CHAPTER III


Cass's POV

"Uy, paano ka? May klase kami ngayon ni Marga, saan ka?" tanong sa akin ni Faye, animo'y alalang-alala ito. 

Napasinghap ako bago napatawa nang bahagya, "Sis, makapag-worry ka naman, grabe! Porket wala akong klase ngayon tapos kayo meron at maiiwan ako mag-isa? Okay lang ako, sa library lang ako, mag-aaral, may quiz tayo, sis. Long quiz, Hematology yun, hindi pwedeng bumagsak ako doon." sagot ko dito at napasimangot so Faye. 

Narinig kong suminghal si Marga, "Kailan kaba bumagsak? Pero sige na, una na kami ni Faye, text ka lang kapag may kailangan ka." ani nito at tumango ako. Iniwan na ako ng dalawa sa cafeteria at inubos ko na ang kinakain kong miryenda. 

Medyo malungkot ako ngayon dahil wala ngayon sa campus sila kuya Haze. Sila nila ate Sav at ang iba pa nilang mga kaklase ay nasa training ground ngayon. Dumiretso na rin sila sa training ground kaya kahit dumaan pa ako sa building nila na sobrang layo ay walang pag-asa na makita ko siya. 

Nang maubos ko ang kinakain ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at gaya ng plano ay dumiretso na sa library. 

Doon ko ginugol ang oras ko, laptop, iPad, libro reviewers ay bukas. Gusto ko kasi na meron akong iba't-ibang sources at information, mas marami mas maganda. 

Hindi ko na napansin ang paglipas ng oras, lunch time na pala. Napagtanto ko lang nang mag-message na si Marga at hinihintay na ako sa canteen. 

"Ay potek!--" Natigilan ako nang mauntog ako sa binti ng kung sino nang habulin ko ang reviewer ko na hinangin. 

"Oh, Cass, okay ka lang?" Nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko nakita si kuya Haze, kuya Howard at kuya Lucas. 

Nahihiya akong tumango bago utay-utay tumayo, hawak ang reviewer na pinulot. Halos dalawang dangkal lang ang layo ko kay kuya Haze na nakaharap sa kaniyang unahan, hindi manlang ako nililingon. 

"Okay lang po ako," sagot ko kay kuya Howard, ngumiti siya bago tumango, "Bakit nga ba tayo andito, Haze?" Narinig kong tanong nito kay kuya Haze habang nag-aayos na ako ng gamit ko. 

"May hahanapin lang ako na aklat, tara na." sagot ni kuya Haze sa diretsong tono ng boses bago naglakad paalis. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, nagpipigil ng kilig. 

Nauntog lang naman ako sa binti niya, eh! Bakit kinikilig ako? 

"May chika ako---" 

"Bumili muna tayo ng pagkain, gutom na ako." Putol sa akin ni Marga, napasimangot ako bago tumango at inilapag ang aking mga gamit sa table. 

"So ito na nga, diba nasa library ako..." hindi pa kami nakakabalik ng table pero ike-kwento ko na agad ang nangyari kanina. 

"Tapos, nilipad yung reviewer ko, nag-landing sa sahig, noong pupulutin ko na, booom! Nauntog ako sa binti ni kuya Haze! Ahhh!!!" Napapalirit ako, si Marga ay napa-irap habang si Faye naman ay napahagalpak ng tawa. 

"Binti lang, tsaka nauntog ka, ha! Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Marga at napa-iling ako, "Mas nauna ang kilig ko noong malaman ko na kay kuya Haze ako nauntog!" Napangisi ako bago naupo at inilapag ang tray ko. 

Napa-iling si Marga, "Normal pa ba ang ganitong level ng karupukan?" tanong ni Marga at napatawa ako bago kumain. 

Umiling si Faye na nag-aasikaso ng kaniyang pagkain, "Hindi na marupok 'yan, downbad na 'yan." ani nito at napakunot ang noo ko bago suminghal. 

Nang matapos kaming kumain ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo, sa araw na ito ay magkakaiba kami ng schedule, halos wala kaming magkakasamang tatlo. 

Pagsapit ng hapon ay saka kami nagkita-kita, dumaan pa kami sa main road pauwi dahil gusto raw kumain nila Faye at Marga ng kwek-kwek. Siyempre ako, gutom na rin, di na nakatanggi. 

"Sinabi ba sa 'yo ni kuya Shawn kung naglalaro sila ngayon sa court?" tanong ko sa dalawa habang naglalakad na kami pauwi, may mga dala pa kaming pagkain. 

"Huh? Di naman sa akin nagsasabi yun ng mga ganun." sagot ni Faye at napasimangot ako. 

"Gusto mo ba dumaan sa court, Cass?" Nilingon ko si Marga, kung dadaan pa kasi kami sa court ay parang lalakad kami pabalik  para doon dumaan. 

"Wag n--" 

"Ay tara!! Dali! Sunset, ang ganda!!" Hinawakan ako ni Faye sa braso bago hinigit paikot, hindi na ako nakapagsalita pa dahil mukhang gusto rin naman ng dalawa na doon dumaan. 

Malayo palang kami ay sinisilip na namin kung andoon ba sila kuya Shawn at kuya Haze. May mga naglalaro naman, pero wala kaming mamukaan sa kanila. 

Napanguso ako sa pagka-dismaya, "Wala," napabuntong hininga ako, 

"Gusto mo bang katukin natin sa kwarto nila para makita mo?" Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Faye. 

"Parang gago 'to!" ani ko rito at mukha kaming mga siraulo na naglalakad sa daan. 

"'Wag na, tara na, pagod na kayo kakalakad, umikot pa kasi tayo, eh." ani ko bago bilisan ang lakad para lampasan ang court. 

Hindi agad kami nakapaghapunang tatlo dahil busog pa. Kaya naman naglinis muna kami  g bahagya ng kwarto bago nakapagluto at kumain. Nasa kwarto na kami at nakalabas na ang mga reviewer para mag-aral nang biglang mag-ingay si Faye. 

"Hoy! Cassandra! Kuya Haze right now ay nasa... Revel, BGC, nag-iinom kasama sila kuya, buong congress!" Anunsyo ni Faye, nagkatinginan kami ni Marga, parehas nakakunot ang noo. 

"Ano naman?" tanong ni Marga, napasimangot si Faye, "Sinasabi ko lang, kasi nga diba, hinahanap natin kanina?" sagot nito at utay-utay akong tumango. 

"Mahilig nga pala sila uminom," ani ko bago nagbuklat ng reviewer, "Diba nga, sabi na sa 'yo 'yan ni Simon?" ani ni Marga at tumango ako, hindi na sila nililingon dahil busy na ako kakabasa. 

"Hindi naman siguro bad na laging nag-iinom sila kuya, 'no?" Narinig kong tanong ni Faye, 

"Sinasabi mo ba 'yan dahil dine-defend mo kuya mo or--" 

Sabay napalingon sa akin nag dalawa nang bigla akong tumayo. 

"Sa 7/11 muna ako, kailangan ko ng quiet and peace." ani ko bago kinuha ang iPad at reviewers ko. 

"Huy, Cassandra! Tatahimik na kami, promise! Delikado na! Gabi na!" sigaw ni Faye habang naglalakad ako papunta ng pinto ng bedroom. 

"Di 'yan, malapit lang naman, para may pagkain din akong mabibili agad, mag-iingat ako, promise!" ani ko bago tuluyang lumabas ng kwarto dala ang mga gamit ko. 

Pagdating ko sa 7/11 ay agad akong bumili ng chips, sakto rin na hindi occupied ang mga tables kaya naka-upo agad ako at nakapag-simula mag-aral. 

I didn't noticed the time, I didn't realized I have been reviewing for 3 hours already and it's almost 11 in the evening, lagot na ako kay Faye at Marga. 

Tiningnan ko ang phone ko at doon nakita ang messages nila, naka do-not-disturb kasi ang phone ko kaya hindi ko ito napansin. 

Nag-angat ako ng tingin at inilibot ang aking paningin. Nagulat ako nang makita ang pamilyar na mukha, si kuya Haze. He's buying himself a bottle of water and sandwich. 

Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa gawi ko at nagtagpo ang aming mga mata. Agad akong nagbaba ng tingin sa mga binabasa ko at ala-alang abala. 

Narinig kong nag 'thank you' na ang cashier kaya akala ko ay aalis na si kuya, napa-igtad ako nang gumalaw ang bangko sa tabi ko at biglang umupo si kuya. 

"Busy? Review?" tanong nito, he sounded drunk, wasted rather. 

Nilingon ko ito, he was looking at me, straight into my eyes as if he's looking straight to my soul as he open his sandwich. 

Napalunok ako ng laway bago napatango, "O-Opo," I stuttered, muli kong ibinalik ang tingin ko sa binabasa ko. I tried to focus again, but his presence beside me is stopping me from focusing. 

"Anong subject?" he asked, I tried to glance at him by my peripheral vision, he's facing me! 

Muli akong napalunok ng laway, "Hematology po," I answered, still looking down on my notes. Ayaw ko siyang lingunin, I can see that his body is facing me, so he's probably still looking at me. Ano ba 'yan! Nakakahiya! How do I look right now? Maayos ba akong tingnan? Maayos ba ang buhok ko? Baka kitang-kita pimples ko! 

"Mahirap? Can I help you with something?" tanong ulit nito, agad akong umiling, "Okay lang po ako kuya, kaya ko po, haha." I tried to brush off the nervousness in my voice. Sinong hindi kakabahan? Nilalampasan niya lang ako sa campus, kanina sa library, di manlang niya ako nilingon, but look at him now! Siting beside me! In one table, ha! Ang daming available na table!

"Don't 'po' me anymore, don't call me 'kuya' na rin, just call me Haze, or whatever you want to call me." he said, at para akong kinilabutan. He's speaking not in his usual monotone, bored or whatever voice, there's something in his voice I cannot explain, something that is making me loose focus and cannot think properly. Is it because he's drunk? At ang daldal niya! Ganito ba siya kapag lasing? 

I took a deep breath before facing him, "Hindi naman po yun pwede--" I stopped, he's staring at me, his elbow rested on the table, his chin rested on his hand. 

He raised a brow, "Hmm?" he asked, my lips parted before I continue speaking, "Hindi po yun pwede kasi you're my senior and ang disrespectful, may mga tao na makakakinig sa school." I replied and he once again raised a brow before looking around. 

"But it's just the two of us, you can be disrespectful if you want." he gave me a smile, my eyes widened a bit before once again looking down on my notes. I felt my heart beat gone faster, so fast that it's as if it's running in a marathon. Parang nararamdaman ko na ito sa may rib cage ko sa sobrang lakas. Kinakapos din ako ng hininga kaya napa-inom ako ng binili kong inumin. 

"You know what kuya--" 

"Haze."

"Tumahimik ka muna, as much as I want to talk to you, hindi ngayon, I am reviewing for a quiz, please." I begged, kaya nga ako umalis ng kwarto para malayo sa kaingayan ng dalawa at para mag-solo at makapag-aral nang maayos tapos tatabihan naman ako ni kuya. May halong harot pa yata?!

Harutin mo na ako sa ibang pagkakataon 'wag lang kapag nag-aaral ako. Kasi sa mga oras na 'to parang gusto ko nalang isantabi ang ginagawa ko at kausapin ka.

He once again raised a brow, "Say 'please' again." he said and my brows furrowed, napahilamos ako sa mukha bago siya hinampas sa braso. 

"Please? Okay na? Tatahimik kana? Nag-aaral ako, oh!" I showed him the papers on my table, nagulat ako nang damputin niya ang isa at bahagya itong binasa. 

"Okay na, I'll shut up na." he said before leaning on the table. 

Napabuntong hininga ako, "'Yan, tama 'yan, shut up ka lang." ani ko bago muling nagbasa. 

Quarter to 1am, saka lang ako natapos at na-satisfied sa pagre-review ko. It's time to go home, hindi ko pa pala nare-replayan sila Marga, dinaldal kasi ako ni kuya. 

I gathered all my papers until I realized one is missing, when I look at kuya Haze, he's pillowing on one reviewer of mine. 

"My Gosh," I blew an air, 

I slightly tap on his shoulder, "Kuya Haze? Kuya? Wake up, uuwi na ako." ani ko habang bahagya siyang tinatapik sa balikat. Pero walang effect, di manlang gumalaw o umungot. 

Napasapo ako sa noo ko bago napatingin sa relo, it's late, damn late. Wala rin yatang balak gumising ito. 

"Bahala ka diyan." I stepped back, bukas ko nalang kukunin sa kaniya iyon, kailangan ko pa yung reviewer na yun pero hindi ko na siya mahihintay na gumising. 

I walked out of the store and walked back to our building, pagkapasok ko ay agad akong binati ng guard. 

"Hija, madaling araw na, ngayon ka palang uuwi? Ang daming masasamang loob sa labas, mag-isa ka pa, delikado na, ah." Para akong  anak na ginagalitan nito, 

Napangisi ako, "Nag-aral lang po, tsaka ito na oh, umuwi na." sagot ko at napa-iling ito. 

"Sige, mag-attendance kana, iilan nalang kayong kulang diyan. Si Vergara, wala pa, baka mapa-away nanaman yun." ani nito, natigilan ako sa pagsusulat at napakunot ang noo ko, "Ano pong ibig niyong sabihin na mapa-away nanaman? Napa-away na po siya dati?" tanong ko at tumango ito. 

"Oo, 2nd year siya ang pagkakatanda ko, lasing na lasing sa 7/11, nakatulog doon, ayun, napagtripan sa labas, hindi nakalaban. Bugbog sarado tuloy, confined 'yan sa ospital ng dalawang linggo." sagot nito at nahulog ang panga ko. 

Nataranta ako bigla, "Ahm... aalis po muna ulit ako, may naiwan pala ako!" Napatakbo ako palabas ng building, narinig ko pa na tinatawag ako ng guard pero hindi ko na ito nilingon. 

The whole time I was running, I was hoping na madatnan ko pa si kuya Haze na mahimbing na natutulog. Habang tumatakbo ay naisip ko rin na buhatin ito pauwi,  pwede ring samahan ko siyang magpalipas ng gabi doon, 'wag lang siyang maiwan mag-isa.

Hinihingal ako na pumasok sa 7/11, ngunit nakahinga ako nang maluwag nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog.

"Buti naman," napaharipas ako ng lakad papunta sa kaniya. This time, I started tapping his shoulder hard. "Kuya? Kuya Haze? Gising na po, uuwi na tayo, madaling araw na, oh." I said while tapping on him, pero hindi manlang siya nagigising o gumagalaw, he's not even moving a muscle. 

Napasapo ako sa noo ko, nang lingunin ko ang cashier ng 7/11 ay nakatingin ito sa gawi namin, nahiya ako bigla. 

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko magawang tawagan ang mga kaibigan ko dahil wala akong load na pantawag kahit sa Messenger. I stopped trying to wake him up. Instead I searched for a phone, number ng kaibigan niya? That's an option I have right now. 

I was able to sigh in relief when I felt his phone sa bulsa ng hoodie niya, "Please, sana walang password." Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang wallpaper niya, wow, buong congress, sweet naman niya sa mga kaibigan niya. 

"Please please," I swiped up, "HA! Buti naman!" Walang password! Walang password?! Bakit wala siyang password? 

I went through his contacts, hindi ko alam kung sino ang dapat tawagan sa congress, si Kuya Adrian ba? Ito kasi ang nasa ka-una-unahan, medyo close rin naman kami dahil sa acads club. Si kuya Howard? Mukha siyang mabait at approachable. Pero ang alam ko ay ang kasama ni kuya Haze sa kwarto ay si kuya Lorenzo at Xandro, pero hindi ako close sa dalawang 'yon! Takot pa nga ako! 

"Choose, Cass, choose!" I scolded myself, sa huli ay si kuya Shawn ang tinawagan ko, I was tapping my shoes on the floor while the phone rings.

[Hello? Haze, napatawag ka?] his voice sounded sleepy, tulog naba siya? 

Bahagya akong napangiwi, "Hello po? Kuya Shawn? Si Cass po ito," May pag-aalinlangan sa boses ko.

[Huh? Cass? Why do you have Haze's phone?] I can hear the confusion in his voice, 

"Ano po kasi, si kuya Haze, andito sa 7/11, lasing, ayaw magising, baka pwede po na sunduin niyo rito?" turan ko, narinig ko ang ilang ingay sa kabilang linya na may halong paghahangos.

[Edward, gising! Haze's wasted sa 7/11, baka madalwahan yung kaibigan natin!] There were even slapping noises, hinahampas ba niya si kuya Edward?

I stand there just listening on kuya Shawn waking up kuya Edward, it was a bit chaotic, [Papunta na kami Cass, thank you for telling us.] 

Hindi na ako nakasagot pa dahil agad pinatay ni kuya Shawn ang tawag. Pinatay ko na ang cellphone ni kuya at ibinalik ito sa bulsa ng hoodie niya. Napa-upo ako sa tabi nito bago napabuntong hininga. 

Napatingin ako rito at bahagya siyang pinagmasdan, ang haba ng pilik mata niya, ang tangos pa ng ilong. Yung pisnge niya naiipit sa braso niya, mapula-pula pa ang mga ito, gusto ko sanang pisilin pero baka masugatan siya ng kuko ko. 

Wala pang sampong minuto ay bumukas ang pinto ng 7/11, nagulat ako dahil hindi lang si kuya Shawn at Edward ang dumating, buong congress, silang pito. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita ako, ganun din naman ako. 

"Cass??" 

"Bakit mo kasama 'yan?" 

"Gagi, Haze, okay ka lang ba?" 

Hindi ko na sila maintindihan, napatakbo sila sa gawi namin at agad naman akong napatayo. Si kuya Lorenzo at Xandro ang agad bumuhat kay kuya Haze. Kuya Howard is looking at me with a teasing smirk, nang-aasar talaga, as expected.

"Bakit kayo magkasama?" tanong nito, may nakakalokong ngiti pa rin sa labi. 

Nagulat ako at hindi ko rin alam ang isasagot, "Ahm... ano po... andito po kasi ako kanina, tapos, tumabi siya at kinwento ako tapos--" Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya napatigil ako, 

"Si Haze? Lumapit sa 'yo?" he sounded unconvinced, may nakakalokong ngiti pa rin sa labi. 

Tumango ako, "Opo, uhh..." Nilingon ko si kuya Haze na buhat na nila kuya Xandro at Lorenzo, nakatayo na rin ito pero pikit pa rin, lahat sila nakatingin sa akin.

"Una na po ako, bye!" ani ko bago napatakbo palabas ng store, dahil patanga-tanga, kinikilig na kinakabahan na hindi maipaliwanag ang nararamdaman ay hindi ko nakita ang dinadaanan ko at may nakabanggan. 

"Hala! Sorry po! Sorry--" 

"Cassandra! We were so worried about you!" Nanlaki ang mata ko nang magsalita si Simon, 

"It's almost 2 in the morning, nagising sila Marga at Faye na wala ka pa rin kaya pinasundo kana sa akin, saan kaba nagpupunta?" tanong nito at napa-iling ako, 

"Diyan lang, sa 7/11, tara na!" Hinawakan ko ito sa pulso bago hinatak pauwi ng condo. 

That was... very nakakahiya! 

"'Wag kanang uulit ng ganun." Napabuntong hininga ako bago kumagat sa tinapay na binili ko. 

"Alalang-alala kami kaninang madaling araw, napatakbo ako ng walang tsinelas. Nakita mo ba yung tsinelas na suot ko? May mahabang tainga ng bunny." Napatikom ako ng labi, nagpipigil ng tawa sa tinuran ni Simon. Napansin ko naman iyon, noong sinesermunan nila ako pagka-uwi kaninang madaling araw ay sabay-sabay sila halos nag-sermon. 

"Oo na, tama na, akala ko naman tapos na yung sermon, may part 2 pala ngayong umaga." Napabuntong hininga ako bago kumagat ulit sa tinapay. 

"Oo nga naman tigilan niyo na si Cass." Pagsang-ayon ni Matt, siguro ay rindi na rin ito sa sermon nung tatlo. Noong maka-uwi kasi kami ni Simon sa kwarto ay galit na galit si Marga, parang nanay kung sermonan ako, ganun din si Simon, baka mga magulang ko talaga silang dalawa. Hanggang ngayong umaga pagpasok namin ay sinersermonan pa rin nila ako. 

Napahagod ng buhok si Simon, "Fine, sorry dahil nagagalit kami pero nakakapag-alala talaga, madaling araw tapos wala ka at hindi sumasagot sa messages? Huwag mo nang ulitin, please." Kalmado na siya sa mga oras na ito, buti naman. Kasi naririndi na ako sa sermon nila. 

"I'm sorry rin, pero tinulungan ko lang naman si kuya Haze." ani ko at pinagtaasan ako ng kilay ni Simon. 

"You helped him, pero for sure if ikaw yung nasa sitwasyon niya, hindi ka niya tutulungan." ani nito at napakunot ang noo ko, 

"Sus, ikaw naman! Bakit ba ang init ng dugo mo kay kuya Haze?" tanong ko at umiling ito, "Wala lang, I don't want him for you." sagot nito at napa-ismid ako, 

"Pero I want him, kaya wala kang maagagawa, bleh!" Pinandilaan ko ito bago tumayo. "Tara na, may quiz pa kami, ito na 'yon, pinagpuyatan ko 'to. Lord, ikaw na bahala." ani ko bago kinuha ang mga gamit ko, ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ko at humiwalay na kami nila Marga at Faye papunta sa classroom. 

"Walang 6th page diba? Hindi na back-to-back yung last page?" Paninigurado ni Marga, lunch time na at kakatapos lang namin ng quiz. 

Nagkatinginan kami ni Faye at sabay napangisi, napakunot ang noo ko bago tiningnan si Marga, "Hindi ba meron? Yung essay part? Maikli lang siya sa likod, hindi pansin." ani ko at nanlaki ang mata ni Marga, 

Tumango si Faye, "Oo nga, 150-170 item." Pagsang-ayon nito, napasabunot sa buhok si Marga, "Legit ba!?" Paiyak na yata, napahagalpak kami ng tawa ni Faye, "Gaga joke lang! Ito naman, di mabiro." Biglang sumimangot si Marga bago ako hinampas sa braso at nag-martsa palayo.

 Napatawa kami ni Faye nang may muntikan na itong makabanggan pero agad kaming natigil dahil nakita namin na si kuya Xandro ito. 

"Hala! Sorry po!" ani agad ni Marga, natigilan ako nang sumulpot sa likod ni kuya Xandro si kuya Lucas at Haze. 

Nagtaas ng dalawang kilay si kuya Xandro, "Okay ka lang?" tanong nito kay Marga at agad naman tumango ang kaibigan ko, "Okay lang po," nilingon kami ni Marga bago pinakyuhan. 

"Sige, dahan-dahan sa susunod." Maikli sagot ni kuya Xandro bago nilampasan si Marga, parang tumayo ang mga balahibo ko nang naglalakad na sila papalapit sa amin ni Faye, nakatingin ako kay kuya Haze pero diretso na ang tingin nito, hanggang sa halos magkatapatan na kami at saka lang ito lumingon ng halos wala pang isang segundo bago muling tumingin sa unahan. 

Nang tumagal ang ilang segundo at nakalayo na sila ay tinapik ako ni Faye sa balikat, "Huy, ano yun? Nag 'thank you' naba manlang sa 'yo yun?" tanong nito sa akin at agad akong umiling. 

"Aba! Hindi naman yata pwede yun! I-message mo tapos sabihin mo 'Hoy kuya! Wala kaba manlang pasalamat?' ganun! Sabihin mo!" Hinampas nanaman ako ni Faye sa braso, napanguso ako bago naglakad, sinundan si Marga na nakatayo pa rin ilang metro ang layo sa amin, busy sa cellphone. 

"Siraulo kayo! Nakapagtanong na ako sa ibang kaklase natin, wala raw! Hayop kayo!" ani nito at parehas kaming napatawa ni Faye. 

Lunch time at magkakasama kaming lima kumain, habang silang apat ay nagke-kwentuhan, nakatingin ako sa gawi nila kuya Haze na kumakain, ilang table ang layo sa amin. Kagaya ng madalas kong napapansin, hindi siya ma-kwento habang kumakain. Tahimik lang siya habang ang mag kaibigan niya ang nagsasalita.

 Tumatawa-tawa siya, pero nakatungo pa rin sa kaniyang pagkain. Nakita kong tinapik siya ni kuya Edward na katabi niya at may ibinulong, nagulat ako nang bigla itong tumingin sa akin habang bumubulong sa kaniya si kuya Edward, I even saw him poke his tongue inside his cheeks. Nagulat ako at nanlaki ang mata kaya napa-alis agad ako ng tingin. Namula yata ako! 

Ala una ng tanghali, na-vacant kami, dahil may sari-sariling klase sila Marga at Faye ay sa library nanaman ako nagpalipas oras. Ang kaibahan lang ay wala akong inaaral ngayon dahil tapos na ang mga dapat kong gawin. Gusto ko sanang matulog pero hindi ko magawa dahil hindi maalis sa isip ko si kuya Haze. 

Ano ba naman 'yan, kahit 'thank you', wala? Totoo yatang wala siyang pake sa akin. Siguro tama si Simon na kung ako ang makikita nitong lasing at mag-isa ay hahayaan niya lang ako. 

"Ano ba naman 'yan." Napabuntong hininga ako bago kinuha ang cellphone ko at sinearch ang account nito sa Facebook.  

I was staring at the 'Friends' button, hindi ko pa rin lubos ma-alala kung kailan kami naging friends. hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin kung kailan at kung sino ang nag-add friend sa aming dalawa. Pero siguro ay ako, dahil hindi naman ako kilala ni kuya noon para i-add friend niya. 

I want to start a conversation with him, yung tipong magpaparamdam ako sa Messenger para nahihiya man siya na magpasalamat sa personal, baka sakaling mag 'thank you' siya sa Messenger. 

It took me minutes before finally coming up with an idea. Yung reviewer ko na naiwan sa kaniya kagabi. I tap on 'Message' started typing on the message box. 

'Hello po kuya! Nasa inyo po kaya yung reviewer ko?' 

"Hindi hindi, mali, straight forward masyado." ani ko bago binura ito, 

'Hello kuya! Noong sinundo po kaya kayo ng kaibigan niyo ay may nakapansin sa inyo noong reviewer ko na naiwan kagabi? Nadaganan niyo po kasi yun noong nakatulong kayo sa lamesa. Three pages po yun, may orange highlighter sa first page, baka may nakakuha po sa inyo?' 

Napa-iling nanaman ako, "Masyadong mahaba, boring basahin." ani ko bago muli itong binura. Naka-ilang type at bura yata ako ng message. Gusto ko kasi na sakto lang yung message ko, hindi straight forward masyado, di rin naman mahaba. Tapos yung magaan lang basahin, friendly lang, ganun. 

'Hi kuya! May nakakuha po kaya sa inyo ng reviewer ko kagabi? Naiwan ko po yun sa table, if may nakakuha po, pwede ko po kaya mahingi? Thankie po!' 

Ilang segundo ko rin iyon tinitigan, binasa-basa ko, kung ako kaya ang makakatanggap ng message na yun, ano kaya mararamdaman ko? Sa akin kasi, okay lang, magaan naman siya basahin, yung tipong hindi ko ma-aalala katangahan kong ginawa. 

"1, 2, 3, send!" Agad kong binitawan ang cellphone ko at ibinato sa lamesa, halos mahulog pa ito. Natigilan ako at nakatingin lang sa cellphone ko, mukha akong tanga. 

Nang ilang minuto na ang nakakalipas at hindi pa ito sumasagot ay dinampot ko na ito, naka-deliver naman ang message, pero hindi pa niya ito sine-seen. Siguro ay busy siya at may klase. 

"Okay ka lang?" Napa-igtad ako nang magsalita si Marga sa likod ko,  "May hinihintay ka ba na mag-message sa 'yo? Kanina pa nakabukas Messenger mo." Nilingon ko ito at agad ibinaba ang cellphone ko. 

"Naku! Kanina pa 'yan si Cassandra! Tulala rin tapos tuliro, okay ka lang ba, ha? Hinihintay mo pa rin na mag 'thank you' si kuya Haze?" tanong ni Faye mula sa kusina, nagluluto ng hapunan namin. 

Napanguso ako, "Nag-message ako kay kuya Haze, pero hanggang ngayon hindi pa niya sine-seen."

"HA!!?" Napasigaw si Faye mula sa kusina, "Totoo ba!? Oh my God!" Napatakip ito sa bibig niya, kinikilig na yata. 

"Kailan mo pa sinend yung message?" tanong ni Marga, naka-upo na sa hand rest ng sofa, "Kaninang 1:14pm, 'di pa rin na-seen." Nakanguso kong turan, "Baka naman busy noong mag-chat ka tapos noong nagbukas na siya ay natabunan na." ani ni Marga at nagkibit balikat ako. 

 Ilang minuto ang lumipas at natapos na sa pagluluto si Faye, nag-asikaso na kami ni Marga ng lamesa at kumain na kaming tatlo. 

Tahimik kaming kumakain nang biglang tumunog ang cellphone ko, sabay-sabay kaming napalingon dito, nang damputin ko ito ay pinindot ang power button para bumukas ang lock screen ay napatayo ako. 

Nanlaki ang mata ko, "Si Kuya!?" tanong ni Faye at agad akong tumango, napatayo ang dalawa at napatakbo sa likod ko. 

Agad kong tinakpan ang screen ko dahil ayaw ko pa mabasa ang reply niya, "Anong sabi!? Anong sabi!?" tanong ni Faye, nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang message. 

"Ako muna magbabasa," ani ko at tumango ang dalawa bago bahagyang lumayo. 

Pagpindot ko sa notification ay inilagay ko muna ang password ko bago ito tuluyang bumukas. 

From: Alonzo Haziel 

hi, I have your reviewer, andito ako sa lobby. 

Napapalirit ako bago napatakbo sa pinto, "Nasa lobby si kuya! Pupuntahan ko!" ani ko bago binuksan ang pinto, nagtatakbo ako sa hallway, hindi lang yabag ng paa ko ang dumagundong sa buong floor kundi yabag na rin ng paa nila Faye at Marga, sumunod ang dalawa. 

Halos hindi ako mapakali sa elevator, si Faye inuulit-ulit basahin ang message sa screen. "Parang ine-expect na ni kuya na gusto mo makipagkita kaya sinabi na agad niya kung nasaan siya!" Hinampas ako ni Faye sa braso bago napatakip sa bibig niya. 

Ako naman itong pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ang init! Sobrang init! Hindi ako halos makahinga, hindi ko alam kung dahil sa pagtakbo ba namin kaya parang hinihingal ako pero parang kinakapos talaga ako ng hangin. 

Nang bumukas ang elevator sa ground floor ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas. 

"Okay ka lang ba? Nasa tamang wisyo kaba na harapin si kuya?" tanong sa akin ni Faye habang naglalakad kami papuntang lobby. 

Tumango ako, "Okay lang, maayos ba ako tingnan? Baka may tinga ako." Pumunta sa harap ko si Marga kaya napatigil ako sa paglalakad, hinawakan ako nito sa magkabilang pisnge at ngumiti naman ako. 

"Wala, you're ready to go. Dali!" ani nito bago ako tinapik sa balilkat. We're meters apart from the sofas and tables sa lobby. Nakikita ko na rin ang ibang tao pero hindi ko pa nakikita sila kuya. Nagpaiwan na sila Faye at Marga doon habang ako naman ang nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang segundo lang ay natanaw ko agad sila kuya Haze, kumaway kasi si kuya Lorenzo, itinuro rin nito si kuya Haze na nakatungo. 

Shit! Magkakasama silang walo, mahihiya na ako nito! 

Parang nanuyo ang lalamunan ko nang makarating ako sa harap ng table nila, si kuya Haze ay nakatungo at busy sa cellphone niya, may nilalaro, habang halos lahat ng congress ay nakatingin sa akin. 

Kuya Shawn gave me a thumbs up then pointed at kuya Haze.

"Kuya Haze?" tawag ko rito pero hindi ito nag-angat ng tingin. Tinapik siya ni kuya Xandro sa braso kaya nag-angat ito ng tingin kay kuya Xandro, bahagyang nakaparte ang labi nito at nakataas ang magkabilang kilay.  Itinuro ako ni kuya Xandro, "Kuya Haze raw." ani ni kuya Xandro, saka ako nilingon ni kuya Haze. 

"Bakit?" He sounded and look dumbfounded, both his brows raised. Parang hindi niya alam kung bakit ako nandito. Parang hindi niya ako minessage kanina lang.

"Yung reviewer ko po," ani ko, may kinuha ito na papel na nasa harap ni kuya Lorenzo at ini-abot sa akin. 

Pagkatanggap ko nito ay agad itong nagbalik atensyon sa laro niya, nahihiya akong ngumiti. Nakita kong napakamot sa batok si kuya Lorenzo, si kuya Xandro ay napa-iling habang napasapo sa noo si kuya Shawn, kaniya-kaniya silang may sariling reaksyon. 

"Thank you po," nahihiya kong turan bago sila tinalikuran, agad akong napatingin sa gawi nila Marga at Faye, nag-thumbs up sa akin si Faye, animo'y nagtatanong kung kamusta pero kibit balikat lang ang naisagot ko. 

Ilang metro nalang ang layo ko sa mga kaibigan ko nang marinig kong sumigaw si kuya Haze na nakapagtapatigil sa akin. "Salamat  nga pala kagabi! Sorry rin dahil na-abala kita!" 






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top