Unexpected


Saerin


~





Nang narinig namin ang balita ay nagkagulo ang lahat.Nahulog si mikael sa sinummon nyang bed kanina para pagtulugan at disoriented pa na tumayo.Si ryzel na malapit sa pintuan ay natumba dahil nasa likod nya lang ang pintuan at na-out of balance nang i-open yun ng maid.Pinalutang naman sya ni sivir- na tila hindi naman gusto ang ginawa- kaya hindi sya tuluyang nahulog.Agad naman syang tumayo at tinulungan ding tumayo ang natatarantang maid.

"Anong ibig mong sabihin?Ba't ambilis naman ng pagtupad ng propesiya?"tanong ni mikael na medyo natataranta na din.

"Ganito na ba ako kaganda at pati kasamaan naakit sakin?Hay buhay...hirap talaga maging maga-"hinawakan ni mikael ang kamay ko na ewan ko at biglang feeling ko kinuryente ako.Yung expression nya seryoso at nag-aalala.

"Dito ka lang.Kami na ang bahala dito.Mag-ingat ka!Sivir, Ryzel alam nyo na ang dapat nyong gawin"sabi nito.Tumango lamang ang dalawa at lumipad pataas ng hagdan.Si sivir-gamit ang kapangyarihan nya sa gravity at levitation,at si ryzel-na nag-anyong uwak na green ay magkasabay na umalis.

"Teka...so dito lang ako?"ano ba talaga? Kaya nga ako magte-training para lumaban tapos maiiwan din pala ako dito? *imaginary pout*

"Please...dito ka lang.Kami nang bahala sa taas."nag-rumble yung lupa na para bang nagka-mini earthquake or something.

"Sige na nga.Ipa-praktis ko na lang yung dress chu chu na mahika ko kanina.Pero mag-ingat din kayo dun!"

Nag-smirk si mikael sakin."Mukhang may nahuhulog ah."nahuhulog?Ewan ko ba sa elyen na to at kung anong pinagsasabi neto.

"Sige na!Go shoo~ save the world something! Di naman ako makakasama eh (¬_¬)ノ "

Umalis na si mikael gamit ang wormhole.Ano nga yung sinabi nya kahapon? Achoo ba yun? O accio?

Try ko nga..."Achoo Wormhole!"

Tatlong segundo na lumipas wala parin ah.Mali ba pag-pronounce ko?Isa pa nga?

"Isa pa nga...accio wormhole!"

Kumuha muna ako ng isang wang na may nakalagay na parang dalawang arrows na pa-circle,bale the point of the first arrow ang nagdikit sa end ng isa pang arrow.Naks, english ulit!

May lumabas na parang Void na blue at violet na nag-s-swirl, sa tingin ko tama yung binigkas ko.Totoo pala yung sabi nila na "words have power".Pumasok ako sa void ng wormhole at inisip ko na lumulutang lang ako.

Sabihin nyo man o hindi tutulong at tutulong ako.Get ready mga kapatid!Tayo na't magsama-sama!Pero syempre seryoso.Ako ang hanap nila, ako ang makukuha nila....

China-channel ko ang kapangyarihan ng mahika sa paligid at fino-focus ko sa paglutang.Hindi ko talaga ma-explain kung paano ko nagagawa to exactly, yung feeling na parang instincts mo lang talaga ang nag-o-overpower sa consciousness mo at nagagawa mo ang mga bagay.

Pagmuklat ko ng mata ko ay nakita ko ang lugar na una naming nilandingan ng unang dating namin dito.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng wormhole.Dahil ba dito kami unang nakaapak sa mundong to?

Naglakad ako at namitas ng mga bulaklak, kaso medyo kumati yung ilong ko eh kaya iniwan ko nalang sa may gilid ang mga bulaklak-ang nakakagulat pa ay parang itinanim ulit nito ang sarili sa lupa na parang walang nangyari.Woah!Ang astig diba?

Pero hindi na ako nanood sa mga magic bulaklak na yun at baka napahamak na ang tatlong yun.Kahit na konting oras lang ang pagkakakilala namin ay parang gusto ko paring tumulong sa kanila.Ewan ko ba, sabi kasi ng puso ko kailangan kong tumulong eh.

Hawak ko parin yung wand na kinuha ko dun sa armory.Sa tingin ko ay kaya ko naman ang sarili ko.Trust lang sa instincts!


Teka...kanina pa ako naglalakad dito ah ba't hindi ko sila mahanap.Tsaka wala na akong narinig na paggalaw-galaw ng lupa-di katulad ng kanina nung hinawakan ni mikael yung kamay ko at parang nakuryente ako- bat ko nga sinabi yun? -_- hay naku.Kakahuyan na tong nakikita ko eh, kanina pa ako naglalakad pero wala akong nakikitang masamang tao o kung si ryzel o si sivir manlang.Kamusta na kaya si mikael?Uhh...nevermind.


Kinamot ko ang suot kong ninja suit.Hindi ko pala napapalitan yung suot ko.Ang init kasi sa pakiramdam kaya sa tingin ko ay papalitan ko na lang.Pinakiramdaman ko ang paligid-ang sabi nila lahat ng bagay ay may taglay na mahika, yun ay kung marunong kang maghanap-ano nga ba ang magandang damit na perfect suotin?hmm...siguro isang dress na--

Shoof~

Ano yun?Iminuklat ko ang mata ko bago ko matapos ang dress magic training na matatapos na sana, kung hindi lang dumating-or should i say sumulpot out of nowhere na lalaking duguan.Naupo ito sa lilim ng kulay asul na puno at tila pagod na pagod.Medyo bluish na din ang bibig nya.Nalaman ko na kapag bluish na ang lips ng isang tao ay magiging fatal na ang bloodloss sa katawan nito.Kapag hindi naagapan ay mamamatay ang taong ito.Kulay asul na may itim na shades ang buhok nito.Ang sugat nya ay sa bandang tyan.Imbis na magtago at tumakbo palayo ay lumapit ako sa kanya.

Kung nakikita nyo lang yung expression nya, yung parang hirap na hirap na talaga na igalaw-galaw ang katawan nya.Nang nakita nyang lumapit ako ay nagulat ito.Tapos pinilit nyang igalaw ang kamay nya na nag-g-glow ng kulay itim.Pano ba mag-glow ang itim?I frowned at him.Opo,lalaki yung duguan.

"W-wag kang l-lu-lumapit.S-sa-saktan kita!"banta nito sakin.As if naman i believe him no?

"At sa tingin mo naman papaniwalaan kita?Ikaw nga yang duguan dyan eh!"

Sinamaan nya ako ng tingin.

"S-sino ang s-sumugo sayo?Papatayin m-mo ako h-hindi ba?"tila hindi padin naniniwalang sabi nito.

"Ano ba?Sabihin mo nalang kung paano kita matutulungan!Arte neto"and to emphasize my point,hinampas ko sya ng wand na dala ko.Pero mahina lang syempre, baka madadagdagan pa yung hirap nya pag nilakasan ko diba?

Sumeryoso ang mukha nito.

"G-gusto m-mo ba talagang tulungan ako?"tumango ako sa sinabi nya bilang tugon.

Itinuro nya ang wand na hawak ko.

"K-kung g-gusto mo t-talaga ay i-ikot mo ang wand na yan.Sayo m-mapupunta ang s-sugat k-ko.Y-yun a-ay ku-kung pag-pagkakatiwalaan mo a-ako"

Pero pano naman ako?


"E-eh ako? De ako ang mamamatay nyan!"

Mas nag-pale yung mukha nya.

"K-kapag lu-lumakas na ako ay p-papagalingin kita...p-pero d-delikado i-ito ba-baka--"

Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagsalita nya.Ini-swish ko ang wand...instincts lang ang pinairal ko.Umilaw ang arrows sa wand,switching from red to blue.Tapos nakaramdam ako ng sakit at nandilim ang paningin ko.Its done...

Bumagsak ako sa lupa.

The last thing i saw was the guy's reatreating steps away from me...

So much for trusting...Tapos na ang propesiya?Sa tingin ko ay hindi ko naprotektahan ang pinaka-importante sa lahat...my life.

To bring peace to the place one calls home, and defend that one thing thats the most powerful of all.


Is this where it ends?Mamatay na ba ako?

Hawak ko sa kamay ko ang wand na kung kanina ay umilaw, ngayon naman ay stale black na ang kulay nito.Itiningala ko ang ulo ko sa langit.

Hindi ko pinangarap na ganito ang way ng pagkamatay.Atleast the last thing i will hear is the rustle of winds on the blue tree.Ang huling makikita ko ay ang asul na dahon ng puno na nabu-blur na din sa paningin ko.And thats the last thing i saw before everything turned dark.



Is this the end?




A/u: :) thanks for reading.Tapos na ako sa storyang to! Bitin ba? Hahaha Any VioleT 💜 Reaction?
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top