labingtatlo

Ano naman kaya gagawin ko rito sa coke?

"Malamang iinumin 'yan, tanga," saad ni Calixte habang umiinom ng San Mig in a can. "Ha? Anong pinagsasabi mo?" Nagugulong tanong ni Amihan.

"Nag-thinking out loud ka, ulol," dagdag pa nito at tumabi sa kaniyang nobyo na abala sa pagse-cellphone.

Pasalamat ka, birthday mo ngayon at andiyan pa si Apollo!

Pinaikut-ikot niya muna saglit ang bote ng coke sa lamesa, hindi niya napansin wala na pala 'yung label dahil kinutkot niya ito. "Paunti-unti ko raw inumin? Ano kaya trip no'n?" Bulong ni Amihan sa sarili habang nakatingin sa kawalan.

Hinayaan niya na lamang ang sinabi ng binata at ininom ito ngunit kaunti lang. Tinignan niya ang bote at may nakasulat nga.

Gusto.

"Ano naman kaya ibig sabihin niya sa gusto?" Pagarko ng kilay niya.

Nagsisimula na maging maingay ang magba-barkada, lalo na't nakumbinsi na nila si Vico na kumanta. Ligaya pa talaga, ha?

Sabay-sabay pa silang kumanta ng chorus na para bang mga lasing, "sagutin mo lang ako aking sinta, walang humpay na ligayaaaaa!"

Nang masambit ang salitang ligaya ay nagkatinginan silang dalawa. Uminit ang katawan niya dahil sa interaksyon na iyon.

Ano ba ang gusto mo ipahiwatig, Vico?

Napansin niya si Apollo na parang hindi maipinta sa kaniyang mukha ang tuwa. Alam kasi nilang magbabarkada ay nagpa-fangirl ang nobya niya kay Vico.

Pero mukhang hindi iyon ang dahilan.

Tumayo si Apollo at kumuha muna saglit ng lumpiang shanghai, sa pagkakataong iyon ay nanginginig siya. "Apollo, okay ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?"

"Wa-wala, hehe. 'Wag mo na ako alalahanin. Kain ka pa!"

Buo niyang sinubo ang lumpiang shanghai sabay balik sa tabi ni Calixte. Pagkaupo niya ay ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ng dalaga.

"Monsoon, lumapit ka nga rito!" Pagtatawag ni Madeleine kay Amihan na payapang kumakain ng Kaldereta. Dinala niya ang plato at tumabi kay Vico.

Aba, lintek ka self, si Madeleine ang tumawag pero kay Vico lumapit. Lupet mo, maharot!

Kinuha ni Alex ang mikropono at pinatunog ito gamit ang daliri, mic test kumbaga. Tumayo siya at pumunta sa harap nilang magkakaibigan.

"Happy birthday, Calixte!" Panimula nito at nagtilian ang mga babae maliban kay Aphrodite. "Pwede ka bang tumabi sa akin?"

Walang kibong lumapit si Calixte kay Apollo. Parang may gagawin 'to, a? Nanginginig na hinawakan ni Apollo ang kamay ni Calixte. "Alam mo ba.. ilang beses ko na itong plinano, pero ngayon ang perfect moment para itanong sa'yo 'to."

Biglang nag-play ang lagi nilang kinakanta sa gitara, Ang Huling El Bimbo. Simula noong high school sila ay ito lang ang na-perfect ni Calixte sa paggigitara at itinuring na nila itong kanta para sa kanila.

Napa-thumbs up si Rex kay Apollo dahil sa timing na nagawa nito. "Pasensya na kung magiging corny ang mga sasabihin ko, ah?" Tawa ni Apollo.

Tahimik lang nilang pinapanood ang dalawa. "Simula noong high school pa lang tayo, iisa lang ang nasa isip ko no'n. Ikaw ang ihaharap ko sa altar at sa Diyos."

Muling nagtilian ang mga dalaga. "Normal lang ba na laging tumili ang mga babae every sentence?" Bulong ni Vico kay Rex at tango naman niya as response.

"Naalala ko pa noon, tinanong pa kita kung kailan mo ako sasagutin no'n. Tas ilang linggo ang lumipas, sinagot mo na ako! Mas lalo akong natuwa nang sinabi mo sa akin na sasamahan mo ako tumanda."

Niluhod niya ang kaniyang kanang tuhod at naglabas ng isang singsing. "Gusto ko marinig mula sa'yo na tutuparin mo ang sinabi mo sa akin sa canteen noon. Gusto kita makasama habangbuhay, Calixte."

Speechless silang lahat sa sinabi ni Apollo, hindi na nagpaliguy-ligoy na tumango si Calixte. "Kasalan na!" Sigaw ni Athena at silang sabi ng kanpai!

Tumayo si Apollo at isinuot ang singsing sa palasingsingang daliri ng nobya at halik nito sa kaniyang labi. "Magiging misis Peñaflorida na si Calixte!" Akbay pa ni Apollo sa dalaga.

"Ninong ako sa kasal niyo, ah?"

Lahat sila napalingon kay Vico, parang nakalimutan pa nga nila na kasama pala nila ang mayor. "Grabe siya, oh!" Hampas ni Amihan sa braso ng binata.

Hala ka, self! Huwag feeling close!

"Bakit ka naman nanghahampas?"

"Ha?"

"Uy, LQ silang dalawa, oh!" tawa ni Madeleine.

Biglang namula ang kanilang mga pisngi at naghiwalay ng kaunti. Gusto niya na magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.

Para bang may invisible barrier na namagitan sa kanilang dalawa, wala ang kumuha ng chance na magsalita para kausapin ang isa.

Habang ang mga natira naman ay nagsikantahan pa sila bago matapos ang araw na ito. Halos matumba na rin si Calixte dahil sa dami ng ininom nitong San Mig.

"Nakalimutan ko pala," kinuha ni Amihan ang kaniyang bag at inilabas ang libro ng Ang Larawan. Tuwang-tuwa naman si Calixte dahil ito ang inaasam-asam niyang mabili.

Si Madeleine naman ay ibinigay sa kaniya ang isang funko pop ni Roger Taylor, mahilig siya sa bandang Queen at ang nasabing miyembro ang kaniyang paborito.

Make-up palette naman ang bigay ni Aphrodite, dahil kinakailangan ng isang tourism student na maging presentable sa bawat araw.

At panghuli, isang damit naman ang kay Athena. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Apollo dahil ayaw na ayaw niya na pasuutin si Calixte ng crop top.

"Subukan mong hindi pa-suotin sa kaniya 'to, isusumbong kita kay mama!" Banta pa ni Athena bago pa maagaw ni Apollo ang regalo.

"Heh, manahimik ka," akma niyang susuntukin si Athena pero agad siyang nagtago sa likod ni Amihan.

"Guys, maraming salamat sa mga regalo niyo, a? Pati po sa pagpunta niyo, mayor, hehe," nahihiyang sambit ni Calixte habang hinihimas ang kaniyang batok.

"Naku, wala iyon. Basta para sa mga kaibigan ni Amihan."

Eto talaga, napakaano!

Nagsimula sila magpicture-picture bago matapos ang gabi. Pinaalalahanan pa ni Vico na huwag ito i-upload dahil panigurado siyang magtataka ang mga tao dahil sila ang kasama niya.

Ayos lang naman ito sa kanila at nirerespeto nila ang pakiusap nito. Muli silang nagkantahan at natawa pa sa bersyon ni Amihan ng Sayang na Sayang na 'di nila malaman kung nakakatuwa ba o nakakasakit ng tenga.

Alas diyes na ng gabi nang magpaalam sina Amihan at Vico na sila'y uuwi na. "Mag-iingat po kayo," saad nila at bigay ng mga binalot na handa.

Sa malamig na Linear Park sila dumaan. Payapa ang lugar na ito at tunay nga na malamig ang simoy ng hangin. Rinig na rinig din ang pag-agos ng ilog dahil kakaunti lamang ang dumadaan dito.

"Ang saya naman ng circle of friends mo," panimula ni Vico habang inaayos ang buhok at lagay ng sumbrero. "Mukhang mapagkakatiwalaan sila," dagdag pa nito.

Napahinto si Amihan sa paglalakad gano'n din ang binata, "Bakit? Mukha bang adik mga kaibigan ko?"

Napatawa nang malakas si Vico at ipinagpatuloy ang kanilang paglalakad. Ikaw nga 'yung mukhang adik diyan, adik sa akin? De joke lang.

"Nangunguna ka na naman! Hintayin mo naman ako!"

"Kailan pa walang ilaw dito? Nakakatakot dumaan dito, lalo na at may gumagawa ng kababalaghan," napanguso siya sa nakita niyang magkasintahan na nagkikilitian na halos pa-ungol na rin ang pagtawa ng mga ito. Kakadiri kayo! Go get a room!

"Ewan ko ba, tanungin ko na lang sina Aphrodite at Calixte, tutal dito naman sila nakatira."

Vico patted Amihan's head, "salamat, ha?"

"Bakit naman?"

"Sinamahan mo ako sa isang masayang birthday party," ngiti niya.

Napahigpit ang hawak ni Amihan sa coke mismo na ibinigay sa kaniya ni Vico. Bakit ka naman ganiyan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top