Kabanata 5

Thunder

THE corner of his lips tug into a boastful smirk. He casually toss his towel on his shoulder.

"Here. Take a photo it will last longer."

Hindi ako nakasagot sa kaniya agad. Sa sobrang pagkakatulala ko sa kanya hindi ko na namalayan na nakapagbihis na sya at nasa mismong harapan ko na.

Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Wag mo na akong pagpantasyahan....buntis."

Maang na napatitig ako sa kanya. Wala sa sariling tinanggap ko ang camera na iniabot nya sakin. He turned his back and leisurely walk to the door.

"A-ah.."

Napakurap-kurap ako. He's gone, that fast? Lumipat ang mga mata ko sa kanyang malapad na likod ng pumunta sya sa palabas ng kwarto.

"Get yourself together. We'll talk after you eat."

But before he leaves, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang bitin na ngiti na lumandas sa kanyang manipis at mamula-mulang labi.

Nag-init ang dalawang pisngi ko.

Oh may ghad. Did he just caught me staring, TWICE?

...

"Dig in."

Malamig na boses ni Thunder ang bumungad sakin, pagkadating ko sa bungad ng kusina. Maayos na nakalagay ang limang putahe sa mesa.

Bakit parang may pyesta?

"A-ah m-mauna ka na, mamaya na ko kapag natapos ka n-"

"Shut up. Just dig in, then we'll talk."

Napakaseryoso ng boses nya, kaya wala na akong nagawa kung hindi umupo sa harap nya at magsimulang kumain.

Di ko maiwasang kabahan dahil nakakatakot ang awra nya idagdag mo pa ang nangyari kanina. Nakakahiya.

Nakakapanibago din dahil matagal na at halos malimutan ko na kung kailan ako may nakasabay na kumain sa mismong hapag kainan. Somehow i felt a warm feeling on my chest.

I settled in front of him. Ng makita niyang nakaupo na ako ay agad na siyang nagsimulang kumain. I silently recite a simple prayer, then I started eating.

Tanging ang tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa kusina. Ang tahimik naman nya. Napanguso ako ng tumayo na sya at inilagay sa lababo ang pinagkainan nya.

"If you're done, just follow me." he casually wipe his lips with the table napkin.

Walang lingon likod na kinuha niya ang kanyang kinainan at dinala ito sa lababo.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mabilis ko ding ininom ang tubig at ginaya ang ginawa nya.

Napatingin siya sakin ng matiim kaya, napaiwas ako ng tingin.

...

"A-ano bang paguusapan natin? Salamat nga pala sa pagtulong sakin-samin kagabi, kung hindi dahil sayo baka namatay na kami ng mga dinadala ko." napangiti ako ng matamis.

Muli na namang tumitig sya ng matiim sa mukha ko bago lumandas pababa ang mata nya sa may umbok kong tiyan.

"Take a seat first."

Iminuwestra nya ang upuan na kaharap sa lamesa nya. Nasa silid kami. Malawak at puno ng mga libro ang paligid. May iilan ding halaman na nakalagay sa iilang sulok na nakakadagdag ng ambiance sa lugar. This must be his library. Katulad sa sala may naglalakihang paintings din ang nakasabit sa dingding. May malaking chandelier na nagsisilbing liwanag.

"Jaime, your name is jaime right?"

Tumango ako.

"Jaime Va-.. I mean Jaime Asuncion ang pangalan ko paano mo nalaman?"

"That night."

Napatahimik ako.

"Liar. Jaime Asuncion Vallarde. Ang panganay at tagong anak ng mga Vallarde. Ang kinasusuklamang anak ni Senyor Florencio-"

Napatayo ako. Anong karapatan niyang sabihin sakin 'to?

"Tama na!"

Napaluha ako. Hindi naman ako iyakin ngunit dahil siguro sa pagbubuntis ko ay madali lang akong maluha. I felt so sensitive.

Ngunit wala siyang pakialam nagdirediretso lamang siya sa pagsasalita. "-halos itakwil ng sariling pamilya. Ang dumi sa landas at bastarda ng angkan ng Vallarde. At ngayon ay may ipinagbubuntis. That's why the Head of the family want you out of his life. Better yet kill you and his soon to be grandchildren. To protect the family's or his image."

"Tama na! Alam mo! May alam ka! Papaano?!"

Napahalakhak sya. Isang malademonyong tawa, pero walang buhay.

My heart beats faster. Ramdam ko din ang pamamawis ng aking mga palad. Bilang lang sa kamay ang may alam sa pinakatinatagong sikreto ng aming pamilya. And he's right. I hate it but everything he said is right.

Bumuhos ang luha sa pisngi ko. Mukhang mali ako ng akala. Napahawak ako sa aking tiyan. Babies sorry ang tanga ng Mommy nyo. Ang tanga tanga ko.

Nagpupuyos ako sa galit. Kahit nanginginig ay pinilit kong inihakbang ang binti ko para lumabas sa silid na iyon.

"Stupid. You can't leave this place."

Ilang beses ko pang pinilit pilitin ang seradura ng pinto ngunit ayaw nito. I sighed.

"Ano bang gusto mo?" kalmadong tanong ko sa kanya.

Humarap ako sa kanya ng hindi ko mabuksan ang pintuan. God, anong ginawa kong masama para maranasan to?

"Relax, I have a proposal for you."

Nakatitig lang sya sakin. Maya maya isang nakakakilabot ng ngiti ang lumandas sa kanyang mga labi.

Hindi ako kumibo. His eyes looks directly into mine. As if he was looking for any sign of weakness from me.

He chuckled. "I heard, you know how to draw? Previously you design a project in Basilan under the Vallarde Group. Work for me. In return, tutulungan kita. What do you say?"

Anong ibig niyang sabihin? Nakatitig lamang ako sa kanya. Seryoso lang din siyang nakatitig saakin.

Will he keep his word?

"Hindi," umiling-iling ako. I can't take the risk. Hindi ko siya kilala. Maaring pinaglalaruan niya lamang ako.

"Gusto ko lang sabihin sayo, your father is a powerful figure. Hindi ka makakatagpo sa kanya. However I have more resources than him. . You don't have much of a choice. You just need to make sure to secure this project and I'll do you a favor. It's a win-win deal."

Pansamantala akong natigilan dahil sa sinabi niya. Tama siya. Maraming pera at koneksyon si Ama.

"Susubukan ko, pero hindi ko maipapangako kung-"

"I want assurance Miss. Asuncion." his fingers played with his fountain pen. His face not revealing any emotion.

I chewed my lower lip. "I- I'll do it! But, help me find a person."

Pansamantalang natigilan ang lalaki lumipas ang ilang segundo bago ito tumango.

"Trojan bar," ibinigay ko sa kanya ang detalye ng gabing iyon. From the address, date, to hours. Umaasa akong matutulungan niya ako.

Kumunot ang noo nito ng nakatitig sakin. Binitiwan niya ang fountain pen at dinukot sa bulsa ang kanyang cellphone. "Assistant Jang, help me find someone." Pansamantala siyang nakipag-usap sa telepono.

After a few minutes he hung the phone. His fingers rhythmically tapping on the hard wooden desk.

"Give me time. We'll talk after you finish your side of the deal. In the mean time you can stay here."

Nabigla man ay sinikap kong itago ito sa kanya. I don't have a place to stay. Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Sana nga ay mahanap niya ito. I don't have high hopes anyway.

"You may go." he nonchalantly pressed the button on his side.

A crisp click sound echoed. Napanganga ako ng makita ang pag-galaw ng doorknob. Pinukol ko siya ng nang-aakusang tingin. He just shrugged. Muli niya pang iminuwestra ang pintuan.

.....

Salamat sa pagbabasa!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top