👑 Prologue 👑

~Third Person's POV~

"Tress,paki-usap alagaan mong mabuti ang anak ko. Siya na lang natitira nating pag-asa upang matalo si Hector. Dalhin mo siya sa mundo ng mga mortal , pansamantalang ligtas kayo roon. Magiging sapat ang mga panahon ng pamamalagi niyo doon upang masanay mo siya at maihanda sa nakatakda. Huwag mong hahayaang makuha siya ni Hector." emosyonal na sabi ng Heavenly Goddess Queen sa tagapag-sanay ng mga Gods and Goddesses na si Tress.

"Masusunod po ang inyong nais kamahalan."nakayukong sagot naman nito sa reyna habang karga-karga ang walang malay na Prinsessa.

"Sige na , tumakas na kayo. Kailangan niyo ng umalis parating na siya. *gumawa ng portal* Mag-iingat ka Prinsessa ko. Pasensya na kung hindi mo na kami makakasama ulit ng iyong ama't mga kapatid pero pinapangako ko na lagi ka naming babantayan at gagabayan. Lagi mong tatandaan , mahal na mahal ka namin." binigyan muna ng reyna ng isang matamis na halik ang anak bago ito tuluyang pumasok ng portal.

Nagising naman ang Prinsessa at unti-unti nitong iminulat ang kanyang mga mata.

"Ama , Ina!!! Mga kapatid ko!!!" sigaw nito at pilit na nagpumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Tress. Habang unti-unti namang lumiliit ang imaheng kanyang nakikita. Ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nakikipag-laban sa di niya kilalang tao. At sa hindi inaasahan ay nasaksihan nito kung paano kadaling pinaslang ng lalake ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #raidenxvi