labinglima
"Hays, ang dami ko na ngang problema dadagdag pa 'tong letseng coke mismo!"
Wala na siyang magagawa, tinanggap niya na ang bote at ngayon ay naguguluhan na siya.
Bakit ko pa ba kasi 'to kinuha? Bad trip!
Para maliwanagan na siya at makumpirma kung niloloko ba siya o hindi, napagdesisyunan niya na tawagan na lamang si Vico.
Napakagat labi siya habang hinihintay na sagutin ang tawag niya. Teka, baka naman nakakaistorbo ako sa kaniya? Huwag na lang kaya? ["Hello? Vico Sotto speaking, how may I help you, miss Amihan?"] Pormal na bati nito sa kabilang linya. Halos mabitawan niya ang hawak na telepono, marahil ay may kakaiba siyang naramdaman nang marinig niya ang tinig nito.
Hindi siya nakapagsalita dahil napangunahan ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Ngayon niya lang ito naramdaman para sa isang tao.
"Ni-niloloko mo ba ako?"
["What? Anong loko?"]
"Sa bote ng coke. Huwag ako, mister mayor," sarkastikong tugon pa niya, sumandal siya sa kaniyang upuan habang pinaglalaruan ang bote.
Nako, huwag na huwag kang makikipagbiruan sa akin! At miss? Tsk, masyado naman na ang formalities ng tao na 'to!
Narinig niyang tumawa nang bahagya ang kausap sa kabilang linya, ["paano kung totoo mga nakasulat diyan?"]
Amihan immediately hang up. Ni minsan hindi siya basta-basta nagbababa ng tawag. Ano ba nangyayari sa 'yo? Peste! Napasampal pa tuloy siya sa sarili na ikinagulat ng ibang tao sa loob ng faculty.
"Ah, wala 'to. 'Wag niyo na ako pansinin," paghingi niya ng pasensya.
A message was sent to her twitter account, at as expected, 'yung lalaki na tinawagan niya ang nag-send no'n.
@VicoSotto
Hey, nagjo-joke lang naman ako. Bilis uminit ng ulo mo. :P
Paano naman hindi iinit ang ulo niya? Ang ayos ng pakikiusap niya tapos gaganun siya? Her gaze shifted back to the bottle of the said drink, mukhang kinakailangan niya na itong ubusin.
Nang mainom niya ito, laking gulat niya na pangalan niya ang huling nakasulat doon. Agad siyang napatawag kay Calixte para sabihin ito.
["Hindi ko alam na pangalan mo ilalagay do'n, mautak din pala 'yang si Vico, no? Ang gwapo na nga–Apollo, naman! Hinaan mo nga 'yang cellphone mo!"]
Awkward moment for Amihan, "bigla na lang talaga hiniram marker mo?" Tanong pa nito at inipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at kanang balikat.
Parang mapupunit na ang kaniyang anit sa kakakamot niya rito, halos bumaon na ang mga kuko niya. ["Aba, malay ko do'n, mukha ba akong manghuhula?"]
"Alam mo, kahit kailan wala kang kwentang kausap."
["Pwet mo walang kwentang kausap, tss."]
Binaba ni Calixte ang tawag. Karma ba 'yun sa ginawa ko kanina? Umiling-iling siya at sinubukan muling mag-focus sa mga dapat gawin.
Kahit na last day na nila sa paaralan para sa Christmas vacation ay kinakailangan pa rin niya na tapusin lahat ng dapat gawin. Ayaw niyang ma-stress sa mismong bakasyon para lang sa mga ito.
Nang pauwi na siya ay sinabayan pa siya ni Jerome na pilit pa rin siyang kinukulit. "Pwede ba, lumayo-layo ka nga sa akin."
Tumigil siya sa paglalakad at sumeryoso ang mukha, "bakit, Amihan? Ayaw mo ba sa akin?"
"Hindi ba halata?" Pagtataray niya pa.
Napairap na lamang si Amihan at agad na sumakay sa jeep. Hindi pa rin siya tinigilan ni Jerome at nagtanong pa siya ng nagtanong.
"Kapag ako talaga nainis sa'yo, sisipain kita palabas ng jeep na 'to, makita mo," banta pa ni Amihan nang tumabi ito sa kaniya.
"Grabe ka naman sa akin," nguso pa ni Jerome.
Sa buong biyahe ay kinukulit pa rin siya na parang bata. Kung pwede lang na sapakin siya sa bibig ay kanina na niya sana nagawa.
Pagkababa sa Jenny's Avenue, sumunod na naman si Jerome sa kaniya sabay hawak sa braso nito. Agad namang tinanggal ni Amihan ang pagkakahawak ng kamay ni Jerome sa braso niya.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ilang beses ko na sinabi sa 'yo na ayaw ko! Mahirap bang intindihin 'yon?!"
Nangingilo na ang kaniyang mga ngipin sa pagkagigil, gusto niya na itong sampalin para magising na siya sa katotohanan.
Imbes na magalit ay natawa lang si Jerome sa sinabi ni Amihan, "bakit? 'Yung mayor na 'yon ba pinagmamalaki mo?!"
Nanlaki ang mga mata ni Amihan, ang mga tao ay nakikiusyoso na dahil sa lakas ng bangayan nilang dalawa. "Para sabihin ko sa 'yo, wala kang pag-asa ro'n!"
Napahawak ng mahigpit si Amihan sa strap ng kaniyang bag, nanginginig ang mga tuhod at hindi niya na ito maigalaw.
"Gold digger ka?" Pahabol pang tanong nito sabay tawa na naman nang malakas.
Unti-unting lumapit si Jerome kay Amihan, "sa akin ka lang, Amihan. Hinding-hindi ka makukuha ng lintek na Vico na iyon."
Hinaplos niya ang nakataling buhok ng dalaga, buti na lamang at hawak ni Amihan ang bote ng coke mismo at hinampas ito sa ulo ni Jerome sabay takbo ng mabilis papunta sa terminal ng tricycle.
Napakagat labi siya nang makasakay sa tricycle. Kinakabahan rin siya na baka sundan pa siya ni Jerome hanggang sa kanilang bahay.
Sinalubong siya ni Achilles na masarap ang pagkakahilata sa sofa. "O, ano nangyari sa'yo? May humahabol ba sa'yo?"
Binagsak niya ang pintuan at hindi mapakaling umupo sa upuan, "kapag pumunta si Jerome dito, sabihin mo hindi pa ako nakakauwi, ha?"
"Ha? Bakit?"
"Mamaya ko na lang sasabihin," saad pa ni Amihan at inom sa coke.
Nilapag niya ang bote ng nasabing inumin at nagtungo sa kaniyang kwarto. Kada minuto ata ang lumilipas ay lagi siyang sumisilip sa bintana.
Kumakarera na naman ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Lagi nalang siya napapaisip na bakit bigla nalang nagiging agresibo si Jerome?
Napailing siya ng maraming beses, sira na ang ulo ng lalaking iyon. Sumilip siya muli sa bintana at nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na siya sinundan.
Nagpalit siya ng kaniyang damit para maging mas kumportable. Bumaba siya papunta sa kusina para makapananghalian.
Mabilis niyang natapos ang pagkain, "ano ba meron kay Jerome, Amihan? Bakit–"
"Huwag mong sasambitin ang putanginang pangalan na iyon, Achilles," bagsak niya sa kutsara. Natigilan ang kaniyang pinsan sa pagkain at napatingin sa dalaga.
Huminga ng malalim si Achilles, "oo na. Pero pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan?"
Tinitigan siya nang masama ni Amihan at uminom ng tubig. Minabuti na lamang ni Achilles na manahimik dahil alam niya na nakakatakot magalit ang kaniyang pinsan.
"Oo nga pala, bakit may sulat 'yung coke dun? Gano'n na 'yon pagkabili mo?"
Tumigil si Amihan sa pagkain, "nasa'n na 'yon?"
"Tinapon ko na," sabay turo sa nakasabit na plastic sa isang gilid.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Mahalaga pa man din para sa akin 'yon!" Tumayo si Amihan at kinuha ang bote sa basurahan.
Hinugasan niya ito sa lababo, buti na lamang at hindi kaagad natanggal ang tinta na nakasulat rito.
Tignan natin kung ano ang nakasulat..
Inikot niya ang bote at binasa ito, hindi niya napansin kanina na may maliit lang sulat sa pagitan ng mga salitang "kita" at sa kaniyang pangalan.
Gusto kita mapasaakin, Amihan.
Apat na salita na biglang nakaapekto sa kaniya. Para na ba siyang estatwa dahil hindi na siya makagalaw.
Sinampal-sampal niya ang kaniyang sarili para maniwala sa nakalagay sa bote ng coke.
"Aray.. masakit," sambit pa niya habang hinahaplos ang kaniyang kanang pisngi.
Totoo nga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top