👑Chapter 3 Himea Flare Thwart👑

(A/N:ito po yung sitwasyon ni Flare habang nasa labas pa lang ng sina Via.)

~Flare POV~

Nasa kalagitnaan ako ng pagpeperma ng mga papeles sa opisina ko ng bigla akong nakaramdam ng mga malalakas ma presensya. Sa tansya ko ay anim silang lahat. Pero binalewala ko na lang dahil bigla na lang din itong nawala. Maya maya pa ay biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." sabay bukas ng pinto at pumasok si butler Simon.

"Young Lady, may mga naghahanap po sa inyo baba." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Who are they and what do they need?" I asked him with full of curiosity.

"They are six persons, Young Lady. And they are your friends." mas lalo akong naghinala sa sinabi ni butler Simon.

"Ok. I'll just finish this then I'll go down stairs." agad naman siyang nag bow at lumabas na ng opisina ko. Sino naman kaya ang mag naghahanap sakin sa baba at anong kailangan nila sakin?

~Via POV~

Nasa labas kami ngayon ng malaking gate ng mansyon ni Flare at kanina pa manghang mangha sa nakikita sina Feint. Tss. Parang bata talaga.

"Sigurado ba kayong dito nakatira yung kaibigan niyo?" seryosong tanong ni Kin.

"Yup! Dito siya nakatira." sagot ko sa tanong niya.

"Wala paring pinagbago." mahinang sambit ni Amenity pero sapat na para marinig naming lima.

" What do you mean?" tanong ni Charlatan habang nakaharap sa gate ng mansyon.

"Ang ibig kong sabihin. Hindi parin nagbabago ang lugar na toh. Maganda parin tulad ng dati." nakangiting sabi ni Amenity.

Tama nga siya. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na toh. Halos 2 years na nung huli namin itong nakita.

Maya maya pa ay nabaling ang atensyon namin sa isang lalake na papalapit sa amin. Nakasuot siya ng butler attire at sa tansya ko ay  6 footer siya. He have this pair of brown eyes and gray hair. Sa tingin ko rin ay mga nasa mid 30's na siya.

"Uhm, excuse me ma'am, sir pero sino po sila at ano po ang pakay niyo rito? Kanina ko pa po kasi kayo napapansin dito sa labas ng gate." he said with a tone of curiousity on his voice.

"Ah, pasensya na po pero nandiyan po ba si Flare?" napakunot siya ng noo at mukhang dahil sa naring niya ang pangalan ni Flare.

"Pasensya na po pero sino po sila at ano ang pakay niyo kay Young Lady Flare?" mukhang mas humigpit ang security nila dito ah.

"Ah, mga kaibigan po kami ni Flare. Nagkakilala po kami 2 years ago." paliwanag ni Amenity. Mukhang ayaw maniwala ng isang to.

Maya maya ay may dumating namang isang lalake na naka butler attire din. Kulay blue ang mata niya at itim naman ang buhok niya at mukhang nasa mid' 40's na siya at superior siya nitong kaharap namin. Teka lang mukhang pamilyar sa'kin ang isang to.

"Kevin, anong nangyayari dito?" tanong ng isa pang butler na kakadating lang. Mukha talaga siyang pamilyar eh. Sino nga toh?

"May mga naghahanap po kasi kay Young Lady." magalang na sabi nito sa lalake habang tinuturo kami . Ng mabaling ang tingin ng lalake sa amin ay nanlaki ang mga mata nito at agad na yumuko sa harap namin bilang pagalang.

"Y-Young Lady Sachiko, Y-Young Lady Mizuno. A-Ano po ang ginagawa niyo dito at sino po ang mga kasama ninyo?" magalang na sabi ng lalake. Habang yung nakaharap naming butler kanina ay nanlaki ang mga mata.

"Butler Simon." sabi ni Amenity.Ah! Tama si butler Simon nga 'to.

"Hi butler Simon! Long time no see! Si Flare po? Nasa loob po ba siya?" agad kong tanong sa kanya.

"Nasa loob po siya ngayon ng mansyon. Hali po muna kayo, pumasok po muna kayo. Ipagpaumanhin niyo na   ang inasta ni Kevin. Hindi niya na po kasi kayo inabutan dahil nakaalis na po kayo nung matanggap siya dito." pagpapaliwanag niya. Agad naman kaming pumasok ng gate at naglakad patungo mismo sa mansyon. Ah kaya naman pala hindi kami nakilala ngung butler na yun. Hindi rin nagtagal ay nakapasok na kami ng masion.

"Maupo po muna kayo. Sandali lang at tatawagin ko lang po si Young Lady Flare." sabay bow niya at tumango lang kami ni Amenity bilang sagot. Agad namang umalis si butker Simon. Habang yung tatlo naman manghang-mangha sa makikita at kumikinang pa ang mga mata na parabg mga bata. Tss , they'rw really hopeless. Si Kin? Ayon tahimik lang, walang pinagbago.

Maya maya pa ay may dumating na katulong at may dalang meryenda na nasa tray. Agad naman itong inilapag ng katulong sa center table kaya mas lalong kuminang ang mga mata ng tatlo. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik ba si butler Simon pero mag-isa lang siya.

"Young Ladies at Young Masters, susunod na lang daw po siya pababa dito dahil may tinatapos lang siya." napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni butler Simon. Hindi naman siya ganyan ka-busy dati.

"Sige po, hihintayin na lng po namin siya." nakangiting sabi ni Amenity.

Maya maya pa ay may narinig kaming mga yabag ng paa mula sa taas ng hagdan. Napatingin naman ang mga kasama naming lalake sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga yabag. Literal na napanganga yung tatlong ugok. Pffft... Ang epic ng mga mukha nila. Habang si Kin, ayun gulat lng pero agad ring bumalik sa blangkong mukha.

*sigh*

Hindi na talaga nagbago. Nang nasa baba na ang tunog ng mga yabag...

"What do you need and why did you came here at my mansion?" walang emosyon at tono ang pananalita niya.*sigh* Mas lumala siya ngayon.

"Bakit? Masama na bang bisistahin ang isang kaibigan?" nakangising sabi ni Amenity sabay tayo at humarap sa kanya.

"WAAAHHH!!! FLARE!!! NAMISS KITA!!!" sabay sugod ko sa kanya. Dadambahan ko na sana siya ng yakap ng  umiwas siya at pumunta sa tabi ni butler Simon kaya muntik na kong sumubsob sa tiles na sahig ng mansion. *pout*

"Tss, stop pouting Sachi-chan. You look like a duck." sabi niya sabay upo sa single sofa."

Eeehh! Hindi ka parin nagbabago." naglakad na ko pa  balik ng pwesto ko kanina at umupo ulit.

~Feint POV~

Shit! Ito ba yung sinasabi nina Via at Amenity na kaibigan nila? Fuck! Hindi man makita ang buong mukha niya ay masasabi ko parin na maganda siya. Ang hot niya rin sa suot niya. Nakasuot siya ng maong na short abot hanggang kalahati ng hita niya sweat shirt na medyo malaki sa kanya. Ah basta ang ganda niya. She's a goddess.

"Hindi ka parin nagbabago. Pili parin ang mga taong pinapakitaan mo ng mukha." rinig kong sabi ni Amenity kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Tss, you know the reason why. By the way, who are they?" sabay turo sa amin.

"They are our friends you can trust them, so you can show your face to them." sagot naman ni Via.

"Really huh? Butler Simon!" biglang tinawag niya yung butler Simon daw.

"Yes, Young Lady? Is there anything you need?" sabay bow nito. Fuck! Kailangan mag-english talaga?

"Contact my secretary and tell her clear my schedule for this day. Got it?" what?! Teka,ano ba ang ibig sabihin nito? siya ba ang may-ari ng bahay - este - mansion na 'to?

"Yes, Young Lady." sagot naman ng butler Simon saka ito umalis.

"Nga pala Flare, kamusta  ka na. ang tagal rin nating hindi nagkita." nakangiting sabi ni Via sa kanya. Shit! ang ganda niya talaga. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya.

"I'm fine and by the way who are they?" sagot nung Flare sa tanong ni Via sa kanya at  tanong din niya sabay turo sa aming mga lalake.

"Ah, sila ba? Mga kaibigan namin sila. Nga pala, busy ka ba?"  tanong naman ni Amenity.

"Hindi naman, bakit?" tanong naman pabalik ni Flare sa kanya.

"May hihingin kasi sana kming favor. Pwede sana kaming pagpatulong sayo. Kung pwede lang naman. Hehehe." alanganing tawa ni Via.

"Sure, what is it?" gods ba't ang lamig ng boses niya? Parang si Kin lang.

'I can read your mind, idiot.'

Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Kin sa utak ko. At saka ano raw ako? Idiot? Sa gwapo kong 'to?! Ako idiot?!

"Pwede ba kaming magpatulong sayong hanapin yung mga taong hinahanap namin?" nahihiyang tanong ni Via kay Flare.

Tumahimik naman ang paligid. lahat kami nakatingin kay Flare hinihintay kung ano ang magiging sagot niya.

**********************************************************

(A/N: hi guys! Finally nakapag update din ako. hahaha Sorry talaga kung napatagal ang paghihintay ninyo. Medyo naging busy kasi ako ngayon. nag o-ojt kasi kami ngayon. Hehehe kaya pagpasensyahan niyo na.

Enjoy reading guys

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #raidenxvi