Chapter 6 : Hatid
Victoria's POV
"Pasensiya na," sabi ko rito. Katangahan kung mawalan ako ng trabaho dahil lang ipinilit ko na nag-aalangan kong bilhan ako ng damit ng amo ko. "I will do as you ask, of course."
"I wasn't asking," sabi nito.
Wala na yata akong nasabing tama dito. "Hindi nga. Oo nga naman. Sorry."
Pikon na nagbuntong-hininga si Sebastian. "Hindi mo ako kailangang magustuhan, Ms. Slade —"
"Hindi ko naman sinabi —"
"But if you deliver results, baka mapagtiyagaan ko na nasa pamamahay kita."
"That's... good. I guess." Pagtiyagaan. Wala talagang preno ito, ano? Matipid ang ngiti ko. "Mayroon pa?"
"Sabi ni Mrs. Sellers nasa oras ka today, which is a promising start," anito. "Pero gusto kong malaman kung ano'ng palagay mo kay Benson."
"Benson is wonderful," balita ko. Laking pasalamat ko sa pag-iiba ng pinag-uusapan. "Matalino siya at marunong mag-focus. At bukas siya sa mga bagong kaalaman at karanasan." I really wanted to gush about the boy. Gusto kong sabihin sa amain nito, "He's adorable and the kind of student most teachers probably dream about," pero sa puntong iyon baka lumabas na nagpapa-good shot lang ako sa lalaki.
"At ano namang ideas at experiences ang naiisip mo?"
Saglit akong nag-isip. "He should widen his horizons a bit. Mahilig siyang magbasa kaya lang 'yung mga libro niya puro classics na sinulat ng mga puti na patay na. Wala namang mali sa pagbabasa kay Dickens at Twain pero baka pwede niyang subukan magbasa ng L.M. Montgomery o Yoshiko Uchida. At sa mga napag-usapan namin, mukhang mag-eenjoy siya sa mga libro ni Jacqueline Woodson."
Tumango si Sebastian. "Bahala ka na." Tumayo ito. "'Yan na muna sa ngayon. Makakauwi ka ba nang maayos?"
Mabilis akong tumayo. "Oo, ah..." Sinulyapan ko ang suot kong relo. Ala una na ng umaga. Shit. Lagpas na ako sa window. Wala nang bus hanggang alas dos, ibig sabihin, isang oras akong maghihintay sa bus stop. Mahal naman mag-taxi.
"May problema ba?"
"Wala," siniguro ko rito.
Duda pa rin ito. "Ikukuha ba kita ng Uber?"
"Hindi!" Napangiwi ako sa lakas ng pagtanggi ko. "No, thank you. Ako na'ng bahala." Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa mesa.
"Late na," sabi nito. "Ligtas naman dito pero mas kampante ako na hindi ka maghintay sa labas ng masasakyan. Ala una na."
"Magba-bus lang sana ako."
"Ng ganitong oras?"
"Oo naman. Okay lang 'yan. Good night."
❖
Sebastian's POV
Nahabol ko si Victoria bago siya makalabas.
"Ihahatid na kita sa main road," alok ko.
"Ha?" Halatang gulat ito. "'Wag na, 'di naman kailangan."
Aaminin ko, nagi-guilty ako: 'yung mag-isa itong maghihintay ng bus sa labas samantalang lagpas hatinggabi na. It was worrying. Naghintay pa ito ng ganito ka-late para makauwi ako.
"I insist. Dito ang garahe."
Ginamit ko ang Bentley. Bihira ko iyon gamitin pero 'yun lang ang convertible na kotse ko. Naisip kong baka magustuhan niya iyon, kahit hindi naka-top down.
I wouldn't have been able to tell if she did anyway. Mukha itong kabado, at kahit sanay akong makitang kabado ang mga nasa paligid ko, inisip kong sana mag-relax naman ito kahit kaunti. It was hard enough trying not to stare at her eyes or her body, without her looking like she would jump out of her skin if I so much as touched her hand.
"Nagmamaneho ka ba?" Tinanong ko ito nang makasakay kami.
"Dati. Wala na akong kotse ngayon."
Susundan ko sana ang pagtatanong pero hindi ko itinuloy. Masyadong personal iyon. "Baka kailangan mong ipagmaneho si Benson sa ilang school activities minsan. Palagay mo kaya mo itong sasakyan?" Pinanood ko itong magsuot ng seatbelt. Maliit ang mga kamay nito. Mukhang napakalalambot.
"Masyadong mamahalin ang kotseng ito, Mr. Chase. Hindi ko siguradong kaya kong pagkatiwalaan ang sarili kong imaneho ito."
"Ipagmamaneho mo ang anak ko. Palagay mo mas mag-aalala pa ako sa sasakyan?"
Bumaling ito ng tingin sa akin. "Oo nga naman. Mas mag-aalala ka kay Benson."
Nagmaniobra ako palabas ng garahe. "Kaya mo ba siyang ipagmaneho?"
"Kaya ko."
Nagustuhan ko ang kumpiyansang narinig ko sa boses nito. "Then trust yourself to drive the car. It's just a car."
Ngumiti ito. "Tama ka nga naman."
Nakipagtalo na ito tungkol sa pagbili ng mga bagong damit, pasalamat ako't hindi ito nakipagtalop pa tungkol sa sasakyan. "That's a first."
"Anong first?"
"Unang beses na sumang-ayon ka sa sinabi ko."
Nanatiling tahimik si Victoria. Wala ni isa sa aming nagsalita hanggang makarating sa bus stop.
"Wala akong nakikitang bus," sabi ko matapos sipatin ang daan.
"May parating mga alas dos," sabi nito habang kinakalag ang seatbelt.
"That won't be for another ..." I looked at my watch. "Forty minutes."
"Okay lang. Makakapaghintay naman ako."
Nampucha. "Isuot mo ulit 'yang seatbelt mo, Ms. Slade."
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong nito, buo ang pagtataka sa mga mata. "Nandoon ang bus stop."
"Ihahatid na kita."
"Hindi naman nga kailangan —"
"Papunta na tayo doon, Ms. Slade. Seatbelt, please."
Sumunod ito. "Sa ... um ... sa Calista ako nakatira," banggit nito.
"34 Fenton Street. Alam ko." Nagsisi ako matapos ko ibulalas iyon. Was it inappropriate for me to know where she lived? Siguro naman hindi. Alam nga nito kung saan ako nakatira.
"Kabisado mo ba ang address ng mga empleyado mo?"
"'Yung mga pinagkakatiwalaan ko sa anak ko, oo."
"Alam mo... kung sino ang kasama ko sa bahay?"
Oo, alam ko. "Bakit ko naman malalaman?"
"Naisip ko lang na pina-background check mo ako."
"Nicolette West. Magkasama kayo sa kolehiyo." Sumulyap ako rito. "Siyempre, pina-background check kita." Hindi ko lang inamin na tinanggap ko na siya bago nangyari ang background check. Dahild 'di ko naman inasahan na makita ito ng araw na iyon sa coffee shop. Hindi ko inasahang malaman bakit ito na-late sa interview.
"Gaano karami ang alam mo?"
Hindi naman ito tunog defensive, nag-uusisa lang. As a man who ran a banking conglomerate, I wasn't used to talking to people who weren't keeping something from me — an agenda, a deal with a rival company, a desire to take my position someday.
"Sapat lang."
When we stopped at a red light, I saw her look around the car appreciatively. "Nagmamaneho ka ba na nakababa ang bubong?" tanong nito.
Pinindot ko ang buton para tumiklop ang bubong.
Malamyos ang malamig na hangin nang muli kaming umandar. Hindi ko makita ang mga bituin pero marikit ang halos buo nang buwan at nakakaakit ang liwanag sa abot-tanaw. Humugot ako ng malalim na hininga. Pakiramdam ko...napakabata ko ng mga sandaling iyon. Tonight I wasn't an overworked CEO of a large bank, but a young man taking a beautiful woman out for a drive.
Tiningnan ko si Victoria.
Nakapikit ang mga mata nito, may maliit na ngiting naglalaro sa mga labi. May ilang hibla ng buhok nitong nagsasayaw sa hangin at hinahaplos ang mukha nito pero hinahayaan lang nito.
"Mas mabuti ba ang ganito?" tanong ko habang binabalewala ang kakaibang sikdo sa sikmura ko.
Nagmulat ito. Mukha itong nagulat na nakatingin ako rito. "Ah, oo," tugon nito na tila napahiya. "Pero gusto mo ba na naka-top down? Hindi ko naman hinihiling na—"
"Palagay mo ba may ginagawa akong hindi ko gusto?"
"Oo nga naman. Salamat talaga sa paghatid sa akin, Mr. Chase," anito.
Tumango lang ako. "I appreciate you waiting up for me," I said, after a pause. "May conference call ako na late natapos." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag. Sa iilan ko lang ginagawa iyon.
"Naiintindihan ko naman. Alam kong busy ka."
"Mahalaga rin naman ang oras mo. Wala ni sino ang dapat nag-aaksaya ng panahon kahihintay sa iba."
"Minsan, kailangan," may paghangad nitong sabi. "Sometimes it's worth it."
Nilingon ko ito. Ano'ng ibig nitong sabihin?
Ngumiti ito. "Takot ko lang masisante kung 'di kita hihintayin."
"Pero hindi mo naisip na baka sisantehin kita dahil 'di ka namili ng mga damit tulad ng inutos ko."
"Hindi ko naman inisip na seryoso ka tungkol doon. Don't get me wrong," dagdag nito nang pagtaasan ko ito ng kilay. "Gagawin ko naman. Sinabi ko na'ng gagawin ko."
She fingered the sleeve of her blouse thoughtfully. Gusto kong sipain ang sarili ko. I must have made her feel terrible, insulting her clothes. No one deserved that. Alam kong maswerte ako na mayroon ako ng kung ano'ng mayroon ako. Hindi kailangang hangarin ang maging mahirap, pero walang dapat mahiya sa pagkatao nila.
Sa bahay kanina, halos pinagalitan ko ito sa pagsuway pero hindi naman dahil sa damit niya kaya ako nainis. Nagagalit ako sa sarili ko sa naisip ko habang pinanonood ko itong natutulog.
I wanted to touch her face, and her hair.
I wanted to kiss her.
___________________________
Translation by
Chapter 7 — Coming on Monday!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top