CHAPTER XXV



Cass's POV

Lampas alas dose na ng hating gabi, busy ako sa pag-aaral para sa parating na finals. Nang tumunog ang cellphone ko, nilingon ko lang ito ng mata pero nang makita na message lang pala ni Mr. Bautista sa group chat namin ay hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aaral.

Limang minuto ang lumipas ay biglang tumunog ang cellphone ko at may tunatawag,

Napakamot ako sa ulo, "Ano ba naman 'yan!" Nang damputin ko ito ay si Allan ang tumatawag,

"Hello--"

[Anong nangyari? Bakit ikaw lang ang hindi nakapagpasa ng report kay sir Bausista!?]

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad kong natingnan ang message kanina ni Mr. Bautista,

From: Prof B.
@Andrea Cassandra Gonzales, ikaw lang ang walang ipinasang report paper,, just letting you know para hindi ka magulat kapag nakita mo ang grades mo.

"Ha!? Nagpasa ako nun, ah! Inilagay ko sa class--" binuksan ko ang online classroom namin sa laptop ko,

"Tangina!! Hindi ko na turn-in!!"

[Ha? Turn in mo na tapos magpaliwanag ka nalang kay sir.] turan ni Allan at tumango nalang ako bago ibinaba ang tawag.

Agad kong ipinasa ang paper ko pagkatapos ay nag-message kay sir.

To: Ronaldo Bautista
Good evening po sir, my apologies for my late submission, I just want to explain myself sir, natapos ko po talaga on time yung paper, nakalimutan ko lang po siyang i-turn in sa bin. Sana po maintindihan niyo at tanggapin niyo pa rin ang paper ko.

Ang tagal bago mag seen ni Mr. Bautista, halos hindi ako makapag-isip nang maayos, mapraning-praning na rin ako kung hindi lang tulog ang mga kaibigan ko.

Napa-igkas ako nang mag-seen si sir, hinintay ko siyang mag-reply pero hindi niya ginawa. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ko.

Hindi ako mapakali pagpasok, hindi ko first sub si Mr. Bautista kaya tuliro ako sa unang klase.

Nang dumating na si Mr. Bautista ay hindi muna ako lumapit sa kaniya at hinayaan munang matapos ang klase.

"Sir, sir I'm really sorry po, I wasn't slacking sir, matagal ko na po talagang ginagawa yung paper at natapos ko rin po kagabi, nakalimutan ko lang po talaga siyang i-turn in, sir. Please sir, tanggapin niyo po--" Natigilan ako sa paglalakad nang tumigil si Mr. Bautista at humarap sa akin,

"Miss Gonzales you know me! Alam mo na ayaw ko ng mga pahuli-huli!! Are you expecting me to let this slide!?" Halos mangilid ang mga luha ko nang sigawan ako nito,

"Sir please po, just this once sir. Kilala niyo po ako sir, hindi ako tamad na estudyante. Sadyang dumulas lang po sa isip ko kagabi, please sir, I'm really sorry po." Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko,

Napasapo sa noo si Mr. Bautista, "Crying won't do anything miss Gonzales, hindi ko tatanggapin 'yan." Nang maglalad ito palayo ay agad ko itong hinabol,

"Sir please, I can't score zero on this report paper. Sir malaki ang magiging epekto nito sa grades ko. Please sir, half score sir, please, half lang po. I really need that grade sa paper, sir." Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisnge ko,

Nang tumigil si Mr. Bautista sa paglalakad ay napatigil din ako. Hinarap ako nito bago huminga nang malalim, "This will be your first and last, Miss Gonzales." Dinuruduro ako nito bago pumasok ng faculty,

"Thank you so much sir!" Kahit alam kong hindi na ako nito rinig ay nagpasalamat pa rin ako.

Napasandal ako sa pader katabi ng pinto bago nagpahid ng luha at nag-ayos ng sarili.

Dahil kalahati lang ng perfect score ang makukuha ko sa paper na iyon at sobrang baba na kayang-kaya nitong hatakin ang grades ko pababa ay kailangan kong bumawi sa finals. Iyon nalang ang sasalba sa grades ko para mag line of 1 pa rin ako.

"Cass pretzels--"

"Ayaw ko," sinenyasan kong umalis si Faye habang patuloy na nagbabasa,

"Gusto mong bumili ng milktea sa labas? Narinig ko mura lang--"

"Ayoko! Ang ingay mo, Simon!" Singhal ko kay Simon habang sinasagutan ang mga mock exams na prinint ko.

Hindi ba nila naiintindihan na busy ako!? Tanong sila nang tanong! Nang-iistorbo sila masyado! Dapat talaga hindi ko na muna sila sinasamahan.

"Lunch daw, Cass?" Nilingon ko si Faye habang nag-aayos ng gamit,

"Ayaw," sagot ko bago lumabas ng classroom. Kumain ako sa may football field habang nag-aaral kung saan payapa at tahimik. Walang mga nagdadaldalan at nag-uusap para istorbohin ako.

"Hinahanap ka ni kuya Haze, di ka raw sumasagot." Nilingon ko si Faye na nasa pintuan ng bedroom,

Napakunot ang noo ko bago napakamot sa ulo, "Sabihin mo bakit? Wala ako sa mood," ani ko bago nagpatuloy sa pagtitipa sa laptop,

Maya-maya ay bumalik si Faye, "Aayain ka raw sana kumain sa labas--"

"Sabihin mo busy, palibhasa hindi siya namo-mroblema sa course niya." Ani ko bago marahas na pumindot sa keyboard ko,

Pagbalik ni Faye ay may dala itong mga pagkain na ipinatong sa lamesa niya, "Pinapabigay ni kuya Haze, dito ko nalang muna ilalagay kasi puno yung lamesa mo." Ani nito at nag-hum ako,

"Sige sige," sagot ko sa kaniya,

"Uh... Cass, pinapasabi nga pala ni kuya Haze na baka pwedeng magkita kayo kahit mabilis lang-- hindi naman daw kailangan ngayon! Ano lang... miss kana raw niya." Napakunot ang noo ko bago siya nilingon,

"Sabihin mo sa kaniya busy ako, hindi ba niya naiintindihan yun?!" ani ko bago nagbuklat ng aklat,

Pagsapit ng first day ng exams ay maaga akong pumasok para makapag-review pa. Dalawa ang exams ko sa first day kaya naman halos sumabog na ang utak ko.

Pagkatapos na pagkatapos ng pangalawa kong exam ay diretso ako palabas ng gate para umuwi at makapag-review.

"Cass? Cass! Wait," Nang marinig ko ang tumawag sa 'kin ay agad akong napatigil bago nilingon si Haze,

"Nag lunch kana ba? Tara, may bagong kainan sila--"

"Busy ako, wala akong time para diyan." Putol ko sa kaniya,

Bahagya siya napanguso, "Kahit... 30 minutes lang?" ani niya at napasapo ako sa noo ko,

"No, kailangan ko na umuwi." Ani ko bago akmang aalis nang hawakan niya ako sa braso,

"How about lunch? Nag lunch kana ba--"

"Sa dorm, Haze, sa dorm na ako kakain." Sagot ko sa kaniya at nagparte ang mga labi niya,

"Ihahatid nalang kita," ani niya at doon ay saka lang ako pumayag.

Sa minutong naupo ako sa loob ng sasakyan niya ay agad akong nakatulog. Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa tapat ng dorm.

"Magluluto kapa ba? Gusto mo ibili nalang kita?" Habol sa akin ni Haze nang mag-isa akong lumabas ng sasakyan niya,

"Bahala ka," sagot ko bago pumasok ng dorm,

Pagkapasok ko ng dorm ay nagtanggal lang ako ng sapatos bago kumuha ng energy drink sa ref at nag-aral na sa kwarto.

Ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok kasunod ang pagtawag ni Haze.

Pagbukas ko ng pinto ay may dala itong supot ng Jollibee.

"Salamat," inabot ko ito, hinintay ko siyang pumasok pero nanatili siyang nakatayo,

"Hindi kaba papasok?" Tanong ko,

"Uh... mag-aaral kaba habang kumakain?" tanong niya at napakunot ang noo ko,

"Bakit?" Taka kong tanong,

Napanguso ito, "Ano kasi... gusto sana kitang makasabay kumain pero kung mag-aaral ka habang kumakain ay okay lang kahit hindi na ako sumabay." sagot nito, pinagmasdan ko ang hitsura niya, tinamaan ako ng awa at guilt.

"Pasok na, kumain na tayo," Parang lumiwanag ang mukha niya,

Bahagya kong binagalan ang pagkain, ramdam ko na masaya siyang magkasama kami matapos ang halos isang linggo naming hindi pagkikita.

"Uh... kamusta ka?" Para siyang nangangapa sa tono ng pananalita niya,

"Okay lang, pagod na ako," sagot ko bago sumubo ng kanin,

"Hindi pwedeng magpahinga?" Tanong niya, ilang segundo akong natigilan bago umiling,

"Hindi pwede," sagot ko at tumango lang siya,

Hindi na ulit siya umimik matapos nun. Pagkataps naming kumain ay siya ang nag-ayos ng mga pinagkainan habang nagpalit naman ako ng damit.

Na-abutan ko siyang itinatapon ang mga pinagkainan namin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya bago ito niyakap nang patalikod.

"I'm sorry," bulong ko, "I've been cold and rude these past days. I've been pushing people away." I added, he held my arms before facing me and hugging me back.

"Don't worry, I understand, but please don't push yourself too hard. Take care of yourself pa rin, 'wag mo pabayaan sarili mo. Inaalagan kita tapos pababayaan mo naman sarili mo." ani niya at doon ay bahagya akong napatawa.

Nagpaalam na rin siya at umalis para makapag aral na ulit ako.

Tatlo ang exams ko bukas kaya naman pukpukan nanaman ako sa pag-aaral.

Medyo natauhan ako kanina sa pagpunta ni Haze kaya naman para sa hapunan ay um-order ako ng pagkain namin at naghapunan kasama sila Faye. Humingj na rin ako ng tawad sa kasungitan ko nitong mga nakaraan dahil hindi lang ako ang nahihirapan sa mga araw na ito.

Bagsak agad ako sa kama nang makauwi ako matapos ang tatlo naming exam. Hindi ako nakapagtanghalian dahil sa sobrang pagod at antok.

Paggising ko ng bandang alas singko ay napa-igkas ako sa kama para maligo at magbihis bago nagsimula sa pag-aaral.

Naisingit ko pa ang pagsasaing sa rice cooker habang nag microwave nalang kami ng ulam para sa hapunan.

Bukas na ang exam ko kay Mr. Bautista, kailangan kong makakuha ng mataas na score, kung kayang maka-perfect ay mas mabuti.

Bandang ala una nang madaling araw ay tinamaan ako ng antok. Pagbukas ko ng ref ay wala akong nakitang energy drink kaya naman lumabas ako at pumunta sa pinakamalapit na 7/11 para bumili.

Pagkakuha ko ng Red Bull at Booster Shot ay agad ko rin itong dinala sa cashier.

"Morning ma'am, dami nito ma'am ah, delikado 'to." ani ng cashier, napakunot ang noo ko,

"Wow kuya ha, concerned?" ani ko bago ini-abot ang bayad,

"Para sa exam 'to ano ma'am?" Tanong niya at napatawa ako bago tumango,

"Ito ang papatay sa akin kuya," ani ko at napatawa siya habang ibinabalot ang binili ko,

"Sus, kaya niyo 'yan ma'am, exam lang 'yan." Ani niya at napatawa ako bago umalis.

Hindi na ako nakatulog pagkabalik ng dorm. Alas singko na ako kumalas sa pag-aaral dahil nagluto na ako ng almusal at kumain bago naligo at maagang pumasok.

Pumunta na ako sa examination room ko at doon hinintay na magsimula ang unang exam ko.

Nahihilo-hilo na ako pagkatapos ng unang exam ko. Kasunod at huling subject na ang kay Mr. Bautista.

"Gising Cass, gising!" Sinampal-sampal ko ang sarili ko bago tumayo sa kinauupuan ko para pumunta sa examination room.

Napasandal ako sa door frame nang makarating sa classroom. Napamasahe ako sa noo bago tuluyang pumasok.

Nagbasa-basa pa ako pero mas lumalala ang sakit ng ulo ko. Nang magsimula ang exam ay hindi ako makapag-isip nang maayos.

Nasa number 15 palang ako pero napapadaing na ako sa sakit ng ulo. Inilapag ko muna ang ballpen para kunin ang tubigan ko sa sahig.

Parang binabaak ang ulo ko sa sobrang sakit. Uminom muna ako ng tubig dahil baka sakaling mawala-wala ang sakit.

Pagka-angat ko mula sa paglapag ko ng tubigan sa sahig ay doon ay para akong hinampas.

"Ah--" napasapo ako sa ulo ko,

"Aray..." mahina kong daing, nang mag-angat ako ng tingin ay doon lumabo at animo'y nakakakita ako ng mga itim na tuldok, naramdaman ko ang paggewang ng katawan ko bago tuluyang nandilim ang paningin ko.

Sa segundong nagising ako ay napabangon ako sa kama, "Yung exam ko!" Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko at ini-upo ako sa kama.

"Anong exam? Magpahinga ka," turan ni kuya Xandro, nagulat ako nang makita ang mukha nila ni kuya Edward.

"Nahimatay ka dahil sa puyat, pagod at too much caffeine in your body. Uminom kaba ng energy drink?" tanong ni kuya Edward, nag-ayos ako ng upo sa kama,

"Red bull lang po... na may Booster Shot." sagot ko habang nakatungo,

"Pinaghalo mo?!" Bakas sa boses ni kuya Xandro ang pag-aalala,

Utay-utay akong tumango, napasinghal si kuya Xandro, "Ginawa mong juice yung energy drink! Kaya ka nahihimatay." ani nito at napakamot nalang ako sa batok,

Ilang segundo kaming natahimik, hanggang sa hindi na ako nakatiis. "Kailangan ko na po talagang umalis, tatapusin ko pa po yung exam ko." Napa-angat ng tingin si kuya Edward mula sa binabasa niya habang napakamot naman si kuya Xandro sa batok.

Inilapag ni kuya Edward ang binabasa niya bago tumayo at naglakad papunta sa kama ko, "Hindi nga pwede, kulang ka sa tulog, puyat ka, walang kang energy--"

"Kaya ko naman po. Kailangan ko lang talagang tapusin yung exam! Kailangan ko yun, eh!" sagot ko, napamasahe sa noo si kuya Edward.

"Cass alagaan mo naman yung sarili mo! Nasa Masbate ngayon si Haze at nagpupumulit na umuwi dahil sa 'yo! Sabi namin 'wag na dahil importante yung gagawin niya sa Masbate tapos ikaw magmamatigas lang ng ulo!?" Nang tumaas ang tono ng pananalita ni kuya Edward ay namuo ang mga luha sa mata ko,

Napahikbi ako, "Hindi niyo naman naiintindihan, eh. Hindi kayo yung nahihirapan. Hindi kayo yung may hinahabol na grades. Hindi sa inyo problema yung papasukan niyong university dahil hindi sa inyo problema ang pera. Hindi kayo yung walang choice..." napatakip ako ng mukha bago tuluyang bumuhos ang mga luha sa pisnge ko.

Naramdaman kong mag humimas ng likod ko, "Magpahinga kana muna, matulog ka muna at gagawan natin ng paraan yung exam mo." Malumanay na turan ni kuya Xandro bago ako inalalayang humiga,

Nang bumukas ang pinto ay napalingon kaming tatlo at pumasok si kuya Shawn, "Oh? Bakit umiiyak 'yan? Inaway niyo 'yan 'no?" Biro ni kuya Shawn,

"Si Ed, inaway," sagot ni kuya Xandro at napaatawa si kuya Shawn bago lumapit sa kama ko.

"Kamusta? Alalang-alala sa 'yo si Haze." Pangangamusta ni kuya Shawn,

"Okay lang po," Mahina kong sagot,

Tumango si kuya Shawn, "Pagpahingahin muna natin siya. Ibabalik natin after lunch." ani ni kuya Xandro,

"Huh? Agad?" takang tanong ni kuya Shawn,

"May exam pa siya, hahabol pa." sagot ni kuya Edward nang hindi nag-aangat ng tingin mula sa binabasa niya.

Natulog muna ako at nagpahinga. Ginising ako ni kuya Shawn para magtanghalian at pagkatapos ay inihatid na nila ako sa univeristy. Nakipag-usap din muna si kuya Edward at Xandro kay Mr. Bautista. Hindi rin nila ako iniwan habang nag-eexam at pagkatapos ay agad nila akong inihatid sa dorm.

Naka-idlip ako pagkabalik, bumawi na rin ako ng tulog dahil sa wakas ay tapos na ang lahat-lahat.

Madilim na nang magising ako. Pinakain na rin ako nila Faye at pina-inom ng gamot.

Patay na ang ilaw sa bedroom at nag ce-cellphone nalang ang mga kaibigan ko. Naka-upo ako sa harap ng study table ko habang hawak-hawak ang cellphone ko habang naka-flash ang conversation namin ni mama.

[To: Mama]
[ayaw ko na po pumunta diyan]

Gusto ko siyang i-send, gusto ko na umurong. Pero natatakot ako, at alam kong mahina ako. Alam kong pagsisihan ko 'to dahil kakaharapin ko ang galit ng nanay ko.

Napa-iling ako bago binura ang message ko. Pinatay ko na ang cellphone ko bago nahiga at natulog.

"Cass? Tulog kana?" tawag sa akin ni Faye,

"Bakit?" tanong ko habang nakatingala sa kisame,

Bumangon sa kama si Faye, "Anong balak mo? Tutuloy kaba?" tanong niya, maski ako ay napa-upo sa kama,

"Hindi ko pa alam, ayaw ko pero wala akong choice." sagot ko at tumango ito,

"Sige, take your time lang." Ani niya at tumango ako,

Pahiga na sana ako nang may kumatok sa pinto. "Ako na," ani ko dahil malakas ang pakiramdam ko na si Haze ito.

"Kamusta? Anong nararamdaman mo?" Bungad niya sa 'kin pagkabukas ng pinto. Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.

"I missed you," bulong ko, narinig ko itong tumawa, "I missed you too, magaling kana ba?" Tanong niya, kumalas ako sa yakap at tumango,

Hindi ko napigilan ang bigat sa dibdib ko at nag-unahan nang umagos ang mga luha ko.

"Oh, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Muli niya akong niyakap habang hinihimas sa braso,

Umiling ako, "Wala," sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko sa punto na hindi ko maipalawanag yung bigat na nararamdaman ko.

"Cass... hindi kita maiintindihan kung iiyak ka lang nang iiyak. You can tell me what's wrong and we will handle it together." He softly said before caressing my hair.

I pulled away from him before wiping my tears.

I shook my head, "Wala, wala talaga 'to, okay lang ako." Sagot ko, kahit bakas sa mukha niya ang duda ay tumango siya.

"Sige, una na ako, magpahinga kana, goodnight." Hinalikan niya ako sa noo bago nagpaalam at umalis na.

Sa mga sumunod na araw ay tinamad na akong pumasok. Ganun din sila Faye at Marga kaya naman buong araw kami halos nasa dorm o di naman kaya ay lumalabas minsan.

Wala rin ako sa mood makipaghalubilo sa mga tao kaya madalas ay nanonood lang ako ng TV.

Dahil halos buong araw akong tulog ngayon ay nagpuyat ako para manood ng TV.

Kumakain ako ng potato chips at nag scro-scroll sa mga channel nang madaanan ko ang isang interview ni Camille Del Mundo.

Napa-ismid ako bago sana ilipat sa ibang channel nang matigilan ako sa sa tanong sa kaniya.

"Ito medyo hot topic ano, Camille, nagmahal kana ba ng ibang lalaki? Bukod sa recent ex mo, kasi marami ang curious sa love life mo, eh."

Pinagmasdan ko si Camille na malawak ang ngiti habang nag-iisip. Nang bumuka ang labi nito para magsalita ay parang nagpigil ako ng hininga,

"Well actually... I had a boyfriend when I was in 8th grade up to... 1st year college."

Para akong kinapos ng hininga, pero kahit ganun ay nanatili akong nakatutok sa isasagot niya.

"And he was a very loving boyfriend. He's caring, he's thoughtful, and he's very-very sweet. He was my first love, actually."

Napalunok ako ng laway bago niyapos ang unan na nasa hita ko habang patuloy na pinapanood ang interview.

"Why did you two broke up? What was the reason?"

"Well... my career was striving that time. That was the time na... utay-utay ko nang na-aabot yung mga pangarap ko and all I wanted that time was to grow more as a model and..."

"You need to focus more on your career?"

"Yes, yes, career over love life ako that time."

"Parang midnight rain ang dating niyong dalawa---"

"Hahaha, yes actually, that's what I just realized. Kasi sabi niya before we entered college, after his 4 years course which is aviation, magpapakasal na kami."

Naramdaman ko nalang ang utay-utay na pag-agos ng mga luha sa aking pisnge. Para akong sinasaksak sa dibdib nang paulit-ulit habang patuloy na pinapanood ang interview.

"Wow! Was that a proposal back then? HAHAHAH!"

"Hahaha, maybe? Haha I don't really know. When we graduated 12th grade he gifted me a ring but as a pendant--"

"And yun pala yung engagement ring--"

"Siguro hahaha, akala ko normal ring lang siya, eh."

"Pero nasaan na siya ngayon? Do you still have a contact with each other?"

"We don't have contact with each other but I do know he's pursuing his career as a pilot and I wish him the best. Na-abot ko yung mga pangarap ko and sana ma-abot niya rin yung sa kaniya."

"Do you want to have contact with him again?"

"Of course, we can maybe... start of as friends again?"

"Then be lovers again? HAHAHA!"

"Hahaha, pwede, pwede."

Doon ako napuno, pinatay ko ang TV bago sumubsob sa unan na yapos-yapos ko. Halos palipasin ko ang buong gabi na umiiyak sa sala ng dorm namin kung hindi lang ako napagod sa kakaiyak.

Practice na ng pag-martsa namin nang pumasok ulit ako.

Simula noong interview na iyon ni Camille ay naghinala ang mga tao sa social media sa ex-boyfriend na sinabi ni Camille.

At siyempre... natagpuan nila si Haze. May mga posts at tweets na tungkol sa kanila. May mga nahalungkat pa silang picture nilang dalawa na mula sa account ni Camille na sa tuwing pagmamasdan ko ay hindi ko mapigilan ang masaktan at maluha.

Bagay na bagay talaga silang dalawa.

Hapon na nang matapos ang practice namin. Sinundo ako ni Haze dahil nag-aaya itong makipag-date sa bagong kainan na natuklasan nila.

Tahimik ang biyahe namin, nakasansal lang ako sa may bintana habang sunod-sunod naming dinadaanan ang mga naglalakihan na billboard ni Camille.

"Haze," tawag ko dito,

Nag-hum siya, "Bakit?"

"What if... maghiwalay tayo?"

Napakapit ako sa pintuan ng sasakyan nang biglang preno si Haze,

"Ano?" Kunot-noo nitong tanong,

Nag-parte ang nga labi ko, "I mean... magkalayo, ganun." Sagot ko, nanliit ang mata niya bago tumango,

"Ah... edi... pupuntahan kita." sagot niya bago nagmaneho ulit,

Utay-utay akong tumango, "Pero ano... what if... mag-break tayo tapos magkalayo tayo?" Tanong ko ulit, mabilis ako nitong nilingon bago napasaltik ng dila bago itinabi ang sasakyan.

Hinarap niya akong halos mag-cross na ang mga kilay.

"Cass ano ba talagang problema--"

"Wala, joke lang yun, brain fart lang, hehe." Putol ko agad sa kaniya bago ngumiti at niyapos ang bag ko,

Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagsapit ng graduation ay pare-pareho kaming magna cum laude nila Faye at Marga.

Siyempre may magulang sila na kasama habang ako... wala. Pero okay lang naman. Mas mabuti nga iyon, ako lang naman ang naghirap, ako lang ang dapat i-recognize.

Nagpicture kami nila Faye at Marga, matapos ay nakisama pa sila Matt, Simon at Allan.

"Nomi na kasunod nito," ani ni Matt at napahagalpak ako ng tawa,

"May after party kayo diba?" ani ko at napakunot ang noo nila,

"Tayo, kasama ka," ani ni Faye at umiling ako, "Mag-iimpake na ako." Ani ko at natigilan silang lima,

"Tuloy ka?" Tanong ni Marga at tumango ako,

"Alam na ni ano?" Tanong ni Allan at umiling ako,

"Hindi ko kayang sabihin, kapag paalis na ako." sagot ko at tumango sila,

Hindi sa kalayuan, nakita ko sila Haze na papalapit, gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko. Kumaway sila kuya Shawn at Lucas habang ang iba ay inaasar si Haze na may hawak na malaking bouquet.

"Congratulations," he softly said when he handed me the bouquet of flowers,

"It's ribbon roses, para hindi mamatay, I made them myself." he said and my eyes widened,

"Really!? Wow! Thank you! Ang galing!" Pinagmasdan ko ang bouquet na ibinigay niya,

"Oo nga, katulong pa kami sa pagdidikit, napaso pa nga ako, eh!" Sumbong ni kuya Lucas bago ipinakita ang hinlalaki niya.

"Katangahan mo na yun," ani ni kuya Shawn at napatawa kami.

Inaya ako ni Haze na mag-picture, nang asarin kami ng mga kaibigan namin ay para akong highschooler na kinilig. Para akong nagpa-picture sa crush ko at inakbayan pa niya ako.

"Nadagdagan blush on mo, Cass!" Pang-aasar ni Faye kaya naman napatakip ako sa mukha,

Lumapit si Haze sa mga kaibigan niya para tingnan ang picture namin nang mapansin ko ang grupo ng mga estudyante sa gilid.

Masama ang tingin nila sa akin habang nagbubulungan. Napatungo ako bago lumapit sa mga kaibigan ko at itinago ang sarili ko.

Pagkatapos ay sumakay na kami ni Haze sa sasakyan niya dahil pupunta kami ng isang restaurant kung nasaan ang mga magulang niya dahil gusto akong makita.

Matagal na itong sinabi sa akin ni Haze kaya naman hindi na ako naka-hindi. Tsaka ang sama rin naman kung iiwas ako na kausapin magulang niya.

"Good evening po," bati ko agad nang dumating kami sa table na ipina-reserve ni Haze.

"Hi hija! Long time no see!" Agad tumayo si tita para makipagbeso sa akin.

"Hello po tita! Kamusta po?" Bati ko pabalik,

"We're doing fine hija, congratulations sa graduation mo!" Masaya niyang turan na may malawak na ngiti. Grabe, magkatulad sila ng ngiti ni Haze.

"Hello po tito," Nagmano naman ako sa tatay ni Haze,

"Hello, kamusta? Upo na kayo, parating na ang pagkain." ani nito at naupo na kami ni Haze sa tapat nila.

"Hija I've been wanting to see you again! Ang tagal-tagal na noong una kitang nakita." turan ni tita habang nagsisidatingan ang mga pagkain.

Nahihiya akong humagikhik, "Opo nga po, nautusan lang ako that time na pumunta sa building na yun." Sagot ko at napatawa si tita. Yung tawa niya halatang mayaman!!

"Tapos si Haze hindi ka manlang ipinakilala sa akin nang maayos. Nililigawan kana ba ni Haze that time?" tanong niya at bahagyang nanlaki ang mata ko bago nilingon si Haze.

Kahit moreno ay halata na namumula ang mga pisnge nito.

Umiling ako bago nagbalik ng tingin kila tita, "Hindi pa po, magkakilala palang kami that time." sagot ko, kumpleto na rin ang mga pagkain kaya naman nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain. Si Haze naman ay nilagyan na ako ng pasta sa pinggan.

"Oh, is that so? Kailan nanligaw sa 'yo si Haze? Nabalitaan nalang namin may girlfriend na siya." Tanong ni tita at narinig kong napatawa si Haze,

"Nakalimutan ko na po yung exact date pero before po magbakasyon noong third year ako ay nanliligaw na siya." Sagot ko at nag-hum si tita,

"Kumain ka muna, masarap yung mga pagkain dito." Ani ni Haze at tumango ako,

Ilang minuto kaming natahimik. Sila pala yung tipo ng pamilya na tahimik lang at walang nagsasalita habang kumakain.

Hanggang sa dumating na ang mga desserts. Parang lumiwanag bigla ang mukha ni tita.

"Cassandra! You should try these! Super sarap nila!" Agad niyang inilapit sa akin ang mga cakes, flan at pudding na isinerve. Kahit hindi ko mga kilala ay lahat ko ito tinikman.

"When Haze was a kid, I would always make him something sweet lalo na kapag paalis kami ng dad niya. Hindi manlang tumatagal ng 1 day sa kaniya! Super hilig ni Haze sa sweets noong bata siya." Kwento ni tita bago tumawa, napatawa ako sa pagkekwento ni tita habang si Haze naman ay mukhang nahihiya.

Kinwento ako nang kinwento ni tita habang pinapakain nang pinapakain ako ng dessert. Pakiramdam ko ay puputok na ang tiyan ko at napapahingang malalim na.

"Saang med school ka papasok? May ina-eye kana ba? I can help you with inquiring for med schools." Sa tanong ni tita ay natigilan ako,

Napalingon ako kay Haze at pinagmamasdan niya lang ako habang hinihintay ang sagot ko.

Napatikhim ako bago uminom ng tubig. Parang magandang timing ito, ah.

"Ahm... well... yung parents ko po kasi nasa San Francisco and... pinapasunod po nila ako doon para doon na mag-aral ng med school." sagot ko at nakita kong nagparte ang labi ni tita,

"Oh... is that so? Kailan ang alis mo?" Tanong ni tita, nilingon ko si Haze at bakas sa mukha nito na naguguluhan siya.

Ngumiti ako kay tita, "Sa Friday na po,"

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"

Akala ko hindi siya magsasalita, simula nang umalis kami sa restaurant ay hindi pa siya nagpapakasalita.

"Balak ko naman talagang sabihin eh--"

"Kailan? Kapag paalis kana? O kapag naka-alis kana?" putol niya, tumataas ang tono ng kaniyang boses,

Napatungo ako bago pinaglaruan ang mga daliri ko, "Kapag paalis na," sagot ko,

Narinig ko siyang suminghal, "Seryoso ba? Wala ka talagang balak sabihin sa akin nang maaga!?" Napa-igtad ako nang lumakas ang boses niya,

"Hindi ko alam kung paano--"

"Sabihin mo lang! It's that easy, Cass! Kasi diba sabi ko nga sa 'yo, kahit nasaan kapa pupuntahan kita--"

"Yun na nga eh! Susunod ka!!" Kumunot ang noo niya bago ako nilingon, itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Ayaw mo na... sundan kita? Kaya ba gusto mo makipaghiwalay noong minsan?" Tanong niya, napasapo ako sa mukha ko at doon ay nag-unahan nang umagos ang mga luha ko,

"Why? Tell me why." He sternly said,

I removed my hands from my face, I looked at him straight in the eyes that clearly shows his anger.

"Kasi... hindi pwede, eh. Magagalit sila mama, hindi... hindi nila pwedeng malaman na may boyfriend na ako or else... magagalit sila." Paos kong sagot,

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Haze bago siya suminghal, "Oh... I get it now. I get it... gets ko na yung nangyayari."

Hindi ko alam kung seryoso ba siyang naiintindihan niya or sarkastiko siya.

Huminga siya nang malalim, "Masakit lang... ang unfair... na... I would do anything for you, really, anything and ikaw..." tumawa siya nang mapait bago hinawakan ang manibela at nagmaneho.

Hindi ako nakasagot agad, ang mga luha ay patuloy ang pag-agos sa pisnge ko pero sinusubukan kong hindi gumawa ng kahit anong tunog.

Alam kong dadating ang punto na sasabihin niya ito. Siguro nga mali ako, mali ako na hindi ko kayang sumugal at magsakripisyo para sa relasyon namin.

Pero iba kasi yung sitwasyon niya sa sitwasyon ko.

Umalis man siya ng bansa o hindi, makakapag-aral pa rin siya... pero ako? May choice ba ako?

Meron siguro, magiging doktor ako o pababayaan ako ng mga magulang ko.

"Haze... I'm sorry, hi... hindi ko talaga kayang... piliin na mag-stay sa Pilipinas." Pagsusumamo ko,

Hindi siya sumagot at nanatiling diretso ang tingin sa kalsada.

"Kung kaya ko lang... Kung may choice lang ako, pero wala, Haze, wala. I needed to go there... and... and... we can... we can meet... secretly--"

"Cass 'wag mo 'kong guluhin, nagmamaneho ako." Matigas niyang turan, tumango ako bago nag-ayos ng upo at pinahid ang mga luha sa pisnge ko.

Nang dumating kami sa tapat ng dorm ay agad siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

Sa segundong lumabas ako ay agad ko siyang niyakap,

"Haze please, I'm sorry, 'wag ka nang magalit, please." Napahagulgol ako sa balikat niya, sinaraduhan niya ang pinto ng sasakyan bago ako niyakap pabalik,

"We can still do this... hindi pa buo yung isip ko, please. Pwede tayong... pwede pa akong umurong, magbabago pa isip ko, please." Pagsusumamo ko sa kaniya,

Naramdaman kong hinimas niya ang likod ko, "I understand, hindi ako galit." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya,

"Talaga?" Tanong ko, napatawa siya bago inayos ang buhok ko,

"Yes, and... I really think you should go. Pupuntahan nalang kita, mag da-date nalang tayo sa pinakang-tagong lugar. Ang importante makikita at makakasama kita." sagot niya bago hinawakan ang magkabila kong pisnge,

"I'll wait for you. You're worth it and you're worth everything." He planted a soft kiss on my forehead before pulling me for another hug.

Kinabuksan ay pinuntahan ako ni Haze sa dorm para mag-ayos ng gamit. Inuna namin ang mga bagay na ibabalik ko sa bahay namin gaya ng TV, washing machine, mga electric fan at iba pang appliances.

Sa labas na kami nagtanghalian pagkagaling sa bahay para hindi na magluluto pa sa dorm.

Kasunod ay nag-ayos kami ng mga gamit ko. Nagtapon ako ng mga gamit at basura na hindi ko na kakailangan samantalang ang mga importante ay dinala namin sa bahay.

Hapon na nang matapos kami, pinagmasdan ko ang buong kwarto at pailan-ilan na gamit nalang nila Faye at Marga ang andoon. Ang ref nila Faye ay andito pa rin pero kakaunti na ang laman.

Nagluto si Haze ng hapunan habang ako naman ay naligo at nagpahinga. Habang kumakain kami ay nakuha ko na ang ticket ko.

"'Yan na yun-- hala! Bakit hindi SilverSky?" Tanong niya nang makita ang ticket,

Napatawa ako, "Hindi ako ang nag-book." Sagot ko bago itinago ang ticket ko,

"Magpahinga muna tayo tapos mag-iimpake na ako mamaya." Ani ko bago lumabas ng bedroom at kasunod ko agad siya.

Naupo muna kami sa sofa habang nanonood. Kumuha nma rin kami ng beer para mag-inom nang kauntian habang nagpapalalim ng gabi.

Pagsapit ng 11:30pm ay saka ako bumalik ng bedroom para mag-impake.

Hindi agad siya sumunod, ilang minuto muna ang nakalipas bago siya pumasok.

"Anong maitutulong ko?" Tanong niya, paglingon ko sa kaniya ay mugto ang mata nito,

"Haze!" Agad akong napatayo bago siya nilapitan,

"Are you crying?" I asked, he stared at me in the eyes for few seconds before he burst into tears, burrying his face on my shoulder.

"Hindi naman tayo magb-break diba?" Garalgal ang boses niya dahil sa pag-iyak,

Agad ko siyang hinigit sa may kama para maupo at niyakap ito, "Of course not, Haze don't think like that." I caress his hair softly,

"Baka makahanap ka ng iba dun, paano na ako?" Napatawa ako sa tanong niyo, agad siyang lumayo at kitang-kita ko ang mugto nitong mga mata,

"Why would you think of that?" I asked,

He hiccuped, "Kasi... paano kung... may magkagusto sa 'yo? Hindi ka mahirap mahalin, I'm sure maraming magkakagusto sa 'yo." sagot niya at napatawa ako bago pinahiran ang luha niya.

"Hindi sila ikaw, walang tatalo sa 'yo." ani ko bago siya hinalikan sa pisnge,

Suminghot ito, "Pero crush mo raw si Edward noong first year!" Nanlaki ang mata ko nang para itong bata na nagmaktol,

"Hoy! Hindi ah! Sino nagsabi!?" Gulat kong tanong,

Ngumuso si Haze, "Sinabihan mo raw na gwapo! Noong 1st year kayo!" ani nito, napakunot ang noo ko bago napa-isip...

"Aaah!--""

"Natatandaan mo pa nga!!" Napatawa ako sa reaksyon ni Haze bago siya hinampas sa braso,

"Sira ka! 1st year ako nun!--"

"Kahit na!!" Humiga ito sa kama bago nagtalukbong, napatawa ako bago naupo sa sahig at nag-ayos na ng damit.

Nanatiling nakahiga si Haze doon ng ilang minuto. Sa palagay ko nga ay nakatulog pa. Nagsasara na ako ng luggage nang bigla itong bumangon, magulo na ang buhok at halatang kakagising lang.

"Good morning," biro ko bago itinabi ang luggage ko,

Napabalikwas ito sa kama, "Umaga na?" Wala sa sarili nitong tanong,

Napahagalpak ako ng tawa bago isinara ang pinto at pinatay ang ilaw.

"Matulog na tayo," ani ko bago tumabi sa kaniya, agad naman ako nitong niyakap at binalot ng kumot,

Kinabukasan ay naunang nagising si Haze. Paglabas ko ng tulugan ay nagluluto na ito ng pancake.

"Saan mo gustong mag-lunch?" Tanong niya, umupo ako sa kitchen island bago nagkibit-balikat,

"Kahit saan," sagot ko at lumingon ito,

"Hindi pwedeng kahit saan, last meal na natin yun together... for now." May bakas ng lungkot sa boses niya,

Doon ay bigla akong natauhan.

"Uh... luto mo," sagot ko at nag-hum siya,

"Anong gusto mo?" Tanong niya at napanguso ako bago napa-isip,

"Uh... beef... broccoli, yung malambot! Super lambot tapos masarap. Tapos may side na mashed potato-- ah hindi... uh... something crispy... uh... something... masarap." Ani ko at napahagalpak siya ng tawa bago humarap at inilapag sa harap ko ang pinggan na may laman na pancakes,

"Sige ako na bahala, kumain kana muna." Ani niya at tumango ako, pag-abot niya sa akin ng tinidor ay nakilala ko ang hoodie na suot niya,

"Akin 'yan ah," turo ko sa hoodie na suot niya,

Napatawa ito, "Akin na siya simula ngayon, tsaka yung iba mo na damit sa cabinet, akin na yun." Ani niya at napatawa ako bago tumango,

"Sige sayo na, pati yung mga short ko." Ani ko at napatawa siya bago nagpasubo ng pancake.

Buong umaga ay magkasama lang kami, nasa sofa, nanonood at kumakain.

Pagsapit ng tanghali ay magkasama kaming lumabas bago namili ng lulutuin niya.

"Tama ba yung hiwa ko?" Tanong ko sa kaniya habang nagpapalambot siya ng baka,

Nilingon niya ako, "Kahit anong hiwa tama 'yan." Ani niya at napatawa ako,

Nag marinade rin ako ng chicken thigh at tinulungan pa siya sa mga ibang bagay.

"Haze! Ano ba!" Napasigaw ako nang pahiran niya ako ng harina sa mukha,

"Ito sa 'yo!--"

"Itlog yun!" Napasigaw siya bago pumunta sa gripo para maghilamos habang ako ay tawa nang tawa sa tabi.

Mag a-ala una na nang makapagtanghalian kami dahil puro kami tawa at kulitan habang nagluluto.

"Kapag hindi naubos yung ulam ilagay muna natin sa ref, pwede pa siya mamayang dinn--"

Natigilan siya bago napangiti, "Ah... paalis kana nga pala mamaya." May bakas ng lungkot sa boses niya na kahit ako ay nasaktan.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas habang siya muna ay umuwi sa kwarto nila para maligo at magpalit ng damit.

Nang makabalik siya ay suot niya ang isa kong hoodie at jogging pants, sakto dahil ako naman ang naliligo.

"Anong oras flight mo?" Tanong niya habang naka-upo kami sa sofa at nanonood,

"7pm, hatid mo 'ko, ha?" turan ko at agad itong tumango,

"Oo naman, gusto mo ako pa magpalipad nung eroplano, eh." Napatawa ako bago siya dahan-dahang sinampal sa mukha,

"Ang kapal mo rin eh 'no?" Napahagikhik ito,

Mga bandang alas singko ay nagbihis na ako nang pang-alis,

"Ilagay ko na ba sa sasakyan ko yung luggage mo?" Tanong niya at umiling ako,

"Mamaya na, kapag paalis na tayo para isang dalahan." Sagot ko at nag-hum siya,

Nananalamin ako sa study table ko nang pumasok siya sa bedroom, "Uh... Cass, nagpapahatid lang si Adrian sa isang... party, nasira raw yung sasakyan, pwedeng puntahan ko muna?" Tanong niya, tumingin ako sa oras bago tumango,

"Bilisan mo lang," ani ko at tumango siya,

Nanatili akong naka-upo doon habang nag-aayos ng sarili. Chineck ko na rin ang mga dadalhin ko para masigurado na wala akong maiiwan.

Nagpalipas ako ng oras habang pinapanood ang paglubog ng araw. Mabuti nalang at may bintana sa tulugan namin at kitang-kita ko ang paglubog ng araw.

Nang mag 6:20 na ay napakunot ang noo ko bago nag message kay Haze.

To: Alonzo Haziel
Where na u? Matagal paba?

Napakamot ako sa ulo ko. Alam ko naman na may sarili silang airline ay kayang-kaya niya akong bigyan ng bagong ticket pero sayang yung ticket ko.

To: Alonzo Haziel
Kapag ako na-late sa flight ko, ibibitin kita sa eroplano

Napabuntong hininga ako bago pumunta sa Twitter.

Parang bumagsak ang puso ko nang makita ang pinaka-unang tweet nang mag refresh ang feed ko.

[CAMILLE DEL MUNDO AND HER EX BOYFRIEND, HAZE VERGARA KISSING AT A PARTY!]

Dali-dali kong pinindor ang 2 seconds video na kasama ng tweet.

"Putangina..."

Hoodie ko yun... siya nga yun.

Agad kong sinilid sa bag ko ang phone ko bago dinampot ang ticket ko. Ang mga luha ay nagsimulang mamuo sa mata ko at hindi kalaunan ay nag-unahan na itong tumulo.

Humahangos akong lumabas ng kwarto bago pumunta ng kwarto nila Simon bitbit ang luggage ko, mga luha ay patuloy ang pag-agos sa pisnge ko.

"Si! Si! Buksan mo yung pinto! Please!" Halos hampasin ko na ang pinto ng dorm nila, napahagulgol ako habang ang kamao ko ay nasa pintuan.

Sa segundong bumukas ang pinto ay agad akong sinunggaban ni Simon ng yakap.

"Tara na, ihahatid na kita." Napahagulgol ako sa balikat niya habang siya itong hinihimas ako sa likod.

"Hayop siya, hayop! Tangina niya! Tangina mo, Vergara! Ang gago mo!" Sigaw ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisnge ko,

"Sshhh, tara na, ihahatid na kita."

Buong biyahe namin papuntang airport ay umiiyak ako sa balikat ni Simon. Walang tigil ang paghimas ni Simon sa balikat ko habang pinapakalma ako. Pinupunasan din niya ang mga luha kong umaagos sa pisnge ko.

Nang papasok na ako sa departure area ay niyakap ako nito nang mahigpit.

"Hingang malalim, iwanan mo na lahat ng nararamdaman mo dito sa Pilipinas. Bagong buhay na doon, Cass. At kayang-kaya mo yun!" Tumango ako sa kaniyang tinuran,

Nang kumalas ako sa yakap ay pinisil niya ang pisnge ko.

Pinahid niya ang luha na nasa pisnge ko gamit ang hinlalaki niya, "'Wag kang lilingon, diretso lang, tumuloy ka lang. Tuloy ang buhay, Cass." ani nito at tumango ako bago hinawakan ang luggage ko at hinigit na ito papasok.

Kahit mabigat sa pakiramdam, kahit masakit, gaya ng sinabi ni Simon ay diretso lang ang lakad. Kahit gusto ko nalang umiyak nang umiyak, kailangan kong tumuloy.

Safe flights... to me.

-----

A/N: mwehhehehehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top