Absurdus II
Saerin~
Pagkatapos kong kumain sa handaan nila sa party ay umuwi na ako.Nagpaalam na ako kina mama at sa kapatid ko at ang mapapangasawa nya.
Nasa bahay na ako at naghahanda ng lulutuin kong white spaghetti nang biglang umilaw ang singsing na suot ko.Tila sumasayaw ang ibat ibang shades ng blue sa diyamante.Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang paghahanda.
Maya't maya ay may lumabas na parang...portal?Kulay blue ito na tila katulad din nang ginawa ng singsing kanina...sumasayaw sa saliw ng ibat ibang kulay ng asul.Kasabay nito ang pagdating ng hindi inaasahang panauhin.May binigkas itong mga salita at bigla na lang akong nakatulog...
Pagkagising ko ay iba na ang nakita ko ay...nasa kama ako at nakahiga.Tapos nag-appear ang portal at lumabas ang lalaking yun ulit...si mikael?Hawak hawak ko ang pinulot kong heels na ginamit ko nang pumunta ako sa engagement party nina genesis.Then inilahad nito ang kamay saakin at sinama ako paloob ng portal...ang the rest is history.
Hindi ko maintindihan...napakaseryoso ng "ako" na nakikita ko ngayon.Ano ba ang totoo?Bakit kamukha din ni mikael ang lalaking nakita ko nang lumapit ito sa isang "ako".Ako ba yun?Siguro kamukha lang ni mikael yun.
Nagising ako nang nafeel ko na tinatapik-tapik ako sa balikat.Si itim pala...yan muna ang ipapangalan ko sa kanya kasi hindi ko pa sya kilala.
"Bakit natulog ka sa sahig?At hindi mo kinain ang pagkain na ipinahanda ko sayo?Hindi mo ba nagustuhan?"agad na tanong nito sabay upo sa kama.
"H-ha? Wala sumakit lang ang ulo ko."hindi ko pa sya gaanong kilala kaya hindi dapat ako mapalapit masyado sa kanya.Baka manlilinlang din ito.
Ano bang nangyayare sakin?Ngayon lang ako naging aware...na nag-iba ang ugali ko simula nang dumating ako sa lugar na to.Una,naging childish ako...na para bang bumabalik ako sa pagkabata.Tapos,ngayon hindi ko alam kung bakit napakaseryoso nang mga iniisip ko...maski ako ay naguguluhan sa lahat ng mga nangyayare.Ngayon ko lang naisip na wala na ako masyadong alam sa mundong iniwan ko--yun ay kung iniwan ko ba talaga o may nagdala sakin dito.
"Ako nga pala si-"hindi nya natapos ang sinabi nya dahil may dumating na lalaki at tinawag sya.
"Mahal na Pr--"napahinto ito nang galit syang tinignan ni 'itim' "A-ah may kailangan po kayong malaman...sumalakay na naman ang mga kalaban.May hinahanap daw sya at nasa iyo daw iyon."Agad na umalis ang lalaking yun.
"Mahal na...?"pagtatanong ko.
Bakit ba palagi nalang may sinasalakay,palaging may hinahanap?
Sumeryoso ang mukha nito.
"Mamaya na tayo mag-usap binibining..."huminto ito.Hinihintay na sabihin ko ang pangalan ko.
"Saerin"
"Binibining saerin.Kung maari ay kumain ka muna at may aasikasuhin lang akong...kaguluhan"
Bakit ko ba sinabi ang pangalan ko?
Umalis ito at ako naman ay nagsimula nang kumain.Kanina pa ako nagugutom kaya dali-dali kong naubos ang pagkaing nakahanda.Ang naiwan na lang ay ang wand na hanggang ngayon ay umiilaw parin.
Mga apatnapung minuto din ang lumipas ay bumalik uli si itim.Habang wala sya ay pinalitan ko ang suot ko gamit ang mahika na estilong tinuro ni sivir sa akin.Isang damit na kulay asul na off-shoulder at jeans na itim.Ngayon ko lang nalaman na nakapaa lang pala ako.Ang heels na dala ko sa lugar na to ay naiwan ko sa sekretong lagusan na pinag-training-an namin.
Inisip ko na baka pati suot sa paa ay magawa ko gamit ang mahika.Nagconcentrate ako...isang pares ng kulay itim na pares ng sandals ang nagform sa paa ko.I knew it would work!
"Salamat sa pagligtas sa akin sa gubat...saerin."pagsalita nito.
Sa sobrang lutang ng utak ko ay nakalimutan kong nakarating na pala sya.
"Wala yun...mabuti nga may nagawa ako eh.Hindi ako magaling sa mahika.H-hindi ako mula rito."sunod sunod na sabi ko habang tina-tap ang sahig kung saan ako umupo.
"Maswerte ako at may nakilala akong tao na may mabuting puso na tumulong sa akin."
"Salamat.Teka sino ka ba?"nakalimutan kong tanungin kung ano ang pangalan nya.
"Altair...Ako si altair. prinsipe ng Aquelius"
"P-prinsipe? S-sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
P-pero s-si si mikael! Si mikael ang prinsipe ng aquelius! Hindi ko maintindihan...hindi ko dapat ipahalata na may alam ako tungkol dito!
"Oo naman.Dalawang taon lang ang nakalipas nang napatay ang ama't ina ko.Pero hindi ako magiging hari kung hindi ko makita ang nakatakda sa akin..."ganun? Pero posible kayang magkaroon ng dalawang prinsipe ang aquelius? Nahahati ba ito sa dalawa?
"H-hindi ba pwedeng pumili ka mula sa mga kababaihan sa lugar na to?"hindi ba't napaka-praktikal naman ng sinabi ko? Bakit ka pa maghihintay kung ikaw naman mismo ay pwedeng pumili at maghanap diba?
"Dito sa palasyo...kailangan ay pakasalan ng prinsipe ang natatanging nakatakda para sa kanya.Sa ganung paraan lang nya makukuha ang kapangyarihan para protektahan ang kaharian."pag-e-explain nito sa akin.
Gaano ba ka-importante ang nakatakdang yan?
"Ibig sabihin...kapag hindi mo sya nahanap ay hindi mo makukuha ang kapangyarihan para protektahan ang lugar na to?Pano kung hindi mo sya makita?"Medyo lumungkot ang mukha nito at tumingin sa malayo.
"Kapag nangyari yon ay malulukob ng kasamaan ang lugar na ito.Ang mahika na maibibigay ng trono majora sa akin ay magiging sapat para makatulong ako sa aking nasasakupan."
"Sino ba ang kalaban niyo?At bakit ka nasa gubat nung araw na yun?"
"Muntikan na akong mamatay dahil ang inakalang kong kaibigan ko ay tatraydurin pala ako.Hindi ko magawang lumaban sa mga kaibigan ko kaya nadali nila ako.Nakatakas lang ako ng dumating ang ibang kawal ng palasyo.At dumating ka at iniligtas ako"
Masakit nga namang malaman na tinatraydor ka ng mga inakala mong kaibigan mo.
"At ang kalaban ko? Ang kalaban ko ay walang iba kundi si mikael....si eric mikael senri."
Nabaling ang tingin ko sa wand na nasa lamesa.Mas naging mabilis ang pag-ilaw at paggalaw ng kulay.Maya maya ay may void na lumabas at mula rito ay dumating si ...mikael.
"Narinig ko ang pangalan ko? Nandito ako para kunin ang mapapangasawa ko."seryosong sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?!"singhal at galit na sabi ni itim--altair pala.
Ngayon ko lang nakita ang singsing sa kamay ni altair.Parang yung sa akin din.Tatlo kaming may parehong singsing...
Pipigilan sana ni altair si mikael pero hinigit ako ni mikael at pumasok sa void.Sumasakit na naman ang ulo ko.
Nandilim ang paligid at nawalan na naman ako ng ulirat.
-----------------------------
Big twists are coming!
Ghad ang daming twist sa storyang to ah! Haha andaming packing clues haha!
Buh bye darling readers til next time!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top