Training
Saerin's Pov
Ow-kay, literal na nilipad ng hangin si ryzel-dahil lang naman kay sivir.Ang napakagandang si sivir na kulay pink ang buhok.Nakuu! Kapag nakilala sya ni raven ay baka magfreak out yun dahil sa kulay ng buhok ni fraud? O baka freed? Pink is life daw eh.Nakakalito kasi ang mga pangalan ng mga species nila dito eh--species? Haha parang hayop lang ah!Basta ewan ko sa lugar na to at talagang kakaiba.
"So, shall we start? Mahal na prinsipe magsisimula na ang training nya"nice ah.Mula tagalog ay ita-translate nya sa english? Ay...reverse pala.From english to tagalog pala.
"Sa tingin ko'y kailangan ko magsuot ng ibang damit para sa training natin"
Pinikit ni sivir yung mukha nya- este yung mata nya.Pano nya ba ipipikit ang mukha nya?Ano yun magic? Malay mo nga ano, meron pala nyan dito.Yung pinipikit yung mukha haha.Teka asan na ba tayo?Ah oo nga pala, andun na tayo sa parte na ipinikit nya yung mata nya.Start ko ulit....sandali.Ipinikit nya ang mata nya at nag-iba ng kulay ang buhok nya.Pati ang damit nya ay nag-iba.Mula sa isang puting dress na may gold na belt-totoong gold daw yun sabi ni ryzel- ay naging kulay puting battle suit na dumidikit sa balingkinitan nitong katawan.Ano nga ba yung balingkinitan? Nakalimutan ko na, about sa skintone yun diba? Naks...may pa-skintone pang nalalaman ah.Improvement haha!
So ganun na nga yung ginawa nya.Alam nyo ba? Yung expression nya parang wala lang- yung para bang ginawa nya na to nang mga ilang milyong beses at sanay na na sanay na sya.
Ini-ready ko na ang sarili at nag-punching chorva na ako in the air with a small bit of jabs sa imaginary enemy ko kuno.Hinintay kong tawagin nya ako sa gitna ng runic circle-in-explain na kanina ni mikael kung ano yan...yung sinabi kong mga sinaunang sulat sa previous chapters.Pag nabasa mo yun,well, yun na yun.O sya balik tayo at nalalayo na tayo sa istorya.So hinintay ko na tawagin nya ako o sabihin nya na "yow magsa-start na tayo pare" o something like that.Pero tinignan nya lang ako na parang meron dapat akong gawin pero hindi ko pa ginawa.
Tinignan ko ang natutulog na si mikael.Matutulog daw sya dahil wala nang maingay.Sa tingin ko nga nung una ako yung tinutukoy nya eh yun pala si ryzel.Whew!Wala akong kakampi kahit na nabibiwisit ako dahil pinagpipilitan nya na fiance ko daw sya.
"Hindi ka ba papalit ng damit?"tanong nito sakin na tila naguguluhan.
Ano sasabihin ko? Na hindi ako marunong mag-magic dress transformation? Na wala akong alam sa mahika bukod sa pagkukuha ng kung ano-anong wand sa gilid ng armory at yung ti-niming na nakapagpalabas ako ng apoy sa kamay ko.Yun lang naman pero pag-iba ng damit? Yan ang hindi ko kayang gawin,sa tingin ko.
"Ah kasi sabi ni uh...mikael ay kukuhanan daw ako ni ryzel ng damit diba? Sayang naman kung kukunin nya yun at di ko gagamitin diba? Diba?"pagsisinungaling ko.
Tsaka tama naman diba?Kawawa nyan si ryzel kapag nag-effort sya sa wala nyan.At ugh...sige na nga, tsaka para hindi ako mapahiya na hindi ako marunong ng ginagawa nya ehehehe.Honesto Pramis!
Sumimangot sya.
"Hindi mo kailangang mahiya prinsesa.Alam kong di mo pa alam ito.Wag kang mag-alala at basic lang ito.Hindi mo na kailangan ang tulong ng taong yun"Basically, may past siguro tong sina ryzel at sivir na palaging nag-away.The more you hate the more you love ika nga nila.
Eh ang tanong...pano ba gawin yung dress-changing etcetera na to?Palibhasa hindi tao kaya halos ilang segundo lang ay nagagawa nya ito eh ako kaya?
"So unang training ko ay ang palitan ang damit ko?Pano naman yan makakatulong sa pagsugpo kay kamatayan- este sa kasamaan?Parang 'Humanda kayo dahil mamagikin ko kayo! Waah Magic Panty Transform!' Ganun?Tsaka hindi ako prinsesa ano!"natatawa kong sabi.
Parang ang green ko tuloy dahil sa lahat ng damit ay panty pa talaga ang naisip ko.Hay buhay!
Medyo natawa din ito sa sinabi ko at medyo lumiwanag ang mukha."Hindi.Pero makakatulong ito na gumalaw ka ng maayos sa labanan.Pwede mong ibahin ang suot mo bilang camouflage at lumayo o mag-disguise.Ikaw ay isang prinsesa at ikakasal ka kay prinsipe hindi ba?"
Woah! Oo nga no!Hindi na ako magsho-shopping ng damit kasi gagayahin ko nalang at pwede ko pang i-enhance!Parang ang saya nun ah.Hindi nga ako prinsesa eh enebe hehe!
"Sige ah, parang gusto ko yan ah.Teka madali lang yan diba?"
Tumango ito.
"Oo naman.Lumapit ka dito prinsesa.Tuturuan kita"
Lumapit naman ako sa runic circle-ito yung parang shape na bilog na --teka teka, nasabi ko na pala ito kanina ah.So no need to elaborate bleh!
"Ano ang una kong gagawin?Sure ka na madali lang to ah!"
Ready saerin? Aja! Fighting!
"Ang kailangan mong gawin ay ipikit ang mga mata mo.Pagkatapos ay isipin mo kung anong damit ang susuotin mo.I-himig mo ang mahika na natutulog sa katawan mo at sa paligid"ani nito sakin.
Pinikit ko ang mata ko.Hmm...ano nga ba ang maganxang suuotin? Parang ang laswa naman kasi kung yung armor na nasa mga laro kasi ang li-liit ng damit eh.Yung halos bifurcum este private parts nalang yung natatakpan.Iniisip ko yung kulay blue at itim na parang damit ng mga ninja sa napanood kong movie na Three Ninja's Kickback! Nagandahan ako sa suot nila eh.Yun ang inilagay ko sa isip ko tapos ay parang may naramdaman ako na medyo uminit ang pakiramdam ko.Nang ibinukas ko ang mata ko ay mata ko nalang ang hindi natatabunan.
It worked.Saerin Lodi Werpa Petmalu. Joke lang!Nakikiuso lang ako sa trending ngayon eh hehe.
Tamang-tama at ng oras na to ay syang pagdating ni ryzel the great at may dalang damit.
"Binibini ito na yung- teka pano ka nagbihis?San ka kumuh ng damit mo?"agad na tanong nito.
Nagtinginan kami ni sivir.Gulong gulo parin ito at tila hindi makapaniwala.Sasabihin ko na sana kung pano at plano ko syang turuan.Fast learner si ateng!
Kaso may humangos na maid na sya ding kumuha ng pagkain ko kanina.Tila takot na takot.Nadulas pa sya kanina sa basang semento na dahil na sa kagagawan ko kanina.Nagising si mikael na natutulog sa gilid.
Ang sinabi nya lang ay...
"May umaatake po sa aquelius" humarap sya sa akin. "Ikaw po ang hinahanap nya.Hinahanap nya ang itinakda!"
Naku po! Dress Powers here i come! Este go pala! Yaaah!
(╥_╥) why me?!
------
Hello guys! Kamusta pagbabasa? Naguluhan ka ba? I-check lang ang aking kalokohang website at nang maloko ko din kayo :P haha!Have fun reading! (Naka-english din XD )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top