06


"Yanna! Omg, someone texted me, asking for your location!" 


Pumasok si Sam sa restroom at mukhang lasing na lasing na. Mas lasing pa talaga siya sa 'kin dahil hindi na narerecognize kung sino ang nagtetext. It was Hiro. Nakita kong ni-reply niya talaga kung nasaan kami kaya napasapo ako sa noo ko. 


"Ang shunga talaga!" Hinatak ko nang mahina ang buhok niya. 


"Ouchie!" maarteng reklamo niya at hinampas pa 'ko bilang ganti. "What happened sa ka-kiss mo kanina? Oh my gosh!" 


"Hindi ko type," mahinang sabi ko. 


"Really?! That's new! Sinong katawagan mo pagpasok ko?!" Umupo siya sa sahig para tabihan ako. "You have a boyfriend na?! Without telling me?!"


Umirap ako. "Bestfriend kita, sasabihin ko kapag may boyfriend ako, pero wala, okay?! Hay!"  


"You sound frustrated! Gusto mo na ng boyfriend?! I can reto you!" Lasing na nga siya at nagiging conyo na. 


Tumayo siya at hinatak ako patayo. Bumagsak pa ulit ako sa sahig dahil nahilo ako pagkatayo pero tinulungan niya ulit ako. Nakahawak na 'ko sa ulo ko nang lumabas kami ng restroom at bumalik doon sa inuman. 


Naglaro kami ni Sam ng arcade kahit lasing na. Mukha kaming tanga dahil tawa kami nang tawa. Lumipas ang oras na naglalaro lang kami at tumigil lang ako nang makita kong may pumasok na lalaki sa barcade. 


Naglalaro pa rin si Sam nang lumingon ako. Hiro was wearing a pair of black shorts partnered with a striped shirt. Lumapit siya sa table nina Kalix nang tawagin siya roon. Tinapik niya ang balikat ni Kalix at may pinag-usapan sila saglit bago niya nilibot ang paningin niya sa paligid para hanapin ako. 


Naglakad kaagad ako papuntang couch namin para sumalampak doon, hindi siya pinapansin. He was already walking near me at nang huminto sa harapan ko, kinuha kaagad ang bag ko at hinawakan ako sa kamay para hatakin ako paalis. 


"Let's go," seryosong sabi niya sa 'kin. 


Umirap ako at hinayaan ang sariling magpahatak sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko at binitawan niya lang nang makarating kami sa tapat ng Benz niya. He opened the door for me, obviously getting impatient. 


"May kamay ako, okay?!" 


Sinara ko ang pinto para buksan ulit gamit ang sarili kong kamay. Napabuntong-hininga siya pero hinayaan niya lang akong makasakay. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay nang samaan ko siya ng tingin dahil uunahan niya pa 'kong magsara. 


"May kamay ako!" ulit ko at sinara ang pinto. 


Umikot siya sa kotse at sumakay sa driver's seat. Matagal niyang tinitigan ang seatbelt ko at nang hindi ko nakuha, lumapit siya para ikabit 'yon. Agad ko namang hinampas ang kamay niya, nainis lalo.  


"May kamay ako! Mayroon!" Sinuot ko ang seatbelt ko. 


"You're being difficult." He sighed before putting his seatbelt. "What is wrong with you..." 


I made a face and mocked him before getting my phone to piss him off more. I answered a call from my ex-fling. Palagi naman akong nakakakuha ng tawag sa mga naging flings ko, iniignora ko lang, pero dahil gusto ko pa siyang inisin, sinagot ko sa harapan niya. 


"Oh, anong kailangan mo?" seryosong sagot ko. 


[Sa wakas, sinagot mo na tawag ko! Huwag mong ibababa, Yanna, please! Please!] 


Napairap ako. "Bakit nga? Kita tayo ngayon?"


Kumunot ang noo ni Hiro at lumingon sa 'kin saglit habang nagdadrive. Hindi ko naman siya pinansin. Dapat lang! Ganti ko 'to sa kanya! 


[Yanna, mahal na mahal kita...] He cried. 


Nagsalubong ang kilay ko at agad pinagsisihan na sinagot ko 'tong tawag na 'to! Siya ata 'yong nasa bilyaran last time! Bwisit! 


[Hindi ako makatulog kakaisip sa 'yo.. Hindi lang sarap kaya ko ibigay, Yanna, please, makinig ka muna sa 'kin...] He cried more which pissed me off. 


"Anong sarap?! Hindi ka naman masarap," iritang sabi ko.


[H-huh? Hindi ba? Kahit na, Yanna, makinig ka sa 'kin... Mahal kita...] 


Napakamot ako sa may tainga ko, naririndi na. "'Yong puso mo ba nasa titi mo, ha?! Kingina ka! Huwag ka nang tumawag ulit!" 


Napalingon lalo si Hiro sa 'kin at mas lalong nagsalubong ang kilay, naiinis na at mukhang nakyu-curious sa usapan namin ng kausap ko. Gusto ko na ibaba pero ayaw kong kausapin si Hiro kaya ito na lang tangang 'to ang kakausapin ko! 


"Walang mahal-mahal! Hindi na uso ang mahal ngayon! Mura na lang! Tangina mo!" Tuloy-tuloy na sabi ko. 


[Yanna naman... Ikaw 'ata ang lasing dito, eh...] 


"Eh, ano kung lasing?! Ikaw nga, tanga kahit hindi lasing! Alam mo, tigang ka lang! Manood ka na lang kaya?!" 


[Hindi ako nanonood, Yanna... Usap na lang tayo kapag okay ka-] 


Hindi ko na siya narinig nang agawin ni Hiro ang phone sa kamay ko at pinatay ang tawag. Suminghap siya at binalik sa 'kin, mukhang nagagalit na talaga. Bakit ba siya galit?! Ginagantihan ko lang naman siya! 


"Galit ka?! Galit ka?!" I mocked him. 


"Hindi," seryosong sagot niya. 


"Hindi pala, eh!" Hindi pala pero ang attitude niya?! 


Humalukipkip ako at sumandal nang padabog sa upuan para maramdaman niyang ayoko sa kanya ngayon. Una sa lahat, he did not follow the rules! Pangalawa, he ruined my fun with my girls! Pangatlo, he also ruined my phone call! Ang daming sinisira at hindi sinusunod! 


"Saan tayo pupunta?! Uuwi na 'ko!" Sigaw ako nang sigaw kaya paniguradong naririndi na siya sa 'kin. 


"Mag-uusap muna tayo," walang emosyong sabi niya. 


"Alam mo ang tawag dito?! Kidnapping!" singhal ko. "Lagot ka sa mga kaibigan ko! Panigurado, nag-aalala na si Kierra na baka na-kidnap ako dahil nawala ako bigla! Huh! Lagot ka roon!" 


"Ang ingay mo," napatakip na siya sa isang tenga niya. 


Ngumuso ako at sumandal na lang ulit, hindi na nagsalita dahil na-realize ko nga na kanina pa 'ko sigaw nang sigaw. Sumasakit na rin ang lalamunan ko 'no! Pumikit na lang ako saglit at dinama ang mundong parang dagat na umaalon sa paningin ko. 


"Nasusuka ako," bulong ko. 


"What?" nagtatakang tanong niya. 


"Nasusuka ako!" 


Agad niyang niliko ang sasakyan sa gilid, takot na takot na masukahan ko 'yong sasakyan niya. Pagkahinto, binuksan ko kaagad ang pinto at lumabas para sumuka sa basurahan. Narinig ko ang pagbukas rin ng pinto niya para daluhan ako.


"Are you okay?" Hinagod niya ang likod ko at may dala pang box ng tissue. 


"Buntis ako," I joked. 


"Next time, huwag ka nang uminom kapag hindi mo na kaya," panenermon niya habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang tissue. 


Inagaw ko ang tissue sa kanya. "May kamay ako!" 


Bumuntong-hininga siya at hinayaan lang ako. Bumalik siya sa sasakyan para abutan ako ng tubig at bagong plastic. Napahawak ako sa ulo ko dahil umiikot na naman ang paningin ko. 


"Stay in my condo for the night so I can take care of you," he suggested. 


"Okay, whatever." Naglakad ako pabalik ng sasakyan. Bahala na kung saan ako mapadpad! Basta, inaantok na ako! 


Nakapikit na lang ako buong byahe papunta sa condo niya. Nang maka-park, inalalayan niya 'ko papuntang elevator. Nang makarating sa hallway, nainip na siya kaya binuhat niya na lang ako papasok sa condo. He put me down on his bed and I immediately looked for a pillow to hug. 


Nakahiga na lang ako at nakapikit, yakap ang unan. Minutes later, bumalik siya at naramdaman ko ang basang tissue na pinupunas niya sa mukha ko. Napadilat ako saglit at nakita ko siyang seryosong tinatanggal ang make-up ko. 


Wait, so siya ang gumawa noon dati?! He took my makeup off?! 


I also saw him putting cleanser on a cotton pad. Pinunas niya 'yon sa mukha ko nang dahan-dahan bago tumayo ulit at pumasok sa C.R. Pagkatapos, bumalik siyang may dalang shirt at extra panty na iniwan ko rito last time. 


"Can you change your clothes?" he asked. 


Tumango ako at dahan-dahang umupo. Tumayo naman siya para pumasok sa C.R. kaya dahan-dahan akong naghubad para suotin ang bigay niya. Pagkatapos, uminom ako saglit sa tubig na nasa side table bago ako humiga ulit. 


Hiro walked out of the bathroom, amoy bagong shower. Dumilat ako saglit para tignan siya. Nakasuot siya ngayon ng sweatshorts at shirt, inaayos ang kumot sa 'kin. 


"Are you still mad at me?" he asked nervously. Nag-iba pa ang boses. Naging mas malambing. 


"Yes," nakapikit na sabi ko at niyakap ang unan. 


"I'm sorry..." He sighed heavily. 


"Okay lang. Call the deal off if you're planning to get back with her," mabagal na sabi ko. "Wala naman akong pakialam." 


"You're right. Giselle wants me back..." He sounded stressed. 


"Eh 'di balikan mo," simpleng sabi ko. Ang dali lang naman noon, eh. Kung gusto mo o mahal mo pa 'yong tao, eh 'di balikan mo! Ikaw na nga ang hinahabol ng taong gusto mo, ayaw mo pa? 


People complicate love so much! 


"I'm leaving for Florida after I graduate. I don't see the point of having a serious relationship here."


"Eh 'di huwag mong balikan," simpleng sabi ko ulit. Ang gulo naman nito kausap! Kung gusto, eh 'di gawin! Kung ayaw, eh 'di huwag! Pinoproblema mo pa 'yong mga ganoong bagay! 


"You think so?" 


I slept after that. Hindi na kinaya ng ulo ko ang makipag-usap pa sa kanya tungkol sa lovelife niya. Pagkagising ko, hindi masyadong sumakit ulo ko dahil sinuka ko ang alak at marami akong ininom na tubig. Tumayo ako at naglakad papuntang living room para hanapin si Hiro. 


Ang nakita ko lang ay paper bag sa kusina at sticky note. 


'I'm going out for a bit. Eat your breakfast :)' 


Hindi nga pala siya marunong magluto kaya umupo na lang ako sa breakfast table at kinain 'yong tinake out niyang spam and egg habang naghihintay sa kanya. Nanonood na 'ko ng Netflix nang marinig ko siyang pumasok. He looked like he jogged for a bit since he was wearing workout clothes at medyo pawis din. 


"Hey, you're awake now," pansin niya.


"Obvious ba? Uso ba sleep-walking sa 'yo?" pambabara ko kaagad. 


Tumawa siya at pumunta sa breakfast table para kuhanin 'yong in-order niyang tinapay kanina. Kumagat siya roon bago umupo saglit sa couch, malayo sa 'kin. 


"Saan ka galing?" Tinignan ko ang suot niya. 


"Oh, I went out with Elyse for a bit," he casually said. 


Tumango ako at pinagpatuloy ang panonood ng Netflix. Nag-shower siya pagkatapos noon at hinatid ako pauwi. Wala naman kami masyadong napag-usapan bukod sa lalabas daw kami mamayang gabi dahil babawi raw siya sa 'kin or something. 


Nag-aral lang ako saglit bago ako nag-shower ulit at nag-ayos para sa mamayang gabi. He told me to dress nicely and formal. Mabuti na lang at may natago akong black dress from an event last time. It was a short body-hugging dress na may pakrus sa dibdib at nakatali sa may batok, showing my cleavage a bit. Inipit ko rin sa ponytail ang buhok ko at nag-make-up. The alcohol last night gave me a hangover glow. 


From: Hiro

Dito na, Ma'am. 


Napangisi ako at bumaba na, dala-dala ang purse kong silver at isang paper bag na may lamang extra clothes. 5 PM pa lang pero pinababa na niya 'ko dahil malayo raw ang pupuntahan namin. He also told me to bring extra clothes. 


Natawa ako nang makita siyang naka-sandal sa Benz niya at nakapamulsa pa. He was wearing a suit. Naka-black slacks, white button-down dress shirt na bukas ang tatlong butones, exposing his chest, at naka black coat that was perfect for his fit. 


"You look lovely," he teased before opening the door for me. 


"Ulol," sabi ko nang maupo. 


Tumawa siya saglit bago umikot at sumakay sa kotse niya. He did not tell me where we were headed while he was driving so it made me more curious. 


"I told you, I don't like dates." Umirap ako. 


"Date 'to kung iisipin mong date 'to." The side of his lips rose up. 


Hindi siya date. 'Yon na nga ang sinabi ko sa sarili ko. Hiro was not the romantic type, obviously. Tsaka bakit naman niya 'ko ide-date, right?! I was his fubu! Ang sabi niya lang, babawi siya ngayon dahil hindi siya sumunod sa rules namin. 


Tumaas ang kilay ko nang dumaan kaming NLEX. Mukhang malayo nga ang dadayuhin namin kaya pumikit ako saglit para matulog. Pagising-gising ako tuwing napapahinto siya kaya hindi ako gaanong nakatulog. Umayos ako ng upo pagkatapos ng iilang oras lang at natanaw ang dagat. 


"What the hell?" Lumingon ako sa kanya. 


Malapit na mag 9 PM. Matagal nga ang binyahe namin pero na-excite ako. Sabi ko na nga ba, eh! Lilibutin ata talaga namin ang Pilipinas. 


He stopped in front of a beach house and parked there. Pagkatapos, pinagbuksan niya na naman ako ng pinto. I was so confused when he held my hand and guided me through the back door. Tumaas kaagad ang kilay ko nang makitang naghanda siya ng fine dining atmosphere.


There was a table for two on the sand, two people serving the food and wine, and some candles around with some petals. Natawa ako lalo sa ka-cornyhan niya lalo na nang lumuhod siya sa harapan ko para tanggalin ang suot kong heels. 


"Gago, ano 'to, date 'to, eh!" Hinampas ko ang balikat niya. 


"If you think so..." mapang-asar na sabi niya. 


Tumayo siya, hawak-hawak ang heels ko sa isang kamay habang ang isa ay inaalalayan akong maglakad papunta sa table. Nakapaa na lang ako sa buhanginan at ingat na ingat dahil baka masagi ko ang pa-candle niya. He even pulled the chair for me. 


"Walang tao..." Tumingin ako sa paligid. "Did you rent the place?!" 


Hindi siya sumagot at tinaasan lang ako ng kilay. He snapped his finger and a man poured wine on our glasses. Natawa ako lalo habang pinagmamasdan siya at ang paligid. First time kong maranasan 'yong ganito. It gave me a weird feeling. 


"You're smiling," he pointed out. "You're happy." 


"Oo, pero ang weird mo." Tumawa ako. "Para saan 'to? Pambawi?" 


"Yeah." He shrugged. Parang sobra naman 'to para sa pambawi niya? Pwede namang ilibre niya na lang ako! 


They served us steak again. Magiging steak na talaga kami ni Hiro sa susunod, eh. Mayroon ding salad at iba pang putahe sa table. I took out my phone to take a picture of it, just for the memories. 


"Hindi mo 'ko isasama?" Tinaasan niya 'ko ng kilay. 


Tumawa ako at umiling. "Hindi."


He playfully put his utensils down, umaaktong galit. Humalukipkip pa at sumandal sa inuupuan niya. 


"I'm the mastermind of this so you should include me," seryosong sabi niya. 


"Oo na." Bumuntong-hininga ako.


I adjusted the camera para masama siya. Nagpahalumbaba siya at tumingin sa gilid, sa may beach, nagkukunwaring stolen. Napangiti ako nang mag-take ng picture. Ang gwapo niya kahit sa anong anggulo. 


"Parang tanga! Ayusin mo naman!" I laughed because he wasn't moving. 


"Get me my angle." He tapped his jaw. 


I laughed before taking a picture. May isa pang tumingin siya sa camera at ngumiti. Binaba ko na ang phone ko pagkatapos non dahil baka mag-feeling siya na gustong-gusto ko siyang pinipicture-an. Ito nga lang ang picture niya sa phone ko, e. 


Binigay niya sa 'kin 'yong steak na hiniwa niya at nagsimula na kaming kumain. Kung ano-ano ang pinag-uusapan namin, things unrelated to sex. It felt great. 


"Nabuntis din si Mama pagkatapos ko kaso nakunan siya," pagkekwento ko. "May kapatid sana ako ngayon."


"Was it devastating?" He asked carefully. 


"Sobra..." I gave him a sad smile. "Hindi rin naging madali para sa kanya. She mourned over my little brother. Hindi ko kilala kung sino 'yong ama pero that was still my brother. Sayang lang." 


"She didn't think of aborting it?" curious na tanong niya. 


"She did, of course," tumawa ako saglit. "Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, nabuntis ako bigla, unexpected, I would think of aborting it, but I think she felt a connection with the kid. I mean, I'm not against anything. Her body, her choice. And her choice was to have the baby... but in the end, we still lost it. It's sad." 


"Sorry about that..." He sighed.


"It's fine." I shrugged. "Ikaw ba? Anything about your family?" 


"Well, my mom and dad.. I think they fell out of love, or they got tired of each other. I'm not sure how I'd call it but I guess the love just faded. It was scary. I don't ever want to experience falling out of love." He sipped on his wine. 


"Pwede ba 'yon? Sa tingin ko, pagod lang sila pero naroon pa rin 'yong pagmamahal, you know? I just don't think people fall out of love. Maybe the love wasn't there in the first place or maybe it got drowned by other emotions but the love is still there." I shrugged. Hindi ko alam ang sinasabi ko. Kung makapagsalita ako, parang alam ko talaga kung ano ang pagmamahal. 


Paano ko malalaman kung hindi ko naman naramdaman? 


"It happens." Tumango siya. "Or maybe long distance relationship just didn't work for them. My dad was always in the U.S. and my mom was always busy with work. It didn't click. I also think I can't handle a long-distance relationship. How about you?" 


"Wala akong planong jumowa ng nasa ibang bansa," sabi ko na lang. "It's hard but some people can do it. As for me, I think I can't, lalo na kapag hindi mo sigurado kung babalik pa ba." 


Tumango siya at uminom ako sa wine ko. Nang matapos kami kumain, pinaligpit niya na 'yon at kumuha siya ng mamahaling alak. Tumayo kami at pumunta sa may tabing-dagat. Hinubad niya ang coat niya at nilatag doon para maupo kami habang nakatingin sa malayo. It was peaceful. I felt peaceful. 


Tumingala ako nang makita ang kumikislap na ilaw mula sa eroplanong dumaan. I stared at it for a few seconds and tried to reach it with my hand. I smiled and put my hand down and just watched it move through the clouds. 


"Pangarap," bulong ko. 


"Well, soon, you'll be the one assisting the passengers in that plane." He stared at me and gave me a genuine smile without his teeth showing. It was cute. 


"And you'll be the one driving it?" Tumaas ang kilay ko. 


He laughed for a bit, holding his chin and acting like he was thinking. "Unlikely but not really impossible. Let's see..." 


"Hindi mo na 'ko kilala noon." I scoffed. 


"I won't forget you... Ever." He ruffled my hair and smiled again. Nagtagal ang kamay niya sa buhok ko bago bumaba sa pisngi ko at marahang pinisil 'yon. 


Asa pa 'ko! Ang dami-dami niyang kaibigan at kakilala. Imposibleng maaalala niya kaming lahat dito lalo na't mangingibang-bansa na siya next year. Mas marami siyang makikilala roon. Marami na rin siyang makakalimutan. Sigurado rin naman ako na hindi kami aabot nang ilang buwan. 


Pansamantala lang naman lahat ng 'to. Wala naman talaga kaming planong patagalin 'to. Naiisip ko nga rin kung bakit ko ba ginagawa 'to kahit alam kong wala namang patutunguhan. 


"Kapag ako talaga naging flight attendant na, hahanap ako ng mayamang piloto na walang asawa." Tumawa ako. "Para goals!" 


"Yeah, what will happen to your children? I thought you like kids," kontra niya naman. 


"Eh 'di salitan na lang kami! Hindi ko alam! Hindi naman siguro araw-araw may lipad, eh. Kung magkakilala pa tayo noon, gagawin kitang ninong ng anak ko kasi mayaman ka, eh," biro ko sabay tawa. 


"What an insult." He laughed too. "User." 


"Ang tawag doon, diskarte. Isang ipinagbabawal na teknik." 


Tumawa siya at inabot sa 'kin ang alak para tunggain ko. It tasted good kaya nga naubos namin kaagad. I was tipsy but I wasn't drunk. Tumayo ako para basain ang paa ko sa along paminsan-minsang humahampas sa buhanginan kung saan ako nakatayo ngayon. 


"Alam mo, I think we can be friends after our deal..." Lumingon ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi 'yon. I was never friends with my flings after calling off our relationship. 


"Friends with benefits?" Tinaasan niya 'ko ng kilay. "We evolved from being fuck buddies now?" 


"Pwede rin." Nagkibit-balikat ako. "Same rules. Except that we can hang out from time to time because we're... Well... Friends?" 


Tumango siya at pinanood lang akong laruin ang alon gamit ang paa ko. Tumakatakbo ako pabalik kapag humahampas 'yong alon sa buhanginan. Minsan, naabutan ako at minsan, hindi. Ang babaw ng kaligayahan ko dahil nakainom ng alak. Tuwing tumatawa ako, natatawa rin sa 'kin si Hiro. 


"Gago, solid kang kaibigan, eh 'no?" sambit ko habang nakatingin sa paa ko. 


Nang hindi siya sumagot, lumingon ako sa kanya. Nakaupo lang siya roon at nakatungkod ang dalawang kamay sa likod, sinusuportahan ang bigat niya habang pinapanood ako. 


"Solid," ulit niya at natawa. 


"Kaya siguro ang dami mong kaibigan! You're not so bad." Tumakbo ako pabalik nang umalon ulit. 


"What do you mean I'm not so bad? Ano bang impression mo?" Kumunot ang noo niya. 


"I mean, akala ko malandi ka kaya marami kang kaibigang babae, pero ngayon naiisip ko, you are also genuine. You probably treat your friends like this, too. You treat everyone like this so I can't call this a date," I explained. I giggled when the wave hit my feet. 


"You think so?" seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin. 


"Oo naman! You're a nice person!" 


Totoo naman. Mabait siya. Ngayon lang kami nag-usap at nagkasama nang ganito. 'Yong walang sex o kung ano. Kumain lang kami at nag-usap sa maraming bagay. Doon ko na-realize na mabait siyang tao. His heart, kahit hindi halata, was pure. 


"You got everything together. Your life, your dreams, your goals. Lahat 'yon malinaw sa 'yo. I admire you for that." Lumingon ako sa kanya at ngumiti. 


"I think you're right with that..." He arched a brow. "Studying in Florida is my number one goal. Becoming a pilot has always been the dream. It's the only thing that keeps me alive, I guess? It's something I look forward to. You know that feeling? I won't give up anything for that." 


"Oo naman! It's the dream! Kaya nga nakakainggit, eh. You're really privileged. Swerte ka, you can reach your dreams without worrying about your family's financial capability. It's not the same for me, or for other people. I'm sure there are aspiring pilots out there who have no choice but to let their dreams die because of money. You need millions to become a pilot. It's somehow unfair." 


"I know..." He sighed. "I know that." 


"Don't put it into waste. Your dream, I mean. Kapag successful ka na, find ways to help other people." I smiled back at him and gave him a thumbs up. "Right?" 


He gave me a small smile and I continued playing with the sea. Ngayon ko lang ata naramdaman na payapa at masaya ako, na hindi ko kalaban ang sarili ko, o 'yong mundo. 


Ngayon ko lang naramdamang maging malaya. Malaya sa mga mata ng ibang tao. Malaya sa mga mapanghusgang mga salita na matagal ko nang tinatakbuhan simula bata ako. I did not have the best childhood or... highschool life. 


Hindi ko alam kung ilang beses na 'kong nagtago para umiyak dahil kahit pag-iyak ko, pakiramdam ko bawal dahil sa buhay ko, kahit isang beses, bawal akong maging mahina. Kahit isang beses ko lang tanggalin 'yong proteksyon ko sa sarili ko, o itong facade na matapang ako, pakiramdam ko masisira ako. 


Hindi ako pwedeng maging mahina, dahil alam kong sisirain nila ako lalo. Kapag nagkaroon sila ng pagkakataong makita akong ganito, alam kong wala na 'kong pusong maihaharap sa kanila. 


Pero ngayon... Malaya ako. Malaya ako kasama siya. Siguro naiisip kong... kaya akong protektahan ni Hiro. Posible bang maramdaman ko 'to sa isang tao? 


Why did I find comfort from a man who will eventually leave? 


Lumingon ako kay Hiro na mukhang malalim ang iniisip. I walked towards him and bended my knees so I could give him a kiss. 


"Thank you for tonight." I smiled without showing my teeth. 


He smiled back at me. "You look better when you're happy." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top