Kabanata 6

DEDICATED KAY; Black_death12000

Enjoy reading!

....

Caspen's Magic

'I can help you. You don't have much of a choice. You just need to make sure to secure this project and I'll do you a favor. It's a win-win deal.'

Paulit-ulit na bumabalik sakin ang mga binitawan nyang salita. Hindi ako makatulog. Hindi mapanatag ang kalooban ko, dahil sa sinabi nya. Pero dapat ba akong maging kampante sa pangako niya?

There is also this lingering question that keeps bugging me. Can I really trust him? Given that we have a deal. Paano siya nakakasiguro na matutulungan ko siya sa proyektong sinasabi niya?

Kursong arkitektura ang aking tinapos. Masasabi kong madali na lamang sa akin ang magdisenyo ng mga gusali. Gamay ko na din ito kahit wala pa akong lisensya 'pagkat minsan ng ako ang nagdisenyo ng ibang proyekto ni Ama.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Napahilot sa aking sumasakit na sentido.

"Panginoon sana po'y malampasan ko ang mga pagsubok na ito."

I caress my baby bump then sighed. Sa mga nakalipas na araw, pakiramdam ko mawawala na ako sa katinuan.

This is giving me too much stress.

Matapos ng usapan namin kanina dumiretso ako sa isang bakanteng kwarto dito sa condo nya. This must be his guest room.

Kumpara sa kwarto niya kulay asul at puti ang tema ng silid na ito. Halos kumalahati lang din ito sa kwarto nya, pero ma-espasyo na kumpara sa dati kong silid. Maaliwalas din ang paligid.

Kumapit ako sa railing ng nagsisilbing veranda ng unit ni Thunder. He has a clear panoramic view of the city.

The sun is about to shine. The cold morning breeze touches my pale skin. The air is still fresh by this time. I always love the sunshine. It simply reminds me of a fresh start of life, a new beginning of hope for everyone.

"Maligayang umaga haring araw!"

Mas magandang salubungin ang bawat araw ng ngiti para sa maghapon. I took a deep breath and smile.

.....

Napanguso ako ng mabasa ang maliit na sticky note na nakalagay sa mesa siguradong galing kay Thunder 'to. Kahit sa note naka-English at ang sungit pa rin.

'Eat. Caspen will be there. He'll accompany you to buy your stuffs.

Ps. Don't do something stupid.

-Thunder'

Bakit kailangan niya pa kong bilihan ng mga gamit? Wala pa naman akong pera na maibabayad sa kanya. Nako, nako talaga!

Matapos kong kumain, hinugasan ko na ang mga ginamit ko, saka pumunta sa kwarto ni Thunder. Tutal wala pa naman akong gamit.

Wala din kasi akong nakitang gamit sa guest room na ginawa kong kwarto.

"Pahiram muna, Thunder."

Naghalungkat ako ng pinaglumaan nyang damit, kaso wala. Kaya yung pinakamaliit na lang na damit niya ang kinuha ko na nasa pinakailalim nang kabinet nakatago.

Pinunasan ko ang kaunting pawis na namuo saking noo gamit ang likod ng aking palad.

His shirt smell's like detergent. Fresh.

Anong klase kayang panglabada ang gamit niya? Napailing ako sa takbo ng aking utak at agad na tinungo ang banyo para maligo.

I tied my hair up, into a messy bun. Hinayaan kong nakaharang ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

Nataranta ako ng tumunog ang buzzer sa pintuan. Caspen is here! Nagmamadaling tinungo ko ang pintuan.

I made a deep breathe before opening the door.

"Good morning! Jaim-"

Ngiting-ngiti pa ako para bumati, ngunit agad na sumama ang timpla ng aking mukha.

An awful smell welcome my sensitive nose. God he smell so bad. Nangunot noo ako.

"Ang baho mo!"

Namilog ang mga mata nya. He raise his arms and smell his armpit.

"H-hindi naman ah. Ang bango ko kaya-"

"No! Magpalit ka ng damit! Hiram ka muna kay Thunder!"

Tinakpan ko ang ilong saka nag muwestra sa kanya paalis. He scratch his head first before nodding. Bubulong-bulong pa ito at Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng pagamoy-amoy ng kanyang sarili papunta sa kwarto.

Habang naghihintay sa kanya ay inililipat ko na sa aking isip kung ano ang bibilhin namin. Mas mabuti kasing alam mo na kung ano ang bibilhin bago pa pumunta sa bilihan para walang makakalimutang bagay.

"Tara."

Matapos makapagpalit ng damit si Caspen, umalis na kami gamit ang kanyang Ferrari. Mabilis lang din kaming nakarating sa isang mall malapit sa condo ni Thunder.

"Eto. Eto at eto."

Kanina pa kami paikot-ikot sa mall. Masakit na ang mga binti ko. Pakiramdam ko magkakapaltos na ako.

"Caspen, tama na ata yan! Kanina ka pa, nakakahilo na! Tsaka Di mo man lang sakin itanong kung ok ba sakin yang pinipili mo."

Ngumisi lang siya bago ibigay lahat ng kinuha nya sa dalawang sales lady na nakasunod samin. Napasimangot ako. Naman!

"Wrap this up. Thank you." Binigyan niya ng ngiti ang dalawang babae.

Agad naman nila itong kinuha at dinala sa counter.

"Paano kung di naman kasya yan sakin? Ha? Sayang lang ang pera. Wala naman akong pambayad diyan, eh!"

Sinipat niya ko bago nagkibit balikat.

"Wag kang mag-aalala sa pera, marami si Kulog nyan and trust me i know your size, babe."

Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Napansin kong nagtagal ang mga mata nya sa dibdib ko. He winked.

"Pervert!"

Pinandilatan ko sya ng mga mata. He just chuckle. Napabuntong hininga ako. God, he's hopeless.

Bakit nga ba napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya?

Nakailang ikot pa kami bago pumunta sa isang fastfood chain. Nabigla pa ko kanina, why? Bago kami pumasok may isang malaking bubuyog na lumapit samin! Muntik pa kong himatayin habang tawa ng tawa naman si Caspen, bait nya no?

Bwisit na pinukol ko ito ng masamang tingin. Magpahanggang ngayon kasi ay malakas pa din ang kalabog sa aking dibdib.

Masakit na talaga ang mga paa ko. Napakagat ako sa aking labi. Kumikirot na aking paa.

"Maternity dress, flat shoes and slippers, kit, personal necessities, all done, finally. So first time mo? I mean dito?"

"Hmm,"

Tumango ako sabay subo ng paborito kong Spaghetti. Yummy.

"You must be kidding me!"

"Ngayon lang talaga. Minsan lang kasi ako lumabas ng bahay. Sa canteen, bahay at sa maliliit na kainan lang ako kumakain. Masyado kasing mahigpit ang mga magulang ko, kaya ganun." Iniiwas ko ang tingin sa kanya.

"Ah."

Wala ng nagsalita samin hanggang sa makatapos kaming kumain. Pananghalian na rin namin yon.

Hinila nya ko sa papunta sa isang upuan malapit sa isang parke. My eye's widen in surprise when he suddenly kneel down in front of me.

Tarantang sinubukan ko siyang hinila patayo. He didn't budget. Nanatili lamang siya sa kanyang pwesto.

"O-y Caspen!"

He cut me off and grab my left foot. Namumula na iyon. He lightly press a finger on my foot. Napaigik ako sa hapdi.

"Masakit?" his voice sounded serious. Magkasalubong din ang kanyang mga kilay.

"Hindi-" tanggi ko sa kanya. Umiling-iling pa ako para kumbinsihin siya.

Muli niya itong diniinan. I hissed. Mas lalong nangungot ang kanyang noo.

His eyelashes dropped down creating a faint shadow on his face. Hindi ko mabasa ang kanyang isip. His fingers gently traced the red swollen area on my feet. "Sana sinabi mo kanina pa."

"K-kaya ko pa naman eh. Tayo ka na dyan uy, nakakahiya." I shake my head.

May iilan na ring napapatingin samin. May iba pang nagbubulungan.

"Ang sweet ni kuya oh, sissy. Sana ganun rin si Boyfie sakin hihi!"

"Alagang-alaga siguro si ateng gurl! Mukhang may baby na rin sila nakakakilig!"

"Aw, sana all!"

Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko sa hiya.

Nangingiti lang din ang binata bago marahang minasahe ang mga paa ko. Mabilis din syang natapos. He stand up and motioned me to mimick him.

But before I could stand, his right arm snake behind my shoulder and the left one goes behind my knees. Gulat na napatitig ako sa kanya. His lips was slightly tilted on the right.

Namilog ang mga mata ko kaya napalo ko sya sa dibdib.

"Caspen! Ano ba, ibaba mo ko nakakahiya! Marunong naman akong maglakad, mabigat ako uy!"

Nakarinig kami ng impit na mga tili kaya humalakhak si Caspen. His chest vibrated and it sent chills to my soul.

"Easy, don't be shy, your foot is aching. My massaging technique is not that good, tho. Let me just carry you."

Dahil sa hiya ibinaon ko na lamang ang mukha ko sa kanyang dibdib. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"This is..Caspen's magic and I am in your service, miss." he sweetly whispered.

....
Salamaton sa pagbabasa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top