tatlumpu't apat
Makalipas ang isang buwan, eksaktong February 14, balik trabaho na si Amihan. Laking tuwa ni ma'am Luzviminda na nagkaayos na ang dalawang guro sa ilalim ng subject niya. Kahit na nagtaka ito bakit nawala ito ng halos isang buwan ay hindi niya na ito inintindi. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan at baka makaabot pa ito sa principal at siya ang sisihin.
Suot na muli ngayon ni Amihan ang kuwintas, malaki na rin ang mga ngiti nito. Ganoon din si Kate. Mas lalong lumalim ang kanilang ugnayan dahil sa nangyari. "Sige, Monsoon! Puntahan ko na 'yung klase ko sa Aristotle," paalam niya sa katrabaho at tumango si Amihan.
Napalingon siya sa likod, sa dating puwesto ni Jerome. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang bagong teacher ang San Joaquin para pumalit sa kaniya. Hays, hindi pa rin ako sanay na walang nagbibigay ng kape sa akin.
Ang mga magulang ni Amihan ay tuluyan nang bumalik sa Ilocos. Aminado siyang nakapagbitaw ito ng masasakit na salita sa nanay niya pero nangako siya sa sarili niya na paninindigan niya iyon. Nakiusap na lamang siya sa ama ni Achilles na sa kaniya na lamang ipapadala ang pera at ipaabot ito sa tatay ni Amihan na si Miguel para hindi na mawaldas ni Margarita sa kung anu-anong bagay.
Napainat siya, maraming nagbago matapos ang eskandalo na iyon. Nagkalat sa VPE1 na nakakatakot at walang sinasanto si Amihan, sa palagay niya ay kagagawan iyon ng mga estudyante na nakasaksi sa mga pangyayaring iyon. May mga guro rin na lumayo sa kaniya, natatakot na baka masaktan din sila ni Amihan.
Gumalaw ng kaunti ang cellphone ni Amihan, nag-vibrate pala ito. Pagkatingin niya rito ay may message siya mula kay Vico.
Miss mo ako kaagad, ha?
From: vivico :>
Simba tyo??
Medyo kumunot ang noo ni Amihan, alam niyang hindi Katoliko ang kasintahan. Bakit siya biglang magyayaya ng simba kung iba naman ang relihiyon niya?
To: vivico :>
ikaw nahala..
bahala kasi un :((
Hinintay niyang dumaloy ang oras, tatlong klase rin ang pinuntahan niya. Nagpasulat lamang siya ng mga lectures dahil alam niya namang mga estudyante niya ay utak bakasyon pa rin. Hindi nila ma-aabsorb sa kani-kanilang kokote ang mga lessons kung magtuturo si Amihan.
"Ma'am? May love life na po ba kayo? Gumo-glow up tayo, ah!" Kantyaw ng isa niyang estudyante sa M. Quezon. Ito na ang huling klase niya para sa araw na ito. "Share ka naman sa amin, o!"
Natigil sa pagtse-check ng papel si Amihan, "wala naman akong love life, hindi naman ako katulad mo, Cyrille!"
"Nako ma'am! Halata naman sa inyo na may tinitibok na ang puso mo!" Gatong pa ni Neelian, isa sa mga paborito niyang estudyante sa naturang section.
"Sabihin na nating mayroon nga, bakit gusto niyong malaman?" Sumalumbaba si Amihan at mapaglarong itinaas ang kaniyang kilay.
"Gusto naming kiligin, ma'am! Oy, mga bobo! Natatandaan niyo pa ba 'yung picture nina ma'am at mayor? Grabe, bagay na bagay sila!" Dagdag naman ni Basti, isa sa laging nagbibigay ng sakit sa ulo ni Amihan pero isa rin sa bumubuhay ng klase niya. Siniko siya ng katabi niyang si Janise at bigay naman nito ng sama ng tingin.
"Huh? Grabe kayo, a! Jumping into conclusion kayo, ha? Magsulat na nga kayo!" Natatawa pang tugon ni Amihan at bumalik sa pagtse-check ng papel.
Nagkaroon ng kaonting katahimikan, makailang beses ding nilipat ni Amihan ang slides ng PowerPoint na naka-flash sa TV.
"Jyle! Gusto mo ba ng biko?" Hindi napansin ni Kim na napalakas ang boses niya, dahilan para muntikan nang ibuga ni Amihan ang iniinom niyang tubig.
"Sabi na may something kina ma'am at mayor, eh!" Kilig na komento ni Phoebe, ang class president. Sumangayon ang iba para magsimula muli ng ingay.
"Ma'am, biko po sinabi ni Kim at hindi Vico, ha!" Nagtawanan ang klase dahil sa sinabi ni Neelian. "Miss niyo kaagad si mayor, e! Ayieee!" Pang-aasar pa ni Basti.
"Alam ko, Neelian. Hindi pa tinutubuan ng malaking tutuli 'yung mga tenga ko," pabiro niyang kinalkal ang tenga na ikinatawa naman ng kaniyang mga estudyante. "Hays, alam kong makapagkakatiwalaan ko kayo, sa atin lang iyon. Kayo ang pinakapaborito kong klase kesa sa Descartes na advisory ko, maaasahan ko ba kayo?"
Tumango silang lahat, ipinasara niya ang pintuan upang walang makarinig sa kanila. Lumapit pa nga ang iba sa kanila at tutok pa sila sa pakikinig sa kaniya. Halos hindi matapos ni Amihan ang kinukuwento niya dahil sa daming side comments at hiyawan ng mga kalalakihan. May isa pa ngang nagtanong kung mayroon na bang nangyari sa kanila na ikanuot ng noo nito.
"Gago ka, Jap!" Hinampas siya ng katabi niyang si Luis.
Pagkatapos ng kanilang kuwentuhan ay nagpaalam na siya. Pinaalalahanan niya ang M. Quezon na bukas ay magle-lecture sila dahil sa inubos nila ang oras para sa kwento'ng gusto nilang marinig.
Lumapit sa kaniya si Jewel, "ma'am, sana po mauwi po kayo sa simbahan! Sasama kaming buong M. Quezon sa kasal niyo!"
***
Pagkabalik niya sa faculty room ay umupo siya na may ngiti sa kaniyang mga labi. Napansin iyon ni Kate, "may date kayo?"
"Hindi, natuwa lang ako sa sinabi ng mga estudyante ko sa Quezon," ngiti nito habang inaayos ang lamesa niya. Hindi niya na matandaan kung kailan niya ito huling nilinisan, mga higit isang buwan na siguro.
"Isasama mo ba sila sa kasal niyo ni Blue? Nako, baka makalimutan mo ako niyan, ha!" Saad ni Kate habang naglalagay ng foundation sa mukha niya. Ang ibig niyang sabihin sa Blue ay walang iba kung hindi si Vico, tutal trademark niya naman na ang blue niyang polo.
"Kasalan kaagad nasa isip mo, wala pa kami ro'n!" Tugon ni Amihan, ilang buwan pa lamang silang magkarelasyon, iyon na kaagad ang bukambibig ni Kate. "At saka isa pa, ang haba pa ng mga araw para gampanan niya 'yung trabaho niya. Ayaw ko naman maging pabigat sa kaniya," dagdag pa nito at tuluyan niyang itinanggal ang pagkakatali ng kaniyang itinirintas na buhok.
Lumingon si Kate sa kaniya, "alam mo, mas bagay sa iyo kung wavy buhok mo, mukha kang model! Ganda rin ng fashion choice mo!" Napatingin si Amihan sa suot niya, naka puting blouse siya at checkered slit skirt na tinernuhan pa ng puting sapatos.
"Kamo, mukha akong Barbie doll na sinabunutan ng bata!"
Matapos ang kanilang paguusap ay nagpaalam na si Amihan na mauuna siyang umalis sa kaniya. Pagkatapos niyang mag-time out sa second floor ng VPE2 ay dumiretso na siya palabas ng eskwelahan. Kumpara dati, mas marami na ang mga estudyante na binabati siya sa tuwing nakakasalubong siya. Mukhang hindi sila naniniwala sa mga usap-usapan, mabuti iyan.
Nag-commute siya papunta sa simbahan ng Pasig Catholic College, ang Immaculate Conception Cathedral. Mabuti na lamang ay naguumpisa pa lamang ang misa nang makarating siya roon. Mabuti na lamang at nakita niya ang ikatatagpo ro'n. Nakasuot ito ng puting polo at pantalon. Kinalabit niya ito na nakatayo lamang malapit sa malalaking pintuan ng simbahan.
"Bakit hindi ka umupo? Ang dami pang bakante, o," pasimple niyang ninguso ang mga mahahabang upuan sa harapan nila. Dumarami na ang mga tao sa loob ng simbahan, karamihan sa mga ito ay magkasintahan na katulad nila. Ang iba ay napansin ni Amihan na pasimpleng humaharot at naglalandian pa. Mga walang pinipiling lugar!
"Buong maghapon na ako nakaupo sa munisipyo! Hanggang dito ba naman pauupuin mo ako?" Maktol naman ng kasama niya na parang bata. Babatukan niya sana 'to dahil sa kaniyang inaasta ngunit minabuti niya na lang na manatiling kalmado para hindi nila maagaw ang atensyon ng ibang tao.
"Oo nga pala, Christian ka, hindi ba? Bakit mo naman ako niyaya mag-simba rito? Magkaiba relihiyon natin," bulong niya. Nagsisimula na ang sermon ng pari, hindi siya kinikibo ng kasintahan ay dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa nagsasalita sa altar.
Mag-isa lang umawit si Amihan sa mga banal na kanta sa buong misa, hindi naman iyon alam ni Vico kaya hinayaan na lamang siya. Pero no'ng sa parte na ng Ama Namin ay hinawakan ni Amihan ang kamay ng kasama at taimtim na kinanta ang dasal. Hindi na lamang siya kinibo nito bagkus ay hinayaan na lamang siya.
Nang matapos ang misa, lumabas sila ng simbahan. Maraming nagaalok sa kanila na bumili ng mga rosas at maliliit na teddy bear sa gilid-gilid, nailang tuloy si Amihan. Dumikit na lamang siya sa mayor para hindi mahalata ang pagkailang niya.
Tumawid sila papunta sa Plaza Bonifacio, namangha si Amihan sa kaniyang mga nakikita. May mga nagpa-practice ng sayaw, nagii-skateboard, at kani-kaniyang food trip. Hindi niya napansin na habang naaaliw siyang pagmasdan ang paligid ay nakangiting tinitignan siya ni Vico, nang magtama ang kanilang tinginan ay mas lumawak pa ang ngiti ng binata.
Niyaya siya nito na kumain ng mga street foods, lalo na ang kwek kwek at fishball. Napakasimple lang kung tutuusin pero hindi mapapantayan ang saya nila. Kahit na malakas ang tawanan nila dahil sa mga pinaggagagawa nilang kalokohan ay hindi sila pinapansin ng mga kasabay nilang kumain. Sa inaasta ng nobyo ay para bang isa itong ordinaryong tao at hindi napapansin ng karamihan na kasabay nilang kumain ng street foods ang mayor ng lungsod.
Sunod nilang ginawa ay magpicture sa mga monumento nina Rizal at Bonifacio. Bilang masugid na mag-aaral at guro ng history si Amihan ay dinaldal niya kay Vico ang talambuhay ng mga nasabing bayani. Lalo na ang kwentong hamunin ni Antonio Luna si Rizal dahil sa isang babae at ang pagpapanggap ni Bonifacio bilang isang babae.
Hinayaan na lamang ni Vico si Amihan na magkuwento, natutuwa siya dahil sa bawat kuwento nito ay may kaakibat itong matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Kahit na hindi niya na maintindihan ang ilan sa mga sinasabi nito dahil sa mga busina ng mga dumaraang sasakyan at hiyawan ng ibang tao dahil sa ilang mga proposal sa Plaza Rizal.
Hindi inaasahan ni Amihan na sa kaniyang pagkukuwento ay muli siyang napadpad sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top