Chapter 4: Tamis
Victoria
Napakaganda ng mood ko.
At antok na antok din. Four thousand words and naisulat ko sa manuscript ko kagabi, tuloy, alas singko na ng umaga ako nakatulog. Ilang oras lang iyon dahil kinailangan kong maglaba. Magda-dalawang linggo nang tambak ang labahin ko.
Four thousand words! Bihira akong ganoon ka-productive. Isang taon ko nang binubuno ang nobelang 'yan pero mabagal pa sa dilang mabagal ang pagsusulat ko. Maraming sabit. Pero ibang klase ang inspirasyon ko kahapon. Siguro dahil sa nangyari sa interview at pagkatapos, nakapag-bonding nang mabuti kay Nicolette na sa wakas, naharap kong wala talagang exciting na nangyayari sa buhay ko. Ano man iyon, umaasa akong magiging simula ng bagong writing streak para sa akin. Dalawang linggo rin ang lumipas mula nang huli akong nakapagsulat.
Sapat na sigurong bilang ng donuts ito, naisip ko matapos ilagay ang huling piraso sa cake display case. Hindi ko trabahong magluto, pero iba ang paggawa ng donuts. Dalawang oras ang ginugol ko sa pagpiprito nito, paglubog sa asukal, at ngayon, oras na para mag-asikaso ng mga customer.
"Lalabas na ako, Mack. Kaya mo na rito?" Nagpiprito ng kung ano si Ellis McClay sa kalan at nakatalikod sa akin. Kumaway ito bilang pag-ayon. Hindi talaga palasalita ang aming short-order cook.
Nginitian ko ito bago magtungo sa gawing likod. Doon ako nagsuot ng apron at saka nagpunta sa dining area.
Gulat na gulat ako nang mamataan ko roon si Sebastian Chase. Hindi dahil mukhang alanganin makita ito sa lugar – madalas namang puntahan ang Foxhole ng mga corporate types na nagtatrabaho sa malalapit na opisina — pero parang panaginip makita ito roon.
In a perfectly-tailored grey suit, he looked entirely like the busy businessman that he was, but not exactly. Medyo alanganin pero baka dahil lang iyon naiisip ko siya na ang background ay ang makintab na bakal at semento ng isang lugar na malayo ang pagkakaiba sa pagka-homey ng Foxhole. Iyong parang normal para dito ang maupo roon...talagang nakakataranta.
"May donuts pa kayo, ate?" nagtanong ang isa sa mga naraanan kong teenager bago ko na-realize na nakatulala ako kay Chase.
"Ay, oo naman. Ilan?"
"Dalawa," sabi nito.
"May iba pa?" Nagkakandarapa ang isip ko. Ano'ng gagawin ko? Lapitan ko ito para mag- "hi?" Para namang magkaibigan kami. At nasa trabaho ako.
"Nah. Donuts lang."
"Sandali."
Wala sa assigned section ko ang kinauupuan ni Chase. Ibig sabihin, 'di ko siya kailangang pagsilbihan. Pero makikita niya pa rin ako.
Should I smile? Nod?
Bumuntong-hininga ako. Kung ibang tao sana ito, hindi ako magkakaganito.
Kinuha ko ang in-order na donuts. Dinala ko rin pabalik ang coffee pot para mag-refill ng mga tasa. Dalawang order pa ang kinuha ko. Sa lahat ng ito, panay ang sulyap ko sa direksyon ni Chase para mahulaan kung nakita na ba niya ako.
If he had, he didn't give any indication so far that he recognized me. Nakaupo lang ito roon, umiinom ng kape at kumakain ng donut na parang sinaunang pagkain iyon.
"Alam mo, kung di ka titigil ng kakatitig doon, luluwa na 'yang mga mata mo," anang boses galing sa likuran ko.
Muntik na akong mapatalon.
"Oh. Hi, Rach." Sinikap kong 'wag mamula. Kasabay ko sa shift si Rach sa hapon. Bihira itong makipagkwentuhan, at kung tutuusin, mukhang suplada ito kadalasan.
"Hindi ko naman sinasadya," sabi ko. "Medyo kilala ko kasi."
"Eh, mukhang hindi ka naman niya kilala." Iyon lang at iniwan na ako nito.
Hindi nga, naisip ko.
Fair enough. CEO ng isang malaking bangko ito. Masyadong marami itong iniisip para maalala ang interview ng isang babaeng 'di naman nito binigyan ng trabaho. Ngayon kung makakapag-concentrate ako sa kasalukuyan kong trabaho para hindi naman ako masisante.
Nagtataka lang ako kung bakit ito nasa coffee shop. Ni minsan 'di ko pa ito nakita dito. Chase was a good-looking, imposing figure of a man — malamang matandaan ko ito. Naaalala ko nga bawat mag-asawa na nakatira hanggang mga dalawang kanto mula sa kapihan na dumaraan doon para mag-agahan bago pumasok. Pati mga assistant na nagtatrabaho sa mga opisina sa kalapit-gusali na bumibili ng kape at pastries para ihanda sa mga meeting, naaalala ko ang mukha.
Wala sa hilatsa ni Chase ang magkape at donut ng alas singko ng hapon ng simpleng araw nang walang hawak na cellphone o tablet man lang. Pero kahit na, isandaang kapihan ang maaari nitong pagpilian sa mas malapit sa opisina nito. Unless may nangyaring hindi maganda at kinailangan nitong mapag-isa? Sa isang lugar na malayo sa karaniwang pinupuntahan nito. Maybe an old coffee shop with good old-fashioned homemade donuts?
Puwes, mukhang 'di naman ito ganadong kumain. Naroon lang ang donut nito, naninigang sa platito.
Donut na gawa ko. Bakit kaya ayaw nitong kainin iyon?
Matapos kunin ang order ng dalawa pang mesa at habang nagre-refill ng bakanteng mga tasa, muli akong sumulyap sa direksiyon ni Chase. Kausap ito ni Mabel habang nagsisilbi ito ng sa palagay ko ay pangalawang refill. Hindi pa rin nito nagagalaw ang donut.
This was getting ridiculous.
Hinintay kong lumayo si Mabel at saka ako lumapit sa binata. Umangat ang ulo nito para tingnan ako pero hindi ito nagpakita ng pagkakakilanlan.
"Mukhang ordinaryo lang iyan pero masarap." Tinukoy ko ang donut habang nagpipigil mainis.
"Talaga ba." Sinulyapan niya ang donut, saka muling ibinalik ang tingin sa akin nang nakataas ang kilay.
"Oo. Gawa ko. Recipe ng tatay ko. At the end of a hard work day, it's just the thing to give you a little comfort. At di siya masyadong matamis kaya —" Tumigil ako nang kunin ni Chase ito at kagatin.
Marahan itong ngumuya. Parang hindi ito nasarapan, pero mukhang hindi rin naman nito hindi nagustuhan ang kinain.
"Well?" I looked at him expectantly.
"Masarap nga. Thank you, Victoria."
Naramdaman ko ang paggapang ng init sa mga pisngi ko nang marinig kong bigkasin niya ang pangalan ko. "Uh, y-y-you're welcome," bulalas ko.
Pabalik na sana ako sa counter nang muli itong magsalita.
"May iba ka pa bang damit?"
"Excuse me?"
"May iba ka pa bang damit, iyong ... mas mukhang disente kaysa doon sa suot mo sa interview kahapon?"
"Hindi ko alam ano'ng ibig mo sabihin—" simula ko.
"May mga damit ka ba na mukhang hindi pang-donate sa Goodwill ang ibig kong sabihin." Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, sa suot kong kupas na flower-print dress at sneakers. "Although from what you're wearing now, parang alam ko na ang sagot."
Shocked ako. Wala akong nasabi.
"Well?"
Nilunok ko ang bolang nabubuo sa lalamunan ko, pilit na pinipigalan ang galit na sumisikdo mula sa dibdib ko. "Unfortunately, Mr. Chase, I can't afford to buy a lot of new clothes. Ewan ko lang kung bakit ako nagpapaliwanag dahil wala kang pakialam kung ano'ng damit ko."
"May pakialam ako kung magtatrabaho ka para sa akin."
Baliw ba ito? Naisip ko. "Hindi ako —"
"May problema ba dito?" Narinig ko si Mabel mula sa likuran ko. Malumanay nitong nginitian si Chase bago ako binalingan nang may katanungan sa mga mata.
"Wala!" tanggi ko bago agad na nagdagdag, "Nag-uusap lang kami tungkol sa donuts."
Nginitian din ni Chase si Mabel. "Mabel, okay lang ba kung dadaluhan ako rito ni Victoria kahit sandali lang?" tanong nito.
"Hindi pwedeng sumalo sa iyo si Victoria, Mr. Chase." Pinigilan kong mainis. "She has to wait tables." Mahirap ipagbalewala ang kislap ng mga mata nitong sing-asul ng langit. Lalo lang akong nabuwisit dahil pati si Mabel natataranta na.
"Uh, oo naman..." sinimulan nitong sabihin.
"Call me Sebastian," paanyaya ng lalaki.
"Sebastian." Inulit ni Mabel ang pangalan bago bumaling sa akin. "Ay, 'wag ka na mag-alala, Vic, ako na ang bahala sa assigned area mo. Tutulungan ako ni Rachel." Kinindatan pa ako nito bago ako iwan kay Chase.
"Pero..." Ayaw ni Rach gumagawa ng pabor, tututol pa sana ako nang sumabad ang binata.
"Maupo ka, Ms. Slade." Wala na ang ngiti sa mga labi nito.
Wala akong alam tungkol sa lalaking ito pero gano'n na lang kung utusan ako nito at umaasang sumunod lang ako basta. Pero dahil ayaw ko ng eskandalo, naupo nga ako kaharap nito sa mesa.
"Pahiram ako ng notepad mo, please?" Inilahad nito ang palad.
Napalitan ng pagtataka ang inis ko. Inilabas ko ang notepad mula sa bulsa ng apron ko at iniabot iyon dito.
Naglabas ito ng fountain pen at nagsimulang magsulat. "Pagpunta mo rito, hanapin mo si Ms. Deborah Williams. Alam na niya kung ano'ng gagawin." Pinilas nito ang piraso ng papel at saka iniabot iyon sa akin.
Tinitigan ko 'yung sinulatan nito. Address ng Barneys sa Wilshire. At kung ano'ng palapag n'ung building. "I don't understand."
"Tindahan iyan, Ms. Slade," anito habang muling nagsusulat. "Tindahan ng mga damit."
"Alam ko kung ano ang Barneys," pikon kong sabi. "Hindi ko naiintindihan bakit ako pupunta doon."
"I will not have you enter my home in rags. Kailangan mo ng mga bagong damit bago ka magsimula sa Lunes. Padadalhan na lang ako ni Deborah ng listahan ng babayaran."
"Magsimula... Akala ko ayaw mo sa —" Napigilan ko ang sarili bago ko maibulala sabihing akala ko ayaw mo sa akin. "I thought you didn't think I was right for the job."
Ibinalik ni Chase ang pen sa bulsa bago ibinalik sa akin ang notepad. "Perhaps I had been a bit hasty," he explained. "Ise-set ng assistant ko ang appointment mo sa opisina bago mag-Byernes para makapag-submit ka ng ilang dokumento at makapirma ng ilang papeles."
"Ano ito?" tukoy ko sa mga isinulat niya sa itaas ng notepad.
"Ilan sa mga subjects ni Benson ngayong semester. Ipapadala ng assistant ko sa email mo ang buong curriculum, pero pwede mo nang simulan mag-research sa mga nakalista diyan."
___________________________
Translation by
Chapter 5 "While You Were Dreaming" — Coming on thursday!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top