04


"Saan ka galing?" 


Hingal na hingal ako at pawisan nang makapasok sa room. Mali pa ang pagkakabutones ng blouse ko kaya agad-agad ko 'yong inayos, pati na rin ang buhok kong nagulo pagkatapos namin ni Hiro sa sasakyan niya kanina. Muntik pa 'kong ma-late! 


"Wala, kumain," sagot ko kay Bri. 


Hinalungkat ko ang bag ko para maghanap ng concealer para lang matakpan ang nasa may pinakababa ng leeg ko. Tumaas ang kilay ko kay Megan nang makitang nakatingin na naman siya sa 'kin. 


"Problema mo?" masungit na tanong ko. 


Umirap siya at bumaling kay Rachel. "May hickey pa," bulong niya. 


Natawa ako nang sarkastiko. Si Megan, sa paningin ko, ay kumakandidatong makapasok sa langit. Ako, hindi ko na tina-try! 


"Megan, papagawan kita ng rebulto mo, huwag kang mag-alala," sabi ko habang naglalagay ng concealer. 


"Kung ikaw ang gagawa ng rebulto ko, no thanks. Para na rin akong ginawan ni satanas." Umirap pa siya. 


Bakit ayaw niya noon? Sayang naman. 


"Dahil diyan, may free pass ka na sa langit. Sasalubungin ka with red carpet pa raw." Ngumisi ako habang naglalagay na ng lip tint. 


"O, talaga? Kinausap ka?" pambabara niya. Ang pangit kausap nito. Hindi ba talaga matatanggal galit niya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya. 


I made a face before putting back my lip tint inside my make-up kit. Ayan, mukha na ulit akong fresh. Sa susunod, ita-try ko na nga kung MOMOL proof ang binili kong lip stick. Willing naman si Hiro para maging tester. 


Napangisi ako habang inaalala kung ano ang nangyari sa sasakyan niya kanina. Sa sobrang sabik ko ay hindi na nga kami umabot sa dorm ko kaya sa sasakyan na lang. Okay na rin at bagong lugar. Sa susunod, saan naman kaya? Sa condo niya, o kaya sa shower, o kaya para may thrill... sa public? Joke. 


Iyon lang ang naging routine namin sa dalawang linggo. Siguro nagkikita kami dalawa o tatlong beses isang linggo dahil busy rin siya sa mga pinag gagagawa niya sa flying school tuwing weekend. Abala rin siya sa kaka-math niya. Gaya ngayon, kakatapos lang namin sa condo niya at nag-aaral siya sa may coffee table. May sino-solve ata siya. 


"Ano 'yan?" curious na tanong ko nang makalapit. 


Umupo ako sa sofa habang nakaupo siya sa sahig para mas malapit sa coffee table. Nakasuot na siya ng maroon sweater ngayon at black sweatshorts habang ako, naka-panty lang at oversized shirt na pinahiram niya sa 'kin. Napunit kasi ang suot ko kanina sa sobrang nipis. 


"Review." He quickly jotted down some numbers and symbols I wasn't familiar with.


Sumasakit lang ang ulo ko kapag tinitignan ko. Kumuha pa siya ng isang papel at nag-sketch doon. Dito ako matutulog ngayong gabi kaya hindi ako umuuwi. Weekend kasi at wala akong gana umuwi sa Laguna kaya rito muna ako tatambay. 


"Bakit nag-aaral ka pa niyan kung magiging piloto ka rin naman pala at hindi engineer?" nagtatakang tanong ko. Wala lang. Hindi ko lang siya maintindihan. 


"Gusto ko lang ng college degree." Tumawa siya. 


"So trip mo lang?" Tumaas ang kilay ko. "Tinitrip-trip mo lang ang Engineering?" 


"Hindi naman," sabi niya nang hindi lumilingon. Masyado siyang abala sa pagii-sketch doon, e. "Maganda rin na may alam ako sa makina." 


"May license ka na diba? Pilot license?" curious na tanong ko. 


"Commercial, yes. I'm still earning more flying hours. I need to reach 1500." He looked at me and smiled. Nang mapansin niyang nalilito pa rin ako, nagpaliwanag siya ulit. "I either fly the plane or become an instructor for... baby pilots." He chuckled with the term he used. 


"So you're an instructor now?" tanong ko na naman. 


"Yes," sagot niya at binalik na ang tingin sa dinadrawing. "I get paid. It's easy money." 


Tumango ako at humiga sa sofa, pinaglalaruan ang unan. Bored na bored na 'ko dahil abala siya sa pag-aaral ngayon. Wala kaming ganap next week kaya chill lang ako rito. 


"May naging girlfriend ka na ba?" curious na tanong ko ulit. 


"Yeah." Tumango siya kahit nakatalikod sa 'kin. "We broke up last year. No big deal. We're good." 


Napatango ako. Ako rin, nagkaroon ng boyfriend pero kinakahiya ko lahat ng 'yon dahil high school pa 'ko nang pumatol sa mga pangit na 'yon. Nakakadiri naman. Gusto ko tuloy tawagin ang sarili kong NBSB. Kapag tuloy may nagtatanong sa 'kin kung may mga ex ako, sinasabi kong pumanaw na. 


"Sino?" nakuryoso ulit ako. Sa dami ng litrato niya sa ibang babae, hindi ko na alam kung sino roon! Lahat pa ay magaganda kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit ba pumatol siya sa akin sa offer na 'to. Panigurado namang may mas sexy pa sa akin diyan. 


"Giselle Davis," he said calmly.


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! The Giselle Davis?! 'Yong young model na nag-aaral sa Ateneo ngayon! 'Yong nanalo sa isang international show! What the heck, nabingwit niya 'yon?! 


"Gaano kayo katagal?" Kung long term 'to, nakakahiya na lalo! Kaibigan pa yata ni Samantha 'yon! 


"1 year." He shrugged like it wasn't a big deal. "Naging busy kami pareho, e, so I called it off." 


"Brineak mo si Giselle?!" Napakurap ako. "Grabe, ang kapal ng mukha mo?!" 


Hindi deserve ni Giselle ang masaktan ng gagong 'to, 'no! I mean, oo, gwapo nga siya at mayaman, pero hindi ko inaasahan na siya pa talaga ang makikipaghiwalay! Ang ganda ganda ni Giselle! 


"She agreed, okay?" Pagde-defend niya sa sarili niya nang makita ang hitsura ko. "We still see each other at events. We're in good terms." 


"Sa susunod, hingan mo 'ko ng video greeting." I giggled. 


"Sige, kanino mo pa gusto? Marami akong contact." Tumawa siya at kinuha ang cellphone niya. 


"Napakayabang mo!" Umirap ako pero na-curious din kaagad kung anong laman ng contacts niya sa phone. 


Binigay niya sa 'kin 'yon para makita ko. Una pa lang ay nanlalaki na ang mga mata ko dahil halos puro sikat ang nasa contacts! May mga lalaking artista rin o model doon, mga kaibigan niya siguro. May mga crush pa nga ako roon! Ang bigatin naman pala ng social circle nitong gagong 'to. 


Puro first name at last name ang mga pangalan doon. Jusko, may contact din siya nung nanalong Miss Universe last year tsaka 'yong lumaban ngayon. Pati pa 'yong Miss Earth. 


"Paano mo nakukuha 'to? Tangina, umamin ka, stalker ka 'no?!" pagbibintang ko kaagad. 


"They're either my friends or my flings." He shrugged. 


He reminded me of Samantha! Napakaraming connections din ni Sam! Minsan nga nagugulat na lang ako na kakilala niya 'yong crush kong model or something. Hindi niya 'ko pinapakilala kasi kadalasan daw ay may mga jowa 'yon na tinatago lang. 


Napakunot lalo ang noo ko nang makita ang pamilyar na pangalan sa 'kin. 


Kalix Martinez. 


"Gago, bakit mo kilala 'to?" 


Gulat na gulat ako nang ipakita sa kanya ang pangalan nung kalandian ni Luna ngayon! Siya 'yon, hindi ba? Patay na patay si Luna roon! Na-love at first sight ang gaga. 


"Common friends," he answered. "Why? You like him? Sorry to say, that guy's already married with his studies." Tumawa pa siya, mukhang walang alam sa lovelife ni Kalix ngayon. 


"Ulol, sa kaibigan ko na 'yan!" Na-imagine ko kaagad na nakatingin nang masama sa 'kin si Luna. Nakakakilabot. 


Nag-scroll pa 'ko para tignan kung sino pa ang nasa contacts niya. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang crush kong male model. 


"Ipakilala mo 'ko kay Zach!" tuwang-tuwang sabi ko. 


Lumingon siya sa 'kin at kumunot ang noo, tinitignan kung sino ang tinutukoy ko dahil tatlo ang nakalagay na Zach sa contacts niya. Nang makita niya, napailing siya. 


"That's enough." Kinuha niya ang phone niya mula sa kamay ko.


"Bakit?! Malay mo, siya na pala ang pwede kong maging boyfriend!" excited na sabi ko. 


"I thought you don't do boyfriends?" Tumaas ang isang kilay niya sa 'kin. 


"Pwede namang mabago kung siya ang ipapakilala mo sa 'kin!" Kinikilig pa ako dahil sa sariling kaharutan. Gwapo naman kasi talaga 'yon! Wala naman yatang jowa ngayon kaya pwede. 


"He's not even that great." He scoffed. Na-offend kaagad ako! 


"Bakit mo sinisiraan ang kaibigan mo? Sa tingin ko magaling siya! Puwede kitang ipagpalit sa kanya, 'no!" Ngumisi ako, nagbibiro, pero mukhang hindi siya natuwa. 


"You're not his type." He shook his head. 


Mas lalo akong na-offend! Kinuha ko ang libro sa sahig at mahinang hinampas sa ulo niya. Napahawak naman siya roon at lumingon sa 'kin, masama ang tingin. 


"You're not his type but you're my type so stop pursuing him and focus on me instead," seryosong sabi niya.


Natigilan ako sa sinabi niya pero nang maka-recover, hinampas ko ulit siya ng libro sa ulo. Anong biro na naman 'yon? Kinabahan ako, ha! Akala ko seryoso na siya. 


"'Pakaarte mo!" Umirap ako at humiga ulit sa sofa. 


Tinapos na niya 'yong dinadrawing niya roon habang nanonood ako ng Netflix. Wala akong Netflix kaya rito lang ako nakakanood. Ang dami palang bagong magagandang series at movies dito. Minsan, hinihiram ko lang account ni Kyla, eh. 


"Anong gusto mong kainin?" tanong niya nang maglakad papuntang kusina.


"Etits mo, bakit?" barumbadong sagot ko. 


Natawa pa siya sa sinabi ko bago niya binuksan ang ref at naghanap ng pagkain doon. He literally ignored what I said. Akala mo naman hindi ako seryoso roon. Char! 


Nagugutom na talaga ako. Hindi ako nakakain ng lunch kanina bago magpunta rito, eh. Itong gagong Hiro, hindi man lang ako inalok o tinanong kung nag-lunch na ko. Meryenda lang ang binigay sa 'kin at hindi pa pagkain 'yon! Pasarap lang na meryenda! 


"Should we just order food?" tanong niya.


Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya. Bakit mago-order pa? Wala ba siyang pagkain dito? Nagugutom na ako! 


"Bakit? Magluto ka na lang!"


Natahimik siya saglit at dahan-dahan akong napaupo mula sa pagkakahiga ko sa sofa para tingnan siya. Totoo ba 'to? Umiwas siya ng tingin sa akin at napakamot sa batok niya, nahihiya. 


"Hindi ka marunong magluto?!" gulat na tanong ko nang mapagtanto kung bakit ganoon ang inaakto niya ngayon.  


Umiling siya, nahihiya pa ang ngiti. Agad-agad akong tumayo at naglakad papuntang kusina para magtingin ng pwedeng lutuin pero wala man lang siyang maayos na pagkain doon! 


"Kawawa ka naman pala," sambit ko. "Kung mag-grocery kaya tayo tapos magluluto ako?" 


Pumayag naman siya kaagad! Nagsuot lang ako ng shorts na hindi rin kita dahil malaki ang shirt niya sa 'kin. Nilakad lang namin ang grocery dahil mayroon sa baba ng condo niya. Inipit ko ang buhok ko sa ponytail para hindi halatang magulo at kakagaling lang sa ano. Si Hiro kasi! 


Kumuha siya ng cart at bored na nagtulak doon, sinusundan ako. Lagi akong mag-isa sa bahay noon kaya sanay na sanay na 'kong magluto. Kailangan ko 'yon para mabuhay. Sanay na rin akong mamalengke kaya alam ko na kung anong bibilhin ko. Naisipan kong magluto na lang ng kare-kare. 


Naiiwan ko si Hiro dahil napapahinto siya kapag may bumabati sa kanyang kakilala niya. Natatagalan pa ang usap nila roon. Para siyang nanay ko, eh! Kapag may nakikitang kakilala, nakikipagchikahan pa! Akala mo naman isang taong hindi nagkita, eh halos magkabit-bahay lang naman! 


Nilapag ko ang meat na binili ko sa may cart. Nakikipag-usap siya ngayon sa dalawang lalaki kaya napatingin din sila sa 'kin. 


"Uh, this is Yanna, my..." He trailed off. "...friend." 


Gusto kong matawa pero ngumiti na lang ako sa dalawang lalaking nakipag-shake hands pa sa 'kin. Hindi ko sila type kaya wala akong pakialam. Umalis na lang ulit ako roon para maghanap ng ibang snacks. Naaawa ako kay Hiro at wala man lang pagkain sa condo niya! Paano ba 'to nabubuhay? O baka kasi palagi siyang wala at kumakain sa labas kasama ang iba? 


Naglalakad na 'ko pabalik nang makita siyang may kausap naman na babae ngayon. 'Yong kausap niya rin last time sa house party. Madalas nilang kasama 'yon kaya palagay ko ay kaibigan niya rin. She was wearing a cheerleading costume.


Nang makita ako ay napawi ang ngiti ng babae, pero agad ding binalik para kumaway sa 'kin. Nilapag ko ang mga pagkain sa cart bago humarap sa kanya. Napatingin din si Hiro sa 'kin. 


"Yanna, right?" She smiled at me. "Nakita rin kita last time!" 


"Yanna, this is Elyse," pagpapakilala ni Hiro.


"Hi." Ngumiti lang ako nang pilit sa kanya. Hindi ako sociable na tao at wala akong balak makipagchikahan at makipagkaibigan sa kanya kahit pa kaibigan siya ni Hiro. 


"You guys performed?" Narinig kong tanong ni Hiro bago ako naglakad paalis para kumuha ulit ng pagkain.


Kumuha ako ng kaunting chocolates at tsaka iba pang snacks. Pagkabalik ko sa pwesto ni Hiro, wala na siyang kausap at mukhang hinahanap na lang ako. 


"Tara na, Mayor," sabi ko. 


Parang laging kumakandidato 'to sa rami ng kakilala at kinakausap, eh! Napaka-friendly pa at pala-ngiti. Iisipin mo talagang napakabait niya. Parehas lang naman kaming sa impyerno mapupunta, 'no! 


"Japanese ka ba?" tanong ko habang nagbabayad kami sa cashier. "Akihiro, eh." 


"No." He snorted like it was a ridiculous question. "My dad's French, but my grandparents also have Spanish blood." 


Binigay niya ang card niya sa cashier girl na hindi maalis ang tingin kay Hiro. Halatang-halata at nanginginig pa ang labi sa kakangiti. Napatingin din tuloy ako kay Hiro. Inayos niya ang buhok niya gamit ang kamay habang hinihintay ang pagproseso ng card niya. Ngumiti pa siya sa cashier girl nang makitang tinitignan siya. 


Sorry, ako dinidiligan niyan ngayon kaya shoo! 


Nang matapos magbayad, siya ang nagbuhat noon paakyat sa condo. Nagluto kaagad ako pagkarating dahil gutom na gutom na 'ko habang siya naman ay naglaro ng PlayStation. 


"Masarap?" tanong ko nang tikman niya ang kare-kare. Tumango siya, nasisiyahan. "Talaga? Masarap kare-kare ko? Alam mo, dapat magtayo ako ng karinderya, eh." Naisipan ko lang bigla.


"What would be the name?" He arched a brow. 


Napaisip ako. Yanna... Ashianna... 


"Ashiyummers." Ngumisi ako. 


Nabulunan siya bigla sa sinabi ko. Malakas akong tumawa at inabot sa kanya 'yong tubig habang hinahampas niya ang dibdib niya gamit ang kamao. Tumatawa pa rin ako habang umiinom siya. Naubos niya kaagad ang tubig sa baso. 


"Masarap na nga ang pagkain, masarap pa ang nagpapakain!" Mas lalo akong napangisi. 


"I lost my appetite," pambabara niya at binitawan pa ang utensils.


Umirap ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos, ako na rin ang nagligpit. Nag-offer pa siyang siya na ang maghuhugas, eh alata namang hindi siya marunong kaya tinulak ko siya para ako na lang ang maghugas noon! 


"I know how to wash the dishes," pakikipagtalo niya sa 'kin. 


"Oh, sige, paano?" Tumaas ang kilay ko habang nagsasabon ako ng plato.


Nanigas ang katawan ko nang pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko para ituro sa 'kin kung paano siya naghuhugas. Napalingon ako sa kanya saglit at hindi na naintindihan ang sinasabi niya. 


"Right? Tama naman ako," he said, still holding my hands. 


Napakurap ako at tumango. Oo na lang! Ni hindi ko nga narinig at nakita kung paano siya nag-sabon ng plato. Bakit ba ang lapit niya sa 'kin?! Naestatwa tuloy ako! 


"Doon ka na nga!" Tinaboy ko siya. 


Sumimangot siya at naghugas ng kamay bago bumalik sa paglalaro ng PlayStation. Tahimik lang akong naghugas at nagpunas ng kamay pagkatapos. Hinayaan ko siyang maglaro roon at pumasok na lang sa shower. 


Nakatwalya lang ako nang lumabas dahil nasa kama niya ang damit ko. Nagulat ako nang makitang nakaupo na siya roon sa kama niya at hinihintay akong matapos.


"Lumabas ka. Magbibihis ako." Umirap ako. 


He chuckled like I said something ridiculous. Tatayo na sana siya nang tanggalin ko ang twalyang nakatapis sa katawan ko at hinayaan siyang makita kung paano ako magsuot ng panty ko. He stopped and sat back on the bed, staring at me like he was watching a show. 


He licked his lower lip and reached for my hand. Ngumisi ako at lumapit sa kanya para mahalikan siya. Kakaligo ko lang but we ended up fucking on his bed again. Napalinis tuloy ulit ako ng katawan! 


Dumapa na lang ako sa kama nang makapaglinis na ulit. Naka-panty na lang ako at bra, walang pakialam dahil nakakatamad nang magsuot ng shirt. Lumabas na rin siya sa shower pagkatapos, nakabihis na.


"No cuddling," I reminded him. 


He scoffed. "I didn't even think of that."


I never cuddled with my fubus or flings! Masyado siyang cheesy at sweet para sa 'kin. I didn't like that. I liked something spicy, something hot. Hindi 'yong mga cheesy romantic shit na ginagawa ng iba. Hindi 'yon ang habol ko rito, eh. 


Nagharang pa 'ko ng unan sa gitna namin para hindi talaga siya makalapit sa 'kin. Aba, napapagod din ako, 'no! Inaantok na 'ko at kapag naramdaman ko na naman ang kanya sa likod ko, baka hindi ko matiis. 


"Bakit hindi ka na nag-gigirlfriend?" curious na tanong ko nang maupo siya sa kabilang side ng kama, nagpapatuyo ng buhok. 


"I won't stay here for too long." He shrugged.


Kumunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinabi niya. Napalingon siya sa 'kin at mukhang naintindihan ang reaksyon ko. 


"I'm already leaving after I graduate," he explained clearly. 


"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko ulit. Aalis siya for good? Totoo ba?


"Going to reach my dreams in Florida." He smirked. Huh? Bakit Florida? "My dream flying school is there. I'll also try to get a pilot license in U.S.A. I might work there," he explained coolly, rubbing the towel on his hair. 


"Bakit doon? May airline naman kayo, ah?" I blurted out.


Hindi na siya nagulat na alam ko 'yon. He just gave me a small smile. Mukhang hindi naman pala secret 'yon. 


"I want to learn the hard way." He chuckled. 


Bale, magiging dalawa ang lisensya niya niyan! Napakayaman naman niya! Napaisip tuloy ako kung ano naman ang gagawin ko sa buhay ko. Ang pangarap ko lang talaga ay maging flight attendant. 


"How about you? Why do you want to be a flight attendant?" Sinabit niya na ang basang towel. Sweatshorts lang ang suot niya at walang pantaas. 


"Ang pangarap ko lang naman talaga noong bata ako, makapunta sa ibang bansa. Kaya ayun." 


Natawa ako dahil parang ang babaw ko. Ang ibang tao napakaraming dahilan tulad ng gusto makatulong sa kapwa, sa bansa, at kung ano-ano pa. 


"Makes sense." He nodded. Himala at hindi niya 'ko sinabihang mababaw sa dahilan ko. "Saan ka maga-apply?" 


"FlyAsia priority ko," napangiti ako dahil kausap ko 'yong anak ng may-ari ngayon. "Tatanggapin kaya ako roon? Kung hindi, marami pa namang ibang airline." 


"They will." He gave me smile before sitting down on the bed. "You're a great lady. They will accept you." 


Great lady. Wew! Parang hindi naman! Ngayon ko lang narinig 'yan! Nakakapanibago pala. Wala pa sa mga naging fubu ko o fling ang nagsabi sa aking 'great lady' ako. Puro 'great' in other things. Great in bed... Pero hanggang doon lang. 


"Just contact me if you want me to pull some strings." Tinaas-baba niya ang kilay niya sa 'kin at tumawa. 


"Ayaw ko nga!" tanggi ko kaagad. 


Gusto ko kung tatanggapin man nila 'ko, eh dahil qualified ako. Nakaka-conscious kaya 'yong nandoon ako dahil lang may koneksyon ako, hindi dahil magaling ako o may skills ako tulad noong iba. 


"Tsaka hindi na tayo nag-uusap noon. Hindi na siguro natin kilala ang isa't isa." Tumawa ako. 


"I don't think I could forget my first ever fuck buddy, though," he said bluntly. 


Umirap lang ako at tumalikod sa kanya para matulog na. He won't forget me, huh... I doubted that. Men like him can easily move onto the next woman. They rule their own lives. Kaya nilang kuhanin lahat ng gusto nila in one snap. Sino ba ako para hindi niya kalimutan, huh? 


He was sweet, yes... But I can't help but wonder how long... How long will this even last? Siyempre, may hangganan 'to. Ako, okay lang naman sa akin kahit ano. Siya, kapag nakahanap na siya ng babaeng gusto niyang seryosohin, saka na lang namin ititigil. 


O kaya naman kapag naging seryoso na 'to masyado... Dahil ganoon naman palagi ang nangyayari sa mga lalaking nakakaganito ko noon. Nagiging seryoso sila sa akin. Ayaw ko ng ganoon. Hindi ba nila maintindihang hindi ako pwedeng magmahal? Hindi ako marunong magmahal. 


Binalot ko na lang ang sarili ko sa comforter para hindi ako masyadong lamigin. Wala naman nang magagawa ang pag-iisip ko ng ganoon. Saka ko na haharapin kapag nariyan na. Kinabukasan, hinatid niya na 'ko sa dorm. 


"I'll see you on Wednesday," he said before leaning to give me a kiss.


Hinabol ko pa ang labi niya para mapalalim ang halik namin. He smirked between the kiss and unbuckled my seatbelt. 


"Bye," sambit ko, hinihingal galing sa halik. 


He waved his hand a little before I went out of the car. Umakyat na 'ko kaagad sa dorm at naabutang naroon si Kyla na tulog. Mukhang gumala na naman sa gabi. Si Bri naman ay wala rito. Baka nasa coffee shop, nag-babasa ng kung ano-ano. 


Naligo lang ako at nag-bihis ng simpleng shorts at shirt. Lumabas din ako kaagad dahil inaya ko sila Kierra kumain sa labas. Diyan lang din sa may Dapitan, tutal wala naman silang pasok. Sa Lovelite lang kami nagkita. Nauna pa si Via roon kaysa sa 'kin.


"Si Luna?" tanong ko kay Kierra nang dumating. 


"Lumalandi," nagkibit-balikat siya at umupo sa tapat ko. 


Si Samantha ay papunta pa lang kaya ako na ang nag-order para sa kanya. Dahil si Luna ang wala, siya tuloy ang naging topic namin. 


"Nakita ko nga kausap si Sevi. Naaawa rin ako roon, e, 'no?" Tumawa si Via. 


"Napaka-torpe naman kasi noon tapos tanga pa! Jusko, hindi na nawala 'yong crush kay Luna simula high school." Napailing si Kierra. 


"Hindi pa rin pala nakaka-move on 'yon?" Natawa ako. "Hanapan ko na lang kamo siya."


"Heto namang isa, sobrang manhid. Wala talaga siyang napapansin," sabi naman ni Via. "Ikaw ba, Yanna? Kumusta ka?" 


"May bago akong challenge in life." Napainom ako sa baso ko para pigilan ang ngisi ko. Ayaw ko pang ikwento dahil hindi naman sigurado. Mawawala rin kaagad 'yon. 


Naputol ang usapan namin nang dumating si Samantha na bagong ligo pa at halatang walang tulog. Mukhang pumarty pa kagabi kaya nga sabaw ang in-order ko sa kanya. 


"Ugh, fuck," bungad niya nang maupo sa tabi ko at humawak sa ulo niya. "Hindi na 'ko iinom kahit kailan! I can't do this anymore!"  


"Sinabi ko na 'yan." Umirap ako. 


"Hey, porket dilig na dilig ka ngayon at masagana ang pechay mo, you're not a supportive friend anymore?" Tinignan ako nang masama ni Sam, kunwari ay nagtatampo. 


"Well, you know my motto. Saganang pechay, saganang buhay." 


Dumating na ang pagkain at si Via naman ang hotseat ngayon. Si Via ang pinaka-chill sa 'min, e. Mukhang hindi naii-stress at walang pakialam sa mga drama namin sa buhay, pero palagi naman siyang nariyan kapag kailangan namin ng karamay. 


"Wala ka pa ring boyfriend?" tanong ni Samantha. 


"Or girlfriend?" dugtong ko para hindi siya pagkaitan ng options. 


"Plates lang, sapat na..." Tumawa siya. 


Wala nga 'atang balak 'to mag-asawa, e! Via was a career-oriented woman. Mas gusto pa niyang maging successful kaysa maging distracted sa ibang bagay. I heard she was even going to Spain after graduating Architecture? Hindi ko lang sure kung tuloy ba 'yon o kung magtatagal pa ba siya roon. 


"Sa kaharutan ni Luna, pusta ko siya ang unang majojontis!" Tumawa ako. 


"Sure ka hindi ikaw?" Tumaas ang kilay ni Via sa 'kin. 


"I think it's Kierra," sabi naman ni Sam. 


"Bakit ako? Sa tingin ko ay ikaw. Ikaw din unang magpapakasal sa 'tin." Nagturo na naman 'tong si Kierra. 


"Hindi ba si Luna unang ikakasal?" tanong ko rin.


"Ewan. Malay mo ikaw." Tumawa si Via. Ako na naman?! Sa aming lahat, ako nga ang mababa ang posibilidad na magkaroon ng seryosong boyfriend. Hindi ko kaya 'yon. Tatanda na lang akong dalaga. 


Kapag 'yan talaga na-jinx nila, huh?! Kumatok tuloy ako sa kahoy na lamesa para hindi magkatotoo! Nakakatakot na, kaya sa susunod, bibisita na 'ko sa OB para magsimula nang mag-take ng pills. Okay na 'yong safe 'no. 


Kumain lang kami at nagkwentuhan pa bago kami umuwi. Natulog lang ako at noong dumating na ang Monday, back to reality na naman. Wednesday lang ang hinintay ko dahil magkikita kami ni Hiro. 


"Ah! Hiro!" 


I moaned after my release. Hingal na hingal ako sa loob ng restroom ng mamahaling restaurant kung saan niya 'ko dinala. Napasabunot ako sa buhok niya nang linisan niya 'ko gamit ang dila niya. 


I covered my mouth when I heard someone walk inside the restroom. Nasa loob kami ng cubicle.  I bit my hand to stop myself from moaning when he entered me from behind and thrusted deep and fast. 


"Shh," he whispered on my ear while his arms were around my waist. 


Narinig ko ang tunog ng faucet habang tinutulak ako ni Hiro mula sa likod. Nang makalabas na ang babae, napakapit ako sa may pintuan.


He gave me a few more thrusts before I came again. He came after me and disposed the condom. Kinuha ko ang tissue para linisin ang sarili ko at iyon din ang ginawa niya. 


"I'll wait for you outside," he whispered before walking out. 


Inayos ko ang palda ko at naghugas ng kamay. Nag-retouch pa 'ko at chineck kung wala talagang tao sa mga cubicle. Mabuti na lang at wala. Pagkalabas ko, hinihintay nga ako ni Hiro roon at mukhang nag-ayos din ng sarili sa men's restroom. 


Pagkaupo namin, pina-serve na niya ang dessert. Napangisi ako dahil kaka-dessert ko lang sa C.R., may dessert na naman ngayon. 


Kumuha siya ng kutsara at tinikman muna ang ice cream bago tumango at sinabing masarap daw. Kumuha ulit siya at inalok sa 'kin. Tinikman ko 'yon at tumango rin. Tumawa siya habang hinahanap ang sarili kong kutsara. Napatigil ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang tissue.


"Ano ba 'yan! Baduy mo!" Tinaboy ko ang kamay niya at ako na ang nagpunas sa sarili ko. Fubu lang, ah?! Bakit niya gagawin 'yon?! Hindi ko naman siya boyfriend! 


"Sungit." Tumawa siya. "Kaya walang boyfriend."


Umirap ako. "Excuse me, maraming nakapila." 


"Really? Where?" He looked around.


"Bakit? Pipila ka?" Tumaas ang kilay ko at inasar siya. 


The side of his lips rose and shook his head. "You think so?" He arched a brow. 


"Hindi," I answered honestly. He would never. He would never choose me. We can't do that to each other. 


"Good." He shrugged. "I don't want you to be my girlfriend. I don't want to break your heart." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top