02
"Kailangan ko nang umuwi."
Iyon lang ang nasabi ko sa kanya dahil sa gulat! Pagkatapos niya 'kong halikan nang kaunti, napalayo ako sa kanya. Alam kong hindi dapat ako umaatras kapag ganito pero naco-conscious ako't pakiramdam ko ang dumi ko lalo na't ganito pa rin ang suot ko at galing akong club!
"Hatid na kita." Tumayo siya at lumapit sa side table para kuhanin ang susi ng kotse niya.
Inayos ko na rin ang gamit ko at hindi makapagsalita. Kung talagang malinis lang ako ngayon, nako! Nakakairita talaga! Bakit ba sa ganitong paraan pa kami magkikita! Kailangan maulit 'to nang hindi ako lasing at confident ako sa itsura't suot ko!
Pumasok siya sa isang itim na pinto. Sumilip ako nang kaunti at nakitang may maliit siyang walk-in closet doon. Napanguso ako at umiwas ng tingin. Anak-mayaman nga talaga siya.
"Are you comfortable wearing that?" Napalingon ako sa kanya nang marinig siya sa likod ko.
Napatingin ako sa hawak niyang hoodie bago ako napatingin sa suot ko. Napangisi ako nang makitang naka laced bra nga lang pala ako at skirt.
"Bakit? Naba-bother ka ba sa boobs ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
The side of his lips rose and his gaze immediately went down to my chest and stared at it shamelessly.
"Not really." He laughed a bit.
Hindi ko alam kung mao-offend ba 'ko o iba ang ibig sabihin niya.
"Bakit? Malaki naman, ah." Kumunot ang noo ko at kinapa pa ang isa sa harapan niya kahit naka-bra.
Tumaas ang isang kilay niya nang sundan ng tingin ang kamay ko. Napangisi ako dahil kanina ko pa siya napapansing nakatingin sa dibdib ko kaya lumapit ako sa kanya.
"Bakit tingin ka nang tingin? Gusto mo rin hawakan?" Matapang na tanong ko.
Doon na siya natawa sa sinabi ko. Umiling lang siya at sapilitang sinuot sa 'kin 'yong hoodie habang tumatawa pa rin. He looked so nice. Iisipin kong isa siyang soft boy kung hindi lang niya 'ko matapang na hinalikan kanina sa gilid ng labi ko.
"Next time," he playfully said.
Nakita ko ang marumi kong see through na long sleeves sa sahig kaya pinulot ko 'yon at pinagkasya sa bag ko. Ang bango ng hoodie niya! Sobrang turn on talaga sa 'kin lalo na kapag mabango.
Pagkalabas ko ng kwarto niya, saka ko lang din na-realize kung gaano kalaki ang condo niya. Masyado ata siyang mayaman para sa 'kin. Hindi ko bet 'yong ganoon pero sa sobrang gwapo niya, ayos na rin sa 'kin. Pakiramdam ko naman ay type niya rin ako.
Type niyang paglaruan... Though I won't complain.
"Mercedes," bulong ko nang makarating kami sa parking at huminto sa tapat ng kotse niya.
It was a white Mercedes Benz. Tahimik lang akong sumakay at nagsuot ng seatbelt. Nang mag-drive na siya paalis, saka ko lang siya kinausap ulit.
"Wala ka namang girlfriend, 'di ba?"
Ayaw kong magmukhang kabit dito! It happened once! Some guy was trying to get into my pants. Hindi ko naman siya type kaya hindi ko siya pinatulan pero send siya nang send ng DM sa 'kin sa Instagram, asking for my nudes. I took a screenshot and sent it to his girlfriend. Tangina, sa 'kin pa nagalit. Pareho kayong tanga! Magsama kayo!
"Wala naman." Ngumiti ulit siya.
Nakakagaling ata ng sakit 'yong ngiti niya. Pero teka... Wala? Wala siyang girlfriend?! Totoo ba siya?! Bakit wala?! I mean... With his looks and his personality, he could get one so easily! Wala ba siyang balak?
"Ikaw?" Siya naman ang nagtanong.
"I don't do boyfriends," I answered honestly.
Kahit gaano siya ka-gwapo, wala akong planong jowain siya. Laro laro lang ang habol ko. Kung ayaw niya noon, titigilan ko siya. Marami namang iba riyan na willing.
"Glad to hear that." He shrugged.
Oh, so he was also not that type to commit. I knew it! Mabuti na lang pala at mukhang pareho pa kami ng gusto. Siya rin 'yong tipong hindi nagseseryoso kaya siguro wala siyang girlfriend.
"La Salle ka nag-aaral, 'di ba? Sabi sa 'kin ni Sam," tanong ko ulit.
"Yeah, Mechanical Engineering, 4th year. How about you?"
"Piyu, 3rd year, Tourism," putol-putol na sabi ko dahil mas madaling maiintindihan kung ganoon.
Malandi ako pero hindi ako madaldal. Ang madaldal sa 'ming magkakaibigan ay si Sam at Luna. Kierra was more like the teasing type and Via was the moderator. Ang daldal ni Sam, ginagamit niya sa pangangaibigan. Si Luna, ginagamit sa kalandian.
"Gusto mo maging FA?" tanong niya.
Ngumisi ako nang maalalang sa kanila nga pala ang Fly Asia. Mukhang interesado siya nang marinig na Tourism ako. Student pilot din siya, 'di ba?
"Kung papalarin," nagkibit-balikat ako. "Kung hindi, sugar baby na lang."
Natawa siya sa sinabi ko. Kanina pa siya tumatawa sa mga banat ko kahit hindi naman ako nagbibiro! Akala yata niya ay nagjo-joke ako.
"Pwede ring non-showbiz girlfriend," dugtong ko nang maisipan.
"I thought you don't do boyfriends." He raised his brows while driving.
"Ang pangit pakinggan ng non-showbiz fuck buddy." Umirap ako.
He laughed again and swiftly rotated the steering wheel to the left side with one hand. Ang isa ay nakapatong sa gear at nagpapahinga roon. I bit my lower lip when I saw some visible veins in his hand when he gripped on the steering wheel. Parang gusto ko ng ganoong choker.
"Okay na 'ko rito." Tumuro ako sa malapit na kanto.
Hininto niya ang kotse sa gilid at tinanggal ko na ang seatbelt ko. Bago ako bumaba, tumingin muna ako sa kanya. He arched a brow with a small smile plastered on his face when he saw me staring at him.
"Kailan kita makikita ulit?" Matapang na tanong ko.
He smirked and placed his other hand on my left thigh. I almost squirmed. Jusko! Bakit ganito?!
"Whenever you want." His hand softly brushed my thigh. He knew what he was doing!
God, kung hindi ko lang talaga pakiramdam na marumi ako ngayon, kanina ko pa siya pinatulan! Ugh, nakakainis! Next time!
"Paano kita cocontactin?" deretsong tanong ko.
Inalis niya ang kamay sa binti ko at nilahad sa harapan ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binigay 'yon sa kaniya para matipa niya ang number niya. Pagkatapos, tinawagan niya ang sarili niyang phone para malaman ang number ko. That was smooth as hell!
"Okay, thanks. Bye!"
Masaya ako nang tumakbo papunta sa dorm. Halos hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko lalo na nang makaligo. Pakiramdam ko ay ang linis ko na ulit. Uminom ako nang maraming tubig para mapalitan 'yong alak sa katawan ko bago ako umidlip ulit.
Nagising ako sa sunod-sunod na tawag ni Sam! Irita kong kinuha ang phone ko nang mawala ulit 'yon. Binuksan ko ang group chat at nag backread dahil may pinag-uusapan sila. Ako pala! Hinahanap nila 'ko kanina pang madaling araw!
Kierra: Umuwi na si Luna. Hinatid ni Kalix.
Via: Buti naman. Si Yanna nasaan na?
Sam: Idk maybe she's already having sex with la salle guy
Via: Gaga sino don
Sam: U guys can go na i'll try to find her kapag wala pa siya dito maybe she's really out there getting her flower watered or something
Nag-scroll pa 'ko at nakitang nagpapanic na si Sam dahil wala ako. Napairap ako at nag-chat na nang matahimik na sila.
Yanna: jwu nasa dorm na ko huwag kayong mag-alala i'm safe. mas dapat kayong mag-alala sa kiki ko dahil hindi ako nakadilig kagabi badtrip amputa
Tumawag na kaagad si Sam pagka-chat ko. Sinabi ko lang sa kanya na okay lang ako pero hindi ko sinabing galing ako sa condo ni Hiro dahil magpapakwento siya. Wala naman akong makekwento sa kanya for now! Gugulatin ko na lang siya soon.
"Tira mo na, Yanna," sambit ni Dennis.
Ang bilis ng araw at Friday na ulit. Nasa ibang bilyaran naman ako at may hawak na bote ng beer dahil break time. Tumuwad kaagad ako para sumargo.
"Bagal, Yanna!" Sabi naman ni Marco, isa ko pang tropa sa bilyaran.
"Tangina mo, manahimik ka, ikaw tirahin ko." I raised my middle finger at him.
"Wew, hindi tayo talo, p're." He whistled and shook his head.
Nag-focus na ulit ako sa puting bola at nang matamaan ko ng cue stick, na-shoot ang tatlo. Ngumisi ako at lumipat sa kabilang side ng table para tumira ulit. Lumawak lalo ang ngiti ko nang ma-shoot na ang natitirang dalawang bola.
"Ano? Pagbigyan na kita." Umayos ako ng tayo at tinungkod ang cue stick sa sahig habang nakapamaywang, nagyayabang sa kaniya.
"Yabang!" sabi ni Marco.
Hinayaan kong tumira siya para maubos ko ang beer kong nasa bote. Napatingin ako sa lalaki sa kabilang table na kanina pa tingin nang tingin sa 'kin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa para malaman kung type ko siya. Cute naman siya at nakasuot ng specs. Mukhang maganda rin ang katawan dahil kita ang biceps sa suot na shirt.
Nilapag ko ang bote sa may wooden table nang maubos 'yon. Pagkatapos, lumapit ako sa isang staff para um-order ulit. Sakto roon siya nakapwesto sa tabi lang ng table ni cute guy kaya nakita ko siya nang malapitan.
"Pale pilsen," sabi ko at tumango naman 'yong kuya.
Sumandal ako sa counter at pinanood 'yong lalaking tumira. Napatingin pa siya sa 'kin kaya na-distract at hindi natira 'yong puti. Tumawa ang mga tropa niya at napakamot siya sa ulo niya dahil sa hiya.
Dumating na 'yong kuya at binigay sa 'kin 'yong bote kaya tinanggap ko 'yon nang hindi inaalis ang tingin kay cute guy. Ngumisi ako nang magtama ulit ang tingin namin. Napainom tuloy ako sa beer ko nang maglakad na siya palapit sa 'kin pagkatapos siyang itulak ng tropa niya.
"Hi," nahihiyang sabi niya. "Ngayon lang kita nakita rito."
"Eh 'di hindi ka madalas dito," sagot ko.
"Siguro nga." Tumawa siya at sumandal sa tabi ko. "Tourism ka?"
"Oo, bakit?" Tumaas ang kilay ko. "Type mo 'ko?"
Nagulat siya sa tanong ko at natawa nang kaunti dahil nailang. Napainom ulit ako ng beer habang hinihintay ang isasagot niya. Kung ganyan siya kabagal, uunahan ko siya.
"Lalapit ba 'ko rito kung hindi?" Matapang siyang sumagot. Buti naman.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang may 30 minutes pa 'ko bago magsimula ang klase. Mabuti na lang at malapit lang 'yong school ko kaya lalakarin ko na lang.
"May kotse ka? Or condo? Apartment?" tanong ko, naiinip na.
Lumiwanag ang mukha niya at agad-agad tumango. Dali-dali akong naglakad pabalik sa table namin para kuhanin ang bag ko at tumakbo palabas.
"Tangina mo, Yanna! Saan ka na naman pupunta?!" sigaw pa ni Dennis.
In just a few minutes, I was already making out with the cute guy in his apartment. Kakabukas lang ng pinto ay tinulak ko na siya sa likod noon para mapabilis. May klase pa 'kong susunod kaya kailangan kong magmadali.
"Bilisan mo," I whispered while he was kissing my neck.
He was fumbling with his belt when my phone vibrated. Kumunot ang noo ko at kinuha 'yon sa bulsa ko para tingnan habang hinihintay siyang maghubad ng pantalon sa harapan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang text. It was from Hiro!
From: Hiro
My friend's gonna throw a party at his house tonight. Sam's invited. Did she invite you too?
I bit my lower lip and suddenly stood up. Napatigil tuloy ang lalaking hindi man lang matanggal ang belt niya.
"Next time na lang pala. May klase pa 'ko, sorry." I smiled at him before walking out of his apartment.
Himala na hindi ako hinihingal nang makarating sa room dahil maaga pa 'ko. Nakangiti pa 'ko nang pumasok dahil nga nag-text si Hiro! Ngayon lang siya nag-text!
"Amoy beer naman dito!" reklamo ni Megan nang maupo ako.
"Basagin ko pa bote sa ulo mo, e," supladang sabi ko.
Tumingin siya sa 'kin at bumulong ulit doon sa kaibigan niyang si Rachel. Umirap ako at nilabas ang phone ko para i-text si Sam.
To: Ms. Friendship
INVITED KA SA PARTY NG FRIEND NI HIRO PERO HINDI MO 'KO INIINVITE?
Agad naman siyang nag-reply.
From: Ms. Friendship
what you did not say na type mo pa rin si hiro
To: Ms. Friendship
Of course type ko pa rin siya wtf invite mo 'ko isama mo 'ko
From: Ms. Friendship
tbh i was ABOUT TO TEXT YOU I'M OMW
Atat na atat tuloy ako na matapos ang klase, kaya noong nag-dismiss na ang prof, tumatakbo na 'ko pabalik sa dorm para makapag-ayos. Pagkapasok ko, nakaupo na si Sam doon sa kama ko at naglalaro ng kung ano sa phone niya.
"Paano ka nakapasok dito?!" nagtatakang tanong ko.
"Your roommate was here."
Kinuha ko ang twalya ko at agad pumasok sa C.R. para maligo. Todo linis ako sa katawan ko! Todo kuskos ako at sabon para lang malinis na malinis ako. Ayoko nang maulit 'yong last time! Hindi ako ready roon! Hindi ako ganoon! Hindi ako 'yon!
"Yanna, faster, please! Naiihi na 'ko!" Kinatok na 'ko ni Sam. "Ano bang ginagawa mo?"
Umirap ako habang nagtotoothbrush. "Nagjajakol!" pagbibiro ko.
Nag-skincare pa 'ko pagkatapos mag-toothbrush bago ako lumabas. Hinatak pa ni Sam ang buhok ko bago siya pumasok sa C.R. Umirap ako at nagsimula nang mag-ayos. Nagpatuyo ako ng buhok ko at kinulot nang kaunti 'yon para may wavy effect lalo.
Naka-pants at tube lang si Sam kaya nag-maong skirt na lang ako na may zipper sa harapan at tsaka nagsuot ng white tube top. Hanggang baba lang 'yon ng dibdib ko kaya may kita pa ring balat sa bewang. Nag-suot din ako ng hoop earrings at silver necklace. I did not put much makeup dahil pagpapawisan din naman at huhulas. Lip tint, powder, at blush lang. I also curled my eyelashes.
9 PM na nang makarating kami sa dalawang palapag na bahay just around Manila. Hindi gaanong kaingay sa labas pero nang makapasok kami, ang lakas ng tugtog sa living room. Kung sino-sino ang binati at kinausap ni Sam. Kung sino-sino rin ang binebeso at niyayakap. Pinapakilala pa niya 'ko dahil hawak niya ang kamay ko. Baka raw mawala ako, e.
It was a house full of college students holding red cups. Ang iba ay sumasayaw, umiinom, naguusap-usap, o kaya naglalaro ng beer pong. Hindi naman siya ganoon kasikip dahil malaki ang bahay. Luminga ako sa paligid pero wala si Hiro sa living room. Nang hinatak ako ni Sam papuntang kusina, doon ko lang siya nakita.
Nakasandal siya sa kitchen counter at may hawak na red cup. Nakangiti siya at nakikinig sa sinasabi ng tropa niyang kausap ni Luna dati. Lima silang magkakasama roon. May dalawang babae at tatlo silang lalaki. Lumipat ang tingin niya sa babae nang hawakan nito ang braso niya. May sinabi sa kanya ang babae at tumango naman siya, nakangiti pa rin.
"Sam!" Napalingon ang babaeng kausap ni Hiro nang makita si Sam.
"Hey!" Ngumiti si Samantha at bumeso roon sa babae.
Napatingin din tuloy ang mga kasama ni Hiro kay Sam, bago lumipat ang tingin sa 'kin na nakatayo sa likod niya. Nagtama ang tingin namin ni Hiro at mukhang nagulat na narito ako. Hindi nga pala ako nakapag-reply sa kanya kanina.
"Hey, you look familiar!" Lumapit sa 'kin 'yong tropa ni Hiro, 'yong kausap ni Luna last time. Tuwang-tuwa siya nang makita ako. "Outside the club?! 'Yong nag-pass out? Ikaw 'yon, 'di ba?! Dude, it was her, right?!"
Gusto kong mahiya sa sinabi niya dahil mukha akong mahina sa inuman noon! Ngumiti na lang ako para pakisamahan siya. Mukhang makulit siyang tao at... manloloko. Gwapo siya.
"Hiro, dude, 'di ba inuwi mo siya noon, bro?" pagpapatuloy niya.
"Shut up, Shan." Napailing si Hiro at uminom sa baso niya.
Nakita kong napawi ang ngiti ng babae nang lumingon kay Hiro na nakatingin sa 'kin. Nakakailang naman landiin siya na kausap niya mga tropa niya, magmumukha lang akong epal kaya nagpahatak ako kay Sam papuntang beer pong table.
Dalawang lalaki ang kalaro namin ni Sa. Mkhang type pa 'ko nung isa dahil kapag nasho-shoot sa baso, ako ang gusto niyang painumin noon. Nakakailan na tuloy ako at tuwang-tuwa naman 'tong si Sam dahil lowkey nilalandi siya noong isang lalaki.
Nang manalo kami ni Sam, nag-isang round pa kami. Nakita kong umakyat saglit si Hiro kasama 'yong kaibigan niyang si Shan. Noong natapos ang laro, nag-ikot ako para makipagkilala sa iba habang may hawak na pulang basong may lamang vodka.
"Yanna?" Napalingon ako sa pamilyar na lalaking tumawag sa 'kin.
Oh shit, isa sa mga nakalandian ko!
Agad akong tumalikod at nagkunwaring hindi siya narinig. Dere-deretso akong naglakad paakyat sa hagdanan kung saan may mga nakaharang pang mga nagsasayawan at naguusap-usap. Nang makaakyat ako, mas tahimik doon pero may kaunting tao pa rin.
I was walking in the hallway when someone grabbed me by my waist. Agad kong lumingon at tinulak ang hindi ko kilalang lalaki. He looked drunk!
"Huwag mo 'kong hawakan," inis na sabi ko.
"Damn, that ass." He shamelessly looked at my body. "You're exactly my type! May boyfriend ka ba?"
Umirap ako at tumalikod. Nag init na ang ulo ko nang hatakin niya na naman ako sa braso. Agad kong tinanggal ang hawak niya sa 'kin at sinampal siya.
"Fuck you!" I spat.
Men... It brought back so many memories. Simula high school naman, lagi na akong natatrato ng ganito. Dapat ba akong masanay roon?
His eyes were bloodshot when he looked back at me. Nadurog ang plastic cup sa kamay niya at humakbang palapit sa 'kin para sugurin ako pero napatigil din kaagad nang may umakbay sa 'kin.
"Problem?" Napatingala ako kay Hiro sa tabi ko na nakataas ang isang kilay sa lalaki.
"Hiro, bro!" His face quickly changed from being angry to being nervous.
"Hiro, bro?" Hiro chuckled sarcastically. "Dude, fuck off."
Tinaas ng lalaki ang dalawa niyang kamay at dahan-dahang umatras. Nang makalayo, tumakbo ito pababa ng hagdan. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Hiro sa medyo madilim na hallway.
"Hi," bati ko at sumandal sa pader.
"You okay?" He stood there, inches away from me.
Tumango ako at napainom sa baso ko habang tinititigan nang malapitan ang mukha niya. Kulay brown ang mga mata niya katulad ng sa akin, makapal ang kilay at ang ganda ng labi. I unconsciously touched his pursed lips with my finger. He playfully caught my wrist to stop me.
"Why?" He raised a brow.
Umiling ako at uminom ulit ng vodka. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko nang mabasa 'yon ng alak. I licked my lower lip to taste the remaining alcohol in it.
"I just want to feel your lips," I answered honestly.
"Really?" He leaned closer to me.
His hand crawled to my waist, pulling me closer to him. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya at nilapit ang mukha ko sa kanya habang nakatingin sa labi niya. He was waiting for me to kiss him but I stopped and just kissed him on the side of his lips, like what he did to me.
He chuckled when he realized what I did. Ngumisi ako at tinanggal ang hawak ko sa balikat niya saka ko siya tinalikuran at naglakad paalis. Hindi pa 'ko nakakalayo, nahawakan na niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako pabalik.
He opened the door beside us and pushed me inside. The door immediately closed when he pushed me against it and kissed me roughly.
I groaned and put my arms around his neck to deepen the kiss. He bit my lower lip playfully and pushed his tongue inside my mouth to taste every bit of me. His hand roamed from my waist up to my chest. I moaned in his mouth when he squeezed one of my mounds against my tube top.
Our tongues played with each other until he pushed it inside my mouth again, completely dominating me. He sucked on my lower lip and bit it again. His hand went around my neck, forcing me to look up so he could kiss me better.
"Fuck me," I whispered in between our kisses.
I could feel his smirk against my neck when he started kissing me there. He bit it and sucked on it a little before his kisses went down to my chest. My eyes widened when he pushed my tube top down, revealing my strapless bra. Napasabunot ako sa buhok niya nang halikan niya 'ko sa dibdib ko. He licked and sucked on my sensitive skin until it left a mark.
He sucked more until his lips went up to destroy mine again. His hands went down to my ass to grab it while he was kissing every corner of my mouth.
He only stopped when he heard a knock. Dali-dali kong inayos ang tube top ko nang buksan niya ang pinto, hindi masyadong nagpapanic. Wala naman akong pakialam. Masyado pa akong overwhelmed sa nangyari.
"What?" Iritang tanong ni Hiro.
"Bro, ikaw pala 'yan!" Nagulat si Shan, 'yuong kaibigan niya. "May ano.. May kukuhanin lang ako, sorry!"
Tumabi si Hiro para makapasok si Shan. Kinagat ko ang labi ko nang ma-realize na kwarto pala ng kaibigan niya 'to... Or dito sila mag-stay for tonight? Dahan-dahan akong naglakad pagilid at palabas ng pinto. Hiro stalked me from behind.
"Uuwi ka na?" tanong niya sa 'kin nang mahabol ako sa paglalakad.
"Pwedeng hindi kung i-uuwi mo 'ko," sagot ko naman, naglalakad pa rin.
Tumawa siya at sinandal ako sa railings ng hagdan bago ako hinalikan ulit. Pinalupot ko ulit ang braso ko sa leeg niya para salubungin ang halik niya.
"I would but I have to earn hours tomorrow," he said when we stopped kissing.
"Hindi ko gets," sabi ko. Anong earn hours? Earn money lang ang alam ko.
"Earn hours from flying a plane," he explained clearly.
Tumango ako at napatingin kay Sam na sumesenyas na sa 'king umuwi na kami. Napabuntong-hininga tuloy ako at binalik ang tingin kay Hiro.
"Next time," sambit ko.
"Sure." He shrugged.
Nakakalungkot man pero umuwi na naman ako noong gabing 'yon na walang dilig. Okay lang at natikman ko naman siya kahit papaano. Sa susunod talaga, 'yong wala na dapat hadlang! Nakakainis naman, e!
Humiga ako sa kama nang makapag-hilamos na. Nilabas ko ang phone ko dahil nag-text si Hiro.
From: Hiro
U good?
To: Hiro
Disappointed lol
From: Hiro
Bakit? Hindi ba 'ko magaling humalik?
I squirmed on my bed when I read the message. Napakagat ako sa labi ko habang nagtytype ng irereply sa kanya.
To: Hiro
I don't know. I forgot. Pa-experience na lang ulit so I can judge better.
From: Hiro
Hahahaha next week :)
Bakit siya may smiley? Ang bait naman niya. You would think that he was a soft person but he was not! Definitely not! He kissed so good! Like an expert!
To: Hiro
Next week?
From: Hiro
I would like to bury myself in you next week, Ma'am.
I gasped! I wasn't expecting that reply. Magtytype na sana ako nang mag-text ulit siya.
From: Hiro
Just kidding. Good night, Ashianna.
I bit my lower lip and typed something.
To: Hiro
Gago sarap mo huhu
Binura ko rin kaagad dahil baka ma-send ko pa. Matutulog na sana ako nang may ma-realize. Agad kong kinuha ulit ang phone ko para i-text siya.
To: Hiro
Bakit mo alam pangalan ko!!!
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top