tatlumpu't lima

"Bakit tayo nandirito?"

Tumingala si Amihan sa malaking inprastaktura, ang Bahay na Tisa. Bumalik ang mga alaala na animo'y kahapon lang nagdaan, ang pagkatulala niya, unang usapan nila nang matagal, at ang awkward nilang pagsayaw.

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang bibili dapat ako ng toasted siopao pero dumire-diretso ka naman sa paglalakad," pangaasar pa niya na ikinabusangot ng kaniyang mukha. Pinindot ng binata ang ilong ng kasintahan at saka nagpahabol pa rito.

Para silang mga batang naglalaro sa tahimik na kalsada. Umalingawngaw ang masasaya nilang tawanan sa kalye ng P. Burgos kasabay ang pagtahol ng ibang aso. Kahit na hirap si Amihan na habulin si Vico dahil sa suot nitong palda ay sinusubukan niya pa rin itong mahuli.

"Hoy, kung ayaw niyo magpatulog, matulog kayo!"

Napalingon sila sa katapat na bahay at may nakasilip na matandang babae, sa postura pa lang nito ay halatang naistorbo ito sa kaniyang siyesta. Humingi sila ng paumanhin pero ipinagpatuloy pa rin ang habulan nila.

Sa sobrang ingay nila ay hindi na nagatubiling pakawalan ng matanda ang aso nito at ipinahabol ito sa kanilang dalawa. Kaagad na hinawakan ni Vico ang kamay ni Amihan at tumakbo papalayo habang malakas pa rin ang mga tawa nila.

Kung saan-saan sila lumulusot para mailigaw ang aso, nakatago sila sa isang eskinita dahilan para hindi na sila habulin nito. "Wala na ata 'yung aso. Ikaw naman kasi ang lakas mo tumawa!" Paninisi ni Amihan.

"Parang hindi tumawa kanina, ah," banat pa ni Vico.

Binigyan na lamang siya ng isang masamang tingin at sinuklian niya naman ito ng isang pout. Muli na naman silang natawa. Napagdesisyunan na lamang nila na bumalik sa Bahay na Tisa.

"Naku, mayor! Kanina ko pa po kayo hinihintay! Kayo po ba 'yung narinig ko na malakas na tumatawa kanina?" Bungad na tanong ng tagapangalaga ng Bahay na Tisa na si Manang Florepina. Nagtinginan ang dalawa at bahagyang tumango.

Pinapasok sila nito, kakaunting ilaw lamang ang nakabukas dahil nagtitipid na sila sa kuryente ngayon. Nagabot ng isang gasera si Manang Florepina para maging ilaw ng dalawa. Nagpasalamat sila rito at nanatili sa sala.

Imbes na sa mga upuan ay minabuti nila na sa sahig na lamang umupo. Naghahari ang tunog ng mga kuliglig at ilang tambutso ng dumaraan na tricycle. Maaliwalas ang panahon no'ng gabing iyon, maliwanag din ang buwan at walang humaharang na ulap dito kaya napagmamasdan nila ito ng malaya.

Sa pagkakatanda ni Amihan, may nakita siyang ukelele na nakasabit sa dingding ng bahay patungo sa sala. Nagpaalam siya kay Manang Florepina kung pwede ba itong gamitin at pumayag siya. "Ingatan mo 'yan, ha?" Paalala pa nito.

Bumalik siya sa tabi ni Vico at sinimulang itono ang mga string nito. "Hindi ko alam na marunong ka palang magpatugtog niyan," saad ng binata.

"Iilang kanta lang naman alam ko," tugon naman ni Amihan.

Nang maitono niya na ito ay sinubukan niyang i-strum ito. "Mamaya na lang ako tutugtog."

"Ha? Bakit naman?"

"Baka makaabala na naman tayo," pagalala niya sa matandang babae kanina na sumita sa kanila.

Isang munting alitaptap ang pumasok mula sa bintana at dumapo ito sa ukelele na hawak-hawak ni Amihan, makailang saglit pa ay lumipat ito sa daliri ng dalaga. Pinagmasdan nila ito hanggang sa lumabas na ito sa bintana.

"Kumusta trabaho mo ngayon?" Pagbasag niya sa naghaharing katahimikan. Pawang mga kaluskos ng mga gamit mula sa ibang parte ng bahay ngayon ang maririnig nila, paniguradong si Manang Florepina iyon. "Pasensya ka na, ha? If I only knew that you were exhausted from—!"

"Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa'yo," pagpuputol niya sa sinasabi ng kasama. "Parehas tayong busy pero 'di hamak na mas nakakastress ang trabaho mo. Isang lungsod pinamumunuan mo samantalang ako mahigit dalawangdaang estudyante."

"Balita ko nga kay Kate na umaabot minsan sa limangdaan hinahawakan mo," ngiti ni Vico at inayos ang upo niya, ginamit niya ang kaniyang mga braso bilang pansuporta rito. "Mahilig ka mag-substitute sa mga klase na hindi mapupuntahan ng teacher nila kapag absent sila. Mahirap iyon lalo na mga pasaway tuturuan mo."

"Ikaw nga kailangan ng Pasig bente-kwatro oras. Kahit may bagyo o lindol, kailangan present ka. Ikaw ang unang hinahanap ng mga Pasigueño, Victor."

Huminga ng malalim ang kasama niya, "pero kahit gano'n humahanap pa rin ako ng paraan para makasama ka."

"Sabi ko nga kanina mas busy ka sa akin. Ayos lang naman sa akin kung hindi tayo magsasama," saad ni Amihan. "Maiba nga ako, bakit mo pala ginusto maging pulitiko? Ayaw mo ba sundan yapak ng mga magulang mo?"

Napalingon si Vico kay Amihan, "ayaw ko talaga pumasok sa showbiz. Mahiyain akong tao. I would rather lock myself in a room reading political science books than waving awkwardly to the flashing lights of their cameras. E, ikaw? Bakit pagtuturo ginusto mo maging profession?"

"Simula kasi no'ng bata pa ako, nahilig na ako sa paglalaro ng teacher-teacher-an. Ako lagi ginagawa nilang teacher kasi napapasunod ko raw sila, lalo na si Achilles," natatawang sambit ni Amihan. Sa tuwing naglalaro kasi sila no'n ay lagi nilang napgti-trip-an ang pinsan nito dahil sa pagiging lutang nito.

"Bakit naman history napili mong subject para ituro? Sabi nila boring daw ang subject na 'yon kaya marami raw isinasawalang bahala ito."

Parang nagkaroon ng bahagyang lungkot sa mukha ni Amihan. Nabatid niya rin iyon, kapag kasi siya ay nagtuturo, napapansin niya na lagi na lang sila nagiingay o kaya may natutulog sa tabi-tabi. Marami na rin ang nakatikim ng failing grades sa kaniya dahil sa kulang-kulang na requirements.

Umiling na lang si Amihan at humiga sa sahig, wala na siyang pakialam kung madumi ang hinihigaan. Tulala niyang tinignan ang kisame, nagbabakasakali na may maligaw muli ni alitaptap. Pero iba ang kaniyang nakita, ang nakangusong pagmumukha ni Vico.

Natawa siya, pati rin ang kasama. Tinabihan niya ito at iniangat ang ulo ni Amihan para ilagay ang braso niya para maging unan ng dalaga. Hindi na niya inisip na magmamanhid ito at ang tanging inaalala na lamang ay ang pagiging kompurtable ng kasintahan habang nakahiga sa malamig na sahig.

"Ikaw ang ama ng Pasig. Nasa kamay mo ang pagpapaunlad ng siyudad na ito," sambit ni Amihan.

"At ikaw naman ang ikalawang ina ng mga estudyante kada lumilipas ang mga taon. Nasa kamay mo ang kinabukasan at makakatulong hindi lang sa Pasig kung hindi sa Pilipinas," nakangiting tugon naman ni Vico.

"Sa tingin mo ba, magiging ganito pa rin ba tayo sa paglipas ng mga taon? Ang ibig kong sabihin... Iilang buwan pa lang naman tayong mag-boyfriend-girlfriend pero inaalala ko lang kung magagawa pa rin ba natin mga bagay na 'to?"

"Sus, matatatanda na tayo, Monsoon. Hindi tayo katulad no'ng mga estudyante mo na laging magkasama pero laging nag-aaway. May sarili rin tayong iniisip at inaasikaso pero pinapangako ko na gagawa ako ng paraan upang magawa natin muli ang ganito."

Bumangon si Amihan at kinuha ang ukelele. After several strumming to the said instrument, she cleared her throat to sing Electric Love in the girl's point of view. Sinimulan niya ang kanta sa second verse para maikli lang ang kakantahin niya.

Drown me (Drown me), you make my heart beat like the rain
Surround me (Oh), hold me deep beneath your waves

And every night my mind is running around him
Thunder's getting louder and louder and louder

Baby, you're like lightning in a bottle
I can't let you go now that I got it
And all I need is to be struck
By your electric love (Ohh)
Baby, your electric love (Ahh)
Electric love

Matapos ang kanta niya ay niyakap siya ng mayor, iba ang yakap na ito ngayon kumpara sa mga noong nakaraang araw. His warmth really felt good, pakiramdam niya ay ligtas siya rito. "May isa pa pala akong tanong."

"Ano naman iyon?"

"Kung sakaling tanungin ka ng media tungkol sa love life mo... Ano isasagot mo?"

Napaupo na rin si Vico na tila ba malalim ang iniisip. "Katulad pa rin ng dati, I will say that I don't have any plans to commit in a romantic relationship. Pero Amihan, hindi kita ikinakahiya o itinatago, ayaw kong mabulabog ka ng kung sinu-sino dahil sa akin. Ayaw ko ring may nakabuntot sa'yo para lang sabihin na hiwalayan mo ako."

"Sino ba naman kasing nagsabing hihiwalayan kita? Baliw na lang siguro magiisip no'n."

"Alam ko naman na you will not leave me, e! Vico Sotto na 'yung nakuha mo, o!" Nag-pogi sign siya sabay kindat na mapaglaro. Babatukan niya sana'to kaso naunahan siya sa pamamagitan ng paggulo ng buhok nito.

"Ewan ko ba sa'yo, mister mayor!"

"Ewan ko rin sa'yo, first lady of Pasig!"

Natigil siya, pati na rin ata ang mga nakapaligid. "Ano sabi mo?"

"First lady of Pasig! Doon din naman mapupunta 'yon, e. Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo, hahanap na lang ako ng—!"

"Oo na! Gusto ko!" Namula ang pisngi nito.

Mas dumikit si Vico kay Amihan at ipinatong niya sa kaniyang balikat ang ulo ng dalaga. Sabay nilang pinagmasdan ang maliwanag na sinag ng buwan kasabay ang pagihip ng malamig na hangin.

"I love you, Monsoon."

"I love you too, Mayor."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top