tatlumpu't tatlo

Nakarating sila sa apartment na tinutuluyan ni Calixte sa Buting. Minabuti na ni Madeleine na magluto ito ng pancakes para sa sarili dahil mas minabuti niya na ibigay na lamang kay Amihan ang inorder niyang pagkain sa KFC kanina.

"Andito lang kami, Amihan. Huwag kang panghihinaan ng loob," saad ni Apollo sabay labas ng mga pagkain at lagay nito sa lamesa.

Kahit na hindi kalakihan ang inuupahang apartment ni Calixte ay halos kasya ang sampung tao rito, mamaya raw ay tabi-tabi silang matutulog sa sahig. "Pasensya na sa abala," ang tanging naisambit ni Amihan at kinain ang mga pagkain.

Nagkuwento siya kung ano ang nangyari sa Manggahan kanina, mas pinaburan at kinampihan nila ang kaibigan dahil sa pinaglalaban nito. "Ang kaso lang Amihan, bakit mo naman ginano'n magulang mo?"

"Apollo, 'wag mo na dagdagan sama ng loob nito ni Monsoon," ani ng kasintahan na si Calixte. "Isa pa, kung matagal na ginagawa ng nanay niya iyon, aba! Nararapat lang na sampalin siya ng katotohanan!" Dagdag pa nito.

"Kahit na! Magulang niya—!"

"Kahit na magulang niya pa iyon o hindi, kung sumusobra na at umaabuso, kailangan na putulin at kalabanin iyon," pagpuputol ni Madeleine sa sinasabi ni Apollo. Tama naman siya, 'yung ibang estudyante ko nga nasasabihan kaagad sila ng bastos kapag nagpapaliwanag lang sila sa mga magulang nila. Paano pa kaya sa sitwasyon ko?

"Maraming salamat sa inyo," ngiti ni Amihan at bumalik sa pagkain. "Ano ka ba naman, malakas ka sa amin, e!"

***

Kinaumagahan, nagpaalam sina Calixte at Apollo na papasok pa sila sa kani-kanilang mga eskwelahan. Nawala sa isipan niya na kumukuha ng Master's Degree sa Tourism si Calixte at nagiipon naman ng flying hours si Apollo bago maging isang ganap na commercial pilot.

At dahil nahihiya na rin siya dahil sa kabutihang ginawa ng mga kaibigan, inasikaso niya ang gamit sa tinutuluyang bahay. Naglinis siya, ligpit ng hinigaan, nagluto ng makakain, at iba pa. Halos lahat ng gawain pwedeng gawin ay natapos niya.

Ininat niya ang kaniyang katawan, tumunog ang ilang mga buto nito. "Hays, sarap sa pakiramdam," naisambit niya sa kawalan.

Sunod niyang ginawa ay binuksan ang kaniyang mga social media accounts, nagtataka ang mga estudyante niya kung bakit siya absent. Kilala kasi si Amihan sa San Joaquin-Kalawaan High School bilang isang teacher na walang absent, buong school year ay pumapasok siya. Pinaliwanag niya na lang na biglang sumama ang pakiramdam niya at wala siya sa wisyo.

Pagkabukas niya sa messenger ay bumungad ang message ni Kate. Gusto niya raw makipagkita sa kaniya sa Shakey's pagkatapos ng kaniyang shift. Malapit lang naman iyon ngayon sa tinutuluyan niya kaya pumayag siya.

Pumasok bigla sa isipan niya kung ano ang nangyari sa kanila ng kaibigan. Bukod kasi kay Jerome ay siya rin ang isa sa mga naging unang naging malapit sa kaniya noong bago pa lang siya sa eskwelahan. Hindi niya lubusang maisip na masasaktan niya pala si Kate dahil lamang sa kwintas.

Nang mabasa ni Amihan ang message mula sa katrabaho ay biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Pakiramdam niya rin ay bumagal ang pagkumpas ng kamay ng orasan.

Handa niya na bang harapin ang nasaktan niya?

Pinagmasdan niya ang sarili sa maliit na salamin, mas lumalim ang eyebags nito at namumutla na siya. "Kaya mo iyan," bulong niya sa sarili.

Kaagad niyang inasikaso ang sarili. Naligo at kumain ng tira niya kagabi. Nagiwan na lamang siya ng sticky note sa pintuan kung sakaling maagang umuwi sina Calixte at Apollo.

Napatingin siya sa wrist watch niya, mag-a-ala una na ng hapon. Minabuti niya na tumungo kaagad sa lugar kung saan siya nais kitain ni Kate.

Ilang minuto siya nagabang sa meeting place, sa wakas ay dumating siya. Tila hapong-hapo at siyang punas sa tumatagaktak na pawis nito. Umupo ito sa harapan niya. Laking-gulat ni Amihan nang malaman niya na nakapag-order na pala ito ng pagkain, sinabihan pala ni Kate ang mga staff na mamaya na lamang ito iserve kung ang isa sa kanila ay dumating na.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Ang unang tamong na lumabas mula sa bibig ni Kate. Hindi makasagot si Amihan, napayuko na lamang siya kahit sa kaloob-looban niya ay binabagabag na siya ng kaniyang konsesnya.

Ang tanging namagitan sa kanilang dalawa ay ang mga ingay galing sa mga T.V na ipinapalabas ang isang basketball match, Cleveland vs. Golden State.

Patawang umiling si Kate, "ayos lang ba sa'yo kung mamaya na tayo kakain? May hinihintay pa ako na sasama sa atin."

"Su-sure, I don't mind," wala sa sariling tugon ni Amihan.

Makailang beses na ininom ni Kate ang iced tea niya samantalang ang kasama niya ay ni hindi man lang ginalaw kung ano ang mga nasa harapan niya. Pilit niya pa ring tinatago ang mukha niya dahil nga sa kagagawan niya sa katrabaho.

"Nandito ka na pala!"

Bahagyang umangat ang ulo ng dalaga at halos mahulog ang panga niya nang makita kung sino ang tinutukoy ni Kate na hinihintay niya, umupo ito sa tabi ni Kate. Huwag niyang sabihin na magkarelasyon sila? At ako ang kabit?

Huminga siya ng malalim. "Hello, Amihan?"

"Hello, mayor."

Nagpalipat-lipat ng tingin si Kate kina Amihan at Vico. Natawa siya na para bang ngayon pa lang nagkita ang dalawa, "ano ba naman kayo? Magkasintahan kayo, hindi strangers!"

"Teka, papaanong—?"

"Sinabi ni Jerome sa akin," pagpuputol ni Kate sa kaniya. "Dinalaw ko siya kahapon, nang malaman niya ang nangyari sa atin sa faculty room ay nagkaroon siya ng conclusion kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon mo no'ng nakita mo ang necklace." Inilabas niya ang box na naglalaman ng kwintas na ibinenta ni Margarita sa kaniya.

"Kinuwento rin niya sa akin na you are not in good terms with your mother, kaya galit na galit ka sa akin no'ng sinabi kong mama mo ang nagbenta nito sa akin. Hindi ko naman alam na bigay pala ni mayor 'tong kuwintas," pagpapatuloy niya pa at sinimulan niya ang pagkain sa Mojos. "Hindi pa ba kayo kakain? Libre ko naman 'to, eh!"

"Kate," pagtawag ni Amihan sa atensyon ng dalaga. "I'm sorry, nagpadalos-dalos ako. Hindi ko namalayan na nasaktan na kita. Pinangunahan ko ang emosyon ko."

"Hindi ka lang naman dapat sa akin mag-sorry, eh."

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinuro ni Kate ang katabi sa pamamagitan ng pasimpleng pagtagilid ng ulo nito. Hindi maintindihan ni Amihan ang nais niyang iparating dahil nalulutang na naman siya.

"Mayor? Maganda ba talaga si Gretchen Ho sa personal?"

Halos mabuga ni Vico ang iniinom na tubig, hindi napansin ni Kate na seryosong nanonood pala ito ng basketball game. "May I beg your pardon?"

"Kako ho si Gretchen Ho, kung maganda siya sa personal. Nagkasama na kayo no'ng SEA Games, hindi po ba?" May halong pangaasar sa tono ang pananalita ni Kate na siyang ikinapula ng pisngi ng mga kasama niya.

Ano ba talaga gusto niyang iparating?

"Maganda naman, pero mas maganda pa rin si Amihan sa aking mga mata," diretsong sagot ng binata at tinitigan niya ang kaniyang minamahal. Hindi maitago ni Kate na kinikilig siya. Bukod pa ro'n ay tumabi na si Vico kay Amihan na mas ikinapula pa ng pisngi nito.

"Sorry na, Monsoon," panlalambing ng binata sa pamamagitan ng pagyakap nito sa kaniyang bewang. Hindi siya makagalaw, parang huminto ang oras. "Please," pag-puppy eyes niya pa.

"Sorry din," she replied and pinched her boyfriend's cheeks. "Kanina pa ako nagugutom, pwede na ba tayong kumain?" Dagdag pa niya na ikinatawa nilang tatlo.

"Ay nako mayor, isuot mo na iyang kuwintas sa kaniya at baka tuluyan ko na talagang angkinin 'yan!" Saad ni Kate at sunod naman ng binata sa gusto nito.

Muling naramdaman ni Amihan ang lamig ng kuwintas sa kaniyang leeg. Ilang araw niya rin ito hindi naramdaman. Marami naman siyang kuwintas na pwedeng isuot pero namumukod-tangi ang ibinigay sa kaniya.

"Oo nga pala, mayor. Bakit 'yan 'yung napili mong design ng pendant?" Tinuro ni Kate ang kuwintas gamit ang tinidor nito. "Para maalala niya na umuulan noon no'ng una kaming nagkita."

"Ang sweet mo naman! Sana makahanap din ako ng katulad mo," pagnguso niya. "Hindi bale, ie-enjoy-in ko 'tong pagiging single ko para wala akong pino-problemang sakit sa ulo! Maliban na lamang sa mga bata, hays."

Wala na nagsalita sa kanila, kumain na lamang sila na para bang wala silang kasama.

"Kate, I'm really sorry. Hindi ko talaga—"

"Naiintindihan ko naman 'yon, Amihan. Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa kuwintas na iyan!"

"Pero..."

"Isang sorry mo pa, aagawin ko na 'yang boyfriend mo!" Sarkastikong pagbabanta ni Kate dahilan para mapakapit si Amihan sa braso ni Vico.

***

Nagpaalam na si Kate sa kanilang dalawa, may emergency na nangyari sa pamilya nila at kailangang nandoon siya. Kahit na nagpumilit si Vico na ihatid siya sa Mandaluyong ay sinabi nito na ayos lamang at ayaw niyang masira ang araw na ito para sa kanilang dalawa.

Pagkadating nila sa apartment na pansamantalang tinutuluyan ni Amihan ay kaagad na umupo silang dalawa sa sofa. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ng kasintahan. "Baka hinahanap ka na sa munisipyo," nagaalalang tanong ni Amihan.

"Nagpaalam naman ako sa kanila na baka gabihin na ako pagbalik do'n, may importante kasi akong nilakad," tugon nito.

"Teka, ibig sabihin importante ako sa iyo?"

"Kailan ba naging hindi?"

Dahil do'n ay napangiti siya, mas dumikit siya sa kaniyang nobyo at niyakap ito. "Maraming salamat."

"Para saan?"

"Na lagi kang nandiyaan sa kabila ng lahat," tinignan niya si Vico.

"Hindi ba't yo'n naman ang trabaho ng isang boyfriend? Na suportahan ang girlfriend niya ano man ang mangyari?"

Bago pa man makatugon si Amihan ay kaagad siya nitong hinalikan sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top