labinganim

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ni Amihan. Kikiligin ba siya o magaaalala?

Shinut-down niya ang kaniyang laptop at siyang bagsak ng ulo sa lamesa. Nakaramdam siya ng lamig at nagsimulang umambon sa labas ng bahay.

"Lagi nalang umuulan nitong mga nakaraang araw, ah?"

Sa tuwing iniisip niya ang kaniyang mga problema ay biglang bumubuhos ang ulan.

Tawagan ko na ba siya?

Huminga siya ng malalim at dinial ang number ni Vico. Napakagat siya sa kaniyang mga kuko habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang may magsalita, pero agad din iyon nawala dahil sa sinabi.

["Hello, this is Vico! Leave a message and I will try my best to reach you back, good day!"]

Isa lang pala auto-message.

Muli na namang namula ang kaniyang pisngi ng marinig niya ang boses ni Vico, malalim pero may bakas pa rin ng pagkamalambing.

"He-hello?" Panimula niya, "pasensya na kung nakakaabala ako sa'yo. Kung nakukulitan ka na sa akin, sabihin mo lang.."

Napalunok siya sa kaniyang laway at ipinagpatuloy ang mga sasabihin, "gusto ko lang talaga malaman, kung totoo ba 'yung nakasulat sa bote."

Hanggang do'n lang ang kaniyang nasabi dahil may time limit pala ito. Dahan-dahan niyang binaba ang cellphone at muling inilapag ang ulo na nakapaharap sa bintana.

Naguunahan ang mga butil sa pagtulo, para lang ang mga nararamdaman niya, naguunahang lumabas para sa isang tao.

At si Vico iyon.

Sumapit ang gabi at tinawag siya ni Achilles para kumain. Tahimik lang sila sa hapag-kainan at halatang walang gana kumain si Amihan.

Inikot-ikot lang ng dalaga ang ulam na ampalaya sa plato gamit ang kutsara. "Ano ba 'yan, Amihan. Bakit mo naman pinaglalaruan 'yang pagkain?"

"Ayaw ko ng ampalaya," tugon pa nito.

Ininom niya ang tubig at muntikan pang lumabas ito sa kaniyang ilong ng nagring ang cellphone.

Unregistered number, sabi ko na nga ba at tatawagan mo ako.

Tumayo si Amihan sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa sala, "hoy, ikaw nakatoka mag-hugas ngayon!"

"Mama mo," pagtaas niya pa rito ng kaniyang gitnang daliri na ikinasimangot ni Achilles.

Umupo siya sa sofa at inayos ang kaniyang buhok, kinakabahan siya sa mga maririnig niya.

Bahala na, ginusto mo ito, e.

["Hello, Amihan!"] Masiglang bati ng nasa kabilang linya, ["pasensya na, a? 'Di ko nasagot tawag mo kasi nasa meeting ako kanina."]

Nanlaki ang kaniyang mata at parang gusto magpakain sa lupa sa sinabi ni Vico. Baka sabihin niya ay nagpapapansin na siya sa kaniya.

"Ayos lang," tugon niya at pinatong ang kaniyang paa sa center table.

Narinig niya ang malalim na paghinga ng kausap sa kabilang linya, sexy-ano ba, Amihan! Muli na naman siyang napailing at napahilot sa kaniyang sentido.

"May ginagawa ka pa yata, tawagan nalang kita ma-"

["Wala na,"] pag putol niya sa kaniyang pangungusap. ["Pwedeng pwede mo na ako kausapin ngayon, hanggang mamayang hating gabi kung gusto mo pa,"] dagdag pa niya.

Seryoso ba siya?

"A-ano kase, kaya ako napatawag dahil sa bote."

["Naubos mo na 'yung laman?"] Tanong nito at nakarinig si Amihan ng kaluskos, panigurado siya na may naglapag ng kung ano man sa lamesa ni Vico ngayon.

"Oo," muli na naman siyang huminga ng malalim, kinakailangan niya na ng lakas ng loob at kapal ng mukha. "Gusto kita mapasaakin, Amihan ang nakalagay doon, hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng utak ko dahil sa bote na 'yon."

Ilang minutong hindi nakasagot si Vico, huwag mo akong babaan please huhu.

["Seryoso ako do'n."]

"Ano?"

["Narinig mo naman siguro ako? Gusto kita, Amihan,"] kinuha ng dalaga ang isang throw pillow at ningudngod ang mukha rito.

THIS IS IT, PANCIT!

She cleared her throat para maayos ang boses niya, maging isang dalagang Pilipina ka, Amihan! Kung hindi, kurot ka talaga sa singit ni Maria Clara!

["Andiyan ka pa ba?"]

"Ah, oo andito pa ako," tugon niya.

["Pwede ka bang lumabas sa pasko? Mama wants to meet you so bad,"] saad ni Vico na para bang nanlalambing.

Sa pagkakatanda ni Amihan, si Coney Reyes ang ina nito. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata, simula pa kasi ng pagkabata niya ay iniidolo niya na ito.

"Pa-pasko?" Napatingin siya kay Achilles na tahimik lamang nangta-trashtalk sa mga kasama niya sa Mobile Legends, sa kaloob-looban ni Amihan ay alam niyang nakikinig ito at 'di na bago sa kaniya iyon.

Nagbigay na lamang ng isang thumbs up si Achilles, sign na pumapayag siya na lumabas para sa pasko.

"Oo naman!" Masayang tugon niya, kapal ng mukha mo, girl. Ni hindi mo nga alam kung saan sila nakatira?

["Great! Sunduin nalang kita sa araw na 'yon,"] nagiimagine na kaagad si Amihan kung ano ang mangyayari sa pasko.

["Tawagan nalang kita mamaya, Amihan. 'Wag mo na alalahanin 'yung tungkol sa bote, ipapaliwanag ko kapag nagkita na tayo. See you!"]

"Teka lang-ay, binaba."

Hindi na siya nagdalawang isip na i-chat ang mga kaibigan niya.

monsoon

mgA BAKLAAAAA


cutiks (Calixte)

ano balita?

datu puti (Aphrodite)

grabe naman amihan

bimby (Madeleine)

nanonood aq ng doctors ih


monsoon

di kayo maniniwala sa sinbi s aKEEEEN


ati-atihan (Athena)

May gusto na rin sya sau?????

monsoon

MISMO!!!!!!!!

Dahil sa chinat ni Amihan ay biglang nagyaya si Athena sa isang video call. Sinagot naman 'to kaagad ng magkakaibigan at nagkamustahan.

"Niyaya ka niya talaga sa bahay nila?" Hindi mapakapaniwalang tanong ni Calixte. "Grabe girl, ang haba na ng hair mo!"

Bahagyang natawa si Amihan sa sinabi ng kaibigan at pabiro pang sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kamay.

"Ano na plano mo?" Pagbasag ni Madeleine sa kasiyahan. "Kahit kailan talaga panira ka ng moment," akmang pagsuntok ni Aphrodite sa screen.

"Hindi ko alam," napakagat labi si Amihan. "Wala rin akong maisusuot, siguro mag Ateneo shirt at pantalon nalang ako," dagdag pa nito.

Nagtawanan ang kaniyang mga kaibigan na kaniya namang ipinagtaka, "wala naman akong sinabing nakakatawa, ah?"

Sumingit si Calixte sa usapan, "girl, tanyag ang pangalan ng mga magulang niya. Malamang mataas ang expectations nila. Girls, naiisip niyo ba naiisip ko?"

"Malay ko sa'yo, naghahati ba tayo ng utak?"

"Ang killjoy mo masyado, kinulang ka sa pagmamahal at aruga ng magulang mo, ha Madeleine?" Inis na sambit ni Calixte.

"I got chu, Calixte. Alam ko na naiisip mo," kindat pa ni Athena.

Nagsalubong ang kilay ni Amihan dahil sa mga pinagsasabi nila, "ano ba 'yang trip niyo sa akin, ha?"

"Punta ka sa apartment bukas, Monsoon. Pati na rin kayo, pupunta tayo sa Divisoria!"

***

"Grabe, ang init naman! Ang dami pang tao!"

Iyon lagi ang reklamo ni Amihan sa tuwing nakakadaan sila sa maraming tao, lalo na sa Ilaya. "Atsaka, ano ba 'tong pinagbibili natin? Puro damit?"

"Ay tanga," pagpunas ni Aphrodite sa kaniyang pawis sa noo. "Kaya ka nga sinama para bumili ng damit para sa pasko, e!"

"Pati na rin may pang-regalo ako sa mga pamangkin ko, hihi," sabat pa ni Athena.

Wala na magawa si Amihan kung hindi ay sundan na lamang ang mga kaibigan. Nagulat din siya dahil halos kabisado ni Calixte ang mga pasikut-sikot ng nasabing lugar.

"Laking Divisoria ako, e!" Pagmamalaki pa ni Calixte, "sinasama ako lagi ni mama rito kapag walang pasok, nagbabantay ako ng stall namin."

Nakaabot sila sa 168 shopping mall at biglang nilamig, sa sobrang lakas ng aircon, akala mo nag-trip to Baguio na sila.

Naglibut-libot sila hanggang sa nakaabot sa third floor, halos mahilo na sila sa dami ng damit na kanilang nakikita.

"Ayun! Ang ganda ng dress, oh!" Nguso ni Aphrodite sa isang stall.

Ang tinutukoy ni Aphrodite ay isang off shoulder na dress, nasa laylayan nito ang disenyong mga bulaklak at mayroon pang slit.

Nilapitan nila ang stall at hinawak-hawakan ang damit, lumapit ang saleslady sabay sambit ng, "ma'am, 560 lang po iyan, magandang klase po, galing Thailand."

Nasamid si Madeleine sa kinakain niyang takoyaki at bumulong kay Athena, "gawa ba sa ginto 'yan at ganiyan kamahal? Akala ko ba mura lang mga paninda sa Divisoria?"

"Heh, manahimik ka."

Ngumuso na lamang si Madeleine at bumalik sa pagkain, si Amihan naman ay tahimik na pinapakinggan ang pagtatawad ni Calixte sa saleslady.

"O, sukatin mo," inabot ni Calixte ang damit at itinulak naman siya ni Aphrodite patungo sa fitting room.

Nang maisuot niya ang damit, parang nagandahan siya sa kaniyang sarili. Sakto lamang ang damit para sa katawan niyang medyo patpatin.

Magugustuhan niya kaya 'to?

"Magugustuhan niya 'yan!" Natatawang sabi ni Athena.

Lumabas siya para maipakita sa mga kasama ang kaniyang suot. Nagsikuhan sila at kinuhaan pa siya ng litrato.

"Last price na ate, 400, sige na ate," pakiusap ni Calixte.

Wala nang nagawa ang saleslady kung hindi ibigay na lamang sa presyong gusto ang damit. Nilabas ni Athena ang kaniyang wallet sabay abot ng bayad.

"Hubadin mo na 'yan, marami pa tayong bibilhin," utos pa ni Madeleine.

"Ha? Sagot niyo lahat 'to?"

"Syempre, sinusuportahan ka namin sa kaharutan mo."

"Gago!"

Ang swerte ko talaga sa kanila.

Nang napagod sila sa pamimili ay nagtungo sila sa food court at doon kumain. "Susunduin ka niya sa pasko?"

"Oo, 'yun sabi sa akin ni Vico, e."

"Kaloka ka, teh! Enge kagandahan!" Pagbibiro ni Aphrodite.

"Tse! Ako pa nilinlang mo, kung ano ibig sabihin ng pangalan mo bawing bawi sa mukha mo," saad ni Amihan habang tinuturo ang kaibigan gamit ang buto ng manok.

Habang nagtatawanan sila, hindi maiwasan mapaisip si Amihan.

Matatanggap kaya ako ng pamilya niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top