labingdalawa
Inayos ni Amihan ang kaniyang gamit. Nagtataka naman ang mga kasama niya dahil hanggang gabi naman ang pasok niya.
"Bakit parang nagmamadali ka?" Tanong ni Kate habang kumukuha ng tubig mula sa dispenser. "Siguro may susundo sa'yo, 'no? Ayieee!"
Totoo namang may susundo sa kaniya. Pero kung sasabihin niya kung sino, baka sabihin niya na nagiisip na naman siya ng kung anu-ano.
Tinignan niya ang sarili sa compact mirror niya. Mukhang ayos na ang kaniyang hitsura. Maglalagay pa ba ako ng lipstick?
Muli niyang tinignan ang sarili, hindi naman siya gano'n kaputla. Siguro ayos na ang lipbalm dahil namamalat lang naman ang labi niya.
Nakapagtataka dahil hindi naman siya naglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Napaisip siya na kailangan niya lang itong gawin para magmukhang presintable mamaya sa party.
Habang naglalagay ng lipbalm si Amihan sa kaniyang labi, biglang lumapit sa kaniya si Jerome na may dalang silya at inupuan ito. Hindi niya pinansin ang binata at ipinagpatuloy ang kaniyang pagaayos.
Baka matagal na siyang naga-abang sa baba.
"Ang ganda mo," sambit ni Jerome habang nakasalumbaba sa harap ni Amihan. Iritang-irita lumabas si Amihan sa faculty room at agad nagtungo sa second floor para mag-log out.
Muli niyang ini-scan ang kaniyang fingerprint at tinignan ang wristwatch niya.
12:48 PM
Isinulat niya iyon sa logbook sa tapat ng kaniyang pangalan. Nagmamadali siyang bumaba at nakasabay ang ilang estudyante na papasok para sa afternoon shift.
At nakita niya si Vico doon, mapayapang nakaupo. Buti hindi siya pinagkakaguluhan? Lumapit siya rito at nagulat nang makitang may suot siyang surgical mask bukod sa itim na sumbrero.
"Good afternoon ma'am! Naku ma'am, mukhang may manliligaw na kayo bukod kay sir Jerome, ah!"
Tsismosa na rin pati si ateng guard?
Tinapik ni Amihan ang balikat ng binata at nilingon siya nito. Para bang nahuhulog siya sa hypnosis dahil sa mata ni Vico. Ang haba ng pilikmata, makapal ang kilay, ang ganda ng...
"Huy, ayos ka lang?"
Napailing siya nang magsalita ang binata. Pakiramdam niya matagal silang nagkatitigan kaya siya nagsalita. Tumayo si Vico at pinagpag ang kaniyang pantalon.
"Tara na, baka hinihintay na tayo ng mga kaibigan mo," ngumiti siya naunang maglakad. Aba, swabe ka rin ano?
Humabol siya sa binata, "alam mo ba kung sa'n nakatira sina Calixte? Uuna-una kang maglakad d'yan baka mamaya maligaw ka."
Natawa si Vico sa sinabi ni Amihan. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang usapan nila kahapon. Totoo ngang sinundo siya ng binata at wala pang kasama na galing sa munisipyo.
Kakaiba ang kaniyang nararamdaman, parang kailan lang ay nahihiya pa siya kapag dumidikit siya sa kaniya. Para ngang kumapal mukha niya dahil tino-tropa niya na ito.
"Saan ba tayo sasakay?" Pagkakamot nito sa ulo habang hinihintay na mag-red ang stoplight para makatawid. "Tricycle lang, kabilang baranggay lang naman 'yun, e."
"Taga Manggahan ka pero nakakaabot ka ng Buting?"
Ikaw nga mula minisipyo nakarating sa puso ko.
"May sinasabi ka?"
Gulat na tumingin si Amihan kay Vico. Ang lalaking 'to! Mukhang nababasa niya ang nasa isipan niya!
Nang mag-red ang stoplight ay tumawid sila. May mga estudyanteng naghaharutan pa sa harapan nila o 'di kaya mga nagmumurahan pa. Ang masaklap pa do'n ay mga elementary pa.
"Ang haba ng pila!"
Nakarating sila sa pilahan ng tricycle, bukod sa mahaba na ang pila ay matagal pang dumating ang mga tricycle.
Pinunasan ni Amihan ang kaniyang pawis dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ganun na lang rin ang tindi ng paghatak ng kasama niya sa collar ng polo niya.
Nagmu-mukha silang mag-kasintahan dahil sa kulay ng kanilang damit, blue. Pota, couple shirt pala kami. Pero hindi pala kami couple, saklap.
Dumating ang ilang tricycle para magsakay ng mga pasahero. At dahil sa tangkad nilang dalawa ay kinakailangan na mag-backride sila.
Kahit sa likod sila umupo ay nakayuko pa rin silang dalawa. Paano ba naman kasi, ang baba ng bubong. "Sana naman pataasan nila sa susunod mga bubuong nila," bulong ni Amihan sa kasama.
Maingay ang tricycle na nasakyan nila at malakas pa ang ibinubugang usok nito. Kahit naka-facemask na si Amihan. Sakto namang sa tapat ng Shakey's sila bumaba kasama ng dalawa pang estudyante.
"Kuya, bakit po syete singil niyo? Student discount po, oh!"
Padabog na kinuha ng tricycle driver ang dalawang piso at ibinigay ito sa kanila. Nag-abot naman si Amihan ng bente pesos, "dalawa po." Binigyan naman siya ng sais pesos.
Huling pumunta si Amihan sa bahay ng kaibigan noong grumadweyt si Calixte ng college kasama ang mga kabarkada niya.
Pagdating sa isang 'di kalakihan na building ay pumasok sila. "Sino po pupuntahan niyo?" Tanong ng gwardya.
"Calixte Mazariegos po," sambit ni Amihan. Pina-pirma sila ng gwardya, pero naga-alinlangan siya kung ano isusulat sa pangalan ni Vico para hindi siya mabulilyaso.
Kinuha ni Vico ang ballpen mula sa kamay ni Amihan at isinulat ang pangalan na Victor Nubla. Pinapasok sila at siyang ngiti nilang dalawa.
Umakyat sila papunta sa ikatlong palapag at kumatok sa pang-limang pintuan. Nagbukas ito at bumungad sa kaniya si Rex, ang nobyo ni Aphrodite. "Uy, Amihan! Long time, no see! Pasok kayo!"
Pagpasok nila ay nakita nila ang mga kaibigan ni Amihan na busy sa pagluluto ng pagkain at pagde-decorate. Tinanggal ni Vico ang kaniyang face mask at inilagay ito sa kaniyang bulsa.
Inaasahan na ni Amihan na magugulat ang mga kaibigan niya, lalo na si Rex at si Apollo na nahulog pa ang mga colored paper na ginupit-gupit.
"Tulungan ko na kayo diyan," ngiti ni Vico at lumapit sa mga binata. Nilapag naman ni Amihan ang kaniyang bag sa isang upuan at pumunta sa kusina.
Hindi maibalot ni Calixte ang karne sa lumpia wrapper, halatang iritado na siya dahil kakaunti pa lang ang nagagawa niya.
Si Aphrodite naman ay busy na maghalo ng spaghetti sauce. At sina Athena at Madeleine naman ay busy sa paghihiwa ng mga karne para gawing kaldereta at adobo.
"Oh, Monsoon! Andiyan ka na pala," bati ni Athena, lahat sila ay pawis na pawis na dahil sa kanilang ginagawa. Umupo sa tabi ni Calixte si Amihan para turuan itong magbalot.
Pinakita niya ang paraan ng kaniyang pagbalot, "parang gumagawa ka lang ng envelope, 'yun nga lang, irorolyo mo pa," paliwanag niya pa.
Naka-limang ulit si Calixte at sa wakas ay nakuha niya na kung paano. Para mapabilis ay tinulungan niya na ito para makatulong pa sa iba.
"Sino pa ba pupunta dito, Cal?" Tanong ni Aphrodite. "Mga ibang kaklase ko, ewan ko lang kung matutuloy sila ngayon–excuse me, may tumatawag."
Nagtungo si Calixte sa banyo para magkaroon ng privacy sa tawag. Para namang kabute ang kaniyang mga kaibigan na lumapit sa kaniya habang hindi nakatingin si Vico para hindi sila mapaghalataan.
"Sineryoso talaga niya 'yung pangako niya, 'no?"
"Sigurado ka bang hindi siya busy ngayon sa munisipyo?"
"Sana all."
Tinignan niya ang mga kalalakihan sa kabilang dulo ng apartment unit, masaya silang nagtatawanan habang nagkakabit ng decorations. Muntikan pang mahulog si Rex sa tinutungtungan na upuan dahil sa halakhak niya.
"Ahem, ahem. Ba't ka ngumingiti? Ayieeee!" Kiniliti nila si Amihan sa kaniyang tagiliran at nahulog pa sa kaniyang inuupuan.
Sana hindi niya iyon nakita!
Bumalik si Calixte ng may lungkot sa kaniyang mukha, "hindi daw sila makakapunta."
Nang muling makaupo si Amihan ay tumingin siya sa dalaga. Kung tutuusin, hindi na siya pinupuntahan ng kaniyang mga kaklase niya.
Umakbay si Athena sa kaniya at biglang ginulo ang buhok ni Calixte, "birthday na birthday mo, ang lungkot mo? Hoy, Apollo! Iiyak na 'tong bebe mo, oh!"
"Siraulo 'to!"
Pinagpatuloy pa nila ang kanilang pagluluto at pagaayos ng dekorasyon. Natapos na sila bandang alas singko ng hapon dahil nagkanda-kulang kulang pa ang mga ingredients at colored paper.
"Mic check, mic check... Ayos na 'to!" Ibinigay ni Rex ang mikropono ng videoke kay Madeleine na siyang ipinasa naman kay Amihan. "O bakit sa akin?"
Agad na tumugtog ang lagi nilang kinakanta sa mga videoke bar.
Sinasadya yata 'to ng mga gunggong na 'to, e.
"Bakit ako kakanta nito? Hindi ba dapat si Calixte? Tutal siya naman ang may birthday ngayon!" Nayayamot na saad ni Amihan at inasar sita ng mga kaibigan niya.
Sariwa pa sa isipan niya kung paano sila nagkakila-kilala, mag-isa lang siya noon sa Bonifacio Global City. Loner lang ang peg.
Nilapitan siya ng mga ito, dahil nga bago lang siya sa Maynila ay sinamahan nila si Amihan. No'ng araw ring iyon ay puro tawanan at kwentuhan ang naganap sa kanilang magkakaibigan.
Ipinasa ni Amihan ang mikropono kay Aphrodite nag-echo pa ng matinis dahilan para mapa-takip sila sa tenga. Akala mo isa siyang underground rapper dahil sa kinikilos niya, masyadong malikot!
"Oy, ikaw naman, Madeleine!" Sambit ni Aphrodite at ibinigay ang mikropono sa kaibigan. At dahil kilala nila ang kaibigan, expected na ibibirit niya ang kanta kahit wala pa naman sa parte na gagawin iyon.
Binigay naman ni Madeleine ang mikropono kay Calixte na busy mag-reply sa mga bumabati sa kaniya sa Facebook.
Kahit sintunado ay nagagawa niya pa rin kumanta na may confidence. Inaasar pa nga ni Madeleine si Apollo kung nakakatulog pa ba siya sa gabi dahil sa pagkanta ng nobya.
"O, kayo naman!" Inihagis ni Calixte ang mikropono papunta kina Apollo at Rex. As usual, maganda ang blending ng mga boses nila. Nagsuggest pa nga noon si Athena na pwede na sila magsimula ng paggawa ng mga song covers.
At sa outro ng kata, naglapit-lapit silang pito para kantahin ito.
Nag-apir silang lahat nang matapos ang kanta. Kapag kasi may videoke na magaganap, tradisyon na sa kanila na dapat kakanta silang lahat sa isang kanta.
Nagkantahan pa sila, pinilit pa nila si Vico na mamili ng kanta mula sa song book. Ayaw niya raw sapagkat nahihiya raw siya.
Pagkatapos ng ilang kantahan (at kinanta pa talaga nila ang Banyo Queen) ay nagsikainan na sila.
Inunang lantakan ni Amihan ang lumpiang shanghai, mas mabuti na ito muna ang una niyang kainin para hindi agad siya mabusog.
Tumabi sa kaniya si Vico na may hawak na plato. May kakaunting kanin pero maraming ulam. "Grabe ka naman kumuha ng pagkain."
"Bawal tumanggi sa grasya, 'yun ang sabi ni mama," pagkikibit balikat niya pa at sinimulang kumain.
Humarap si Amihan kay Vico at pinagmasdan siya habang kumakain. Bakit gano'n? Ang gwapo mo pa rin kahit kumakain? Hindi katulad ng dalawa do'n..
Tumingin naman siya kung nasaan sina Apollo at Rex, naguusap pa sila habang kumakain at nagkalat ang butil ng kanin. Halos mabilaukan na rin si Rex sa kakatawa.
Hindi niya na sila pinakialaman at kumain na rin. Mas nauna pang natapos ang kaniyang katabi sa pagkain. Tumayo ang binata at kumuha ng isang coke mismo.
Nakapagtataka..
Nanlaki pa ang kaniyang mata nang lumapit ito kay Calixte at parang may bumulong. Sa hindi malamang dahilan, biglang kumunot ang kaniyang noo.
May binigay si Calixte kay Vico at ngumiti dito. Tumalikod ang binata na parang may ginagawa sa bote ng inumin na iyon.
Ano kaya gagawin niya?
Ilang saglit ang lumipas, bumalik sa tabi niya si Vico at ibinigay ang coke sa kaniya. "Paunti-unti mong inumin 'yan, may secret message akong isinulat diyan para sa'yo." Kindat nito at tinungo ang mga kalalakihan para sumali sa kanilang kasiyahan.
Mukhang matutunaw ako sa kindat niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top