lima

Pakamot-kamot si Amihan sa kaniyang ulo dahil ayaw ma-save ang kaniyang PowerPoint presentation. Kahit labag sa kalooban niya ay napagisipan niya na i-message si Jerome para magpatulong.

Amihan Marasigan

Sir Jerome, patulong. hehe.

Jerome Magbanua

Bqt?

Amihan Marasigan

Ayaw magsave ng ppt ko

Jerome Magbanua
Printscreen mu tas send mo s qn

Ginawa nga ni Amihan kung ano ang sinabi ni Jerome. Sinend niya ito sa kaniya, halos matagal mag-send ang mga pictures dahil nag-aagawan ng WiFi signal ang laptop ni Amihan at computer ni Jerome.

Nang ma-send ni Amihan ang mga pictures ay naghintay siya ng reply mula sa kausap. Ilang minuto ang lumipas ay muling lumitaw ang chatbox ni Jerome.

Nanlaki ang mata ni Amihan ng mabasa niya ang sinabi ng katrabaho.

Jerome Magbanua

Ako na gagawa nito.

Nagpapa-impress ba 'to?

Amihan Marasigan

Sigurado ka diyan sir?

Naghintay siya ng reply pero wala siyang nagawa. Kahit naman siguro ngayong araw na ito ay wala siyang magagawa. Hindi niya na magawang maging productive. Naubos ata energy ko kahapon.

Iniisip niya, baka ito ang epekto ng ihatid siya sa kanila kagabi si Vico. Hindi naman siya ganito noong mga nakaraang araw, nagagawa niya pang makatapos ng lesson plans.

Ano ba 'yan, Amihan!

Napagdesisyunan niya na lamang na lumabas at tumungo sa kusina. Kumuha siya ng isang bote ng Yakult doon at binuksan ang lid nito sabay inom.

Kakaiba na ang kaniyang nararamdaman, lagi na siyang naiirita o  'di kaya nagmamadali pero hindi niya magawa kung ano ang nais niya.

"Nako, insan. Alam ko na 'yan," biglang singit ni Achilles habang nagii-scroll sa kaniyang cellphone. "Nabasa ko na 'yung ganiyang scene, sa He's Into Her! 'Yung nagiiba na pakiramdam ni Deib kung inlove na ba siya kay Maxpein!"

Seryoso ba 'tong tungaw na 'to?

Nilingon siya ni Achilles, "sabihin mo, si sir Jerome 'yan 'no?" Dagdag pa nito sabay tumawa nang napakalakas.

Sa sobrang pagkairita niya ay naibato niya ang bote ng Yakult sa ulo ng kaniyang pinsan. "Tangina neto, nagbibiro lang ako, e!" Reklamo niya at napahawak sa ulo na malagkit na ngayon dahil sa natirang laman ng inumin.

Hindi naman si Jerome ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito, hindi rin naman 'yung mga nababasa niya.

Hindi kaya si...

Umiling siya at hindi na itinuloy ang inisip. Nag-ring ang cellphone ni Amihan at tinignan ito kung ano meron.

Ma'am Luzviminda Calling...

Bakit naman tatawag ang kaniyang head teacher sa asignatura niya? Hindi na siyang nagatubiling sagutin 'to at binati siya sa pamamagitan ng, "good morning, ma'am. bakit po kayo napatawag?"

["Gagawin na raw historical site 'yung Bahay na Tisa! 'Yung malapit sa Plaza Rizal?"]

Plaza Rizal? Saan 'yun?

["Hays, malapit dun sa Colegio Del Buen Consejo at PCC! Do'n 'yon."] Bakas sa boses niya ang pagkadismaya dahil nakakalimutan ni Amihan ang mga lugar na itinuturo sa kaniya.

"Ah, natatandaan ko na po, ma'am. E, bakit po kayo napatawag sa akin?" Naglakad siya patungo sa sofa at kinuha ang suklay na nasa center table para magsuklay. "Teka lang ma'am," paumanhin ni Amihan at sinipa ang paa ni Achilles senyales na sobrang lakas ng kaniyang boses. Babatuhin niya na sana siya ng pinsan ng unan, buti na lang ay binigyan niya ito kaagad ng tingin na animo'y nagpapatahimik ng isang estudyante.

["Kailangan daw kasi ng representative mula sa mga high school na malapit sa Plaza Rizal."]

Sa pagkakatanda ko, dalawa lang ang malapit na high school sa Plaza Rizal...

["Napagdesisyunan namin na ikaw ang magiging representative namin. Don't worry hija, may kasama ka naman mula sa RHS (Rizal High School) eh."] 

Napakurap siya nang maraming beses. Ang dami namang ibang teacher mula sa faculty nila, bakit siya pa? "Ma'am, pwede po bang si Kate na lang?"

["Bakit?"]

Isip ka ng palusot, wala naman mawawala, hindi ba?

"Ma-may gagawin po kasi ako.."

["Wala ka namang klase sa Lunes, a? Atsaka isa pa, may maipapahiram naman ako sa'yo na damit, e."]

"Damit? Bakit po ma'am? Kelangan naka-baro't saya don? Hahaha." Pagpepeke niya sa tawa niya.

["Oo, kailangan."] Seryosong saad ng nasa kabilang linya.

Muntikan na siyang mahulog sa kaniyang kinauupuan at buti na lamang ay nakakapit siya sa gilid nito. Hindi naman siguro nagbibiro ang kaniyang kausap ngayon.

["At hindi ako nagbibiro."]

Paktay kang bruha ka.

"Si-sige po, ma'am."

Nilapag niya ang kaniyang cellphone at tinititigan si Achilles, "ano na naman?!"

"Ampanget mo," tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at bumalik sa kwarto habang kinakamot ang braso.

Pagkasapit ng Lunes, sinunod niya ang mga instructions ni ma'am Luzviminda, naka-baro't saya siya at on time sa tapat ng Bahay na Tisa.

***

Nakadungaw lang siya sa bintana ng nasabing bahay. Gustong gusto niya dito dahil maaliwalas ang hangin. Pinagmasdan niya ang mga bahay na nakapaligid dito, nakakalungkot lamang isipin na puro moderno na ang mga ito.

Habang wala pa ang mga panauhin (daw) ay nagpicture-picture muna siya sa loob ng bahay. Perfect ang pagkakataon na ito dahil sakto sa suot niya ang lugar.

Mahilig siya sa mga ganito kaya nakakatuwa na nakatirik pa rin ito. Sa kaniyang pagkakaalala, ito ang pinakamatandang bahay sa Pasig.

Muli siyang dumungaw sa bintana at nakita niya ang tila convoy, napansin niya ang isang pamilyar na van. Parang nakita niya na ito dati...

Minabuti niya na lamang na bumaba at salubungin kung sino man ang panauhin nila ngayon. Nagsibabaan muna ang mga nasa unang kotse, mga lalaki ito na puro naka-barong at may nakalagay na earpiece sa kani-kanilang tenga.

Sunod naman ang nasa panghuli, sa tingin niya ay media ito.

tEKA??? MEDIA???

Nanlaki ang mata niya sa mga susunod niyang nakita.

Bumaba sa pamilyar na van ang isang matangkad na lalaki. Mukhang kilala niya na kung sino ito.

"Vi-Vico?"

Nakangiti at pormal ang suot. At heto na naman siya, nakatunganga na naman sa isang tabi.

Palapit na ang mga tao sa kaniyang kinaroroonan, bigla niya na lamang inayos ang kaniyang tindig at nagmistula siyang isang babae mula sa panahon ng Kastila.

"Ilang beses ka na ba natunganga, Amihan?" Natatawang tanong ni Vico sa kaniya.

Shet. Kahiya.

***

Sumabay sa agos si Amihan sa mga tao. Lahat ng mga panauhin ay nakasuot ng tradisyunal na damit para sa nasabing okasyon.

Nagkataon naman na si Amihan ang may agaw atensyon na suot. Bukod sa nagmukha siyang si Maria Clara ay maayos ang pagkakatali ng kaniyang buhok. May kwintas pa na may pendant na hugis buwan.

Nahihiya siya sa hitsura niya, alam niya sa sarili niya pinaguusapan na siya ng mga tao sa loob ng bahay.

May musika siyang naririnig, pinakinggan niya muna ito at napagalaman niya isa 'to sa mga kundiman ni Nicanor Abelardo.

Naalala niya tuloy ang isang estudyante niya mula sa isang section na isinunod sa pangalan ni Abelardo. Kumusta na kaya siya? Nakakalimutan niya pa rin bang isulat ang pangalan niya sa papel?

Nagsimula ang okasyon sa pamamagitan ng panalangin at pag-kanta ng Lupang Hinirang. Pagkatapos no'n ay ang Martsa ng Pasig.

Napahinga siya ng malalim at pinilit ngumiti sa mga nakakasalamuha. Bakit ba kasi siya pumayag dito? Edi sana nagpapalamig lang siya sa faculty room habang nanonood ng Kapamilya Blockbuster sa ABS-CBN.

"Bakit ka nahihiya?" Tanong ng isang babae. Napalayo siya ng kaunti dahil nagulat ito sa biglang pagsasalita niya. Medyo nahihilo na rin siya dahil nagpuyat siya kagabi para lamang tapusin ang K-Drama na Signal.

Buti na lamang ay hindi halata ang pagkamutla niya dahil sa make-up niya. Sinubukan niya munang lumayo-layo at umupo sa isang bakanteng upuan. May nagmagandang loob na bigyan siya ng isang basong tubig at pinahiram ng portable mini fan.

Sa kaniyang pagkakaalala, siya ang representative ng Rizal High School para sa okasyon na ito. Ipinaalam niya rin ito sa mga kasama ng mayor para mabantayan siya.

Nakakahiya mang isipin pero nagpahinga muna siya saglit. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng staff habang pinupunasan ang kaniyang pawis.

"Opo, medyo nahihilo lang, hehe."

Dumukot ang kasama niya ng isang bote. Naningkit ang mata niya at napagalamang Efficacent pala ang nilabas. Nilagyan ng staff ng nasabing likido ang sentido niya para gumaan ang loob ni Amihan.

Medyo umayos ang kaniyang pakiramadam at sumama ulit sa mga tao. Pero sa pagkakataong ito ay lumayo siya para makasagap ng hangin.

Nagpapasalamat na lang siya dahil sa height niyang 5'7" (wala siyang suot na heels) ay kita niya ang mga nangyayari.

Mabusisi niyang tinitignan ang mga kilos ng mga tao. Lahat naman ay nagkakasiyahan. Nagkaroon ng kaunting video watching ukol sa kasaysayan ng Bahay na Tisa.

Napahanga ang mga guests nung nagsalita si Amihan tungkol sa ambag ng Bahay na Tisa. Bukod sa isa nga 'to sa mga pinakamatandang bahay ay nagsilbi rin itong headquarters ng Katipunan.

Sa peripheral vision niya, nakita ni Amihan na nakangiti si Vico. Nautal siya dahil nagsalubong ang kanilang mata. Mas lalong lumawak ang ngiti ng binata.

Nang matapos ang kaniyang speech ay pinalakpakan siya. Nahihiyang ngumiti si Amihan at napansing nakangiti pa rin sa kaniya ang mayor.

Nagsalita rin si Vico tungkol sa kahalagahan ng kasaysayan ng Pasig at ang mga ambag ng ninuno nito. Lahat ay tahimik habang pinapakinggan siya. Tila ninanamnam lahat ng salita na binibitawan niya.

Sumunod no'n ay ang pagpirma ng mayor na idinideklara ito bilang isang Historical Site. Nagpalakpakan ang mga tao at napuno ng tingig ng flash ang silid.

Nagkaroon ng munting kasiyahan ang mga tao. Sinuggest ng tagapangalaga ng Bahay na Tisa na magpanggap ang lahat bilang mga namumuhay sa panahon ng Kastila.

Game na game ang lahat habang ang noo ni Vico ay medyo kumunot. Pero wala siyang nagawa at sinabayan na lang ang trip na ito.

May mga palaro; piko, sack race, agawan base, at marami pang iba. Hindi na sumali si Amihan at baka mahimatay siya kapag inatake siya ng hika.

Sa isang gilid lang siya nakaupo, pinagmamasdan ang mga tao. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at pinicture-an na lamang ang mga nangyayari. Alam niya na pagrereport-in siya ni ma'am Luzviminda tungkol sa okasyon na ito.

Inedit niya ang mga pictures, nagmukha itong galing sa lumang panahon. Buti na lamang ay nanonood siya ng mga tutorial kung paano mag-edit sa Lightroom at VSCO.

Nagtaka siya kung bakit may biglang dumating na mga musikero, may dalang gitara, clarinet, at violin. Magkakaroon daw ng sayawan.

Pinatugtog muna ang mga makabagong kanta katulad ng, Pagtingin ng Ben&Ben na sinundan ng Mabagal nina Daniel Padilla at Moira de la Torre.

Kumuha ng kani-kaniyang kapareha ang mga lalaki. Buti na lamang ay walang pumipili sa kaniya.

"Hindi ka ba sasayaw?"

Nilingon niya ang kumausap sa kaniya.

Isasayaw mo ba ako? HAHAHAHA!

"Bakit naman po ako makikipagsayaw, alkalde mayor? Wala namang may interes," natatawa niyang sambit at binalik ang tingin sa mga sumasayaw.

Tumayo si Vico at inilahad ang kaniyang kamay, "binibini, maari ba kitang maisayaw?"

Literal siyang napanganga, sa lahat naman ng pwede niyang maisayaw ay bakit siya pa?

Sinasabi ko na nga ba, dapat lumayo na lang ako.

Wala siyang nagawa kung hindi ay ibinigay niya ang kaniyang kamay. Naglakad sila papunta sa gitna at nagkakahiyaan pa.

Nilagay ni Amihan ang mga kamay niya sa balikat ni Vico. Samantalang ang binata naman ay sa bewang ng dalaga.

Hindi mapakali sa Amihan, baka sabihin ng iba ay nananansing siya sa mayor.

"Ako ang bahala sa kanila," wika ni Vico.

"Ano po ibig niyong sabihin?"

Natawa ang kasayaw niya, "like I've said in our chat thread, drop the 'po.' Mukha na ba akong gurang?"

Pinigilan niyang matawa pero hindi niya nagawa. "O ayan, napatawa na kita. Kanina pa kitang napapansin na nakasimangot. You look beautiful in that baro't saya, hindi bagay sayo ang nakasimangot," sabi ng binata at ginaya kung ano ang hitsura ni Amihan.

"Gra-grabe ka, ah!" Tugon ni Amihan na nawawala na ang kaniyang hiya.

Natigilan silang dalawa nang mag-iba ang tugtog, naging mas lalong makaluma ito.

Natutulog ka man, irog kong matimtiman
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan dahan mutya, buksan mo ang bintana,
Tanawin mo't kahabagan,
Ang sa iyo'y nagmamahal.

Biglang nanlaki ang mata niya, bakit ganito ang bigla nilang pinatugtog? Mas lalo tuloy humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ng kasayaw.

Dumami rin ang mga sumasayaw, 'di niya alam kung nangti-trip ang iba o sadyang magaslaw lang sila sumayaw.

Sa 'di inaasahan, may bumunggo sa kaniya. Nagkalapit ang katawan nilang dalawa. Uminit ang pisngi ni Amihan at dahan-dahan niyang inangat ang ulo, nakita niyang nakangiti si Vico sa kaniya.

Lord, is this a sign na po ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top