01


"Yanna, please! Ganoon na lang ba kadali sa 'yo?" 


Napairap ako habang nagsasargo. Tumuwad pa 'ko at finocus ang mata ko sa puti saka ko tinulak 'yon gamit ang cue. Napangisi ako at umayos ng tayo nang ma-shoot ang dalawang stripes. 


"Yanna, ano? Pinaglaruan mo lang ba 'ko?" 


Nakakairita naman! Bakit ba narito 'to? Pinigilan na nga pumasok 'to kanina tapos nagpupumilit pa. Hindi ba niya napapansing iniiwasan ko siya kaya hindi ko siya pinapansin, huh? 


"Paalisin n'yo nga 'yan dito." Siniko ko 'yong isa sa mga lalaking kaibigan ko, si Dennis. 


Apat na lalaki ang kalaro ko ngayon sa bilyaran. Lahat sila ay matitipuno at nakakatakot kapag binangga kaya naman napaatras kaagad 'yong nanggugulo sa 'kin nang humakbang sa kanya palapit si Dennis. Umirap ulit ako at sumargo. Ni hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya! Bakit ba pinuntahan pa nila ako rito? 


"Awit, bad shot," inis na sabi ko at umayos ng tayo habang nakahawak pa rin sa cue stick. 


"Yanna naman! Huwag naman ganito!" sigaw nung lalaki kahit tinutulak na siya ni Dennis sa balikat para umalis. Iritang-irita ako nang tingnan ko siya. 


"Tangina, isang beses lang 'yon nangyari, hindi mo na makalimutan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Natatandaan ko ang mukha niya pero ang pangalan hindi. Basta alam ko lang may nangyari sa amin last week sa isang party. Wala lang naman sa akin 'yon.  


Tumawa 'yong dalawang lalaking kalaro ko at mukhang nasaktan nga 'yong nanggugulo sa 'kin dahil sa paraan ng pananalita ko. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit para makatapat ko siya. Tumabi naman si Dennis para hayaan ako. 


"Look..." I sighed again. "Type kita noon pero ang clingy mo na kaya hindi na kita type. Alam mo namang hindi ako nagse-settle, 'di ba? Hindi ako pang-romance. Kung gusto mo ng sweet and serious relationship, tigilan mo 'ko. Hindi ako 'yon. Maghanap ka na lang ng iba."


Bumuntong-hininga siya bago tumango. Tinaas pa niya ang dalawang kamay para sabihing sumusuko na siya at hindi na siya kailangan kaladkarin nila Dennis palabas. Napairap ulit ako at bumalik sa billiard table. 


Men, really. Palagi ko namang nililinaw sa kanilang hindi ako 'yong babaeng pangmatagalan. Kung naghahanap sila ng karelasyon, hindi ako 'yon. I was not capable of love or being loved. Hanggang ganito lang ang kaya ko. For fun. At least both of us will enjoy ourselves. 


"O, ano? Dinuduga mo ata ako, ah!" Tinuro ko ang lalaking kalaro ko, si Jake. 


Tumalikod lang ako, halos naubos na ang bola niya?! Parang mali 'yon! Tumawa lang siya at umiling saka sinenyasan akong turn ko na. Nahabol ko naman siya. Ngumisi ako nang ma-shoot ko na ang itim, ibig sabihin ay tapos na ang laban. 


"Pagaling ka muna." Tinapik ko ang balikat niya bago ko binalik ang cue stick. 


Kinuha ko ang bag ko at tumatakbo na 'ko pabalik sa FEU dahil may klase pa 'ko. Nag-one game lang ako rito dahil nga free cut, walang prof, at wala akong magawa sa break. Sinalubong ako ng kaklase kong si Kyla sa pintuan ng room.


"Saan ka galing? Bilyar?" tanong niya kaagad. 


Tumango ako at dumeretso sa upuan ko. Binutones ko pa ang blouse na suot ko at inayos ang coat ko. Tumaas ang kilay ko nang lumingon sa 'kin 'yong ka-blockmate kong feeling queen bee. Bumalik na lang sana siya sa high school. Hindi na uso 'yang ganyang ugali sa college. Walang magagawa ang pagfe-feeling niya rito! 


"O?" Sinipa ko ang upuan niya nang titigan niya 'ko. Bakit na naman ba siya nakatingin? Anong year na namin at hanggang ngayon ba binubully niya pa rin ako? 


She smirked at me and whispered something on her friend's ear, obviously talking about me. "Nakipag-ano na naman si Yanna," bulong ni Megan. Bulong pero narinig ko? Halata naman kasing pinaparinig pa sa akin. 


Napairap na lang ako. Masyado naman ata siyang concerned sa sex life ko at araw-araw, tuwing pumapasok akong pinagpapawisan dito sa room, akala niya ay nakipag-sex ako sa kung sino-sino dyan sa labas. Nagbilyar lang naman ako. 


"Mana sa nanay." Tumawa naman si Rachel, 'yong kaibigan niya.


Doon nag-init ang ulo ko. Tumayo ako sa inuupuan ko at lalapitan na sana ang dalawa nang pigilan naman ako ni Brianna. Nanginginig ang kamay ko at gustong manampal pero hinatak ako pabalik ni Bri paupo.


"Huwag na. Baka ma-suspend ka," sambit niya sa 'kin.


Kinalma ko ang sarili ko at umupo na lang pabalik. Baka nga ma-suspend ako at mag-alburoto na naman ang nanay ko sa kakasermon sa 'kin. Silang dalawa talaga ang pinakakinasusuklaman ko sa room na 'to. 3rd year na kami pero akala mo'y bata kung mag-isip. Sarado ang utak. Ganito ako pero umaakto naman akong may pinag-aralan!


Dumating na ang prof kaya nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Ito na ang last subject ko ngayong hapon kaya pagkatapos ng klase, kinuha ko na ang bag ko at umalis. Umuwi ako roon sa dorm ko. Si Kyla at Bri ang ka-roommate ko kaya kami close. Madalas din naman silang wala katulad ko kaya halos hindi na kami magkita rito. 


Pagkauwi ko, nag-shower lang ako saglit at nag-aral tapos lumayas na rin ako kaagad dahil nag-aaya 'tong si Kyla sa Morato. Nagsuot lang ako ng itim na bralette at high-waisted pants. Nag-jeep ako papunta roon dahil wala naman akong kotse. Naglakad pa tuloy ako papunta sa tapat ng club kung nasaan sila. 


"O, hindi pa kayo pumapasok?" tanong ko kay Kyla. 


Kasama niya ang iba naming kaibigan, 'yong mga ka-block namin noong first year, tapos nagdala rin siya ng mga taga-Engineering. Sila Dennis din nandito. Wala si Bri dahil hindi naman palainom 'yon. Malakwatsa lang pero hindi palainom. 


"Nag-aambagan pa kami. Kulang pa sa table," sabi naman ni Kyla. 


Naglabas ako ng 500 at binigay sa kanya. Iyon lang ang kaya kong i-ambag ngayon, 'no! Ano ako, mayaman? Tag-tipid ako ngayon. Tinanggap naman niya 'yon at nang dumating na 'yong galante naming kaibigan na si Chris, nakapasok na kami. 


Dalawang table lang kami at standing. Si Kyla na ang bahalang mag-order. Basta ako, iinom lang at sasayaw. Nililibot ko na rin ang paningin ko para maghanap ng gwapo. Mas madali dahil ang pwesto namin ay sa pinakaharap. 


"Shot mo na, Yanna," bigay sa 'kin ni Chris ng shot glass. 


Hindi kami masyadong close nito at hindi nag-uusap pero gwapo naman siya. Hindi ko lang masyadong pinapatos dahil nga magkaibigan kami sa paningin ko. Tingnan ko mamaya kapag tinamaan na 'ko kung magbabago ba isip ko. Halata namang may gusto siya sa akin. 


Naubos na namin ang tatlong bote ng Cuervo at lasing na kaagad 'yong iba. Napairap ako at uminom sa in-order kong beer. Nagkakalat na kaagad 'tong si Kyla! Kung saan-saang table na napupunta. Hinihigit lang siya ni Dennis para hindi makabunggo ng mga tao. Masikip pa naman! 


"Oh." Napahawak si Chris sa bewang ko para hatakin ako palapit nang muntik nang matapon ni Kyla ang alak sa 'kin. 


Napatingin ako sa kanya at sa kamay niyang nasa bewang ko. Hindi na niya inalis 'yon! Napangisi ako at tinago na lang 'yon gamit ang pag-inom sa beer. Napakadali naman nilang basahin. 


The next thing I knew, I was already making out with Chris. Dinala niya pa 'ko sa gilid para medyo madilim at wala masyadong tao. I was gripping on his shirt while kissing him. He started kissing my jaw down to my neck and I bit my lower lip, getting heated. 


"Do you want to go to my car?" 


I stopped to laugh at that. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ang panga niya gamit ang daliri ko habang nakangisi. 


"I would, but you're my friend so..." I playfully arched my brows. I would never do that to my friend. Well, he was nice and hot but... I just can't. 


"Yanna, come on," disappointed na sabi niya. 


Humalik ako sa pisngi niya bago ko siya iniwan doon. Naglakad ako pabalik sa table nang hinigit niya 'ko paharap sa kanya. Imbis na mainis, tumawa pa 'ko dahil halatang sabik na sabik siya sa 'kin. 


"Crush mo ba 'ko, ha?" Taas-noong tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Natawa tuloy ako. 


Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya saka dinala sa bewang ko. Tumingkayad ako para maabot siya at mapaglarong nilapit ang mukha ko sa kanya pero hindi ko siya hinalikan. 


"Hindi mo 'ko crush. Malibog ka lang," bulong ko bago ako tumalikod ulit. 


Nilapitan ko si Kyla para hatakin siya sa braso dahil iuuwi ko na siya. Masyado na siyang eskandalosa. Walang pasabi ay hinigit ko na nga siya paalis at nag-jeep na lang kami pauwi dahil masyadong magastos ang pag-Grab. Sinamahan naman kami ni Dennis, e. 


Kinabukasan, wala akong klase kaya napirmi muna ako sa dorm, tinatawanan si Kyla nang magising siya at tila wala nang naaalala sa nangyari kagabi noong lasing siya. Ngumisi tuloy ako, handa nang lokohin siya. 


"Dalawang lalaki hinalikan mo, nagsuntukan doon," panggagago ko. 


"Huh?!" Gulat siyang lumingon sa 'kin. "Ako?! Nanghalik ako?! Seryoso ba?!" 


Gulat na gulat siya dahil hindi naman siya ganoon. Kyla was more conservative compared to me. Dumapa ako sa kama at sineryoso pa ang mukha ko. 


"Oo! Gustong-gusto mo pa nga iuwi rito sa dorm lalo na noong nakapa mo 'yong tit-" 


"Yanna!" Napatakip siya sa tenga niya, takot na takot sa sasabihin ko. 


Malakas akong tumawa at agad niya 'kong binato ng unan. Nagising tuloy si Bri dahil siya ang natamaan. Napailing ako at binalik na ang tingin ko sa inaaral ko ngayon. Kailangan ko nang tapusin 'to dahil nag-aaya ang demonyong Samantha sa BGC. Birthday niya kasi. Sabay-sabay kaming pupunta nina Luna.


Sila ang original friends ko ever since high school. Lima kaming babae at mas matanda kami ni Sam nang isang taon doon sa tatlo. May dalawa pa naman kaming lalaking tropa pero mas madalas kong kasama 'yong girls. 


Noong kinagabihan, nag-shower ako at nagbihis ulit. Nagsuot lang ako ng leather skirt at fitted long-sleeves na see-through. Cropped top 'yon kaya kita ang kaunting balat ko sa baywang at tiyan. Kita rin ang suot kong laced bra sa loob. Sinuot ko ang hoop earrings ko at naglagay ng make-up. Pula pa ang lipstick ko dahil iyon ang bagay sa labi ko. 


Sinundo ako nina Luna. Si Via rin ay malapit lang din sa akin kaya sabay kaming sumakay. Si Via, Kierra, at Luna ay taga UST Archi habang si Sam naman ay taga-Ateneo. 


"O, ba't malungkot ka?" tanong ko kay Luna pagkapasok. "Wala 'yong bebe mo?"


Ang alam ko ay may hinaharot siyang taga-Ateneo ngayon, eh. 'Yong nakilala siguro niya sa Pop Up. Natawa na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Kawawa naman at ngayon na lang ulit nagka-crush, eh. 


"Sino mauuna sa 'min ni Sam makahanap? Sa tingin mo, Kierra?" tanong ko.  


"Charming si Sam tapos seductive ka. Huwag n'yo 'ko idamay sa kalokohan n'yo," killjoy na sabi ni Kierra.


Charming naman talaga si Sam. Elegante siyang tingnan at magaling siyang makipag-usap sa mga tao kaya ang dami niyang mga kaibigan. Mahinhin at malambing pa ang boses kaya ang dami ring nagkakagusto sa kaniya. 


Kabaliktaran niya 'ata ako. Mahaba ang buhok kong medyo wavy. Ayaw ko ngang paiklian para madaling i-bun. Nagpa-dye ako kaya may pagka-hazel brown ang buhok ko. My lips were plump, the reason why people found me seductive. Nakaayos ang kilay ko at halatang-halata sa pagka-brown ang mga mata ko dahil sa tatay ko. 


Lahat tuloy ng mga bagong kakilala ko, tinatanong sa 'kin kung may lahi ako. Malamang, may lahi ako! Sino bang walang lahi rito?! Alien ba 'ko? Mixed ako, oo, dahil Amerikano tatay ko. 


Nang makarating sa BGC, sinalubong kami ni Samantha. Naging competitive kaagad ako lalo na't hinahamon ako ni Sam. Ang dami niyang in-order na alak sa table namin. Kaya ang sarap kapag si Sam ang nag-aaya ng inom dahil sinasagot niya lahat. Nagrerebelde yata 'to, eh. Ang yaman at prim and proper ng pamilya niya kaya pakiramdam niya nakukulong siya. 


Noong napunta kami ni Via sa dance floor, may kasayawan na kaagad ako. Mabuti na nga lang at nirentahan 'to ni Sam kaya hindi masyadong masikip at ang dami ring gwapo. Mga kakilala lang din ni Sam at mga kasing-edad lang namin. 


"Ano'ng name mo?" Tanong ng lalaki na nakahawak sa bewang ko. 


"Ash," sagot ko. 


Rule number one, huwag sabihin ang pangalan sa mga nakakalandian sa club. Madali ka nilang mahahanap kapag na-attach sila sa 'yo. Iyon ang palagi kong sinasabi sa sarili ko at sa mga kaibigan ko. Wala naman akong mahahanap na true love dito kaya bakit magsasabihan pa tayo ng info? 


Well, I did not lie. My name was Ashianna kaya pasok naman ang 'Ash.' Wala lang talagang tumatawag sa 'kin noon kaya hindi ako kilala sa ganoon.


"Halikan mo na 'ko kung hahalikan mo 'ko," diretsong sabi 'ko nang makitang nakatingin siya sa labi ko. Ang dali talaga nilang basahin. Ang bagal nga lang. 


Natawa siya saglit bago ako hinalikan. Pinalupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nang maubusan na 'ko ng hininga, bumitaw na kaagad ako sa kanya at nagpaalam na babalik na 'ko sa table namin. 


Hindi ko na pala siya trip. Hindi siya magaling. 


Tinungga ko ang Cuervo sa table. Naparami na 'ko ng iniinom at nakaupo na lang sa couch, naghahanap ng bagong haharutin. Nakita ko pa si Luna roon na may kausap na lalaki! Iyon din 'yong kausap niya last time noong nag-club kami, ah! Kakilala pala 'yon ni Sam. 


"Nasaan na si Shan, dude?" 


Napataas ang kilay ko nang may dalawang humintong lalaki sa harapan ko. Doon ako napatingin sa lalaking napadaan lang. Napahinto siya sa paglalakad nang makasalubong ang kaibigan. 


"May kausap doon." Tumuro niya sa dance floor. 


"Fuck, bro, sobrang flirt." The other guy laughed. 


Tumawa lang din 'yong lalaking tinititigan ko. I bit my lower lip while staring at him. Matangkad siya at mukhang maganda ang katawan na tinatago sa suot na long sleeves na grey. He pushed back his soft-looking hair and raised a brow at the other guy. May pinag-uusapan sila ngayon habang may hawak siyang shot glass. 


Target locked! 


Hindi man lang ako nahiyang tinititigan ko siya. His lips looked so kissable. 'Yong ngiti niya, mukha siyang mabait sa mga tao. Kabaliktaran naman 'yon ng panga niya. He looked rough with his jawline. Kayumanggi ang balat at pwedeng magpadulas ng piso sa ilong niya, lalo na't naka sideview siya sa 'kin. Mukhang may ibang lahi siya or something. He looked so hot! 


Napatingin siya sa 'kin nang makitang nakatitig ako. His brows furrowed a little out of confusion before looking back at his friend. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya. Umayos lang ako ng upo at pinagkrus ang binti ko habang hawak ang shot glass, hindi mainom.


Damn, mahuhulog ata panty ko, ni hindi pa nga niya 'ko kinakausap. Mukha siyang mabango! Napa-straight shot tuloy ako ng tequila at naglagay ng asin sa dila ko para mawala ang matapang na lasa noon. 


Sana wala siyang girlfriend. Iyon na lang ang pinagdadasal ko. Bakit kasi lahat ng gwapo, may girlfriend na? Delikado ako sa mga ganito. Lalo na ang hitsurang ganiyan... Bakit hindi magkakaroon ng girlfriend 'yan? He could get the girls in one look. 


Nagsalin ulit ako ng bago, hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. He looked back at me again. Ngayon, tumagal na 'yon. His eyes quickly surveyed me from my face down to my body, then he looked away and bit his lower lip. Tumatango siya sa sinasabi ng kaibigan niya. 


I'll get you! Hell! 


Tumayo ako saglit nang mawala sila sa paningin ko. Sumayaw muna ako sa dance floor at nakipaglandian sa iba pero hindi mawala sa isipan ko 'yong lalaki kanina. Sinusubukan ko siyang hanapin ngayon pero nawala siya! 


Pagkabalik ko sa couch, problemado na si Luna. Nagulat pa 'ko nang malamang may hinalikan siya kaya namomroblema siya ngayon. Hindi naman basta-basta nanghahalik ang kaibigan ko pero na-distract ako nang makita si Chris na narito rin pala. Tumayo tuloy ako para habulin. 


Paanong hindi, hiniram niya ang powerbank ko kagabi tapos hindi na niya nabalik kasi umuwi na 'ko kaagad! 


"Excuse me, excuse me." Mabilis na ang lakad ko para mahabol si Chris at masikip pa kaya kung sino-sino na ang nakakabunggo ko. 


Nanlaki ang mga mata ko nang may humatak sa braso ko at ginilid ako. Nagtaka tuloy ako pero nang makita ko ang basag na baso sa sahig, naintindihan ko na kung bakit. Muntik ko na palang matapakan.


"Watch out," the man whispered. 


Nang bitawan niya ang braso ko, saka ko lang siya natingnan nang maayos. Parang tuluyan na ngang nahulog ang panty ko nang makita nang malapitan ang lalaking kanina ko pa hinahanap! Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa gulat. I could smell his manly scent. Ang bango pa niya! Halatang mamahalin ang pabango. 


"Dude, gago, hinalikan ako noong chick." Napatingin ako sa lalaking lumapit sa kanya. 


Oh, 'yong lalaking kausap ni Luna kanina! Wait... they were friends! 


Hindi na niya 'ko tinignan ulit kaya magmumukha naman akong papansin kung kakausapin ko siya bigla habang kausap niya 'yong tropa niya. Nakalimutan ko na rin si Chris kaya bumalik na lang ako sa table para uminom doon. Sa kaniya na nga iyong powerbank! Binigay lang din naman sa akin 'yon.


"Wow, you're still here!" sabi ni Sam sa 'kin nang makita ako sa couch. "Your game's kind of weak today, huh?" 


Napailing ako. "Ang hirap landiin noong gusto ko. Palaging may kausap!" 


"Sino ba?" Kumunot ang noo niya at lumapit.


Tinuro ko 'yong lalaki at sinundan niya naman 'yon ng tingin. Her mouth formed an 'o' before looking back at me, amazed. Kilala niya. Siyempre, kilala niya! Party niya 'to! 


"That's Hiro!" sabi niya na para bang dapat alam ko 'yon.


"Oh, so? Sino 'yan?" Tumaas ang kilay ko. 


"Oh my gosh! Tourism ka! You should know this!" Umupo siya sa tabi ko, excited. 


Mas lalo lang kumunot ang noo ko, handa nang makinig sa ichichika ni Sam. Si Sam ang pinakamaraming alam sa aming magkakaibigan dahil marami siyang sources. Sa rami ba naman ng circles na kabilang siya. 


"His family owns Fly Asia! You know? The airline?" She was smiling. Parang nireretuhan niya pa ako. 


"What?!" Gulat akong napatingin sa kanya. FlyAsia... My dream airline! The top airline in the Philippines! 


So that was why he looked so expensive and... hard to reach. Pangarap kong makapasok sa airline na 'yon at doon magtrabaho. Para tuloy akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang mapagtanto kung gaano siya kahirap abutin. 


"Yes, he's from La Salle. He's currently studying Mechanical Engineering but he's also a student pilot. I heard may license na siya. I don't know much about him but we have a lot of common friends." She shrugged. 


Tumango ako, nawalan na ng pag-asa. Pass na lang ako! Hassle masyado kapag sa ganyan kayaman ako nakipaglandian. Napainom na lang tuloy ako nang marami dahil nabigo ngayong gabi. Sayang naman... 


Hilong-hilo ako at umiikot na ang paningin ko nang maglakad ako palabas. Nilabas ko ang cellphone ko para i-text sina Kierra dahil hindi ko alam kung iniwan na nila 'ko o ano! Ang sabi ko, huwag nila 'kong iwan dito, e! 


Napaupo ako sa may hagdanan nang mamatay ang phone ko. Fucking Chris! 'Yong powerbank ko! 


"Fucking hell." Napahawak ako sa ulo ko. Gusto ko nang matulog. 


"Hi! Okay ka lang?" May lumapit na lalaki sa 'kin. Nang iangat ko ang tingin sa kanya, na-realize kong siya pala 'yong kausap ni Luna kanina. 


Napailing ako at halos nakapikit na. Ni hindi ko na siya makita ulit nang maayos. 


"Saan ka nakatira? I'll book you a grab! Uy, bro, help naman dito, oh!" May kausap pa siya. 


"What are you doing? A damn charity, dude, tingnan mo naman tropa mo." Nakarinig ako ng isa pang lalaki na lumapit. 


Tumayo ako at sinubukang maglakad paalis pero agad ding natumba nang mahilo. May humawak sa bewang ko at bigla na lang nagdilim ang paningin ko. 


Pagkagising ko, parang hina-hammer ang ulo ko. Amoy ko pa ang alak sa sarili ko. Pucha... Ano ba 'to?


"Puking inang buhay 'to," bulong ko kaagad. "Punyetang alak."


Shuta, ang sakit ng ulo ko. Humawak pa 'ko sa ulo ko at minasahe 'yon bago naupo sa kama. Nang iangat ko ang tingin ko, parang nanlamig ako. I was expecting to see Sam's room but.. Nasaan ako?! 


Lumingon ako sa paligid, takot na takot. Parang hindi ito ang kwarto ni Sam! Grey, white, at black ang kulay ng kwarto na 'to! Hindi ito 'yon! Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama, sinusubukang alalahanin ang nangyari kagabi.  


"Shit, Yanna!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Tangina, sinong nilandi ko kagabi?" 


Pilit kong inalala lahat ng nangyari pero ang huling naaalala ko lang 'yong naglalakad ako palabas sa club, hinahanap sina Kierra. Oh my god, may nilandi pa ba 'ko sa labas noong lasing ako? 


Shit, what if nag-sex kami tapos unprotected?! Paano kapag nakakuha ako ng sakit?! Oh my god, Yanna! Bakit ang landi mo?! Ano bang ginawa mo?! 


Nakahinga ako nang maluwag nang makitang iyon pa rin ang suot ko, wala nga lang 'yong see through kong long sleeves kaya naiwan ako sa skirt at laced bra. Dahan-dahan ko pang inayos ang kama. 


Napatalon ako nang bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin 'yong... Shit! 'Yong... Lalaki! Ano ulit pangalan niya?!


"Good morning." He gave me a small smile. 


Hiro! 


Nanuyo ang lalamunan ko at agad tumalikod sa kaniya, inaalala kung anong itsura ko ngayon! Nakakahiya! Hindi ko man lang tinignan ang sarili ko sa salamin! Hindi ako handa kaya tumakbo ako bigla papasok ng C.R. 


Nagulat ako nang makitang wala na pala akong make-up. Kumunot ang noo ko at nakita sa maliit na basurahan ang wipes na may bakas ng make-up ko. Did I just... remove my make-up last night kahit basag? Ang galing ko naman pala?


Naghilamos ako at nagmumog ng nakita kong mouthwash. Inamoy ko pa ang sarili ko at amoy alak ako kaya naghanap ako ng pabango sa loob. Wala roon kaya naglagay na lang ako ng alcohol sa kamay bago lumabas. 


I saw him sitting on the edge of his bed. Tumaas ang kilay niya nang makita akong lumabas sa bathroom. Tinungkod niya ang dalawang kamay sa kama at sumandal nang kaunti, nakatingin sa 'kin at nakangisi.


"P-paano ako nakarating dito?" bungad ko sa kanya. 


"I drove you here," he simply said. 


"Uhm, bakit?" 


"Your phone's dead and I don't know your address," sagot niya ulit. 


Napatingin ako sa kanya. Nakasuot lang siya ng grey na sweatpants at white shirt. Walanghiya akong tumingin sa may gitna ng binti niya. Wala akong maalala! Anong nangyari?! Bakit siya pa ang narito?


"Nag-sex ba tayo?" deretsong tanong ko.


His lips slowly formed an amused smile. He chuckled a bit before shaking his head like I said something funny. Anong nakakatawa? 


"No," he answered, smiling. 


"Ah..." Tumango ako. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko ulit. 


"What?" Nagulat siya lalo sa tanong ko. 


Umirap ako at naglakad palapit sa bag ko para kuhanin ang gamit ko. Sinundan niya naman ako ng tingin. 


"Bakit hindi? Sayang," sabi ko habang hinahanap ang phone ko. 


Narinig ko ulit ang maikling tawa niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kinuha ko ang phone ko at nakitang fully charged na 'yon kaya binalik ko ang tingin sa kanya. Wala naman siguro siyang girlfriend, ano? 


"Woman, you were dead. What were you expecting?" he asked, still amused. "Necrophilia?" 


I tried to stop myself from chuckling. Wow, he was funny, too. Nasa kaniya na lahat, ah. Ako na lang ang kulang, sa totoo lang. 


"Pero kung hindi ako lasing?" tanong ko, kinakalikot ang phone ko. 


"What do you mean?" He curiously asked, kahit alam naman niya ang ibig kong sabihin. 


"Kung hindi ako lasing at hindi ka lasing, would you give it a chance?" I looked at him. Walang mangyayari kung hindi ako straightforward. He was so hot! 


Hindi siya nakasagot kaagad dahil sa gulat. His eyes turned a shade darker as he stared at me. Sumeryoso na rin ang mukha niya kaya kinabahan ako. Sinundan niya 'ko ng tingin nang maglakad ako palapit sa kanya. 


Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. I only stopped inches away from his lips. Lumipat ang tingin niya mula sa mga mata ko pababa sa labi ko. 


"Ano?" tanong ko, hinihintay ang sagot niya. 


My eyes widened when he caressed my face and kissed the side of my lips, hinayaang dumaplis lang nang kaunti sa labi ko. Naestatwa kaagad ako at hindi nakagalaw kahit noong binitawan na niya ko. Oh my gosh... I was taken aback! 


"Of course." He smirked.

________________________________________________________________________________

:)


Please note that I will NEVER tolerate slut-shaming. Please be open-minded enough. If this story is against your moral principle, you can skip this story. If you still want to be open about these things and learn a lesson, you can move forward. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top