Chapter 8 : Distractions

Sebastian

"Personally, I find their demands somewhat unreasonable, considering ours is supposed to be a partnership," Callie Holmes said. Nakatindig ito sa harap ng conference room na tanging ilaw lang mula sa projector ang nagbibigay ng liwanag. "Masyadong nagtatagal ang kalakaran."

Ilang saglit ang lumipas bago ko nakuha na patama sa akin ang komento nito. "Any suggestions?" I asked smoothly, hoping no one had noticed I'd been distracted.

"Tigilan na natin ang paliguy-ligoy." Humalukipkip ito. "Naiintindihan ko na gusto mong pahalagahan natin ang ilang aspetong pang-kultura pero naniniwala akong mas masisiyahan ang mga kaibigan natin sa China ng tuwirang pananalita."

"Ganoon?"

Ikiniling nito ang ulo sa kanan. "I'll be happy to take the lead in this, if only they'd take me as seriously as they do you."

"Dahil babae ka?" Nakangising banggit ni Elton Lowry.

The man had always been a jerk, I never liked him.

Pinaningkitan ito ni Callie. Bilang African-American, alam kong maraming kinaharap na kabastusan ang babae mula sa mga mas balahura pa kaysa kay Elton.

"Dahil hindi ako ang CEO," suplada nitong saad.

Nagpasiya ako. "Gawin mo," paanyaya ko rito. "Naroon ako sa conference call natin bukas pero ikaw ang magsalita. Next week, you and I are flying to Beijing."

"Hindi ba sila magtataka kung bakit ang EVP for corporate at hindi ang EVP for world services ang nakikipagnegosasyon para sa Mattheson?" Itinaas ni Elton ang isang kilay.

"Makikita natin. Sumama ka na rin, Elton. And make sure to pay attention to Callie in action," pagtatapos ko. Tinanguan ko ang mga naroon, at saka nagsitayo ang mga ito. Tapos na ang meeting.

"Mag-iimpake ako ng pulang damit," nakangiting sabi Callie.

Palihim ko itong sinulyapan. Matagal na kaming magkatrabaho at naiintindihan namin nang lubos ang isa't isa maging sa kilos lang.

Touché.

Parang nabasa ni Callie ang iniisip ko. Tigilan natin ang paliguy-ligoy. Nabuhay ang imahe ni Victoria sa isip ko, nakangiti ito sa akin habang binabagtas namin ang lansangan ng L.A. kagabi. Iyon ang pinagkakaabalahan ng utak ko habang tinatapos ang report ng Executive Vice President. I remembered how Victoria looked lying on my couch, her hair spread out like spilled wine around her face as she slept.

May nakahalata kaya?

Si Callie, malamang. Lahat na lang napupuna nito.

"May problema?" Tinanong ako ni Frank Mallory nang makabalik ako ng opisina. "Sorry, akala ko mas magtatagal pa ang meeting mo."

"Maayos naman lahat, Frank." Naupo ako sa harap ng desk. May tatlong bagong dokumento ang nakalatag doon mula umalis ako isang oras pa lang ang nakalipas. Bahagya ko na lang binasa ang mga ito habang nilalagdaan.

Victoria's laugh was like the rich tones of a church bell. Deep, and a little husky.

Ano kayang ingay ang mamumutawi rito kapag nagtalik kami? Ang mga maaari kong gawin para marinig itong umungol. Parang naririnig ko ang boses niya kapag tinawag niya ang pangalan ko.

"Aalis ako in five minutes," pahayag ko habang pinipirmahan ang huling kontrata. My voice sounded ragged. I cleared my throat. "I'll be back at six."

Victoria

Isa pang araw, naisip ko.

Kalahating oras pa lang ako sa shift ko nang makabungguan ko si Rach na may dalang isang tray ng burgers at shakes. Mabuti na lang kakaiba ang balanse nito at kaunting tilamsik lang ng chocolate milk ang natapon sa tray. Lamang napangiwi ako sa mapang-akusang tingin na itinapon nito sa akin bago lumayo.

Tapos mayroon pang dalawang pagkakataon na sumobra ang pagsalin ko ng kape sa tasa ng isang customer kung kaya't lumigwak ang mainit na likido sa mesa.

"What's the matter with you today, Vic?" Binulungan ako ni Mabel nang makita nitong nasita ako ng isa sa mga customer. Isang iritableng babae na may kasamang paslit at sanggol.

"Just a little distracted, I'm sorry," I said.

"Boy problems, huh?" Kinindatan ako nito.

"Hindi naman," pagsisinungaling ko. Maghapon nga akong natutulala, iyon ang totoo. Pero wala naman ako gustong ibalita tungkol sa kadahilanan bakit ako nagkakaganoon. "Problema sa kabilang trabaho."

May katotohanan naman iyon.

Panay ang balik ko sa panaginip ko noong Martes ng gabi. Ginising ako ni Sebastian sa pamamagitan ng isang halik. Mga kamay nitong walang patlang sa paghaplos sa katawan ko habang inaangkin ang mga labi ko. His body pressed against mine.

Nangilabot ako sa alaala.

Hindi alaala, itinama ko ang sarili. Alaala ng panaginip.

Habang nililigpit ko ang mga basag na piraso ng tasang dumulas mula sa hawak kong tray, sinabi ko sa sarili kong huli na ito.

Tigilan na ang pagpapantasya sa among hindi matatamo. Tama na ang kagambalahan.

Kung hindi ko iaayos ang sarili, mawawalan ako ng trabaho rito. Baka pati iyong trabahong iyon din, mawala. God only knew what kind of trouble I'd get myself into if I didn't stop panting after my boss.

Isang araw pa, naisip ko. Bukas, tapos na ito. Darating ako sa trabaho at magpapaka-propesyonal at walang kailangang masisante.

Itinapon ko ang bubog sa basurahan sa likod ng counter.

"Hey, Slade," tawag ni Rach sa akin. "Hinahanap ka n'ung lalaking 'di ka kilala."

Bumaling ako, hawak ang walis. Ilang beses akong kumurap para siguruhing hindi ako nananaginip nang gising.

Nakatayo si Sebastian kaharap ko. Nakasuot ito ng dark blue suit, at napakalapit nito, nalalanghap ko ang pabango nito.

"Busy?" he asked.

Tiningnan ko ang hawak kong walis. "Masasabi mo ngang ganoon."

"May kailangan tayong puntahan."

Magulo ang buhok ko.

Kailangan talaga iyon ang una kong maisip.

"I'm sorry?" Sabi ko sa halip.

"We have unfinished business, Ms. Slade. Naalala mo ba kagabi?"

"Ibig mong sabihin..." Nanlambot ang tuhod ko sa takot.

"Oo," sang-ayon nito. "Pwede mo itong i-postpone hanggang gusto mo, but I am a man who would much rather deal with work...issues as soon as possible."

"Please, Mr. Chase." Sinikap kong hinaan ang boses ko. Ayokong marinig ni Mabel o ng kahit sinong malapit sa amin ang anumang masasabi sa pagitan namin ng isa pang boss ko. "'Wag sana ngayon."

"Sasama ka sa akin. Ngayon na. Pwede kang maglakad palabas, o pwede kitang kargahin na parang sako ng bigas. Mamili ka."

Napalunok ako. "Maglalakad na lang ako."

I realized I should have known Sebastian wouldn't just let this go. At ngayon may gagawin itong  ni hindi ko pinangarap na gawin nito. Isang bagay na kinatatakutan ko. Isang bagay na hindi ako handa, panigurado.

Sebastian

"Ms. Slade, one would think you were about to get a root canal," sabi ko kay Victoria nang mapuna kong panay ang pahid niya ng mga palad sa gilid ng kupas nitong pantalon.

Iniwasan kong pansinin kung paano kumukurba ang likod nito paibaba sa mahubog nitong puwitan. O kung paano nakahulma sa bawat kurba ng katawan nito ang suot na jeans sa paraang humuhulma ang damit sa may-ari nito. Tulad ng suot nitong shirt kahapon. Maliit ng isang size iyon at tila gustong kumawala ng malulusog nitong dibdib mula sa tela tuwi itong hihinga.

Kailangan kong bumili ito ng isusuot na mas maluwag. Sa lalong madaling panahon. Siguro doon ko mapipigil ang pag-iisip kung ano'ng hitsura nito nang walang kahit anong saplot.

Maybe a sweater. A really loose one. Or those man-sized shirts.

"Ganoon ba ka-obvious?" Tanong ni Victora.

Inihatid kami ng nakangiting saleswoman sa isang pribadong silid sa Barney's. "Ms. Williams will be with you shortly," anito bago kami iwan.

"Hindi ko naiintindihan," sinimulan ko. "Karamihan nga matutuwa pa sa pagbili ng bagong damit. Sinabi ko namang ako ang magbabayad."

"Hindi iyon..." Tila hirap itong naghanap ng salita para maipaliwanag ang ibig. "I always feel like I'm making the wrong choices when picking clothes." Tumawa ito. "Pagdating ko sa bahay, habang nagsusukat, mare-realize ko na mali 'yung nabili ko at nagsayang ako ng pera."

"Pera ko naman ang sasayangin natin." sabi ko. "And anyway if you don't want to make the choices yourself, we'll have Deborah make them for you."

_______________________________

Translation by Edith Joaquin

Chapter 9 — Coming on Monday, 19 September 2022!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top