apat
"Ser, ayos lang po ba kayo?"
Napatingin si Vico sa isang matanda na naglagay ng isang tray ng pagkain sa lamesa. Binigyan niya na lamang ito ng isang matamis na ngiti at pasimpleng ibinalik ang kaniyang atensyon sa mga papeles. "Sige po, ser. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo."
Lumabas ng opisina ang matanda, habang si Vico naman ay blanko lang ang mukha habang nakatitig sa tray na inilagay kanina ng matanda. Ano ba nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noong mga nakaraang araw.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya nalulutang, kumain naman siya ng almusal bago pumasok sa trabaho. 'Di naman niya nakaligtaan ang sermon ng mama niya na araw-araw pinapabaon sa kaniya.
Bakit ka ba nagkakaganiyan, Vico?
Tila ba nasampal siya ng reyalidad nang biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone, palatandaan na may notification na pumasok dito.
monsoon sent you a message.
May pagdududa pa niyang pinindot ang envelope icon sa Twitter at binasa ang message ni Amihan.
@hangingmonsoon
good morning po, mayor! salamat po pala sa pag-hatid sa akin kagabi. nasa munisipyo po ba kayo para maibalik ko 'yung payong?
Napangiti siya sa message, teka, bakit napapangiti na ako? Message lang 'yan!
Napailing siya nang maraming beses at saglit niyang pinagisapan ang sasabihin at tinype ito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit halos manginig pa ang mga daliri—hindi, buong kamay niya pala!
@VicoSotto
Nasa munisipyo ako ngayon, pero delikado lumabas ngayon. Sayo na yang oayong na yan.
*Payong, sorry :D
Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay nasend niya rin ang gusto niya sabihin. Halos magsalubong na rin pati ang mga kilay niya dahil hindi naman siya ganito kapag ibang tao ang kinakausap niya virtually. Ay nako.
Akmang ilalapag niya na sana ang cellphone para bumalik sa pagbabasa ng mga reports at papeles mula sa iba't ibang barangay ay bigla itong nag-vibrate ulit.
Lubayan mo muna ako, please! Hindi ako matapos-tapos dito!
@hangingmonsoon
sigurado po kayo mayor?
Napakamot siya sa ulo nang madaanan ng mata niya ang salitang po. Bakit ba ako pino-po nito? Magkasing-edad lang naman kami... yata?
@VicoSotto
drop the 'po' hahaha. wala pa ako sa kwarenta años para i-po ako.
@hangingmonsoon
baka po kasi magmukha akong walang respeto sa inyo e
Sabagay.. pero, nakakailang kasi 'yung po!
@VicoSotto
it's ok. may tiwala naman ako sayo, oo nga pala, pwede mo ba i-send yung pic namin ng baby kahapon? haha
"Anak ng—! Ang lakas naman ng aircon bakit pinagpapawisan pa ako?!" Saad nito sa sarili sabay bagsak ng ulo sa kaniyang lamesa.
Kailan ba siya huling nagkaganito? Noong tumambad ba ang sandamakmak na mga gawain na nakapatong sa lamesa niya noong unang araw niya sa opisina? Mga panahon na pagod siya paguwi sa bahay dahil sa pangangampanya?
Habang naghihintay ng reply pinaikot-ikot niya ang phone sa desk niya. Sumunod no'n ay nakitang niyang nag-pop sa chat thread nila ang picture nila ng baby.
Tinitigan niya ito, akmang mag-rereply na sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Pasok!" Sagot nito sabay patay ng cellphone.
"Mayor—" Natigil siya sa pagsasalita nang makita siya ng sekretarya niya na para bang wala siyang gana sa ginagawa niya. Kaya para matauhan ito ay kumatok siya muli pero sa pagkakataong iyon ay nilakasan niya na. "I'm sorry to interrupt you but we have a scheduled meeting with the school principals," saad pa nito.
Bakit niya nga ba ito nakalimutan?
"Sige, I'll be there in a minute," sagot niya at iniwan siyang mag-isa.
Nag-ayos siya ng buhok sa pamamagitan ng pagsuklay. Binuksan niya ang bottled water at huminga nang malalim. Ininom niya ito na halos maubos na ang laman nito.
Kailangan niyang ma-refresh ang utak niya para hindi malutang sa mga tanong ng mga bisita. Kahit na sabihin pa ng iba na straightforward siya magsagot sa mga tanong ay maaari siyang maging lutang ano mang oras mamaya. Kakainis, ano ba dahilan kung bakit ako nagkakaginito?!
Tinahak niya ang daan papunta sa conference room, bumungad sa kaniya ang mga tahimik na principal mula elementary hanggang senior high school ng mga eskwelahan sa nasasakupan niya. Bumati siya ng isang magandang araw sa mga bisita at sinabihan na maging kompurtable sila sa pwesto nila.
Nagsitayuan sila at binati ang mayor, 'yung iba ay 'di mapakali na picture-an siya. Marami rin ang nagbubulungan nang dumaan siya sa harap ng ibang principal. Hinayaan niya na lamang ito at pumuwesto sa harapan.
Marami silang napag-usapan, tungkol sa pagpapasaayos ng mga paaralan, paano mapapababa ang out of school youth, bullying, at kung anu-ano pa.
Masaya siya dahil sa gitna ng ulan, ay naituloy pa rin ang pagpupulong. Masigla rin ang mga panauhin sa mga pagtanong at pagbibigay ng iba't ibang opinyon.
Kahit alas diyes pa lang ng umaga ay nakaramdam siya ng antok at lamig, ipinakiusap niya na hinaan ang mga aircon para na rin hindi malamigan ang mga empleyado.
Nagbasa-basa rin siya ng diyaryo, nanood sa YouTube, nagikot-ikot sa bawat floor ng city hall. Pagkatapos naman no'n ay bumalik siya sa kaniyang opisina para magbasa ng mga kung ano dapat ang pipirmahan.
Sunud-sunod ang notifications niya sa kaniyang Facebook page, naningkit ang mga mata nito sa mga comments ng mga tao, lalo na sa mga estudyante.
'Tong mga batang 'to, ang tatamad mag-aral! Gusto pang isagad hanggang susunod na Lunes!
Karamihan kasi sa mga comments sa post niya (lalo na sa mga suspension related) ay halos ituring na siyang Diyos kapag usapang eskwela. Kung hindi pasasalamat ay may magko-comment na bakit daw hindi mas maaga siyang nag-suspend.
Ilang beses niya na itong pinaliwanag na naghihintay sila ng anunsyo mula sa PAGASA kung lalakas o hihina ang lakas ng ulan. Pero kahit ilang beses siyang nagpaliwanag ay puro reklamo pa rin ang natatanggap niya.
Uminat siya sa kaniyang swivel chair at muling humikab, kung pwede lang na matulog ngayon ay ginawa niya na.
Kaso hindi.
Dahil panigurado siyang sesermonan na naman siya ng kaniyang mama Coney kapag nalaman nitong natulog siya sa opisina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top