Chapter5 Sonia

Sonia's POV: "Kamusta ang regalo ko anak?"
Ang pasigaw na tanong ni Dad sa loob. Umatras ako ng konti para mas mailarawan ko pa siya ng maayos.
"Sobrang ayos po Dad!" Ang nakangiting sagot ko sa kanya.
"Kamusta naman ang kulay?"
Ang tanong na naman niya.
"Malinis at tamang tama lang po ang kulay niya."
Ang sagot ko naman.

At bigla akong napatawa ng sabihin niyang " Subukan ko raw na imaneho itong regalo niya.

Rohit's POV: Hindi ko na talaga maintindihan ang sinasabi't kinikilos ng babaeng ito basta binigay ko na lamang ang susi sa kanya.
"Gumagana ka pala sa pamamagitan ng susi?
Yan ang tanong niya sa akin.
"Depende yan sa pang unawa mo.
Ang pilosopo kong sagot sa kanya.

Sonia's POV: Hindi ko talaga agad naintindihan ang mga malalalim niyang sinasabi sa akin. Sana man lang magsalita siya ng hindi matatalinhaga.
Rohit's POV: Para hindi na gumulo pa ay agad kong tinuro sa kanya ang tunay niyang regalo.
Sonia's POV: Nang maintindihan ko na ang lahat ay nakaramdam ako ng konting hiya at sinampal ko ng mahina ang aking noo habang nakangiti sa kanya.
Napa wow! Nga ako sa regalong bigay ni Dad sa akin gayong gusto ko rin ang kulay nito.
Dahil sa mga papuri na binitawan ko sa kotse ay bigla siyang nagwika sa akin na " Dapat mo yang ingatan, dahil ang totoong kagandahan ay makikita sa pagiging simple o natural ng isang bagay.

Rohit's POV: Matapos kong bitawan ang katagang iyon sa binibining ito ay agad kong sinabi ang aking pangalan habang binibigay sa kanya ang susi.
At siyempre gusto ko ring malaman ang pangalan niya kaya siya ay tinanong ko agad.
Hindi pa nga ako tapos sa pagtatanong ay agad na niyang sinabi ang kanyang nakakahalinang pangalang "Sonia". At agad ko siya ng binati ng " Maligayang Kaarawan!".

*4pm in the afternoon *

Sonia's POV: Mula umaga hanggang maghapon ay patuloy parin na pinaparangya ni Dad ang aking kaarawan. Nag imbita pa siya ng maraming mga bisita at ng banda para sa kaarawan kong ito sa tulong ni Atul ang anak ng kaibigan ni Dad.

Hi saiyo!😊
May fb group po ako originally made by myself for Hrithik Roshan(Rohit) and Ameesha Patel(Sonia) sa Facebook. Baka gusto niyo pong sumali nasa 49 thousand+ members na po kami don. Kindly search " Hrithik Roshan and Ameesha Patel Philippines " and join!😊💜

Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top