05
"Wala kang pasok?"
Sumandal ako sa pader at humithit sa vape ni Dennis habang nakasandal siya sa may tabi ko, pinapanood namin si Eduard tumira sa bilyar. Bagong recruit ko 'to, e. Tinuturuan ko kung paano tumira kasi hindi magaling.
"Mayroon," sambit ko nang maubos ang usok sa bibig ko.
Nagyoyosi ako dati pero tinigilan ko na noong 2nd year kasi ayaw ko nang mamatay nang maaga. Paminsan-minsan ay pinapahiram ni Dennis vape niya sa 'kin katulad ngayon pero hindi ko rin naman siya ganoon ka-trip. Halos pareho lang. Mas masarap lang.
"Nag-cut ka para mag-bilyar?" singhal niya sa 'kin.
"Bobo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Malamang wala na namang prof kaya narito ako, 'di ba? Kanina, may pasok ako pero ngayon wala 'yong prof ko sa last subject kaya maaga akong napunta rito. Hindi naman ako mahilig mag-cut. Pumapasok ako kahit late, 'no! Sayang attendance.
"Tangina, Eduardo, ang tagal mo na riyan, hindi ka pa rin nakakatira?! Kung hindi 'yong puti, 'yong itim 'yong shinoshoot! Akin na nga!" Irita akong lumapit at inagaw sa kanya ang cue stick.
Inayos ko muna ang mga bola at pinakita ko sa kanya kung paano sumargo. Iba-iba naman ang paraan ng pagsargo, depende sa tao kung ano ang bet niya. Namangha pa si Eduard nang tirahin ko ang puti at na-shoot ang limang bola.
"Ganito kasi." Pinatuwad ko siya at pumunta ako sa likuran niya para turuan siya.
Nakita kong namula pa ang pisngi nang lumingon sa 'kin nang kaunti. Ano 'to? Kinikilig ba sa 'kin? Hindi ko siya type. Wala na yata akong type ngayon dahil nga exclusive kami ni Hiro.
"Tangina, makinig ka, huwag kang tingin nang tingin sa 'kin," inis na sabi ko.
Paano, tingin nang tingin sa 'kin at mukhang hindi makapag-concentrate! Inasar-asar pa siya nila Dennis dahil tinitigasan daw. Napairap ako at sinubukan pa ring turuan siya kahit nakita kong nanginginig ang kamay niya at namumula na nga sa hiya.
Napatigil ako nang matahimik sila Dennis dahil napalingon sa lalaking pumasok sa bilyaran. Nakita ko ring napatigil 'yong grupo ng kababaihan sa kabilang table kaya napalingon ako kaagad. Hindi na ako nagtaka kung bakit nang makita si Hiro.
Umayos kaagad ako ng tayo nang makitang nakasandal siya sa may pintuan at nakakrus ang braso sa dibdib habang nakatingin sa 'kin. He was wearing a pair of Adidas jogging pants and a white shirt.
Agad kong iniwan si Eduard para maglakad palapit kay Hiro. Nang huminto ako sa tapat niya, hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nanatili ang tingin niya kay Eduard at nakataas pa ang kilay na parang hinuhusgahan ito.
"Aalis na tayo?" tanong ko para makuha ang atensyon niya.
Lumipat ang tingin niya sa 'kin at hindi ako sinagot. Napalingon din ako kina Dennis na nagtataka kung sino ba ang kausap ko. Pinanlakihan ko sila ng mata kaya napaiwas sila ng tingin. Napakachismoso!
"P're, may jowa na si Yanna!" Tumawa si Dennis. "Kaya pala pass palagi!"
"Ay, goodluck na lang. Dasal ka lang lagi, pr'e," sabi ni Jake kay Hiro.
"Nakabingwit amputa." Tumawa rin si Kevin. Mga papansin talaga!
I raised my middle finger at them before getting my things. Hinatak ko na kaagad ang kamay ni Hiro paalis doon dahil baka kung ano pa ang masabi ng mga bobo kong tropa sa kanya! Sisiraan lang ako ng mga 'yon!
"Sino 'yon?" tanong ni Hiro at binawi ang kamay niya sa 'kin.
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kotse niya para lingunin siya. Napatigil tuloy kami sa tapat ng karinderya.
"Mga kaibigan ko." Nakakunot ang noo ko nang sagutin ko siya.
Tumango lang siya at binuksan na ang kotse niya. Pumasok ako roon at agad nagsuot ng seatbelt. May kausap na siya ngayon sa phone habang nagda-drive kaya tumingin na lang ako sa labas.
"Yeah, I'll be right there. I'm driving," maikling sabi niya bago pinatay ang tawag.
Papunta kami ngayon sa flying school nila. Ngayon ko lang din nalaman na 'yong flying school na 'yon ay sa kanila rin. Under siya ng FlyAsia airline! Ang sabi niya kasi ay may dadaanan lang daw siya roon bago kami mag-book ng hotel. Sa Clark pa kasi 'yon. Ang saya naman, pati pag-karat, sa iba't ibang lugar pa. Lilibutin 'ata namin ang Pilipinas.
"Sinong mag-aasikaso ng airline niyo kung magpipiloto ka pala sa ibang bansa?" tanong ko ulit dahil curious.
"I'm not the only child, Yanna." He laughed a bit.
Oh, I just realized na wala pala kaming masyadong alam sa isa't isa katulad ng family background, ganoon. Puro common knowledge lang ang alam ko sa kanya tulad ng business ng pamilya niya or kung anong year niya na. Kailangan ko pa bang malaman ang iba?
"I have an older brother," pagpapaliwanag niya. "He's already a pilot in Fly Asia but he also took business in college."
Tumango ako. "'Yong dad mo, nasaan?"
"U.S.A," sagot niya. "My mom owns FlyAsia, not my dad."
"Anong ginagawa ng dad mo sa U.S.?" nagtatakang tanong ko. Mabuti at hindi siya naiinis sa rami ng tanong ko tungkol sa kanya.
"Instructor in Florida. He was a pilot." He shrugged. "Kaya pagka-graduate ko, susunod na ko roon. He's not... in good terms with my mom."
"Oh." Napaiwas ako ng tingin. "Sorry."
"It's fine." He laughed again. "My brother will stay with mom and I'll stay with my dad. I'm closer to him. How about you?"
"Wala akong tatay." Tumawa ako para hindi ganoon kalungkot pakinggan.
"Sorry," nailang tuloy siya. "Where's he?"
"He left when I was 5. Hindi naman sila kasal ni Mama kaya nakaalis siya kaagad."
"Why did he leave?"
"My mom cheated." Ngumiti ako sa kanya.
Nagulat siya at hindi nakapagsalita. Tumawa ako dahil mukhang hindi niya alam ang isasagot niya at nailang lalo. Hindi naman na siya big deal sa 'kin. Parang nasanay na 'ko na ganoon si Mama, eh. May kaunting galit nga lang pero baka ayaw rin naman sa 'kin nung tatay ko kaya niya kami iniwan. Naghanap lang ng dahilan.
Pakiramdam ko wala nang lalaki riyang magugustuhan at tatanggapin ako bilang ako. Nariyan lang sila para sa sarap. Kapag pagmamahal na ang usapan, aalis din sila. Alam kong may ibang sinasabi sa aking mahal nila ako... Pero wala naman kaming ginawa kung hindi pasarap? Ano ang nagmamahal sa kanila? 'Yong alaga nila hindi ang puso.
Wala na 'kong pinaniniwalaan ngayon. Pagmamahal? Mawawala rin 'yan. Hindi 'yan totoo para sa 'kin.
"Your dad's.. American?" curious na tanong niya at sumulyap pa sa 'kin.
Tumango ako. "I guess so."
"That's why you look... like that," he pointed out.
Ano 'yon?! Nakaka-offend ba 'yon o ano?! Anong sinasabi niyang kaya ganito hitsura ko?
"I mean, you look like an international model," sinubukan niyang bawiin.
"Come on, hindi mo na 'ko kailangan bolahin, we already had sex." Umirap ako.
Tumingin na lang ako ulit sa labas nang hindi na siya nagtanong. Nakatulog 'ata ako saglit at pagkagising ko, naka-park na kami sa tapat ng flying school nila. Nakita ko kasi kaagad ang mga eroplano at narinig pa 'yong tunog ng mga 'yon. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba.
"Let's go. I'll just talk to someone." Hinawakan niya ang bewang ko.
Pagkapasok, pinaupo niya 'ko saglit doon at nakita kong may kinausap siyang lalaking mukhang mas bata sa 'min. Napakamot siya sa ulo niya at tumango bago naglakad palapit sa 'kin.
"I'll just... help him for a bit. Can you wait?" He leaned.
"Yeah." Tumango ako at ngumiti siya sa 'kin.
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya 'ko sa pisngi bago siya naglakad paalis. Napahawak tuloy ako roon at natulala.
Inakbayan niya 'yong kausap niyang lalaki at naglakad sila palabas kung nasaan 'yong mga eroplano. Tumayo ako at lumipat sa upuan malapit sa bintana para sumilip sa kanila. May kausap na siyang ibang lalaki ngayon bago sila naglakad papunta roon sa maliit na eroplano.
Sumakay siya roon at 'yong isang lalaki 'yong nag-drive. May kinabit sila sa tenga nila at nakita kong tinuturo ni Hiro 'yong controls sa harapan nila, mukhang may pinapaliwanag at tinuro pa 'yong dadaanan. I just watched. He looked so passionate, it struck me for a bit.
In a few minutes, umandar na sila. I watched them go around before it left the ground. Namangha pa 'ko dahil ngayon ko lang nakita nang ganito kalapit. It was amazing. Umayos na lang ulit ako ng upo at naglaro ng games.
I just waited for a few more hours before they went back. Kumakain na 'ko ngayon ng tinapay na binili ko roon din sa counter dahil nagutom ako.
"Kumusta?" tanong ko nang umupo na siya sa tabi ko.
"Stressful." He still smiled at me.
Inalok ko siya ng tinapay na kinakain ko at kumagat lang siya roon bago siya tumayo at naglakad paalis. May kausap na naman siya ngayon. Napakarami talagang kinakausap nito! Mr. Friendship na dapat ang bansag sa kanya. Wala bang award sa mga ganoon?
"Let's go." Hinatak na niya 'ko patayo pagkabalik niya.
Like what he said, we booked a hotel nearby so we can spend the night here. Ang sabi ko kasi nakakasawa na roon sa condo niya at kailangan ko ng bago. I liked exploring things!
"Ah! Fuck!"
Halos mahulog na ang frame sa pader nang isandal niya 'ko roon, buhat ang dalawang binti ko, at tinutulak ang sarili sa 'kin. Napatingala ako nang maramdaman kong pinipihit na ang puson ko. Sa pagmamadali namin, hindi ko na nga nahubad ang uniform ko.
"Do you like it?" he whispered to me.
"Harder." I bit my lower lip, dinadama ang kanya sa loob ko. Kulang pa... I needed something more... Something... deeper. It was right there.
Sinunod niya kaagad. Napadasal na 'ko sa lahat ng santo. Pakiramdam ko ay naririnig kami sa labas dahil sa kalabog ng pader. I moaned when I felt my release. He thrusted more inside me before he stopped and closed his eyes, panting. His chest was heaving. I could see his veins while holding my waist, giving slow thrusts as he released.
Hingal na hingal ako nang binaba niya 'ko, nanlalambot pa ang tuhod ko. He took the condom out and disposed it properly.
"Next time, pwede nang walang condom," sabi ko nang mahiga sa sofa.
Kumunot ang noo niya at lumingon sa 'kin, nagtataka kung bakit. Never pa kasi namin ginawa 'yon nang walang condom dahil mahirap na. Ayaw ko pang magkaroon ng anak 'no!
"Bumisita ako sa OB. I'm alaready taking pills," dugtong ko.
"Are you sure?" Tumaas ang kilay niya, mukhang walang tiwala sa 'kin.
"Oo nga! I'll consult again kung kailan na pwede." Dumapa ako at nagpahalumbaba. "But surely... Soon."
"You sure, huh? The last thing I want right now is a kid." He laughed a bit but I knew he was serious when he said that.
"Hindi ka mag-aanak kahit kailan?" tanong ko lang din sa kanya.
"I'll think about it." He shrugged.
Hinubad niya ang shirt niya at kumuha ng twalya. Hinubad ko na rin ang blouse at palda ko dahil pinagpapawisan kaya naiwan na lang ako sa bra at panty. Sanay naman na siyang makita ako ng ganito. Kung hindi ganito, hubad naman.
Nang matapos siyang maligo, ako naman ang sumunod dahil ang lagkit sa pakiramdam. Lalo na't galing pa 'kong school kaya naligo ako kaagad. Nagsuot lang ako ng maong shorts at tank top dahil kakain kami sa labas. I did not like dates but we had no choice but to eat outside. Nagugutom din naman ako, 'no!
"You don't like kids?" curious na tanong ko habang naghihintay ng order namin dito sa restaurant.
Dito kami napadpad sa isang mall sa Clark para kumain. Ang sabi ko kahit fastfood na lang pero mahahaba ang pila kaya rito na lang kami sa restaurant na pinili niya. Siya naman ang nagbabayad, eh.
"I like kids. I just don't want a kid," he explained.
"Bakit? Ang lonely mo naman," pang-aasar ko.
"If I'm going to be a pilot, most likely wala ako sa bahay. Hindi ko nga alam kung mag-aasawa pa 'ko, eh." He laughed for a bit. "I can't take care of the kid."
"I like kids..." sabi ko naman. Nagkibit-balikat ako at kinain 'yong appetizer naming salad. "Kahit walang asawa..."
"You're going to be a flight attendant. Wala ka rin most of the time," pakikipagtalo niya. "Who will take care of the kid?"
"I'll find ways, okay?" Ngumuso ako.
But thinking of it now... Kaya ko bang ibigay 'yong pagmamahal sa bata na hindi ko naman natanggap noon? Natatakot tuloy ako. Paano kapag nabuhay siya katulad ko? Paano kapag naging katulad ko siya? Kaya ko bang makita 'yon?
Napatigil kami sa usapang bata nang dumating na 'yong pagkain. Sarap na sarap ako sa steak. Sa susunod, magiging steak na kaming dalawa nito. Gusto ko sanang ilibre rin siya sa mga pagkain kaso palaging pinipili niya ay sa mga mamahaling restaurant, eh hindi ko naman afford 'yon. Sa susunod, ililibre ko siya ng siomai rice o kung ano.
Pagkatapos namin kumain, sinamahan niya 'kong mamili muna ng pantulog ko dahil nakalimutan kong magdala kanina. Pang-alis lang ang nadala ko.
"I told you, you don't have to wear anything," Hiro whispered and touched my ass a little.
"Shut up." Siniko ko siya dahil may ibang customer. Nakakahiya
Nagtingin ako sa sleepwear section. Gusto ko sanang mag-pajama kaso parang mas gusto ko ng something daring or seductive so I could take a picture of it. Napangisi ako at naghanap ng lingerie.
"This one's good." Tinaas ni Hiro ang pulang lingerie. "It will look good on you."
Pinagmasdan ko ang hawak niya. It had a laced bra top, a laced piece of clothing you will put on your waist, and a lie-low laced panty pero may pa-belt strap na nagko-connect roon sa waist. I would look like a devil wearing that one.
"Wear it. I'll pay for it." Hiro smirked.
Umirap ako at inagaw 'yon sa kanya. Ako na ang magbabayad! Pinagtitinginan pa siya roon dahil nagtitingin-tingin siya habang nagbabayad ako. Pagkatapos kong magbayad, binalikan ko na siya sa lingerie section.
"Ano bang tinitignan mo riyan?" nagtatakang tanong ko.
"I was fantasizing." He laughed playfully. "Made me hard."
"Manyak." Sinabunutan ko siya nang pabiro at hinatak na paalis.
"I was kidding!"
Bumalik na kami sa parking para mauwi na. Nagmamadali na kami pauwi dahil gutom na ulit sa isa't isa. I was so proud of our stamina. Proud din ako sa pechay ko at kinakaya ko lahat ng ito.
Pagkauwi namin, sinukat ko na kaagad 'yong lingerie and he waited for me outside. Nang lumabas ako sa C.R., lumipat ang tingin niya sa 'kin. He swiftly surveyed my whole body before chuckling.
"Bakit ka tumatawa? Pangit?" conscious na tanong ko at naglakad papuntang salamin. Mukhang maganda naman, ha?
Tinignan ko ang sarili ko roon at tumalikod pa para makita ang fit sa pwetan ko. It looked sexy! Kinuha ko ang phone ko so I could take pictures. Hiro watched me from behind, staring.
"Yanna, come here," tawag niya.
Binaba ko ang phone ko at naglakad palapit sa kanyang nakaupo sa dulo ng kama. He pulled my hand so I can straddle his hips. Pinalupot ko ang braso ko sa kanya bago ko siya hinalikan. Naramdaman ko kaagad ang init nang halikan niya 'ko pabalik.
He put his hands around my waist, down to my ass to cup it while he was thrusting his tongue inside my mouth. I kissed his jaw down to his neck. Umangat na naman ang kamay niya para mahawakan ang dibdib ko.
"I didn't pay for this so I can't tear it." He sounded disappointed.
I kissed him again on his lips to shut him up. I pushed my tongue inside his mouth and he suckled on it while he was playing with my nipples using his fingers. I can feel my wetness against my underwear.
"Kneel." He whispered to me.
Agad akong tumayo at lumuhod sa harapan niya. I helped him take his pants and boxers off and his member stood proudly in front of me, almost touching my face. I held it with both of my hands and jerked him off slightly before licking the head. He grabbed a handful of my hair so he could guide me deeper.
I licked all of him so it would slide better before I took him inside my mouth. I tried to get all of him inside but it was too much, it already hit my throat. When I looked at him, he was looking up with his eyes closed, muttering curses while slightly thrusting his hip.
"Ah, fuck," he whispered when I sucked faster and used my hand for the portion I couldn't take inside. "I'm cumming," he informed me.
I continued until he spilled his juice inside my mouth. He let out a heavy sigh before getting a tissue so I could spit some of it. In just a few minutes, he was already taking me from behind.
Nang mapagod, napagdesisyunan naming matulog na. Naglagay ulit ako ng unan sa pagitan namin para hindi siya makalapit sa 'kin habang tulog ako. I didn't want to cuddle. He also seemed like the type who didn't like cuddles after sex. He was rough and merciless. My cup of tea.
Hindi ako makatulog kaya lumingon ako sa kanya but he was already sleeping. Dumapa ako para pagmasdan siyang natutulog. He looked so peaceful. Wala siyang suot pantaas at kumot lang ang nakatakip hanggang dibdib.
"Unfair. Kahit tulog, ang gwapo pa rin," bulong ko at sinubukang alisin ang kaunting buhok na tumutusok sa bandang mata niya. Baka kasi naiirita siya. I sighed heavily and stared at him more.
"Stop staring at me."
Nanlaki ang mga mata ko at agad umayos ng higa, nagpanggap na hindi ko siya tinitignan. Narinig ko pa ang tawa niya nang silipin niya 'ko.
"Why were you staring at me?" Nilagay niya ang ulo sa kamay niya habang nakasandal ang siko at nakaharap sa 'kin.
"Wala lang." Hindi ko alam ang isasagot ko pagkatapos niya 'kong mahuli. Nagharang pa ako ng unan pero nahuli rin naman niya 'kong nakaharap sa kanya. "Tinitignan ko kung tulog ka na talaga."
"Yeah, I was, until I dreamed of satan staring at me. It woke me up," he teased.
Hindi ako nagsalita at inirapan lang siya, medyo natatawa pa. Umayos siya ng upo at tinanggal ang unan sa pagitan namin kaya agad ko siyang siningahalan.
"Hey!" inis na sabi ko.
"I'm wondering, why do you dislike cuddling so much?" He smirked. "Or maybe you're scared of it?"
"Anong nakakatakot doon?" Kumunot ang noo ko at inagaw ang unan sa kanya para ilagay ulit sa gitna namin. Hindi ako papayag na mawala 'yon sa gitna namin 'no! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko!
"Scared that you might fall for me." The side of his lips rose up and formed an amused smile. Nakakainis tignan.
"Kadiri ka." I made a disgusted face. "Bakit mo tinanggal 'yong unan? Gusto mo 'kong mayakap 'no?"
"No, I was trying to see your reaction," he teased more. "You looked nervous... Are you really scared to fall in love with me?"
"Well, you're wrong. I'm not and I will never!"
Ano bang pinapalabas nitong gagong 'to? Kasama ba sa usapan namin 'yong asarin niya 'ko hanggang sa ma-satisfy siya? Ang kapal ng mukha niya!
"Really? You think you won't fall for me?" He took the pillow out again and smiled at me. Umiwas ako ng tingin nang mapaso sa titig niya.
"Yes," confident na sabi ko. "Ikaw ba? Baka ikaw 'yong nangangamba rito. Takot ka bang ma-fall sa 'kin?"
He stared at me for a second before laughing like I said an amusing joke. Lumapit siya sa 'kin para titigan ang mukha ko nang malapitan. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at umatras sa kama.
"I think not, Ashianna." He bit his lower lip before letting out a small laugh.
"If you think good sex can make me fall, in love na sana ako sa marami." I smirked.
He stared at me darkly before putting the pillow between us again. Tumawa ako nang matulog na siya ulit na walang sinasabi. There, I got him. Hindi ko na lang sinabi na siya ang pinakamagaling dahil baka magyabang siya sa 'kin lalo.
Nakatulog na rin ako kaagad pagkatapos noon. Nagising na lang ako nang tumayo si Hiro mula sa tabi ko para pagbuksan ng pinto ang room service. Umayos ako ng upo, inaantok pa. Nang ilapag na ni Hiro ang breakfast doon sa coffee table, tumayo na 'ko at pumasok sa C.R. para maghilamos.
"Good morning," Hiro greeted me when I walked towards the living room.
Kumuha ako ng french toast at kinagatan 'yon bago ako uminom nung orange juice. He was already putting honey syrup on his pancakes when I leaned to give him a kiss. He was stunned, muntik pang matapon 'yong syrup.
"Stop, I'm getting a hard on." He laughed.
Ngumisi ako at umupo sa tabi niya para ipagpatuloy ang pagkain. I was already wearing his big shirt and underneath it was my lingerie. Tumunog ang phone niya habang kumakain kaya sinagot niya 'yon.
"Elyse," he answered it.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at hindi siya pinansin. Kausap niya 'yong magandang cheerleader from last time. 'Yong nakita rin namin sa grocery.
"Yeah, I'm in Clark. I can still pick you up, though," seryosong sabi niya.
Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya ako. Pick up sino? Saan?
"I'll just drop my friend off and go to..." Napahinto siya at narinig ko ang boses ng babae sa phone. May sinasabi 'ata. "You can't wait? Okay, sure... I'll be there."
Sumimsim ako sa juice ko at nakitang pinatay na niya ang tawag.
"Are you done? We need to go," he looked at me.
Tumango ako at binilisan ang pagkain para makuha ko na ang gamit ko. Ni hindi na nga 'ko nakaligo dahil mukhang nagmamadali talaga siya. Nakakahiya tuloy! Ano kayang amoy ko?
"I'll pick someone up on the way," he informed me.
Tumango ako at hindi nagsalita. Hindi na 'ko nagulat nang lumiko siya at pumasok sa malaking gate ng malaking bahay. Huminto siya sa tapat noon at nakita ko si Elyse na naglalakad palabas, naka-shades at may dala pang maliit na aso. I knew she was rich. Like RICH rich because she looked spoiled.
Binuksan niya ang shotgun seat kung nasaan ako at nagulat pa nang makita ako sa loob, hindi inaasahang may kasama si Hiro.
"Oh, Yanna! Yanna, right?" She took off her shades and smiled.
"Sa likod na 'ko." Ngumiti ako at bumaba para lumipat sa likod dahil mukhang dito ang pwesto niya. Desidido siyang dito umupo, eh.
"Thank you! You're so nice!" Elyse smiled at me before calling a helper.
Binigay niya 'yong aso sa matanda bago sumakay. Napaiwas ako ng tingin nang bumeso siya kay Hiro bago ito nag-drive paalis.
"I'll drop her off before we go," pagpapaliwanag niya kay Elyse.
"We can bring Yanna!" Lumingon sa 'kin si Elyse at ngumiti. "We're going to Shan's flat!"
"Hindi na," sagot ko kaagad. Hindi pa 'ko naliligo 'no, at tsaka iba ang pinaparating ng tingin ni Elyse sa akin. Nakangiti siya pero nakakatakot ang mga mata niya. Magkaiba ang sinasabi niya sa gusto niyang mangyari.
"Okay, then." Umayos na ng upo si Elyse at cummonect pa sa bluetooth dahil sinabi ni Hiro. Her device was already saved there kaya walang kahirap-hirap.
"Connected?" Hiro asked. "Or you need help?"
"It's saved na, eh. Thanks!"
May pinag-usapan silang hindi ko alam kaya tumingin na lang ako sa labas. I could sense Elyse's hidden feelings for Hiro. Halatang-halata naman, e. Hiro looked oblivious, though, or baka wala lang talaga siyang pakialam. Anyway, it was none of my business.
"Shut up, I know we lost sa UAAP CDC." Hinampas ni Elyse ang braso ni Hiro at tumawa ito.
"You fell." Tumawa lalo si Hiro dahil sa pang-aasar.
"Shut up!" Mukhang pikon na si Elyse.
Napangisi ako nang ma-realize na hindi lang pala ako ang gustong-gustong pinipikon nitong si Hiro. Ganoon lang talaga ang ugali niya. Ganoon siya sa lahat ng babaeng nakapaligid sa kaniya.
"I heard you were with Giselle last Thursday. What happened?" tanong ni Elyse.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa labas nang marinig ko ang pangalan ni Giselle. Ex niya 'yon, hindi ba? Magkasama pala sila noong Thursday... Kaya pala sabi niya hindi kami pwedeng magkita noong araw na 'yon.
"Nothing much." Hiro shrugged. Mukhang ayaw niyang magbigay ng details.
"What do you mean nothing much? Richie caught her leaving your unit." Elyse sounded jealous. Napangisi ako nang sarkastiko. Hindi ko alam kung saan. Sa fact ba na nagkita sila ng ex niya sa condo or dahil halatang nagseselos si Elyse?
Hmm, his ex leaving his unit, huh. Siya pa talaga ang nagsabing ayaw niyang makipag-sex kami sa iba. That was unfair...
"We just... talked." Hiro glanced at me and I rolled my eyes at him. Alam na niya ang iniisip ko.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng dorm ko. Nagmamadali akong bumaba kaya hindi ko na napansing bumaba rin si Hiro at hinabol ako.
"Hey..." He grabbed my arm.
Sarkastiko akong ngumiti sa kanya nang humarap ako. "You get jealous easily, huh," pang-aasar ko. "That's why you want it to be exclusive?" Sarkastiko ang tono ko.
"Nothing happened." He sighed.
"Hiro, wala akong pakialam kung mag-sex kayo or what." Umirap ako. "Ang unfair lang sa 'kin. I mean, kung ginagawa mo, dapat ako rin."
It wasn't that deep. Hindi naman ako galit. Naiirita lang ako sa kanya dahil hipokrito siya sa mga rules namin. Sunod ako nang sunod doon tapos siya, ganito? Hindi naman ako ang nag-set ng exclusivity rule. Bakit parang ako pa 'yong dehado?
"We didn't have sex but she kissed me," seryosong sabi niya.
"Asshole," bulong ko at tinalikuran siya.
Iritang-irita ako nang umakyat sa dorm. Naligo kaagad ako at nagbihis. Buong linggo tuloy ay hindi ko siya kinausap. Friday came and Samantha called me, inaaya ako sa Versus with the girls.
Nerbyos na nerbyos si Luna nang makita ang lalaking nilalandi niya ngayon sa kabilang couch kung saan kami pumwesto. Magkaaway 'ata at hindi nagpapansinan. Pabebe pa at panay ang lingon doon sa gawi. Bakit hindi na lang lapitan? Parang tanga lang. Naghihintayan lang silang dalawa.
"Let's continue our competition tonight!" pag-aya sa 'kin ni Sam.
I took that as a challenge. Hiro was out there kissing his ex kaya bakit ako, hindi pwede? Fuck men.
Nakainom na 'ko nang lapitan ko 'yong lalaki. I asked him to play arcade with me at iinom bawat talo kaya nalasing tuloy ako. Hawak na niya ang bewang ko habang nakikipagtawanan kami sa mga kaibigan niya. Nakasandal ako patalikod sa kanya.
I looked back at him and he kissed me. Hindi ko alam kung anong mayroon sa 'kin at humiwalay ako kaagad. It just... didn't feel right. I felt guilty for some reason.
"Restroom lang ako," sambit ko.
Nahihilo na 'ko nang makarating sa restroom. I sat on the floor for a long time, holding my head. Napatingin ako sa phone ko nang tumawag si Hiro. Napairap kaagad ako pero sinagot ko pa rin 'yon.
[Wow, you know how to answer calls.] sarkastikong bungad niya.
"Ano?!" sigaw ko kaagad. "Tawag nang tawag amputa!"
[What?] Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi naman kasi ako ganito kapag tumatawag siya.
"Bakit ba tawag ka nang tawag?! Nakikipaglaplapan ako rito, eh!"
[Are you drunk?] His voice sounded serious.
"Paki mo, gago!" I raised my middle finger in the air, hoping he could see it. "Stupid motherfucker! You don't follow the rules! You are so unfair!"
[Stay there. I'll pick you up and we're going to fucking talk.]
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top