CHAPTER XIV


Cass's POV

"Sshhh, tahan na, ang galing-galing mo kaya. I know you did your best." Napahagulgol ako lalo sa dibdib ni kuya Haze.

I cannot explain how I'm feeling right now. Sad, frustrated, disappointed, anxious, and overwhelmed. Hindi lang naman ako sa sports fest umiiyak ngayon. Pati sa acads ko, sa mga nakaraang linggo na puro kami practice, hindi naman nawala ang pagiging estudyante ko. May mga backlogs din ako na kailangan habulin at ngayon iniisip ko palang sila ay napapagod na ako.

"You know there's no point on crying over spilled milk?" he softly said, I lift my head up from his chest and wiped my tears.

"Hindi lang naman ako sa cheerdance umiiyak, eh." turan ko rito, napakunot ang noo nito,

"Saan pa?" tanong nito at napabuntong hininga ako bago tumingin sa paligid. Masyado pala kaming gumagawa ng eksena rito.

Inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa magkabila kong tagiliran, "Tara nomnom." Pag-aaya ko rito at muling napakunot ang noo nito.

"Nomnom?" Bakas sa mukha nito na hindi niya alam ang ibig sabihin nun.

Napatawa ako nang pagak, "Shot, inom," ani ko rito at nagparte ang mga labi nito.

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata nito, "Why not drink with your friends?" he asked, crossing both his arms in front of his chest.

Then it sink in to me, he won't drink with me of course. He have his own life and probably his own plans for tonight. "Ah, oo nga, baka may gagawin ka. Ako nalang mag-isa, busy rin sila Faye, eh." sagot ko at agad napa-iling si kuya Haze.

"No, I'm coming with you." he countered and my brows furrowed.

"Pero you're probably busy--"

"Sino nagsabi? I'm coming with you, baka mapahamak ka pa kapag mag-isa kang uminom." He cut me off, my lips parted.

"Seryoso kaba? Kuya, I'm not a minor anymore, I'm 21! Hello! Bente-uno, kaya ko na ang sarili ko." Pagbibiro ko rito, natameme ako nang pagtaasan ako nito ng kilay. Shyet gwapo!

"Talaga ba?" Para akong tinayuan ng balahibo, tanginang boses 'yan!! Ang gwapo! Lamunin mo na ako please!

Napalunok ako ng laway, "Alam mo kuya, pinagti-tripan mo na ako. Ano ba? Tutuloy ba tayo o tatayo lang tayo rito?" tanong ko pabalik, I just played it cool! Baka pumiyok ako bigla at mahalatang nanghihina sa mga titig at boses niya.

Tumango ito bago may kinuha sa bulsa, susi ng sasakyan. "Tara na, para maaga tayong makapagsimula." Aya nito at tumango lang naman ako bago sumunod sa kaniya sa parking lot.

"Saan mo gusto uminom?" tanong niya sa 'kin pagkabukas ng pintuan ng sasakyan niya,

Pumasok na ako sa loob, "7/11?"

Napahagalpak siya ng tawa, "Para kang sira! Bakit ka tumatawa?" Pabiro ko itong hinampas sa hita,

Umiling ito habang humahagikhik, "Why would you want to drink there?" he asked,

Napanguso ako, "Eh saan ba? Ayaw ko naman sa dorm kasi ayaw kong isitorbohin mga kaibigan ko." tanong ko rito,

"Why not try bars?" he suggested,

At this age, I haven't been to bar much. Been to those calming and chill bars, but clubs? I've never been much there much. Siguro sa mga nakaraang lalaki, napilitan ako, pero hindi talaga ako pumupunta na ako mismo ang nag-aaya. Hindi ko trip yung mga tipo ng bars na pinupuntahan nila kuya Haze.

"Takot ako sa ganun, kuya." ani ko rito at nakita kong napakunot ang noo nito.

"Don't worry, I'll take care of you, of course." he sounded assuring,

I sighed before nodding, "Basta ha, ikaw na bahala sa 'kin." Pa-alala ko rito, ngumiti ito at tumango bago isinara ang pintuan ng passenger seat at umikot na siya sa kabila ng sasakyan para sumakay na rin.

Dahil hindi nga ako madalas pumunta sa mg club ay hindi ako pamilyar sa rutang aming dinadaanan. Para nanaman akong banong bata na naakdungaw sa labas ng kaniyang sasakyan.

Nakalubog na ang araw nang tumigil kami sa harap ng isang club. Pagkababa ko ng sasakyan ay naririnig ko na agad ang ingay na nanggagaling sa loob.

"Okay ka lang?" tanong sa 'kin ni kuya Haze pagkababa ko ng sasakyan, nakatayo palang kami sa labas ng club.

Tumango ako, "Of course naman, kinakabahan lang." Pag-amin ko, napatawa siya bago inilahad ang kamay niya.

Napakunot ang noo ko, "Ano 'yan?" Naguguluhan kong tanong,

Napatawa siya nang pagak, "Hold my hands, baka mawala ka pagpasok natin." Malumanay nitong turan, tiningnan ko ang kamay nitong nakalahad.

I sighed before taking it and intertwining with mine, "Bahala ka talaga, kapag ako nawala rito." Banta ko rito at napahagalpak siya ng tawa bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Ang init ng kamay niya, napaka... comforting. Tamang-tama sa malamig na simoy ng hangin dito sa labas.

"Ang init naman dito!!" sigaw ko kay kuya Haze para marinig niya ang sasabihin ko sa kabila ng maingay na kapaligiran.

"Naiintan ka? 'Wag na ba tayo tumuloy?" sigaw nito pabalik habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao, agad akong umiling, "No no! Tuloy tayo!" sagot ko rito,

Sa entrance lang pala medyo siksikan dahil nang maka-upo kami sa isang table ay maginhawa na sa pakiramdam.

"Stay here, I'll get us drinks." ani nito nang maka-upo ako, "Ah, iiwanan mo ako rito?" tanong ko rito na parang bata. Nakita kong nagparte ang mga labi nito.

"Well... do you want to come with me sa counter?" tanong nito at agad akong tumango bago tumayo. "Siyempre! Baka mapa-ano ako rito, eh." sagot ko at tumango siya bago inabot ang kamay ko at isinama ako sa counter.

"What do you want?" Dinala niya ako sa counter na may bartender na pogi.

Pero siyempre mas pogi si kuya Haze.

Inikot ko nag paningin ko sa mga alak na naka-display, "Wala bang Gin bilog diyan? Or GSM Blue Mojito?" tanong ko at napatawa siya, "Meron naman, yun nalang ba?" tanong niya at napatawa ako bago umiling.

"Gusto ko yung ano... yung malakas yung tama. Ano mga ininom niyo?" tanong ko at napakunot ang noo nito, "Are you sure about that?" tanong niya at tumango ako, "Oo! Kasama naman kita, eh." sagot ko at tumango siya,

"Excuse me, I'll get our usual, please." Tinawag nito ang bartender,

Nang humarap sa amin ang bartender ay bakas sa mukha ang pagkagulat nito. "Oh, sir Haze, ito ang unang beses na may kasama kang babae, ah. Congress? Nasaan?" tanong nito, napkagat ako sa pang-ibaba kong labi, iiwas sana ako nang tingin nang lingunin ako ni kuya Haze.

"Well... they're not with me right now." sagot nito sa bartender, tumango nalang ang lalaki bago may kinuhang isang bote mula sa likod niya at ipinatong sa harap ni kuya Haze.

"Pulutan sir?" tanong nito kay kuya Haze,

"Cass? Anong gusto mo?" Malumanay nitong tanong, nagpanic ako bigla, "Ah, may sisig ba?" tanong ko at napangisi si kuya Haze, "Meron, isang sisig, then I'll also have our usuals, you know it." ani ni kuya Haze sa bartender na napatawa lang din.

Grabe, close na close naman sila. Mukhang madalas nga si kuya Haze rito.

Bumalik na kami sa table at dala-dala ni kuya Haze ang isang tray na laman ang bote ng alak at dalawang baso.

Pagkaupo namin ay agad kong inabot ang alak, "Matapang ba 'to? Rate mo, 1 to 10." tanong ko kay kuya Haze, napatawa siya bago kinuha ang bote mula sa kamay ko.

"Mhmm... I'l say... mga 3 lang. Nakakarami kami ng ganito kapag pumupunta kami rito." sagot nito at utay-utay akong napatango.

"Ilan yung marami? Estimate mo," turan ko rito at napatawa siya bago bahagyang napatingin sa itaas.

"Well... I'd say... eight--"

"WALO?! Ano yun, tig-iisa kayong bote?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, siya naman itong napahagalpak ng tawa.

"Hindi naman, we order two agad then, we pour our own glasses then... ubos na agad." Paliwanag nito at nahulog ang panga ko.

"Ang lalakas niyo naman uminom. Sino ang pinakamalakas uminom sa inyo?" tanong ko at napatawa siya. "Ako," ang bilis niyang sumagot,

"Wow ha, paano mo nasabi?" tanong ko at napatawa siya, "Well..." bumuntong hininga ito bago napasandal sa bangko.

"Kaya kong umubos mag-isa ng mga... isa't kalahati, yung mas malakas pa rito, ha. At hindi ako nalalasing." sagot niya at napakunot ang noo ko, "Paano? How come ganiyan kataas ang tolerance mo?" Taka kong tanong at napatawa siya,

"It's a family thing... I don't know, malalakas lang talaga kami uminom." sagot niya at utay-utay akong napatango.

Dumating na ang mga in-order naming pulutan at ang amoy palang ng sisig ay takam na takam na ako. Si kuya Haze naman ay um-order ng salmon, shrimps at iba pang hindi ako pamilyar.

Nakasubo na ako ng sisig nang may bigla akong ma-alala, "UY! Kuya..." agad napalingon sa akin si kuya Haze, "Mahal ba yung alak? Hala! Ako ang nag-aya, shit, wala pala akong malaking perang dala!" Para akong nabaliw sa kinauupuan ko. Tangina, lakas ng loob kong mag-aya! Kaya 7/11 lang dapat eh!

Kahit mukhang nababaliw na ako ay tinawanan lang ako ni kuya Haze, "Relax, it's on me." ani nito at napanguso ako.

"Nanaman? Dami ko na utang sa 'yo kung ganiyan." ani ko at napatawa siya, "Sige, 8k yung alak--"

"Ang bait mo pala 'no kuya? Salamat sa libre!" Putol ko rito at napahagalpak siya ng tawa.

Dinampot ko yung bote ng alak bago binuksan, "May pulutan na tayo, nomnom na!" Excited akong nagbuhos ng alak sa baso ko.

Inamoy ko muna ito at hindi naman ganun kalakas ang amoy, normal na amoy alak lang siya.

Walang pasabi ay sumimsim ako ng alak... "Ay... parang normal lang na alak, akala ko sobrang tapang." ani ko at napatawa si kuya Haze.

"Well... actually malakas ang--- hey hey! Easy!" Inagaw ni kuya Haze ang baso mula sa kamay ko nang laklakin ko ang alak na andito, bottoms up, ubos agad sa isang upuan.

"Ha?" taka kong tanong dito habang pinapahid ang alak na nangalat sa gilid ng labi ko.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, "Malakas ang tama nito, sa ininom mo na yun, lasing ka agad." ani niya at napatawa ako, "Sira, okay lang, bakit nag-iinom kung hindi malalasing, diba?" Inagaw ko sa kamay niya ang baso, nang dadamputin ko na sana ang bote ng alak ay ito naman ang inagaw niya.

"Kumain ka muna, mag pulutan ka muna bago ka uminom ulit. Nakakatakot ka, tinutubig mo yung alak." ani niya at napatawa nalang ako sumubo ako ng sisig nang paulit-ulit dahil ang dami ng serving nito.

"Ang sharap ng sisig nila!" ani ko at napatawa si kuya Haze, "Lasing kana ah," ani nito at napatawa ako, "Sira! Hindi ah!" ani ko at umiling siya, "Lasing kana--"

"Iinom na ulit ako! Lapit mo na sa 'kin yung alak!" Para akong bata na nagmamaktol, napailing siya bago ini-abot sa akin ang alak. Nagsalin ako ng alak sa baso ko at napansin na wala siyang ininom.

"Para namang timang 'to, ako lang umiinom, eh." ani ko bago siya sinalinan sa baso niya.

"Alam mo, samahan mo dapat akong uminom at malasing, ang daya naman, kapag lasing na ako mamaya, magkekwento na ako ng kung ano-ano tapos ikaw, matatandaan mo ang sasabihin ko? Aba aba! Wrong yun!" ani ko bago sumimsim ng alak.

Napahagikhik si kuya Haze, "It would take me around 3 bottles of this para malasing." sagot niya at napa-ismid ako, "Edi bumili kapa, basta sasamahan mo akong malasing!" Inubos ko agad ang alak sa baso ko.

"Patikim nga ako nito," Kumuha ako ng isang hipon, "Shit! Ang sharap!" Kumuha pa ako ng isa, at ng marami pa.

Nagulat nalang ako nang bigla akong abutan ni kuya Haze ng isang banig ng anti-hestamine.

"Saan galing 'yan?" tanong ko rito, medyo dumudoble na ang paningin ko, ah. May amats na yata ako.

"Sa wallet ko, just take it, nakakarami kana ng hipon." ani niya at tumango ako, binasa ko muna ang label nito at anti-histamine nga. Uminom ako ng isa bago ibinalik sa kaniya ang gamot.

"Ang lakas mong uminom." ani ni kuya Haze habang kinakalog nang bahagya ang alak sa baso niya.

Napatawa ako bago napasandal sa bangko bago napabuntong hininga. "Mas masaya kasi mag vent out kapag lasing, lumalabas lahat ng sama ng loob ko." ani ko at nag-hum ito. Napatukod ang siko niya sa sandalan ng bangko habang nakatingin sa akin, magkatabi kami sa isang habang bangko.

"What do you want to vent out ba? What's wrong?" Dahil sa lintik niyang tanong na yun ay namuo na agad ang mga luha sa mata ko.

Napalunok ako ng laway bago napatingin sa kisame, "Acads, buhay, lahat."

"What's wrong with life?" he acknowledged,

Napabuntong hininga ako, "Marami, na pe-pressure ako sa acads. I always feel like I'm not doing enough, I mean oo, I'm not the smartest student in our class. Pero... I always want to be more. Kaso... at the same time, I want to have fun. May mga oras pa nga na... subsob na ako sa pag-aaral. Gusto ko rin ng masayang buhay, yung ganito lang, yung hindi ako sobrang nape-pressure sa acads ko. Kagaya niyo, party-party pero Dean's Lister, paano ba kasi yun??" Hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Tapos, yung mga magulang ko pa, lintik, lagi nalang pinapamukha sa 'kin na wala akong sinabi sa ate ko. Na kahit anong gawin ko I'll never be enough. Tapos, they always accuse me of being pabaya?! Tangina! Sila nga yung pabaya, eh! They left me here! Here! Mag-isa! And they never visit me once! Once! Kahit noong graduation ko ng Grade 12!" I'm throwing a slight tantrum na para akong bata.

Napatakip ako sa mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko, "Ang akin lang naman... iniwan na rin nila ako dito, bakit kailangan pa nila akong bulabugin? Why can't they just let me have a life? Okay na sana, eh. Okay lang naman na mag-isa ako, pero... yung bigla-bigla nalang silang tatawag at ipapamukha sa 'kin na... 'Andiyan ka sa Pilipinas dahil hindi mo pa deserve makapag-aral dito. Dadalhin ka lang namin dito kapag magaling kana!' Eh tangina pala eh!" Napahagulgol ako sa palad ko. Naramdaman ko ang mainit na katawan ni kuya Haze sa akin hanggang sa naramaman ko na ang pagbalot ng mga braso niya sa akin.

"I'm honestly not good at anything, I am a jack of all trades, I know a lot of things, I can do a lot of things, pero I'm a master of none. Hindi ako magaling sa kahit ano. I always have to try and try, I can't be effortlessly good. I always have to make efforts para makuha yung gusto ko. I don't deserve love, kaya siguro lahat ng lalaki na gusto ko hindi ako sineseryoso, dahil wala naman talagang kamahal-mahal sa 'kin, wala silang mapapala sa 'kin."

Kapag talaga nag be-breakdown ako, kung saan saan napupunta ang hinanakit ko. Sa acads, tapos mapupunta sa pamilya, tapos maya-maya insecurities ko, mamaya deression na, tangina talaga.

"You know there's someone out there who'll love you wholeheartedly." Umiling ako sa tunuran ni kuya Haze,

"I'm not enough to get that kind of love. Hindi ko deserve mahalin nang sobra-sobra." sagot ko rito,

"You don't really have to earn it, everyone gets that kind of love. Maybe yours will arrive at the right time." Kuya Haze sounded very comforting, there's this softness in his voice that I'm actually needing right now.

I felt his hands on both my shoulder and he slightly pull my body to face him, "Calm down, you're doing great, Cassandra. Whatever you're going through right now? I know you can get through it okay? Kalma ka lang, don't question your worth and everything, okay?" he softly said, his eyes looking straight to mine and I can feel how genuine and sincere he is.

He pulled me closer to him for a hug, a comforting hug to be exact. Maybe this is what I need right now, a warm hug.

Mukhang effective naman ang yakap niya dahil tumahan na ako sa kakaiyak at kumalma na rin ako. Nang maramdaman niyang tumigil na ako sa kakaiyak ay bahagyang itong lumayo.

"Ikukuha lang kita ng tubig, dito ka lang, ha?" ani nito at tumango lang ako bago siya pinanood na umalis.

Sumandal ako sa bangko at bahagyang ipinikit ang mga mata ko.

"Are you okay, miss? It looks like you need someone to cry on." Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng table ko, may nakakainis na ngiti sa mga labi niya.

Napa-ismid ako, "No thanks," Mataray kong turan,

Narinig ko itong tumawa, "Come on miss, I won't bite... or maybe I will." Sinamaan ko siiya ng tingin, manyak amputa!

"Alam mo... wala akong oras para sa mga kagaya mo. Umalis ka na nga!" Pinagtaasan ko siya ng boses, tanginang 'yan! Lasing ako ngayon! 'Wag niya akong subukan!

Napasinghal ito, "Choosy ka pa, eh kanina lang kung makayakap ka--"

"Back off bro, she's with me." Nagulat ako nang biglang magsalita si kuya Haze sa tabi ko, andito na pala siya.

Nakita kong ngumisi ang lalaki, "Oh, it's Haziel Vergara naman pala. Bro I know you. Congress? Damn, the infamous friend group. I heard you guys are nice, I'm sure you won't mind sharing her to me." ani nito at napakunot ang noo ko, nang lingunin ko si kuya Haze ay halos magdikit na ang mga kilay nito.

"Are you dumb? Do you think she's some sort of prostitute? I said back off, she's with me! Kasama ko! Akin!" Inilapag ni kuya Haze ang mga baso sa table bago pinag-cross ang magkabila niyang braso.

"Oh, girlfriend mo? Damn, parang hindi naman--" Agad akong napatayo para awatin si kuya Haze nang muntikan na nitong suntukin ang lalaki.

"Kuya tama na please, tama na. Ang sakit na ng ulo ko, umuwi na tayo." Awat ko rito, ayaw ko rin naman na gumawa ng eksena rito at magkagulo pa.

Narinig kong suminghal si kuya Haze, "Tangina mo, 'wag kang magpapakita sa 'kin ulit! Kung kasama ko lang mga kaibigan ko, basag na bungo mo!" Bakas ang galit sa boses ni kuya Haze bago ako hinawakan sa beywang at inlalayan paalis.

Pagkalabas namin ng club ay hinigit ko si kuya Haze paupo sa hagdan para doon muna magpahulas.

"Grabe ka naman kuya, may protective side ka pala." Pagbibiro ko rito para naman gumaan na ang pakiramdam niya.

Narinig ko lang na tumawa nang pagak si kuya Haze habang pinaglalaruan ang mga susi niya.

"Ganiyan ka rin ba sa mga babae mo?" tanong ko rito na may halong pang-aasar,

Narinig ko itong suminghal bago umiling, "Wala akong babae," sagot nito at napatawa ako, "Asusus! Ikaw pa? Sa gwapo mong 'yan? Ulol!" Pang-aasar ko rito. Ako nga'y 'wag niyang niloloko, pinagtitinginan siya ng mga babae kanina, hindi malabo na lapitin siya ng mga babae.

Narinig ko itong bumuntong hininga, "Wala nga," seryoso na ang boses niya kaya napanguso ako.

"Pero nagkaroon naman?" Pag-uutita ko rito, nang lingunin ko ito ay utay-utay siyang tumango, "Yes," he shortly replied,

I slightyly tilted my head, "Anong nangyari?" tanong ko rito, nagbaling siya ng tingin sa 'kin, "Things didn't really turn out well." he sounded... sad,

Utay-utay akong napatango, "So... naging kayo?" Pag-uutita ko pa lalo, napangisi si kuya HAze bago ako pinisil sa pisnge. "Aray!" Agad kong iwinaksil ang kamay niya, "Ang daldal mo naman kapag lasing." ani nito at parehas kaming napatawa,

"Pero seryoso kuya, ex mo yung tinutukoy mo?" tanong ko rito, pinandilaan niya lang ako bago tumingin sa may kalsada,

"Ah! Tingnan mo 'to! Parang sira! Di sumasagot, affected ka pa 'no?" Pang-aasar ko rito bago ito pabirong kinurot sa tagiliran.

Napabuntong hininga ako, "Alam mo dapat strong ka, tingnan mo ako. Ilang failed talking stage at situationship na ang pinagdaanan. Wala pang labeled relationship yun, pero marami-rami na rin ang napagdaanan ko kung iisipin." Pagkekwento ko rito, narinig kong nag-hum si kuya Haze, "Kagaya ng?" Napatawa ako rito,

"Ni-rebound nga ako, maraming beses, tapos... pinaasa lang, pinagmukhang tanga, basta in the end, ligwak kami, iniwan lang ako, ginamit, ganun. Pero look at me now, still thriving, #PagibigSurvivor." sagot ko at parehas kaming napahagalpak ng tawa.

"But are you willing to take risk again? To fall in love again?" he asked, I faced him and gave him a faint smile, "Oo naman, sa 'yo, I'm taking a risk once again." I replied and I saw how his brows furrowed,

"What do you mean?" he confusedly asked and I let out a chuckled,

I lean closer towards him, "Gusto kita, simula noong nakita kitang naka pilot student uniform. Sinubukan kong pigilan, pero nagpatuloy talaga. Kainis!" I giggled befoe slightly pushing him away.

"Pero hindi ko alam kung kailan ako aamin sa 'yo." Pagbawi ko,

Narinig kong humagikhik si kuya Haze, "Pero umamin kana." ani nito at umiling ako.

"Hindi, siyempre iba pa rin yung sober akong aamin. Baka kasi isipin mo na dahil lang sa alak ako nagkakaganito, gusto kitang bigyan ng assurance na totoo talaga yung nararamdaman ko." sagot ko rito at nag-hum siya.

"Then... let's do something like this again, kapag sober kana." ani nito at napakunot ang noo ko.

"Mag-iinom ulit tayo?" Naguguluhan kong turan at napahagalpak siya ng tawa.

"No, I mean... let's go out again then saka ka umamin." sagot niya at utay-utay akong naptango.

"Sige ba, sabihan mo lang ako kung kailan." ani ko at nag-hum lang siya.

Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan, wala ng pumapasok sa isip ko na pag-uusapan namin.

"Kuya Haze," tawag ko rito,

"Nakipag momol kana ba?" tanong ko at biglang napahagalpak ng tawa si kuya Haze bago tumayo.

"Umuwi na tayo, ginugulat mo ako sa mga tinatanong mo sa 'kin." ani niya at napahagikhik ako bago niya ako hinawakan sa kamay para itayo at dinala sa sasakyan.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pumihit-pihit ako sa kama bago binuksan ang mga mata ko.

"Shit!" Agad akong napa-upo, nasa kwarto na ako?! Paano?! Eh ang huli kong natatandaan nasa labas pa kami ng club kagabi. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng boung kwarto at nakitang wala ang mga kaibigan ko.

May nakita akong papel sa ibabaw ng table na pinapatungan ng cellphone ko. Agad ko itong dinampot at binuksan.

Hoy Cassandra, umalis kami ni Marga, umuwi muna kami. Ikaw, ingat ka lang dito, kapag mag-iinom ka naman, magsabi ka! Nagulat nalang kami kagabi, karga-karga kana ni kuya Haze, lasing na lasing!

- Faye & Marga

Tiningnan ko ang cellphoe ko at nakita ang sangkaterbang missed calls ng mga kaibigan ko, pati si ate Sav may missed calls at messages!

Ang kasunod na messages na nakita ko ay mga mula kay kuya Haze.

Marami ito at magkakaibang oras.

From: Alonzo Haziel

gud mrning, gising knba?

From: Alonzo Haziel

8am na, ndi kpa gising?

From: Alonzo Haziel

tulog kpa rin?

From: Alonzo Haziel

balita ko umuwi si faye, may ksama kaba dyan?

From: Alonzo Haziel

ok ka lng ba?

From: Alonzo Haziel

message ka agad kpag gising kna

Agad tuloy akong napa-reply kay kuya Haze.

To: Alonzo Haziel

hello kuya!! i'm up na, huhuhu, sorry po, kakagising ko lang

To: Alonzo Haziel

Salamat po pala sa kagabi huhuh, sorry na rin sa abala

Nagulat ako dahil agad ding nag-seen si kuya Haze. "Wow, bilis ah." bulong ko,

From: Alonzo Haziel

it's fine, as long as safe kang nakauwi and now I know you're up na

Gumuhit ang ngiti sa aking labi bago napahiga sa kama, binabasa nang paulit-ulit ang kaniyang message.

Ano ka ba naman kuya Haze, paano na ako niyan? Paano na ang puso ko kapag ganiyan ka. Ano kaba naman!! Ganito kaba talaga sa lahat??

"Si ate Sav!" Agad kong hinanap ang account ni ate Sav bago nag-message rito.

To: Savanna Valerie

ateee,,, busy kaaa? may itatanong ako sa 'yoooo

Hindi naman natagalan si ate Sav bago nag seen at nag-reply.

From: Savanna Valerie

hindi naman, whyket?

To: Savanna Valerie

calll, may chika akooo, yung heart ko huhuhuhu

From: Savanna Valerie

gooo

Pagkakita ko sa reply ni ate Sav ay agad ko itong tinawagan. Hindi na tumagal ang pag-ring nito dahil agad din siyang sumagot.

[Heyy, what happened?] Bungad nito sa 'kin,

"Ate Savvv!! AAAA!!" Napapalirit ako at napahagalpak ng tawa si ate Sav sa kabilang linya,

[Oh? Anyare sa 'yo?] tanong nito,

Napabuntong hininga ako, "Ganun ba talaga si kuya Haze? Protective? Tapos... ano... he made sure I made it home safe, I mean, inihatid daw ako ni kuya Haze kagabi sa kwarto!" Pagke-kwento ko rito,

[Whaaat? Real ba? Hindi naman kasi... protective si Haze... I mean... yung silent na protective oo, pero- anong klaseng protective ba?] tanong ni ate Sav,

"Kagabi, sa bar, may mga lalaking nang-gagago sa akin tapos siya... muntikan nang makipagsuntukan, tapos... caring din siya tapos...-- AAAA awan ko na! Hindi ko na maipaliwanag. Tapos ngayon pagkagising ko ang dami niyang messages nagtatanong kung gising naba ako o ano. Ano ba 'to kuya Haze?!" Nababaliw na ako sa kama ko, paikot-ikot na rin ako at nahulog na ang mga unan.

[Eh?! I mean... pwede kasing... protective lang talaga si Haze kasi nangyari na rin 'yan dati sa 'kin pero kasama ko silang congress, tapos siya... nagsalita lang, ganun. Pero yung makipag-away? Tapos yung messages?! Hello?! That's very not Haze, hindi nga 'yan sumasagot sa gc namin, eh!] sagot ni at Sav at parehas na yata kaming kinikilig.

"Legit ba? Ang bilis din niyang nag-reply--"

[Oh diba! Iba na yata 'yan, Cass! Hindi ganiyan si Alonzo!] Putol sa akin ni ate Sav at napasigaw ako sa unan,

"Tapos alam mo ba, ate, napa-amin ako sa kaniya kagabi!! Natatandaan ko pa! Umamin ako sa kaniya! Na gusto ko siya!!" Parehas kaming napatili ni ate Sav,

[Anong sabi? Anong sabi?] turan ni ate Sav,

"Well... wala pa, pero... sabi ko kasi gusto kong ulitin, yung hindi ako lasing, pero AAAA!! Uulitin ko pa ba? Tsaka... kaya niya ba ginawa yung mga yun dahil alam na niyang guso ko siya? Pinapaasa ba niya ako?" Mangiyak-ngiyak kong turan, hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko.

[Hindi! Hindi yun! Hindi ganun si Alonzo! Hindi yun paasa! What if... what if gusto ka rin niya kaya ganun?!] Napatili nanaman kami ni ate Sav dahil sa sinabi niya,

"Alam mo ate, paasa ka! Kainis ka! Pinapaasa mo ako ate, eh!" Pagmamaktol ko rito,

[Hindi! Totoo nga! Matagal ko na kaibigan si Alonzo, hindi 'yan ganiyan.] ani nito at napasapo ako sa mukha ko.

"Ano sa tingin mo? Ano ang ipinaparating ni kuya Haze?" tanong ko rito at napatawa si ate Sav,

[Na iba na 'yan at may something na.] sagot nito at napahagalpak ako ng tawa,

"Susugal na nga ulit ako, kainis, kung masasaktan edi masaktan, at least siya yung mananakit!" ani ko at humagalpak ng tawa si ate Sav.

[Sira! Hindi 'yan, matinong lalaki si Alonzo, kapag sinaktan ka niyan, ako unang sasapak.] ani nito at napatawa ako,

"Hayst... siguro... mag re-ready nalang muna ako sa pag-amin tapos... basta yun, I'm gonna prepare myself." turan ko rito at napatawa si ate Sav,

[Sus, mag e-effort kapa, sabihin mo lang gusto mo siya, ganun. Kapag ni-reject ka, suntukin mo.] ani nito at napahagalpak ako ng tawa.

"Grabe naman ito! Sige na ate, kakain muna ako, kakagising ko lang, thank you sa pagdamay sa delulu hours ko." ani ko at napatawa ito,

[Sige, eat well.] sagot nito at saka ko pinatay ang tawag.

Ginugol ko ang buong weekend ko sa paggagawa ng sulat kay kuya Haze. Hindi kasi ako sanay na umaamin sa personal. Sa totoo lang ay hindi pa ako umaamin ng personal, kaya naman idadaan ko nalang sa sulat ang kay kuya Haze.

Gumawa na rin ako ng bouquet of paper flowers dahil mas sweet ito tingnan at ayaw ko rin naman gumastos para sa bouquet.

Pero sa buong Sabado at Linggo na yun ay wala nang naging paramdaman si kuya Haze maliban sa message niya noong Sabado ng umaga.

Pagpasok ko kina-Lunes-an ay hindi ko nakita ko si kuya Haze. Kahit nanadya na akong dumaan sa aviation building ay ni anino niya ay hindi ko siya makita. Si ate Sav pa ang nakita ko.

"Wala si Alonzo, hindi pumasok." ani ni ate Sav at napakunot ang noo ko. "Eh? Wala? Kaya pala kanina ko pa hindi nakikita." ani ko at napatawa ito,

"Baka nag-aasikaso na ng kasal niyo." Pang-aasar ni ate Sav bago humagalpak ng tawa habang ako naman ay napangiwi lang.

"Si ate! Parang sira, kung ano-ano ang sinasabi!" turan ko rito at tinawanan lang ako nito bago naglakad paalis.

Natapos na ang lahat ng klase ko at hindi ko talaga nakita si kuya Haze. Hindi ko na rin siya inaasahan na makita dahil hindi nga naman ito pumasok. Kaya naman laking gulat ko na pagbaba ko sa building namin ay nasa tapat ito at nakasandal sa sasakyan niya.

"OMG!! Cass!! Ang gwapo ni kuya Haze!!" Kinurot ako ni Faye sa tagiliran, kaming mga med students na karamihang mga babae ay nakatayo lang doon habang nakatingin kay kuya Haze na busy sa kaniyang cellphone habang naka-shades.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Marga at nagkibit balikat ako, nagulat ako nang biglang may sumigaw na lalaki sa bandang likod namin, si kuya Xandro pala.

"Alonzo! Andito na si Cass!" Nag-angat ng tingin si kuya Haze at umayos ng tayo bago kumayaw sa akin. Lahat ng mga babae na nasa paligid ay napalingon sa akin.

Nagkaroon din ng mga pagtili at kantyawan, "Lapitan mo na!" Itinulak ako ni Faye palapit kay kuya Haze kaya kahit nahihiya ay naglakad ako palapit dito.

"H-Hello po," nahihiya kong turan, ngumiti ito bago inalis ang kaniyang shades, "So... ready kana ba?" tanong niya at napakunot ang noo ko, "Po? Saan po?" Nagtataka kong tanong dito,

"Aalis tayo, kakain sa labas." ani nito at bigla akong nag-panic, "Ha? Wait... ngayon na ba yun?! Pwede umuwi muna ako ng dorm, kuya? May kukunin lang ako." Nagpapanic kong turan, napatawa ito, "Samahan na kita, sakay na." Binuksan nito ang pinto na nasa likod lang niya, nilingon ko ang mga kaibigan ko at sinenyasan akong sumama na.

Tahimik lang ang buong biyahe namin pauwi ng dorm. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya pa rin ako dahil sa mga ginawa at pinagsasabi ko noong lasing ako na kasama siya.

Pagdating namin ng dorm ay sinamahan ako nito sa kwarto, habang ako naman ay nagbihis sa bedroom at inilagay sa isang tote bag ang letter at bouquet.

"Okay na kuya, tara na." Aya ko rito, nakita kong tiningnan muna nito ang suot ko bago tumango at nauna nang lumabas ng kwarto.

Tahimik nanaman ang biyahe namin papunta sa kung saan niya ako dadalhin. Nakatingin lang ako sa labas habang mahigpit na hawak ang bag.

Narinig kong tumikhim si kuya Haze kaya ako napalingon dito, "So... ahm... kamusta?" tanong nito at nagparte ang mga labi ko,

"Okay lang naman po... may surprise quiz kami kanina pero okay lang." sagot ko at nag-hum ito. Ang awkward! Para lang kaming mag tropa noong Biyernes, ah. Tapos ngayon ang tahi-tahimik namin.

Tumigil kami sa harap ng isang cafe maaga pa at maliwanag ang paligid, paniguradong aabutan kami ng sunset dito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto na medyo ikinahiya ko pa. Pagpasok namin ng cafe ay dumiretso kami sa taas sa may terrace.

"My treat, pili ka kung anong gusto mo." Ini-abot sa akin ni kuya Haze ang menu. Um-order lang ako ng pasta at drink dahil ayaw kong masyadong mabusog.

Pagkatapos namin um-order ay binalot kami ng katahimikang dalawa. Pinagmamasdan ko ang magandang langit para magpalipas ng oras. Nagulat ako nang bigla itong magsalita.

"Ang tahimik mo naman, nasaan na yung madaldal na Cass?" Agad akong napalingon sa kaniya bago nahihiyang napatawa.

"Nahihiya po, nagtatago." sagot ko at napatawa siya, "Ha? Bakit naman?" tanong nito at napanguso ako,

"Naman kasi, eh! Ang daldal ko noong lasing ako. Ayun tuloy, kung ano-anong nasabi ko." ani ko at napatawa si kuya Haze.

"It's fine, I enjoyed your kadaldalan naman." ani niya at napatango ako, "Basta kuya, kapag may nasabi man akong offensive kapag lasing, 'wag mo nalang damdamin, wala ako sa tamang pag-iisip kapag ganun." ani ko at npatawa siya bago tumango.

"Hindi kaba ina-allergy?" tanong nito at tumango ako, "Meron po, medyo... sobrang kati nga, eh." sagot ko at tumango ito.

"I hope it gets better na para hindi kana mahirapan." ani niya at napatawa ako bago tumango.

Dumating na ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain. Hindi gaya kanina ay magaan na ang paligid namin, tahimik pero dahil kumakain kami.

"Na-alala mo pa ba yung sinabi mo noong isang gabi?" Nabulunan ako dahil sa sinabi ni kuya Haze kaya agad kong nadampot ang tubig.

He chuckled, "Careful," he softly said.

Yun palang ang sinabi niya pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Huminga ako nang malalim, "About po doon kuya... pwede ba na sa may terrace tayo mag-usap? Para masarap ang hangin." ani ko at tumango lang ito bago kami sabay tumayo para lumabas ng terrace.

"Iwan mo muna ang bag mo." ani niya at umiling ako, "May laman po kasi," sagot ko at tumango lang ito,

Nang ilabas ko ang bouquet mula sa bag ay nakita kong nanlaki ang mata ni kuya Haze, "Did you made this?" tanong niya nang i-abot ko ito sa kaniya at nahihiya akong tumango, "Wow."

Sunod kong inilabas ang letter, nakita kong napakunot ang noo ni kuya Haze, "What's this?" tanong niya nang i-abot ko ito sa kaniya,

"Basahin niyo po," sagot ko at pinanliitan ako nito ng mata, "No, you tell me kung anong laman nito." ani niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.

"Ano po... kuya... gusto po kita, medyo matagal na. Simula pa noong nakita kitang nakapang-piloto, tapos noong pinagharap tayo ng mga profs, hindi kana naalis sa isip ko. Gusto po kita." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago pinaglaruan ang mga kamay ko, nang mag-angat ako ng tingin kay kuya Haze ay nakita kong may maliit na ngiti sa labi nito.

"Cassandra--"

"Sssh!! 'Wag mo munang sagutin yun, kuya. 'Wag mo muna akong i-reject, please! Pagod ako today, may surprise quiz kami, 'wag mo muna akong saktan. Pag-isipan mo muna nang mabuti ang sasabihin mo." ani ko at napatawa si kuya Haze, "Okay, if you say so." ani niya bago ako inaya pabalik sa loob ng cafe.

Sa loob ay mas magaan na ang pakiramdam. Nagbibiruan na ulit kami, naglolokohan, at hindi naman niya binabanggit ang tungkol sa biglaan kong pag-amin kaya hindi na ako gaano nahihiya.

Gabi na nang maka-uwi kami, si kuya Haze na rin ang nagdala ng bag ko dahil nagpresinta siya na siya na ang magdadala.

Pagkapasok namin ng lobby ng dorm ay laking gulat ko nang andoon ang buong congress. Talaga naman, oh! Paniguradong aasarin nanaman kami ng mga 'to!

"Iba ka talaga Alonzo, absent sa klase pero galing pala naman ng date." Si kuya Lorenzo agad ang naunang nang-asar. Napatungo lang ako at iniiwasan ang mga tingin nila. Jusko naman! Kuya Haze aalis na ako! Akin na bag ko!!

"Ay, date pala 'yan? Grabe, hindi naman kayo nagsasabi, sumama sana ako para makikain." ani naman ni kuya Lucas na nahampas ni kuya Adrian habang tumatawa.

"Tigilan niyo na nga, nahihiya na si Cass, oh." ani ni kuya Xandro, hayst, buti naman, may maalam makiramdam.

Umalis na kami ni kuya Haze sa lobby at inihatid ako nito sa kwarto. Pagkadating ko sa kwarto ay iknwento ko kila Faye at Marga ang nangyari habang nagbibihis.

"So hindi mo pa alam kung gusto ko rin ba niya o hindi?" tanong ni Faye at umiling ako bago napansandal sa may bintana ng bedroom.

"Ayaw ko siyang madaliin, pag-isipan niya muna nang mabuti." sagot ko at tumango lang ang dalawa. Dinampot ko ang cellphone ko at nakitang may message si kuya Haze.

From: Alonzo Haziel

Look at your lower right.

Napakunot ang noo ko bago dumungaw sa bintana at nakita itong nakadungaw din mula sa isang bintana. Kwarto yun nila kuya Shawn, ah!

Napangisi ako bago tumipa sa cellphone.

To: Alonzo Haziel

Bakit ka andiyan?

From: Alonzo Haziel

wala lng, narinig ko ksi na tanaw pala ang kwarto niyo dto

To: Alonzo Haziel

ay wow, ha, stalker kana pala

From: Alonzo Haziel

huy, hindi ah, nalaman ko lang kila edward

To: Alonzo Haziel

chismoso ka pala kuya

From: Alonzo Haziel

ndi naman, slight lang

To: Alonzo Haziel

HAHAHA sira!

To: Alonzo Haziel

kuya may joke ako

From: Alonzo Haziel

ano yun?

To: Alonzo Haziel

Turbulence kaba?

From: Alonzo Haziel

bakit?

To: Alonzo Haziel

Kasi kinakabahan ako kapag andiyan ka

To: Alonzo Haziel

BOOM! KILIG! HAHAHAHAH

From: Alonzo Haziel

grabe, napatawa mo ako mga limang siomai hahaha

Napatawa ako mag-isa dahil sa sinabi ni kuya Haze, nakita ko pang napalingon sa akin sila Faye at Marga.

"Parang timang," turan ni Marga na pinandilaan ko lang

To: Alonzo Haziel

parang sira si kuya! saan galing siomai mo!

Nagulat ako dahil biglang nagsend sa akin si kuya Shawn ng isang video. Napakunot ang noo ko bago ito tiningnan. Thumbnail palang ay si kuya Haze na ang nakikita ko. At pag-play ko ng video ay umalingawngaw ang boses nila sa buong kwarto namin.

'Ayan po kung makikita niyo, isang aviation student, huling-huli na kinikilig sa ka-chat niya.' - Shawn

'Iba na tama nito--' - Edward

'Tanginang toyo mo 'yan, Shawn, ang asim!' - Lucas

'Nakikikain ka na nga lang ng siomai nagrereklamo kapa-' - Shawn

'Alonzo yung ngiti mo umaabot ng langit, kalma lang! Wag mo naman ipahalata na kinikilig ka.' - Lorenzo

Doon na natapos ang video. Napahagalpak ng tawa sila Faye at Marga bago lumapit sa akin para panoorin ulit ng video. Kitang-kita sa video si kuya Haze na nakasandal s amay bintana habang kagat-kagat ang toothpick at may nakapatong na pinggan na may lamang siomai sa may hita. Tutok din ito sa kaniyang cellphone habang nakangisi.

"Uyy! Napapakilig mo na si kuya Haze! Grabe kana!" Kinurot ako ni Faye sa tagiliran, "Parang timang 'to!" Saway ko rito nang makiliti ako,

Natatawa akong isinend kay kuya Haze ang video na sinend sa 'kin ni kuya Shawn. At nang ma-seen niya ito ay narinig namin ang sigaw mula sa kwarto nila kuya Shawn.

'Hayop ka Shawn! Bakit mo sinend kay Cass!'

Dahil nasa ibabang floor lang namin ang kwarto nila kuya Shawn at nakabukas ang bintana ng parehas na kwarto ay rinig namin hanggang dito ang sigaw ni kuya Haze. Napahagalpak kami ng tawang tatlo abang naririnig ang pagbubuno nila kuya Haze sa baba.

Napabuntong hininga ako bago napasandal sa may bintana at hindi na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagulat din ako na sa may bintana pala ako nakatulog at hindi sa kama ko. Pagkatingin ko sa messages ko ay may pailan-ilan pa na message si kuya Haze mula kagabi.

From: Alonzo Haziel
Sira talaga si Shawn!

From: Alonzo Haziel
Gudnight!

Hindi ko na ito ni-replayan dahil maaga pa at baka tulog pa ito, ayaw ko naman bulabugin. Kaya naman nauna na akong bumangon kaysa sa mga kaibigan ko para maghanda sa pagpasok.

Malapit-lapit na rin matapos ang klase at wala ng tatlong buwan ang ipapasok namin, kaya naman marami kaming gawa pero hindi na gaanong nagkaklase.

Pagdating namin sa canteen ng university para mag-almusal ay nadatnan namin ang buong congress na kumakain.

Agad akong napatingin kay kuya Haze at nagkatagpo ang mga mata namin. Gumuhit ang ngiti sa labi niya bago nagtaas ng parehas na kilay. Napangiti rin ako at kumaway bago nilampas ang table nila at bumili ng pagkain namin.

Naupo kami sa hindi kalayuan sa kanilang table at mula sa puwesto ko ay tanaw-tanaw ko si kuya Haze na nakaharap sa gawi ko.

Habang kumakain ay nagnanakawan kami ng tingin ni kuya. Mahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya o di naman kaya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa 'kin. Para kaming mga sira.

Paalis na sana kami at hinihintay nalang na matapos si Marga nang biglang maglapag si kuya Lucas ng cupcake sa table namin.

Pare-parehas kaming magkakaibigan na napakunot ang noo, "Ano po 'yan?" Tanong ko kay kuya Lucas,

"Pinapabigay ni Alonzo, nahihiya raw siya." sagot nito bago umalis, napatingin ako sa gawi nila kuya Haze na paalis na at nang magtagpo ang nga mata naming dalawa ay agad itong tumalikod.

Napahagalpak ng tawa si Faye bago hinampas si Marga, "Tingnan mo nga naman! Dati ikaw lang ang nagbibigay! Aba! Ngayon, gumaganiyan na rin si kuya!" Pang-aasar ni Faye at napanguso ako habang pinagmamasdan ang cupcake.

"Ibig sabihin ba niyan... gusto kana rin ni kuya?" Napabaling ako ng tingin kay Faye,

"Alam mo... hindi. Let's not assume unless spoken." Ani ko at napakunot ang noo ng dalawa.

"Pero hindi ba obvious? Hindi ka ni-reject tapos ngayon pinabigyan ka ng cupcake?" Tanong ni Marga at umiling ako bago isinakbat ang aking bag.

"Hindi, like what I said, let's not assume. Hintayin natin na sabihin niya mismo sa akin." ani ko bago tumayo at dinala na ang mga pinagkainan ko para itapon.

Akala ko noong una ay sa simula lang ito, na may ipabibigay sa akin ni kuya Haze. Pero madalas ay nagugulat nalang ako dahil bigla-bigla nalang may ini-aabot sa 'kin si Faye.

"Yieee! Ang consistent naman ni kuya! Three days straight na siyang may pinapabigay!" Pang-aasar ni Faye habang binabasa ko ang maliit na letter na kasama sa isang pack ng cookies na ipinaabot ni kuya Haze.

'Take care! Enjoy your day!'
- Haze

May mga araw naman na hindi si Faye ang nagbibigay, nagugulat nalang ako dahil kapag nakakasalubong namin sila kuya Xandro at Edward ay bigla nalang ako nitong tinatawag.

"Cassandra," napapatigil kami sa tuwing tatawagin ako ni kuya Xandro kapag nagkakasalubong kami sa hallway.

May kinuha ito mula sa tote bag niya, "Pinapabigay ni Haze, busy kasi yun ngayon. Di na nga namin halos makita." Ani nito bago ini-abot sa 'kin ang isang box ng chocolate.

"Ah... makikisabi po salamat." Nagpilit ako ng ngiti.

Si kuya Haze naman kasi! Puro bigay, puro pa-abot! Pero hindi naman nag me-message! Ilang araw na rin! Torpe ba siya!?

"Torpe talaga si Haze, hindi yun sanay na magpakita ng affection towards someone kaya... ganiyan, puro pabigay, puro pa-abot." Nagulat ako sa sinabi ni kuya Edward. Nabasa ba niya ang utak ko!?

Tumango si kuya Xandro, "Edward's right, kaunting pasensya lang sa kaniya, Cass. Natututo palang siya humarot ngayon." Dagdag ni kuya Xandro at napatawa ako bago tumango.

At least ngayon alam ko na kung bakit siya ganito. Pogi pero torpe.

"Sige po, makikisabi nalang sa kay kuya ay thank you." Ani ko at tumango ang dalawa bago umalis.

Hanggang kinabukasan at sa sumunod pa na araw ay ganun ulit ang nangyari. Dahil siguro nasa iisang building lang kaming mga med students ay nagkakasalubong kami.

Nasanay na lang din ako sa ganung gawi ni kuya Haze na puro pabigay, isang buong linggo ba naman akong binibigyan ng kung ano-ano.

Lunes ng kasunod na linggo, nabuhayan ako ng loob nang makita si ate Sav sa university.

"Ate Sav!" Tawag ko rito bago tumakbo sa gawi niya.

"Isang linggo kayong wala sa univ, 'no?" Tanong ko at tumango ito,

"May pinuntahan kaming flying school sa Japan. Grabe nga, pagod na pagod ako." Sagot nito at tumango ako,

"Ahm... lahat ng Aviation student nakabalik na?" Tanong ko at tumango siya,

"Oo, lahat kaming batch 4 ay nakabalik na pero yung batch 5 kasi ay---" Natigilan ito bago ako pinanliitan ng mata,

Napahagalpak ito ng tawa, "Alam ko na kung anong pakay mo. Oo, nakabalik na rin si Haze, ito naman! Miss mo na masyado!" Ani nito at napatawa ako,

"Uy! Di ah! Baka siya ang nakaka-miss, kung ano-anong ipinabibigay sa 'kin." Ani ko at napatawa si ate Sav,

"Oo nga, utos-utusan ba naman sila Xandro at Edward." ani nito at parehas kaming napatawa.

Napatagal ang usap namin ni ate Sav at umabot pa hanggang sa last subject ko. Nagpaalam na ako rito at pumasok sa huling klase ko ngayong araw.

Alas singko nang matapos ang last subject ko. Hindi ko rin kasama sila Faye at Marga kaya plano ko na sanang umuwi mag-isa.

Natigilan ako sa paglalakad nang mag vibrate ang phone ko, may nag message.

From: Alonzo Haziel
on your left,,

Napakunot ang noo ko bago lumingon sa aking kaliwa. Laking gulat ko nang makita ko si kuya Haze na nakasandal sa kaniyang sasakyan.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi bago naglakad papunta sa kaniya.

"Sheesh, fresh from Japan." Pagbibiro ko rito at napatawa siya bago may kinuha sa loob ng sasakyan niya.

Inabot sa 'kin nito ang isang malaking paper bag, "Ano 'to?" tanong ko at nagkibit balikat lang siya.

"Open it," sagot niyo at napanguso ako,

"Pasalubong ba 'to?" tanong ko at utay-utay itong tumango,

"Well... pwedeng ganun na nga." ani niya at para akong bata na nasabik sa pasalubong at dali-daling binuksa ang bag.

"Wow... ang dami." napatingala ako kay kuya Haze,

Napakamot ito sa batok niya, "Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang ibili sa 'yo kaya..." nagkibit balikat ito at napatawa ako bago isinara ang bag.

"I like them, thank you!" I smiled at him,

"Busy kaba?" tanong nito at napa-isip ako,

"Ano... may quiz kami tomorrow, whyket?" Tanong ko rito,

"Aayain sana kita sa MOA, sa may seaside." ani nito at napa-awang ang labi ko,

"Pwede naman po... pero magbibihis lang ako."

"No need, you look fine na." ani nito at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko,

"Sure ka? Galing akong class." Tanong ko at tumango ito,

"Yes, kaya get inside the car na para hindi tayo masyadong gabihin." ani nito bago umikot sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok ako ng sasakyan, "Alam mo kuya..." nag-hum ito,

"Hindi ako sanay na ganito ka." Pag-amin ko at napangisi ito, "Me too pero... masasanay rin tayo." Sagot nito at napatawa kami parehas.

Sinaraduhan na niya ang pinto at umikot sa driver's seat.

Habang nasa biyahe ay binuksan at tiningnan ko na ang mga pasalubong niya sa 'kin, karamihan ay pagkain habang ang ilan ay make-up at mga stationery.

Pagdating namin sa MOA ay iniwan ko na sa sasakyan ang mga gamit ko at tanging cellphone at wallet nalang ang dala.

Medyo malayo rin ito sa univeristy kaya nang makarating kami rito ay palubog na ang araw.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa 'kin pagka-upo namin sa isang table,

Bahagya akong napanguso bago nag-ikot ng tingin, "Ay! Mami! Yun oh!" Turo ko sa kaniya na parang bata, napatawa siya bago tumango,

"Okay, stay here, bibili lang ako." ani niya bago umalis para bumili ng pagkain.

Nang bumalik ito ay hindi lang Mami ang dala pati na rin barbecue, drinks at may donuts pa.

Habang kumakain ay nagkakamustahan kami. Kinamusta ko kung ano ang ginawa nila sa Japan at sumasagot naman siya.

Ibang-iba na siya sa kuya Haze na nakakasalubong ko lang dati. Iba na siya sa kuya Haze na mabibilang mo sa kamay ang isasagot niya sa 'yo.

Nasaksihan din namin ang sunset habang kumakain. Marami rin akong picture na kinuha dahil maganda pala talaga iyon panoorin dito.

Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay laking gulat namin dahil biglang nagsimula ang fireworks. Sakto pala at anniversary ng isang store kaya may fireworks display.

Napatayo kami ni kuya Haze at pumunta sa mas magandang puwesto para mapanood ito nang maayos.

Nahulog ang panga ko sa ganda ng fireworks.

"Wow... ang ganda..." Manghang-mangha ako sa aking nakikita.

"You're prettier than that." Napalingon ako kay kuya Haze na nakangiting nakatingin sa 'kin.

Doon ay nagtagpo ang mga mata namin at naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

We looked at each other's eyes for few seconds. Until I saw him leaning closer and I found myself doing the same thing towards him.

Until the most unexpected thing happened... we kissed.

Masaya at sumasayaw-sayaw pa akong pumasok ng kwarto naming magkakaibigan. Laking gulat ko nang matagpuan ko doon si Simon at Matt na kausap sila Marga at Faye.

"Oh, bakit kayo andito?" tanong ko sa dalawa bago isinara ang pinto.

Nakita kong kumunot ang noo ni Simon, "Saan ka galing?" Tanong nito,

Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko bago tumakbo sa kanila at naupo sa sofa, "Galing akong MOA, kasama si kuya Haze!" Pagyayabang ako at napatili si Marga at Faye habang si Simon at Matt naman ay natahimik.

"Magkasama kayo ni kuya Haze? Close na kayo?" Takang tanong ni Simon at napatawa ako nang pagak.

"Ay, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo! Umamin na ako kay kuya Haze na gusto ko siya!" turan ko at nahulog ang panga ni Matt habang si Simon naman ay napakunot ang noo lalo.

"Anong sabi niya?" Tanong nito,

Umiling ako, "Wala pa, hindi ko pa siya hinihingan ng sagot. Ayaw ko siyang madaliin." Sagot ko at pinagtaasan ako ng kilay ni Simon.

"Pero magka-date na kayo?" tanong ni Simon at bigla akong kinilig nang isipin na date ang naganap.

Napahampas tuloy ako kay Simon bago nagtakip ng mukha.

"Hindi mo ba naiisip na baka mixed signals 'yang binibigay niya?" Agad kong naalis ang kamay sa mukha ko at napasimangot,

"Alam mo ang KJ mo talaga! Hindi naman ganun si kuya Haze, eh!" Nakasimangot kong turan,

Napabuntong hininga si Simon, "Paano kung... hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya?"

------------
A/N: wala na team, bounce back na ako sa crush ko!! RAHHHHH 👹

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top