Kabanata 3

Enjoy reading!

.....

Mine

THERE are billions of people it's funny how they manage to stick to their fate.

"That's not the first time that we met. Tell me... Is that mine?" his voice sound low.

Namawis ang kamay ko sa kaba. May namumuo ding iilang butil ng pawis sa aking noo.

Dumagundong sa tibok ang puso ko. Is he?- Napailing-iling ako. Paano kung hindi? Kung bakit kasi hindi ko tanda ang mukha niya! Ang tanga mo Jaime sobra! Pagpapalatak ko sa loob ko.

Bigla akong napahaplos sa tyan ko. Malakas din ang tibok ng puso ko.

"A-anong ibig mong sabihin? I-ikaw ba?"

'S-siya ba? Siya na ba ang ama nyo babies? But why can't I feel anything?'

Hindi din malamig ang boses nito, hindi tulad ng nasa ala-ala ko. Malamig na boses na kahit ang mga tuhod mo at manginginig kahit wala itong ginagawa.

Kunot noong lumapit sya sakin. Iniangat nya ang kamay nya.

"... Anong sayo?"

Gusto kong makasiguro. Kung siya nga yon ibig sabihin hindi na ko mahihirapang hanapin ang ama ng mga anak ko.

"This!"

Lumapad ang ngiti sa mukha nya. Nalalaglag ang panga ko ng makita kung ano ang hawak nya. Yung panyo! Yung panyong naging dahilan kung bakit ako namataan ng humahanap sakin! Bigla ang pagatake ng inis sa loob ko. Kinalma ko ang sarili ko.

"H-hi-hindi-..k-k-ka?"

Nangunot noo ito. Confusion lightly pass on his eyes. Waring tinatantiya kung ano ang sinasabi ko.

Gumuho ang pagasa ko. Akala ko sya na. Naramdaman ko ang pamamasa ng paligid ng mata ko. Unti-unti ko ring naramdaman ang pagbaliktad ng loob ng tyan ko. Pinipigilan ko lang.

"Ha?"

"W-wala yon. Salamat nga pala sa pagligtas samin kagabi."

Pilit na napangiti ako. Now, I'm back to zero again. Sa dami nga naman ng tao sa mundo.

"Nagligtas? Oh geez. You don't have to thank me. Ang kaibigan ko ang nagligtas sayo, si Thunder. Hahaha akala ko nga isa ka sa mga babae nya. Lam mo kasi ang isang yon? Madaming babae yon. Nagtataka nga ako eh, mas pogi naman ako don, pero mas lapitin sya ng mga chicks. Hahaha"

Ok? Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Bakit nya sinasabi to sakin? He's quite nosy.

Hindi rin pala sya ang nagligtas sakin.

"Thunder?"

The name feels wierd,on my lips. The way it sexilly rolls on my tongue seems foreign. Naramdaman ko ang pagtaasan ng balahibo sa batok ko.

"Yup, si Thunder. Teka, namumutla ka, i know you're hungry. Take the door on your right that's the C.R. Let me cook for you?"

Nakuha ko naman ang gusto nitong iparating.

"Jaime..." Mahinang usal ko dito. Punk pa run ng panghihinayang ang puso ko. How will I suppose to search for someone I never know?

"T-Caspen. I'm Caspen nice to meet you Jaime."

Ako lang ba o may dumaan talagang kakaibang emosyon sa mga mata niya? Imahinasyon ko lang ata iyon. Impossible namang-

Ipinilig ko ang ulo ko. Matapos nyang umalis sa kwarto, tinungo ko naman ang banyo.

Bumungad sakin ang malinis at organisadong banyo. Naglakad ako papunta sa harap ng salamin. I rinsed my face and stared at the miror. Matamlay na mga mata ang nasa salamin. She looks awful. A total mess.

Mugto ang mga mata ko. Maitim ang ilalim nito at magang-maga. I gently touch my face. Bakas pa rin ang pasa at pamamaga dito.

Are you wondering why? Bakit nga ba sarili kong ama ang gustong magpapatay sakin?

Matamlay akong napangiti. Maybe not just my father. My family loathe me. I have a father, a mother and a sibling, yet i have nothing. They want me dead.

I've come to realize that, the most painful thing to experience is to be betrayed by your own flesh and blood. It is very awful.

Ang mga magiging anak ko na lang ang meron ako. At hindi ko kakayanin kung pati sila mawala din sakin.

And if ever na makita o mahanap ko ang kanilang ama, hindi ko sila ipagkakait. I'm willing to share but kung hindi nya naman aakuin, kami na mismo ang lalayo.

Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko. Nakakasawa na din.

Mapait akong napangiti. Maski ako ay hindi alam kung bakit napakalaki ng galit sakin ng pamilya ko lalong lalo na ang tatay ko. That worsen when they learned about my pregnancy.

"Jaime, the foods is served, kakain na!"

Mabilis akong nakapunta sa kusina. Nakahanda na nga ang mga pagkain. Humahalimuyak ang amoy nito sa paligid.

"Take a seat, hindi na ako magtatagal. Mauna na ako..."

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko sa sunod nyang sinabi.

Thunder, why do i feel excited to meet you?

Tuluyan ng umalis si Caspen. Aki na lang ang naiwan dito. Kaya naman bagot na bagot na ako. Mabuti sana kung may makakausap man lang ako. Pampalipas or as ba.

"Thunder will be here by six? Antagal naman."

Napabuntong hininga ako. Baka tubuan na ako ng ugat sa kakahintay nito!

Mabilis na lumipas ang oras. Matapos kumain iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko. Saktong alas otso ng umaga tapos na kong magligpit ng mga pinagkainan.

Bakit ko nga ba sya hinihintay? Napabunton hininga ako

I close my eyes and release a heavy sigh. Maybe it would be best if i leave this place already. It may sound rude but, sa susunod na magkita na lang kami saka ako magpapasalamat. Tutal wala naman akong mapapala dito. Mabuti pang maghanap ng tao.

"Bahala na."

With heavy steps, tinahak ko ang daan patungo sa pintuan.

Huminga muna ako ng malalim bago lumingon sa paligid at hawakan ang seradura ng pinto. Sinubukan kong itulak at pihitin ang seradura ng pinto but it never open. It won't budge.

Kinalampag ko na rin pero ayaw talagang bumukas. Nakakainis!

Inis na napasalampak ako sa sofa sa sala. Siguradong lukot na lukot na rin ang mukha ko. Bakit ni lock ni Caspen 'to? Hindi naman ako magnanakaw aba!

"Mukhang kailangan ko pang hintayin yung may ari para makalabas ako dito."

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Malinis at organisado ang lahat ng kagamitan dito. Kombinasyon ng itim at puti ang tema ng paligid.

Simple pero elegante ang pagkakadisensyo. Halata rin ang karangyaan sa paligid dahil maliit na muwebles at mangilan ngilan na painting ng mga kilalang pintor.

Maaliwalas sa mata ang kulay ng pinturng ginamit sa interior ng condo. Homey at cozy ang feeling. Parang napaka friendly ng ambiance.

Sa paglipas ng ilan pang minuto hindi ko na namalayan ang pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko.

....
Salamat sa pagbabasa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top