Chapter 5 : While You Were Dreaming

Victoria's POV

"So basically Christopher Columbus was a horrible person," Benson said. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ng bata kaharap ko sa mesa. Ganoon na ito mula pa nagsimula ang session namin dalawang oras na ang nakalipas.

Kaya napapatuwid din ang likod ko kahit nakakapagod. Nakakahiya naman na hukot ako samantalang perpekto ang posture ng aking estudyante.

"Oo," sang-ayon ko. "Hindi iyan itinuturo sa school, ano?"

Umiling ito.

"Sabagay, hindi naman nasasaad sa history ang buong katotohanan," sabi ko. Inisip ko kung masamang ideya ang salungatin ang itinuturo ng mga guro nito ngayong unang araw ko sa trabaho.

"Eh bakit namin pinag-aaralan ang history?"

"Magandang tanong 'yan." Natuwa ako. Matalino nga si Benson. I was not going to hate this job. "I think pinag-aaralan natin ang history para matuklasan natin ang ilang katotohanan tungkol sa atin mismo. Kahit naman kasinungalingan, may sinasabi sa atin."

Nakakapagtaka kung paanong kamukhang kamukha ni Benson si Chase. Kulay blond lang ang buhok ng bata, pero kapareho ng mga mata nito ang sa tiyuhin. At 'di ko rin mapagtanto kung ano ang kakatwang naramdaman ko nang malaman na pamangkin lang pala ni Chase ang bata, hindi anak. Hanggang nabanggit ng assistant ni Chase, inisip kong anak nito si Benson, at may Mrs. Chase sa eksena.

"Ano kaya ang sasabihin ni Mr. Everett kung itatanong ko rin 'yan sa kaniya?" Tumungo si Benson para sulyapan ang libro.

"Ikuwento mo sa akin."

Umangat ang tingin nito sa akin at saka sumimangot. "Palagay mo tama na itanong ko?"

"I think...you should never be afraid to ask questions. Kung taos sa puso mo." Madalas akong napapagalitan noong mag-aaral pa ako dahil sa pagiging matanong pero hindi ko iyon pinagsisihan ni minsan.

"'Yan na yata ang last para sa linggong ito." Nagkibit si Benson at isinara ang libro. "Gusto mong pasadahan na natin 'yung para sa next week?"

"Ay, hindi na. Tama na 'yan for tonight. Mag-dinner ka na. Tapos na rin naman ang homework mo, pwede ka nang mag-Playstation o anuman."

"Hindi ako naglalaro ng games."

"Ayaw mo?"

"Hindi ako nagkaroon ng Playstation. O ng Xbox."

"Ayaw ng uncle mo na naglalaro ka?"

"Hindi naman. Hindi lang napapag-usapan."

Tinulungan ko itong magligpit ng mga libro. "May Playstation ako," balita ko dito. "Masaya mag-games, at saka magandang pampa-relax."

"Parang medyo matanda ka na para maglaro." Malawak ang ngiting iginawad ni Benson sa akin.

Ginantihan ko ang ngiti nito. "No one's ever too old for fun, kid." I paused, thinking. "Alam mo, minsan siguro dadalhin ko 'yun dito. Cool 'yung bagong Tomb Raider. Pwede tayong maglaro ng ilang round."

"Okay."

Pinaningkitan ko ito. "Gano'n lang? 'Di ka muna magpapaalam sa uncle mo?"

"Bakit pa? 'Di ba he hired you as my tutor?"

"Oo?"

"Eh 'di ibig sabihin may tiwala siya na hindi mo ako tuturuan ng mali." Maldito rin ito. "Tsaka kung di ko naman magustuhan, pwede naman ako tumigil."

"Totoo naman." Lumawak lalo ang ngiti ko. Benson was so precocious, I had to restrain myself from pinching his cheeks.

To think I almost didn't get this job.

Weird pa rin. In-interview ako ni Chase pero sabi nito hindi ako ang hinahanap niya. Tapos bigla lang siyang nagpakita sa Foxhole na may job offer.

Kung hindi man mahilig sa games si Benson, baka ang uncle nito ang may hilig.

Noon kumatok sa pintuan ang kasambahay na si Mrs. Sellers. "Oras na ng hapunan. Victoria, makikisalo ka ba?"

Nag-alanganin ako. Nasa bahay ba si Chase? 'Di ko inaasahang makikisali ako sa family dinner.

"Okay lang ba?" tanong ko.

"Oo naman, halika na," untag ni Benson. "Late naman lagi umuuwi si Uncle Sebastian. Laging ako lang at si Mrs. Sellers."

"Oh." So I wasn't having dinner with my boss. "Sige."

Hindi ako sanay kumain kasama ang mga taong kakikilala ko lang, o mga anak ng iba, pero kampante naman ang hapunan kaysa sa ipinag-alanganin ko. Bihirang nagsalita si Mrs. Sellers na siguro'y mahigit animnapu na ang edad, ni si Benson. Pero laging sumusulyap sa akin ang bata na parang umaasa itong magsimula akong magkuwento. Na ginawa ko naman.

Pinag-usapan namin ang mga paborito niyang subjects sa school, at anong sports ang gusto niya. He was polite, and I found myself enjoying the boy's company.

Pagkatapos naming kumain, nagpaumanhin ang bata para makapagbasa bago matulog. Hiniling ni Mrs. Sellers kung pwede akong maghintay hanggang makauwi si Mr. Chase dahil gusto raw muna akong kausapin nito.

"Sa study ko siya hintayin?" Tanong ko sa nakatatanda.

"Baka mas gusto mo sa sala?" alok nito. "May TV yung nandito sa floor na ito kaya 'di ka mabo-bore."

"Oo, sige. Salamat."

Napakalaki lang naman ng bahay ni Sebastian Chase. Tatlong palapag na nahahati sa dalawang bahagi. Sigurado akong magkakasya ang sandosenang kuwarto sa isang palapag niyon. Paniguradong higit sa isa ang living room ng bahay, at ayon kay Mrs. Sellers 'yung nasa first floor lang ng main wing ang may TV.

Nahanap ko ang channel ng mga lumang pelikula at maswerte akong palabas ang isa sa mga paborito ko na Humphrey Bogart. Naupo ako sa sofa na may kutkuting maliliit na cake at softdrinks na dinala ng kasambahay para sa akin.

Masarap 'yung mga cake. Sabi ni Mrs. Sellers madeleines ang tawag doon, at kagagawa lang nito ang mga iyon ng hapong iyon. 'Di ko maalala kung nakatikim na ako noon sa tanang buhay ko, pero masaya akong bumuntong hininga habang kumakagat ng pangalawa ko nang piraso. I could definitely get used to this.

Paano kaya maging napakayaman na may kasambahay kang nagbe-bake ng maliliit na French cakes kahit kailan mo gusto? Kung sana hindi ko kailangang magluto ng sarili kong hapunan, o maglaba, baka natapos ko na ang nobelang sinusulat ko sa loob lang ng isa o dalawang buwan. Atrasado na para ipanganak ako sa isang mayamang pamilya, at malaki ang duda ko na may long-lost aunt ako na 'di ko pa nakikilala na iiwan sa akin ang yaman niya dahil wala siyang tagapagmana. Wala rin mana akong ilusyon na yumaman balang araw. Iilan lang ang milyonaryong manunulat.

But I loved writing. Wala akong ibang naiisip na gawin. At sanay naman akong maging mahirap. Alam kong may kaligayahan, mabubuting kaibigan, at pag-ibig na makukuha pa rin ako kahit kakaunti lang ang pera ko.

Natapos ang Key Largo mga alas diyes na, at 'di pa rin nakakauwi si Mr. Chase.

Inaantok na ako pero siniguro ko kay Mrs. Sellers nang sumilip ito mga fifteen minutes kanina para sabihin sa aking nasa opisina pa ang amo pero malapit na itong umuwi, na okay lang sa akin maghintay. After all, the man was paying me more than what I made for a full day at the coffee shop for only a couple of hours tutoring Benson. I could wait up for him this once.

Sebastian's POV

Hatinggabi na nang makauwi ako. Pagod na pagod. One hour ago lang natapos ang conference call sa China na mabuti na lang nagbunga nang husto. Matutuwa ang mga company director sa board meeting sa susunod na buwan.

Hinubad ko ang suot na jacket at isinampay iyon sa isang upuan sa tabi ng pinto. Hindi pa tapos ang araw ko. Isa pang meeting ang kailangan ko harapin bago makapagpahinga: Kailangan kong kausapin ang bagong tutor ni Benson. Hindi ko sigurado kung nakauwi na ito lalo at tatlong oras na akong atrasado sa pag-uwi.

The housekeeper would have gone to bed an hour ago, so most of the lights were turned off. Sapat lang ang ilaw na nakabukas pa para hindi ako madapa papuntang first floor living room kung saan naka-on pa ang television. Tanaw ko ang likuran ng sofa pero wala namang nakaupo roon. Buong pagtataka akong lumapit para kunin ang remote control at patayin ang aparato at doon ko nakitang himbing na himbing sa pagkakatulog si Victoria.

I caught my breath.

Batid ko na nakakaakit ang dalaga. Pero wala akong planong habulin ito. Wala iyon sa usapan kung kaya't wala rin akong balak ipakita, lalo na ang ipadama ang atraksyon ko rito hanggang malagpasan ko ang nararamdaman. At sigurado akong mawawala ang nararamdaman kong ito.

Hindi nga lang ako handa na makita ito nang ganoon – such a vulnerable position in my house, in my living room, lying on my couch. I felt a slight tinge of possessiveness — and a strong urge to kiss her awake.

Her white blouse looked well worn, and it seemed a size too small. It was so tight it accentuated her breasts — which heaved whenever she inhaled. And it was so short, every breath she took lifted its hem enough to show a tiny bit of her skin above the waist of her jeans.

Napamura ako sa isip. Titig pa rin sa natutulog na dalaga, kinalag ko ang suot na necktie at inalis sa pagkakabutones ang kwelyo ng suot kong pang-itaas.

Victoria's POV

Naramdaman ko nang naroon si Sebastian bago pa man ako magmulat ng mga mata. Bahagyang uminit ang paligid at naroon ang samyo nitong nanunukso ng aking kamulatan.

Lumapat ang mga labi niya sa akin at nagliyab ang pagkatao ko mula sa tuktok ng ulo pagapang sa likuran. Kusang lumiyad ang katawan ko hanggang dumikit ang dibdib ko sa dibdib nito nang ihaplos niya ang palad mula sa aking balikat hanggang sa pigi. Agad kong naramdaman ang paglapat ng bigat nito sa akin, at ang paglalim ng halik nito.

I moaned softly. I parted my legs, and slid each one up against his to wrap them around his thighs. He moved his hands up my waist until they reached my breasts. His thumbs gently caressed my nipples.

Ano'ng nangyayari?

His tongue was persistent in its exploration of my mouth. At dahan dahang nawala ang pag-aalanganin ko, nalunod sa malakas na kabog ng puso ko.

Hinahagkan ko ng isang napakagandang nilalang, 'yun ang ginagawa ko. At hinahayaan ko siyang halikan ako, haplusin ang katawan ko —

"Ms. Slade," tawag ni Sebastian sa mababa at mahinang boses.

Tutugunin ko na sana siya pero magkalapat pa rin ang aming mga labi.

Sandali.

Kung hinahalikan niya ako, sino'ng nagsasalita?

Pinilit kong magmulat.

"Ms. Slade!"

Nagising ako, gulat na naalala kung nasaan ako. Napabalikwas ako ng bangon...

... at natagpuan ang sariling kaharap si Sebastian Chase.

He was sitting in a chair a few feet in front of me, both arms on the arm rests. Staring at me. He had no jacket, and his shirt cuffs were unbuttoned. His tie was missing.

Mukha itong galit.

"Susmaryosep, pasensiya na, Mr. Chase" Dali-dali akong tumayo. Hinigit ko ang laylayan ng aking pang-itaas para umayos ang pagkasuot ng damit kong nagusot na sa pagkakahiga.

"Maupo ka."

"Uh, yes, sir." Sinunod ko ang utos nito.

I was mortified, to say the least. Unang araw ko sa bagong trabaho at nakatulog ako sa sofa ng boss ko. Namula ako nang maalala kung ano ang panaginip ko. Diyos mio, hindi ko naman siguro binigkas nang malakas ang pangalan niya, 'di ba?

"Ano iyan?" tanong nito.

"I'm sorry?"

"'Yan..." dinuro niya ako. "'Yang suot mo."

"Damit ko. Ano'ng ibig mo sabihin?"

"Hindi ba binigyan kita ng instructions na bumili ng mga bagong damit bago pumasok sa trabaho?"

"Mr. Chase, hindi naman kailangan —"

"Hindi ikaw ang may desisyon kung ano ang kailangan o hindi, Ms. Slade. Empleyado kita at ako ang magsasabi ng dapat o hindi sa lahat ng aspeto na kaakibat niyon habang ginagawa mo ang trabaho mo."

"Tutor ako, Mr. Chase. Walang kinalaman ang suot ko sa ginagawa ko. Benson ..." Humugot ako ng malalim na hininga bago ako magalit sa walang kwentang hiling nito. "Benson and I had a great first session, and he was not ... disgusted at how I looked."

"Magalang ang anak ko. Kung may disgusto siya, hindi niya ipapakita."

"'Di tulad mo?"

Nabigkas ko na ang mga salita bago ko iyon napagsisihan.

Ano ba ang problema ko? Bakit ko iniinis ang taong nagpapasweldo sa akin nang malaki para sa isang maayos na trabaho? At bakit ba ang hot ng itsura nito kung galit?

Hindi ito nagsalita ng parang aabutin ng walang hanggan.

Susko, sisisantehin yata ako.

"Ipinupunto ko lang ang isang bagay na 'di katangga-tanggap sa iyo bilang empleyado ko." Pinalagpas nito ang naitanong ko.

"Pasensiya na, sir, pero kung 'di ako katanggap-tanggap sa iyo, bakit mo ako kinuha para magtrabaho dito?"

"Gusto mo bang pagsisihan ko ang desisyon kong iyon, Ms. Slade?"

___________________________

Translation by 

Chapter 6  — Coming on Monday!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top