Chapter 2 : The Donut-Scented Girl
Sebastian's POV
Cinnamon.
Matagal nanatili ang samyo nito sa maliit na looban ng elevator. Nakakabighani ang bangong iyon. Dahilan kung paanong matingkad pa rin sa isipan ko ang kislap ng ilaw sa makintab nitong buhok na mamula-mula. Sa pagkakatitig ko sa batok ng dalaga, sumagi sa imahinasyon ko kung ano ang pakiramdam niyon kapag sumayad sa palad ko.
"Sir, baka makalimutan mo." Napukaw ako sa pagmumuni nang iabot ni Frank sa akin ang isang mapusyaw na envelope. "'Yan 'yung cheke na pinirmahan mo kahapon para sa children's foundation. Alam ko namang ayaw mong dinadala ang checkbook mo."
"Salamat." Ibinulsa ko iyon sa jacket ko. Nagukas ang pintuan ng elevator at tumapak kami sa basement parking lot kung saan naghihintay sa amin ang isang limousine. "Pwede kayang i-drop off ko na lang ito sa reception?"
"Pwede naman. Pero mas nakakaengganyo sa ibang naroon na mag-donate din kung makikita ka nilang nakikipag-chikahan sa members ng hospital board habang personal na inaabot sa mga ito ang cheke. You'll have plenty of time after your meeting to get to the fundraiser. Sigurado kang 'di mo na ako pasasamahin sa meeting?"
"Kuwentuhan lang naman 'yun sa British ambassador, Frank. Mas kailangan ni Callie ang tulong mo para maghanda sa meeting next week para sa kontrata with Beijing. Hindi pa makaagapay 'yung bago niyang assistant, eh."
"Sige, sir."
Si Selene, isa sa mga bodyguard ko ang nagbukas ng pinto ng limousine. "Mr. Chase," bati nito nang lumulan ako.
Naupo ang babae kaharap ko. "How is your mother, Selene?" I asked.
"Maayos naman siya, sir. Thank you."
Tahimik kami sa byahe at minsan pa, lumipad ang isipan ko sa biglaang interview sa huling aplikante para sa tutoring job. Sayang ito. Maganda naman ang resume ng dalaga. Cum laude graduate of English at a respectable university. A master's degree in Comparative Literature. Bylines in the local papers. Hindi masasabing napakabongga pero mapapaisip ka sa mga sinusulat nitong sanaysay. Natatandaan ko ang nabasa ko mga two years ago: "Are we raising our sons to be boys or men?" at ito ang dahilan kung bakit ko siya isinama sa pagpipilian ng maaaring maging tutor ng anak ko. Sabi nito sa sulatin, tinuturuan ng lipunan ng 'di magandang kaugaliang panlalaki ang mga kabataan kung kaya't lumalaki ang mga ito na hindi handa sa mas tama, mas progresibong panahon sa pagtanggap ng gender equality.
Ganoon ako pinalaki at di ko iyon nagustuhan. My father, a patriarch — in every sense of the word — of an old Texas banking dynasty did his best to mold me, his oldest son, into his image.
Benson deserved better.
Nang mamatay ang ama ni Benson — ang kapatid kong si Eric — limang taon na ang nakakaraan, at pinayagan ako ng ina niyang ampunin ang bata, ipinangako ko na aarugain ko nang mabuti ang pamangkin ko. Sisiguruhin kong lumaki siyang may mas mabubuting katangian kaysa sa pinagtiisan kong matutunan nang tumatanda ako.
Sampung taong gulang na ngayon ang anak ko at bagaman malusog at masaya ito, ipinag-aalala ko ang kakulangan ng babaeng role model sa buhay nito. Nag-iisa akong anak, at malayong mag-asawa ako sa nalalapit na panahon. Inakala kong ang pinakamabuting paraan ay kumuha ng tutor na babae at kasama para dito. Benson was enrolled in the best private school, and the curriculum was challenging enough that most of their students required tutors.
Wala namang pagtatalunan pa kung tatanggapin ko si Ms. Slade. Walang kapatawaran sa akin ang pagiging late. Kung disiplinado ang isang tao, lalabas iyon sa bawat aspeto ng pagkatao nito. Ganoon ang kailangan ko para kay Benson.
Tatlo pa ang nakapila para sa interview. Sigurado akong makakahanap pa ng ibang trabaho si Ms. Slade kung saan mas mapapakinabangan ang talento nito at sa ngayon, hindi iyon bilang tutor ni Benson.
"Mahal na mahal mo ang anak mo. Sana makahanap ka ng nararapat para sa inyo."
I felt an emotion nearly overwhelm me.
Panghihinayang.
Matagal na panahon na mula nang huli ko iyong maramdaman.
❖
Victoria's POV
"Sabihin mo nga ulit sa akin bakit 'di ka sumubok mag-artista? 'Yan ang nagiging stepping stone ng maraming aspiring screenwriters," sabi ko sa best friend at roommate kong si Nicolette. "Tingnan mo sina Matt Damon at Ben Affleck. At si Sylvester Stallone."
Pinatirik nito ang mga mata sa nakakagiliw na paraang iilan lang ang nakakagawa. "Are you kidding me? Nai-imagine mo ba 'yung mga walang kwentang lines na pagtitiyagaan ko bago man lang ako makapagtrabaho sa isang okay na production?"
"Pinagdadaanan naman 'yan ng karamihan, 'di ba?"
"May pasensiya ang mga tulad nila," anito.
May punto naman. Hindi tipo ng tao si Nicolette na susuong sa isang bagay na 'di niya naman gaanong gusto. She was either all in or not at all. Ito ang dahilan ng tinatahak ng career nito: kumita ng limpak limpak na salapi bilang escort habang (sabi nito) tama pa ang hubog ng tumbong niya, hanggang maisapelikula ang mga sinulat niya sa bawat sinehan sa bansa.
Nakatambay kami sa kuwarto nito habang nanonood ng mga pelikula. Paborito naming gawin iyon. Bihira kaming magkasama dahil gabi kung magtrabaho si Nicolette samantalang sa araw naman ako, kaya naman sa mangilan-ngilang pagkakataong tulad ng gabing iyon na pareho kaming libre, sinisiguro naming ginugugol namin iyon sa makabuluhang paraan. Nagsasalo kami sa quiche na binili mula sa tindahan sa kanto, at nanonood ng Old Boy, isa sa mga pinakapaboritong pelikula ni Nicolette. Nakakapagkwentuhan kami dahil siguro nasa limampung beses na namin napanood iyon.
"Isa pa," dagdag pa nito, "alam mo bang paboritong pag-usapan ng mga kliyente ko ang sari-sarili nilang mga buhay?"
"Sabi mo nga." Tumawa ako habang inaalala ang mga nakwento nito tungkol sa mga nakaka-date nito, mula sa katawa-tawa hanggang sa nakakakilabot hanggang sa napakalungkot na lang. Inimbitahan pa siya ng isa sa mga lalaki na ipagluto ito ng Thanksgiving dinner dahil wala ito umanong kasama mag-celebrate. Dahil ni hindi makapagpakulo man lang ng tubig ang pobre kong kaibigan, nauwing sunog na turkey at malatang mashed potatoes ang naging handa nila pero naiyak pa ang 45-year old investment banker sa sobrang saya.
"Nasisilip ko ang buhay ng mga mayayaman, makapangyarihan, at paminsan minsa'y napakalulungkot na mga babae at lalaki ng Los Angeles," patuloy na kwento ni Nicolette. "It's the stuff great movies are made of."
"I love that I get to talk to you about these things," I said. "Wala naman kasi akong nakikilalang mayaman o may kapangyarihan. Well, hardly ever." Biglang sumagi sa isip ko ang asul na mga mata at maitim na buhok. "Ay, may na-meet nga pala akong ganoon today."
"Sa coffee shop?"
Umiling ako. "Job interview."
"Hindi ko alam na may job interview ka ngayong araw. Kumusta?"
"Hindi okay. Disastrous." Bumuntong-hininga ako.
"I'm sorry, sweetie," lumabi ito. "Makakahanap ka ng iba, panigurado. So, this guy interviewed you?"
"Yeah. Big shot sa Mattheson Bank downtown, sa corporate office. Late ako dumating."
Kumunot ang noo ni Nicolette. "Baka VP or CEO or something kung nag-iinterview siya ng tutor ng anak niya habang nasa trabaho."
"Palagay ko mas mahal pa ang kurbata niya kaysa sa suweldo ko ng isang buong taon. Anyway, talagang hinabol-habol ko pa siya para kumbinsihin na dapat niya akong kunin." Saka ako napangiwi. "Iyon yata ang pagkakamali ko."
"Kumandong ka sa kaniya?"
"Ha? Hindi 'no!" Tumawa ako. "Nakisakay ako sa private elevator kasama siya. Parang aatakehin sa puso 'yung receptionist."
"Parang 'di ko ma-imagine na kaya mong gawin 'yung gano'n, Vic." Pinaningkitan niya ako. "Was he hot?"
Tumango ako, kagat ang labi. "Oh my God, kaya ko ba siya hinabol?"
Humagalpak ng tawa ang bruha. I groaned, fell backwards on the bed and covered my face with a pillow.
"Alam mo, kung matagpuan mo ang sarili mong nanghahala ng hot bankers, baka senyales 'yan na kailangan mo na talaga ng sex. Like, soon," banggit nito.
"Alam ko!" My voice was muffled from the pillow over my face.
"Dalawang buwan na, babe." Hinablot ni Nicolette ang unan mula sa pagkakatakip sa mukha ko at saka nito inilapit ang sariling mukha sa akin. "'Di ka pa ba nakaka-get over kay Jason?"
"Ano ba? Hindi!" Sinubukan kong agawin ang hawak nitong unan pero inilayo iyon ni Nicolette.
"Talaga? May naka-date ka na ulit mula nag-split kayo?"
Tinigalan ko na mang-agaw ng unan. "Busy ako. Naghahanap nga ako ng trabaho, 'di ba?"
"Sabi mo." Umingos ito. "But once you get a proper job, I'm setting you up with some guys I know."
"Akala ko sabi mo hindi kailangan ng babae ng boyfriend?"
"Ano'ng century na ba? Wala akong binabanggit tungkol sa boyfriend. Ang sinasabi ko lang, kailangan mo ng sex."
"Kaya ka ba parating masayahin?" Tudyo ko. "Dahil sagana ka sa sex?"
Kumuha ito ng isang mushroom and artichoke quiche at malisyosong ngumiti.
"Siyang tunay! At sisiguruhin kong makatikim ka na ulit soon, kahit pa ako na ang magbayad."
Muntik ko nang mabitawan ang kinakain ko. "Gagawin mo iyon?"
"Tingnan muna natin kung may papatol sa iyo nang libre." Sinipat ako nito.
"Ewan ko. Amoy donuts ako. Magugustuhan ba iyon ng mga lalaki?" Sininghot ko ang dibdib ng suot kong shirt. Noong una akong magtrabaho sa Foxhole, sarap na sarap ako sa amoy ng kape at pastries. Pagkalipas ng ilang linggo, nagsimula akong magsawa. Lalo na't dumidikit ang amoy sa damit at buhok ko.
Bumuntong-hininga si Nicolette. "Seryoso, kailangan mo na ng bagong trabaho."
___________________________
Translation by edithjoaquinmsv
Chapter 3 — Coming next week!
Subscribe to my free newsletter and get Chapter 3 and 4 early in your email inbox! —>
https://anselacorsino.com/subscribe
(Please type URL in your browser.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top