Let's see," nilabas niya ang cellphone niya at naghanap ng mga finofollow niya sa Instagram. "I won't recommend Shan because he's a playboy." 


"Hindi ko siya type," agap ko. 


"How about him?" Pinakita niya sa 'kin ang picture ng kaibigan niya. "Ikaw na. You choose." 


Binigay niya na sa 'kin ang phone niya para ako na ang maghanap. Para namang naging dating app ang following niya sa Instagram tapos papindot-pindot na lang ako at swipe. I browsed some. May mga tipo ako roon pero halos lahat ay may girlfriend na! 


"Si Zach?" Tanong ko. "Wala namang girlfriend diba?" 


"Hmm," nag-isip siya. "Wala ata. Bakit ba siya ang gusto mo? He's stupid." 


Sinamaan ko siya ng tingin. Bobo raw si Zach?! Napaka-judgmental talaga nito! Kaibigan niya pa naman 'yon at backstabber siya! Gwapo naman si Zach, e. Model pa siya kaya may career. Mahihirapan nga lang ako kasi nga busy at medyo sikat siya rito. 


"He's close with Giselle. I can talk to her if you really want him," he shrugged. 


"Sabi mo hindi niya 'ko type," umirap ako habang nag i-iscroll pa rin.


"I lied. It's not that hard to like you." 


"So you like me?" Pinang-singkitan ko siya ng mata. 


"As if," he scoffed and drank on his wine. 


Tumawa lang ako at binalik ang tingin sa phone niya. While I was scrolling through his following, a message popped up. Agad akong napatingin doon at nakita ang message ni Giselle. 


'Dinner tomorrow night. Don't forget! :)' 


"Nag-text ex mo," ngumiti ako sa kanya at binalik ang phone sa kanya.


Kinuha niya naman 'yon at binasa ang text. Habang nagty-type siya, kinuha ko ang bote ng wine at tumingin na ulit sa dagat habang umiinom. 


Naubos ko na ata ang bote ay hindi pa siya tapos kaka-type dahil tumagal ang usapan nilang dalawa. Natatawa pa siya minsan kapag may sinasabi si Giselle sa text kaya napapangiti siya. Umiwas ako ng tingin at uminom na lang ulit. 


I envy people who are inlove. At least they experience that. 'Yong maliit na bagay lang napapatawa ka na o napapangiti ka na. Bigyan ka lang ng keychain o ano, masaya ka na. It was all about the little things they do. 


Nang binaba na niya ang phone niya, lumingon na ulit ako sa kanya. He looked at me and smiled, looking happy. I gave him a small smile before staring at the waves. 


"Let's go inside. Lumalamig na. Baka magkasakit ka pa," tumayo siya. 


"Dito muna 'ko," sambit ko.


Pagkasabi ko noon, agad siyang bumalik sa pagkakaupo at tumabi sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako at inabot sa 'kin 'yong isa pang bote ng wine. 


"I won't leave you here," sambit niya. 


Hindi ako nagsalita at tumingin na lang sa alon. Nagulat ako nang maramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon. I felt the heat of his palm. 


"See? Nilalamig ka na, oh," he pointed out.


Pinatong niya pa 'yong isa niyang kamay kaya dalawa na ang dumadama sa lamig ng kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya at sunod naman sa kanya. His attention was on the coldness of my palm, pinapainit 'yon gamit ang dalawang kamay niya.


"Hindi sisiw ang kamay ko," masungit na sabi ko at binalik ang tingin sa dagat. 


Tumawa siya pero hindi niya 'yon binitawan. Hinayaan ko na lang siyang paglaruan ang kamay ko habang umiinom ako at pinapanood ang paghampas ng alon sa buhanginan. 


"Namimiss ko nanay ko," sambit ko bigla. 


Napatigil siya at napabaling sa 'kin, nagtataka sa sinabi ko. 


"Gusto mong umuwi? Sunday naman bukas. Pwede kitang ihatid sa Laguna," offer niya.


Umiling ako kaagad. "Panigurado wala siya. Wala naman siya lagi." 


Nasanay na 'ko roon. Minsan, inuuna niya ang mga lalaki niya kaysa sa 'kin. Alam naman niyang uuwi ako pero hindi siya mapirmi sa bahay. Ang hirap dahil wala naman akong tatay kaya sa kanya ko lang sinusubukan humanap ng pagmamahal pero parang wala. Parang wala akong maramdaman. 


"Pakiramdam ko ayaw niya sa 'kin," natawa ako. "Kasi hindi naman niya inaasahang dadating ako at mabubuntis siya nung lalaking wala naman siyang balak pakasalan." 


"Don't say that," he held my hand tighter. "You're a blessing to her, for sure." 


"Hindi rin," umiling ako. "I was a mistake. Kapag ako, nagkaanak, tangina ibibigay ko lahat ng hindi niya nabigay sa 'kin. Ayokong tumanda siya na iniisip niya 'yong ganito, na hindi ko siya mahal, na ayaw ko sa kanya." 


Pinunasan ko ang luha ko nang tahimik iyong tumulo. He intertwined our hands and squeezed it a bit. 


"I had such a hard time in school," I bit my lower lip. "Inaasar nila 'ko, napapanood daw nila nanay ko sa porn sites, nakikita raw nila sa magazines na nakahubad. Pinagtatawanan nila 'ko and I felt so bad, not for myself, but for my mother. She doesn't deserve to be called names, pero bata pa 'ko non kaya galit ako sa kanya non, e. Kasi nahihirapan din ako. Puta, bakit ko ba sinasabi sa 'yo 'to?" 


Lasing na nga ata ako at kung ano-ano na lang nakekwento ko sa kanya. Naiiyak pa 'ko. Ayaw ko ng ganito. Hindi ako sanay umiyak. Kahit kay Sam, hindi naman ako umiiyak sa kanya. 


"You can talk to me," he caressed my hand with his thumb. 


Umiling ako. "Marami na ata akong nainom. Tara na."


Nilapag ko ang bote ng wine at kinuha ang heels ko. Pagkatapos, tumayo na 'ko kaagad at naglakad sa buhanginan nang nakapaa at buhat ang heels sa kamay. Naramdaman kong sumunod siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko para hatakin ako sa ibang direksyon dahil mali pala ang pinupuntahan ko. 


Pumasok kami sa isang beach house na binook niya siguro na parang Airbnb. Umakyat kaagad ako sa may C.R. habang kinukuha niya ang gamit namin sa sasakyan niya. I took a warm shower and covered myself with a towel. 


Umupo ako sa kama pagkatapos, hinihintay siya dahil nasa kanya ang mga damit ko. The room was surprisingly large with a wooden bed and white sheets. May designs siya na related sa beach katulad nung beach painting at mga shells na nakadikit sa pader. 


"Here are your clothes," pumasok si Hiro at nilapag sa tabi ko ang mga damit ko. 


I reached for him using my hand and he sat down beside me. Lumapit ako sa kanya para mahalikan siya. He wasn't responding at first but when I held his shoulders, he caressed my face and kissed me back. It was slow at first but I became aggressive. I pushed my tongue inside his mouth and he sucked on it. 


"Wait," he stopped kissing me. "Let's not have sex tonight."


Napasimangot ako. "Bakit?!" 


Tumayo siya at kumuha ng towel sa may taas ng cabinet. 


"You're drunk. You can't give a proper consent," seryosong sabi niya at pumasok na sa bathroom.


Napairap na lang ako at nag-suot na ng damit. Humiga na rin ako pagkatapos. Dapat ay hihintayin ko pa siya pero dahil siguro sa alak ay inantok ako at nakatulog din ako kaagad. 


Nagising ako sa maliwanag na sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto. Gumalaw ako nang kaunti habang nakapikit at dinama ang pagyakap ko sa unan. Napakunot ang noo ko nang maramdamang humihinga ang unan. 


Napadilat ako kaagad at napagtantong nakayakap ako kay Hiro habang tulog siya. Nakaakbay siya sa 'kin habang ang kamay ko ay nasa bewang niya. 


"Fuck," bulong ko sa sarili ko. 


Tinanggal ko kaagad ang pagkakayakap ko sa kanya at umusog sa pinakadulo ng kama, parang takot na takot. Para akong gumawa ng krimen! Nagmamadali tuloy akong tumayo at pumasok sa C.R. para maghilamos. 


We cuddled! What the hell! 


"Maling mali, Yanna," napailing ako habang nakatingin sa salamin. 


Dahan-dahan akong naglakad palabas at pababa sa may dining room at nakitang may nakahanda nang Filipino breakfast doon. Kasama ata sa reservation niya. Nagutom ako kaagad at kumain. Marami 'yon. May fried rice, danggit, tinapa, kamatis, itlog na pula, at iba pa. Para akong nasa langit habang kumakain! 


"Wow, you didn't even wait for me."


Napalingon kaagad ako kay Hiro na naglalakad pababa sa hagdan. His face screamed betrayal. Ngumiti ako sa kanya nang alanganin, inaalala ang ayos ko kanina pagkagising. Alam kaya niya na nakayakap ako sa kanya? Sana hindi! Panigurado aasarin niya 'ko! 


Umupo siya sa tapat ko at kumuha na rin ng pagkain. Tahimik lang ako at hindi makapagsalita, guilty sa ginawa ko kanina o kagabi. 


"How's your sleep?" He asked while eating. 


"Okay lang," hindi ako makatingin sa kanya ngayon. 


"I'm sure as hell it was okay. I can't feel my arm," he playfully stretched his arm. 


"H-huh?" I asked like an innocent child. 


Fuck, alam niya! Badtrip! 


"Huh?" He mocked me. 


"Hindi ko alam ang sinasabi mo," minadali ko ang pag-kain ko para matapos agad. 


"Ah, really?" He smirked and put his hand on his chin, obviously enjoying this. 


"Ano ba 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Ewan ko rin, e. Ano kaya 'yon?" He looked up, acting like he was thinking. "Hmm.." 


That smirk! Nakakaasar lalo! Gusto ko tuloy basagin ang plato sa ulo niya! Kumalma pa rin ako dahil baka mahalata niya 'ko. 


"Ano ba 'yon? May nangyari ba sa 'tin? Wala na 'kong maalala, e," umakto rin akong nag-iisip. 


"You were so drunk last time but you remembered everything I said, hmm," he acted like he was thinking again. 


He was enjoying it! Nakakairita! Kumalma ulit ako at nanatili ang mukhang nagtataka, nagpapanggap na walang naaalala. 


"Weird nga, e. Bakit kaya wala akong maalala?" I tilted my head to the side. 


"Weird, 'no?" Ginaya niya 'ko. 


I bit the insides of my cheek and didn't say anything. Binilisan ko na lang ulit ang kain ko. Halos hindi ko na manguya nang maayos dahil nakatingin siya sa 'kin at natutuwa sa nakikita niya. 


"Apparently, you like cuddles after all," he smirked. 


Nabulunan kaagad ako at hinampas ang dibdib ko. Agad niya 'kong inabutan ng tubig, tuwang-tuwa lalo na nakikita akong naghihirap. Halos tumulo na ang tubig sa baba ko nang ibaba ko ang baso. Agad-agad kong niligpit ang pinagkainan ko at pumunta sa sofa para makalayo sa kanya. 


"I thought I had a girlfriend for a second," he teased. 


Hindi ko siya pinansin at humalukipkip sa sofa habang hinihintay ang pagbukas ng TV. Kapag may sinabi ako, mas lalo lang siyang mang-aasar kaya huwag na lang! 


"Yanna has a soft side in bed!" He announced to no one. 


Nilakasan ko kaagad ang volume ng TV para hindi siya marinig. Hindi ko alam kung anong cartoons ang pinapanood ko pero mas maganda nang marinig ang boses ng unggoy kaysa boses ng demonyo sa kusina. 


Napalingon ako sa kanya nang maglakad na siya palapit sa 'kin, tapos nang kumain. Agad kong pinatay ang TV at umakyat sa kwarto para ligpitin na ang gamit ko pero sumunod na naman siya! 


"What's with the rush?" Tumaas ang kilay niya at sumandal sa may pintuan. 


"May quiz pala kami," sabi ko. "Kailangan ko mag-aral kaya umuwi na tayo." 


"Aw, really?" He playfully acted like he was lonely. "I thought we're going to have some vanilla sex, my softie." 


Sinamaan ko siya ng tingin at agad binitawan ang bag ko kaya bumagsak sa sahig. Nag-martsa ako papunta sa kanya at kinwelyuhan siya kaagad. 


"Softie?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


He arched a brow, enjoying this more. 


"Why? You want to be dominant this time to prove me wrong?" 


Hinatak ko siya sa kwelyo at dinala sa kama. Sumunod naman siya at agad umupo roon, nakangisi. 


"Come here, then. Ride me," he tapped his leg. 


Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko para hindi na siya magsalita. 


"Ah, fuck." 


I bounced on his manhood faster and playfully moved my hips. He was holding my waist, guiding me, pero lumuluwag ang hawak dahil nanghihina na. I choked him with my hand while I was riding him. He shut his eyes closed and spilled his juice on the condom. I also felt my release. 


Pawis akong umalis sa itaas niya at nag-bihis ulit. He disposed the third condom we used and picked up his clothes on the floor. 


"Who's the softie now?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


Hindi siya nagsalita at pinunasan lang ang pawis gamit ang maliit na twalya. Pagkabihis niya, inayos ko na ulit ang gamit ko at bumaba na sa living room, hinihintay siya. 


"You're a monster," sambit niya pagkababa ng hagdan. 


Nilagpasan niya 'ko at dumiretso palabas, papunta sa sasakyan niya. Sumunod ako at pumasok na sa loob habang may kausap pa siyang matanda sa labas. In just a few minutes, we were already back in the road. 


Hinatid niya lang ako sa dorm. Pagkapasok ko sa loob, parang bumalik na rin ako sa realidad. May buhay nga pala ako rito. Ang dami ko pa palang babasahin at poproblemahin kaya sinimulan ko na kaagad. 


It was a normal Monday and Tuesday. Wednesday ay nagkita kami ni Sam dahil nag-dinner kami sa labas, just to catch up. Dinala niya 'ko sa mamahaling Japanese restaurant na kakilala niya ang owner. 


"Pinaka-effective ang pills. Just don't miss taking it, okay?" Sabi ni Sam habang kumakain kami. 


"Ang mahal nga lang. Nagdadalawang-isip na tuloy ako," napailing ako. 


"Ganoon din if you buy condoms regularly," she shrugged. "Si Hiro ang pagbayarin mo kung gusto mo."


"Wag na! Nakakahiya! Kasya naman siguro allowance ko," I shrugged. 


"Are you sure about being fuck buddies with Hiro?" She asked suddenly. 


Napatigil ako sa pag-kain at tumingin sa kanya, nagtataka kung bakit bigla na lang siyang nagtatanong. 


"Wala lang. You might fall for him," it sounded like a warning. "I would totally understand but falling inlove with him will be useless." 


"Hindi naman ako mahuhulog don, Sam. Nahulog na ba 'ko sa past flings ko, ever?" Napairap ako at pinagpatuloy ang pag-kain. 


"First, I heard he's already leaving next year after his graduation. Second, I also heard he's hanging out with Giselle. Third, Hiro is Hiro. Baka ikaw, hulog ka na, pero para sa kanya, laro pa rin 'to. I'm just worried." 


"Para namang hindi ko alam 'yan," napakamot ako sa ulo ko. "Sam, relax! We're just friends.. with benefits." 


"I don't know, Yanna. Tanga ka pa naman," she sipped on her shake. 


"Wow, ah. You don't know anything so don't be quick to judge. I swear, it's just pure sex for me. Wala nang iba. Alam mo namang ayoko ng mga ganoon," pakikipagtalo ko dahil parang hindi siya naniniwala sa 'kin. 


"Just promise me you're going to stop if you ever start having weird feelings," she arched a brow, challenging me. 


"Hindi 'yan mangyayari, pero sige, para sa ikakatahimik mo. Oo na," tumango na lang ako. 


"Yeah, he's actually behind you right now. Don't look, though."


Nanlaki ang mga mata ko at kahit sinabi niyang huwag akong lumingon, napalingon pa rin ako. Nakita ko siyang kakaupo lang sa table for two at may kasamang ibang babae, bukod pa kay Giselle at kay Elyse. They were talking about something and laughing. The waiter immediately attended to them. 


"Hiro treats everyone like that. Huwag kang mag-feeling na special ka," Sam tapped my shoulder. 


I just shrugged and continued eating. Alam ko naman 'yon! Hiro has so many friends. Ang iba ay mga naging fling niya. 'Yong ngayon, hindi ko alam. Baka kaibigan niya, o baka naman hindi. Naguguluhan na rin ako pero wala naman akong pakialam. 


"Restroom lang ako," sabi ko kay Sam at naglakad papuntang restroom. 


Pagkalabas ko sa cubicle, nakita ko ang babaeng kasama ni Hiro kanina. She was putting on some lipstick while talking to someone on the phone. Lumapit ako para mag-hugas ng kamay. 


"Yes, I'm with Hiro right now," sabi niya at tumawa pa. "Yeah, we're on a date. We're here at a Japanese restaurant. I really missed him!" 


Napataas ang kilay ko at kumuha ng tissue para punasan ang basa kong kamay. 


"We're going to his condo after ata, e. I can't wait! I'm so ready for him! I hope he has condoms, though. I stopped taking pills na," she giggled. 


Tinapon ko ang tissue sa basurahan. 


"Giselle? No, he said he has no plans of getting back with her! They're just friends!" 


Lumabas na 'ko ng restroom at napaatras kaagad nang makita si Hiro na naghihintay sa labas. Hindi siya nagulat na ako ang lumabas, mukhang alam niyang narito ako dahil nakita siguro si Sam sa table. 


"Uy, nandito ka pala," umakto akong gulat. "Hinihintay mo 'yong kasama mo?" 


"No," sagot niya habang nakatingin sa 'kin. "I was-"


"Nasa loob siya, excited sa sex niyo mamaya," diretsong sabi ko. 


Kumunot ang noo niya at hindi kaagad nakuha ang sinabi ko. 


"Sa totoo lang, ah. I think this is kind of unfair to me," bumuntong-hininga ako. "Kung ganito lang din, let's scratch the 'exclusive' sa rules natin."


Natahimik siya habang nakatitig sa 'kin, tinatantya ang emosyon ko. Kalmado lang naman ako at casual na nakikipag-usap. 


"Do you want.. other guys?" Mabagal na tanong niya. 


"We both know we crave other people too from time-to-time. We're not saints," pag-amin ko. Totoo naman, e. 


Tinapik ko ang balikat niya nang hindi siya magsalita at bumalik kaagad sa table namin ni Sam. Tumaas ang kilay niya sa 'kin nang nagmamadali akong kuhanin na ang gamit ko. 


"Aalis na tayo?" Nagtatakang tanong niya. 


"Tara na," sambit ko sa kanya at sinuot na ang bag ko. 


She panicked and asked for the bill. Naghintay ako saglit at naglapag siya ng tatlong libo roon, hindi na kinuha ang sukli. Sumunod siya sa 'kin palabas at papasok sa kotse niya.


"Bakit ka ba nagmamadali?! Sinampal ka ba sa restroom?! Ano?! You want me to go back and pull her hair?!" Nagpapanic si Sam habang nagsusuot ng seatbelt. 


"Wala," seryosong sabi ko. 


Glass wall pa ang restaurant kaya nakita ko silang sabay na umupo pabalik sa table nila. Nakangiti 'yong babae at hinawakan ang kamay ni Hiro sa taas ng table. Hiro just gave her a small smile and said something funny, the reason why the woman giggled. 


Napatingin ako kay Sam nang makitang nakatingin siya sa 'kin. 


"Ano?" Tanong ko. 


"You're fucking doomed, Ashianna," umiling siya at inistart ang engine. 


"Huh? Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko. 


"Are you fucking jealous right now?!" Galit na tanong niya sa 'kin. 


"Tangina, bakit naman ako magseselos?!" Sigaw ko pabalik sa kanya. 


"Aba, ewan ko rin sa 'yo! Bakit bigla kang nagmamadali pagkatapos mong makita silang dalawa?! You're so fucking stupid!" Singhal niya sa 'kin. 


"Sabi ko kay Hiro, we can forget being exclusive tapos inaya na kita umalis dahil baka may follow-up questions pa siya. Anong mali doon?" Nagtatakang tanong ko. 


"Forget being exclusive? Sure ka dyan?" Tumaas ang kilay sa 'kin ni Sam. 


"I will benefit from it, too. Nakakasawa na rin naman na isa lang ulam ko," tumingin ako pabalik kila Hiro. 


"Tapos ano? Magseselos ka kapag sinunod niya nga? Masasaktan ka? Tanga tanga mo talaga! Ugh!" Napasabunot siya sa sarili niya. 


"Hindi nga! Bakit ba pinapangunahan mo 'ko, ha? Ikaw na kaya maging fubu niya?" Inis na sabi ko. 


Nangunguna kasi 'tong si Sam palagi! Wala naman siyang alam sa nararamdaman ko. Mas kilala ko naman ang sarili ko 'no. Alam ko kung hanggang saan lang ako, lalo na sa mga ganito. I've done this before so I know what to do. 


"Bahala ka talaga, Yanna. Set a trap for yourself," umiling siya at nag-drive na paalis. 


Kakaalis pa lang namin, tumunog na ang phone ko. Nilabas ko 'yon para tignan. 


From: Hiro

Are you sure about what you said? 


Kumunot ang noo ko at nag-type ulit.


To: Hiro

Kung okay lang sa 'yo? 


From: Hiro

Is that what you want? 


To: Hiro

Just go fuck other people safely. Don't catch diseases. 


From: Hiro

You did not answer my question. Is that what you want?


Matagal akong nakatitig sa phone ko. I want to test something, too. I was confused when I suddenly stopped kissing the guy from Versus. Baka dahil sa alak? Dahil lasing ako? O baka naman hindi? 


I zoned out for a bit before biting the insides of my cheek while typing.


To: Hiro

Yes.


From: Hiro

Okay. Text ka kapag nakauwi ka na. 


Hindi ko na siya sinagot at natahimik na lang sa kotse. Matagal akong nakatingin sa labas at hindi na namalayang nasa tapat na pala ako ng dorm. Humalik ako sa pisngi ni Sam bago ako bumaba ng kotse niya at umakyat. 


Binaba ko ang gamit ko at nag-shower. Naka-pajama na 'ko nang makatanggap na naman ng panibagong text kay Hiro. 


From: Hiro

Baba ka. 


Kumunot ang noo ko at tinignan ang suot ko. Saglit lang naman siguro kaya nagsuot na lang ako ng jacket at binaba siya. 


Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya, suot pa rin 'yong kanina at mukhang dumiretso nga rito pagkatapos kumain doon. 


"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko. 


"Because you did not text me back," seryosong sabi niya. 


Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya. I was standing 2 meters away from him. Nagpamulsa siya at mas seryoso akong tinignan. 


"And because I want to ask you in person so I would know if you're lying or not," umayos siya ng tayo at lumapit sa 'kin. 


"Ano?" Paghahamon ko. 


"Is that what you want?" Mabagal na tanong niya. 


Matagal kong tinitigan ang mga mata niya at para akong dinadala non sa kung saan. Isang lugar na hindi pamilyar sa 'kin. 


"Ashianna," he called.


"Oo," mabilis na sagot ko. "'Yon ang gusto ko." 


He stared at me for a few seconds until he looked away and sighed. Humakbang siya paatras at palayo sa 'kin. 


"Okay," sambit niya bago bumalik sa sasakyan niya. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top