Kabanata 1
Enjoy Reading!
Chase
"P-PLEASE...p..parang awa nyo na..l-let my baby live ... Tama na!"
Paos na panaghoy ko sa hangin. Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Dumadagundong ng malakas ang puso ko mula sa aking dibdib. I can't breathe properly. Inaatake ako ng kaba. Nanakit din ang buong katawan ko.
Muling sumagi sa isip ko ang gabing naging mitsa ng aking buhay. Isang gabing ni minsan ay hindi ko inaasahan. Isang gabi ng pagkakamali. Ilang linggo na nga ba ang lumipas muli ng gabing iyon? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Ni hindi ko na mabilang o matandaan.
Bakit nga ba nandito ako sa sitwasyong ito? My family is a traditional believing one. Madami kaming tradisyon na sinusunod at isa don ang nalabag ko. I was pregnant out of marriage at hindi ko alam kung sino ang ama. I committed a sin.
I am the shame in my family.
I disappointed my family. At ang tanging paraan nila upang maitama ito ay ang ipalaglag ito. Sabi nila ay para ito sa akin, sa pamilya ko, para maitama ko ang aking pagkakamali. But I can't. Dahil alam kong malaking pagkakasala iyon.
Madilim ang buong paligid. Nagtatago ang buwan kasama ang mga bituin sa kalangitan, wari'y nakikidalamhati sa pagtangis ng aking puso. Tanging ang ilang ilaw ng lamp post lamang ang nagsisilbing liwanag.
"NO! Hindi pwede! That thing on your womb is forbidden! It is a dirty sin!"
Isang nanggagalaiting sigaw ang dumagundong sa paligid. Tila galit na galit ito at puno ng pagkamunghi.
The place smells like rotten blood. Mamasa-masa't madumi ang paligid. Mapapansin ang pitong bulto ng tao, wari'y nasisiyahan ang mga ito sa nasasaksihan.
Napababa ang aking tingin sa aking katawan. Butas-butas na damit at puno ng sugat. Kapansin-pansin rin ang iilang tuyong dugo sa lapag na aking kinahihigaan. Napahaplos ako sa aking may kalakihan tyan, may maliit na umbok na ito. Patuloy nitong ipinapaalala sa akin na kailangan kong lumaban. Nalaglag ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Ama, please. Apo mo ang nasa sinapupunan ko.. Maawa naman kayo samin." Pahikbi kong hinaing.
Nasa isang makipot na eskinita kami ngayon.
Isang tingin na puno ng pagkadisgusto lamang ang natanggap ko mula sa kanya. "Wala akong anak na disgrasyada! Chain her up! Walang tutulong sa kanya hahayaan nating mamatay ang babaeng yan. Kasama ang kanyang supling!"
Nangilabot ako sa narinig. Tears immediately blurred my eyes. My heart hurts, pero mas nananaig ang lungkot at takot dito.
"W-wag pa parang awa nyo na..not my baby! Ama! Ama!" Mabilis na tinalian nila ako. Nanatili ang aking mga mata sa kanya. Sa lalaking mula ng nagkaisip ako ay itinuring kong ama.
Malakas na napahagulgol ako. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina. I can't even protect myself, how can I protect my little angel? Napakahina ko!
"Wag kang maingay! Kung hindi babarilin kita ng madaliang mamatay kayo ng anak mo!"
Sa takot ay awtomatikong napasara ang mga labi ko. Sa mga oras na ito ay tanging umaasa na lamang ako na may dadating na tulong sa akin. Sapagkat alam kong hindi mangingiming isagawa niya ang kanyang plano ano mang oras mula ngayon. Isipin ko lamang ay Hindi ko maiwasang panginoon ng buong katawan. But I can't accept this!
*Plick
Agad naagaw ang atensyon namin sa ingay na mula sa isang sulok. Gabi na kaya wala ng mga tao ang naglalakad sa mga oras na ito.
"Putang*na sinong nangdyan?!"
"Gag* tingnan mo! Patayin mo kung may tao!"
Napakalakas ng pintig ng puso ko. Nabuhayan ng pag-asa ang dibdib ko. Sana naman may makita sa amin dito. Somebody please save us. Pero paano kung mapahamak lamang siya dahil samin?
"May tao ba dyan?!" Malakas na sigaw ng isa sa tauhan ni Ama. Lumapit siya sa may kumpol na basurahan kung saan nanggaling ang ingay.
I silently murmured a prayer.
Naidilat ko ang mga mata ko ng may lumapag na pusa sa gilid ng lalaki. Nobody will really save us. Napangiti ako ng mapait. Sino nga ba naman ang magpupunta sa ganito kaliblib na lugar?
"Boss pusa lang naman pala 'to!"
Naunang pumasok ng sasakyan si Ama kasunod ng kanyang mga bodyguard at pinagkakatiwalaang tauhan. My eyes never leaving his figure he never once look back. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magbabago ang lahat. Tahimik lang akong naghintay hanggang sa umalis na ang grupo ng mga lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag na may kaunting pait, my heart was in a turmoil. Sinubukan kong kalasin ang tali sa aking kamay. Pulling and tugging. I can feel my nails scratching my skin. Hanggang sa maramdaman ko ang malapot na likido galing sa aking palapusuhan. Masakit ang aking buong katawan at nangangalay na ang aking mga braso isabay pa ang panginginig ng aking kamay.Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. My body was reaching it's limit. Hinang-hina na ako. Sinubukan kong umupo sa sahig ngunit hindi ako magalaw ng maayos, kaya muli akong bumagsak sa sahig. Napaigik ako sa sakit.
Nagsisimula ng magdilim ang aking mga paningin. I can hear a buzzing sound right beside my ears. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata. Kayo na pong bahala sa amin.
"........H-hoy miss?........ Buhay ka pa ba?"
Am I hallucinating?
"..."
"Miss?"
Awtomatikong na idilat ko ang mga mata ko. Naiukurap-kurap ko ang aking mga mata dahil sa hilo, hanggang sa luminaw ang aking paningin. Nakayuko sa harap ko ang isang tao. Natulala lamang ako dito. Is this real? Muli akong napaluha.
"T-tulong... A-ang baby ko.." wala sa sariling wika ko dito.
Napakamot ito sa batok at tarantang kinalas ang mga tali sa kamay at aking paa. Nakahinga ako ng maluwag.
Akmang itatapon na sana nito ang mga tali ng hawakan ko ang kamay niya. Takang napatingin ito sa akin.
"Wa-wag mong i-tapon s-sunugin mo.."
.....
"Mrs. Asuncion?"
"A-ah Ms lang po. Kamusta po ang anak ko?"
Napayuko ako sa tingin na ibinibigay ng doktora na nag-aasikaso sakin. Ngunit agad ko din itong isinawalang bahala.
Matapos akong ihatid ng babaeng nagngangalang Rain lininisan, nilagyan ng benda at ginamot ang mga sugat at ilang pasa sa aking katawan. Base sa resulta kanina ay may iilang bali akong natamo, sa ribs at sa aking kamay. Nakitaan din ng pamamaga ang aking siko. I somehow got it dislocated.
"Oh, sorry about that. Ms. Asuncion tatapatin na kita, hindi maganda sa mga bata kung mangyayari ulit ito. Maari silang mapahamak kung di kayo agad nadala sa ospital. Mabuti na lamang at mahigpit ang kapit nila kung hindi ay nasa masamang kalagayan kayo ngayon."
Namilog ang aking mga mata.
"S-sila?"
"Yes, you're 4 months pregnant and congratulations, you're having twins."
"..."
Marami pang sinabi ang doktor. Tumatango na lang ako. Hindi ko magawang maibigay dito ang buong atensyon ko, lalo pa't maraming bumabagabag sa aking isipan.
All this time akala ko isa lang ang magiging anak ko, yun pala. I was not expecting this, but I feel no regret. Oh God.
Napaluha ako. Tatlo na kami ngayon, ibig sabihin kailangan kong mas lalong maging maingat.
Napahaplos ako sa aking tyan. Kailangan kong makaalis dito. I need to find my babies father, fast. Maybe he can help us? Wala akong pagpipilian dahil alam ko sa sarili kong hindi ko 'to kakayanin ng mag-isa, tulad na lang ng nangyari kanina. Hindi ko na kakayanin kung mangyayari ulit iyon.
Pagkaalis na pagkaalis ng doktor mabilis na nag-ayos ako ng sarili ko. Pasado alas tres na ng umaga. Nakapagpalit na din ako ng maluwang na damit at isang bull cap. Hiniram ko lang ito sa isang nurse kanina. Mabuti na lang pinagbigyan nya ko kahit puno ng pagdududa ang mga mata nito.
Tahimik kong binuksan ng maliit na siwang ang pintuan. Hindi ko na itinali ang mahaba na brown kong buhok para pagtakpan ang mukha ko. Mas hinila ko pababa ang sombrero habang kalahati na lamang ng aking mukha ang makikita.
Sana hindi pa nila alam kung nasaan ako. God, please help us.
The sound of occasional steps echoed on the deserted hallway. I passed some nurses wearing their uniform and doctors on their gown along the way. May iilan din akong nakitang mga taong papauwi na galing sa pagbisita sa mga pasyente. Walang imik na sumunod lamang ako dito. Napahinga ako ng malalim ng matagumpay akong makalabas ng ospital.
"Boss, may nakita ba kayong babaeng dinala dito? Mga isang oras na ang nakakalipas?"
Napatigil ako sa paglalakad. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Oh God. No, no please.
"Pasensya na pero marami ang dinala dito kanina. Anong bang itsura?"
Sana mali ang kutob ko...
"Mahaba ang buhok, may pagka brown, maliit lang... nasa tatlong buwang buntis"
Napakalakas ng tibok ng aking puso halos magwala na ito sa loob ng aking dibdib. Mas iniharang ko pa ang buhok ko sa aking mukha. Please, i need to get far away from here.
"TEKA LANG MISS PANYO MO!"
Nanlamig ang katawan ko. Ayokong lumingon. Dire-diretso lamang ang lakad ko. Ayokong magpahalata kaya't sakto lamang ang bawat paghakbang ko, hindi masyadong mabilis, hindi rin mabagal.
"Ah buntis? Meron kanina. May kasama kanina yun ng lalak- ay babae pala. Kaano-ano nyo ba ser?"
Napahawak ako sa tyan ko.
"TEKA LANG MISS!"
May isang kamay ang humawak sa braso ko. Mabilis na napitlag ako sa bigla at takot. I look at him. Ngunit agad na lumampas ang tingin ko sa lalaking may hawak sakin patungo sa dalawang lalaki na nagtatanong sa isang guwardiya.
"A-no s-salamat p-pero kailangan ko ng umalis!"
Lumaki ang mata ko nakaagaw din kami ng atensyon. Nagkasalubong ang mga mata namin ng tauhan ni Daddy.
"P*tang*na! AYUN SIYA HABULIN NYO!"
Agad ding naalerto ang gwardya at tinangkang pigilan ang lalaki. "Hoy ano yan?!"
Awtomatikong humakbang patakbo ang mga paa ko. No, no. Andito na sila. They will kill me and my babies.
Napahagulgol ako. Tears started to blur my eyes.
"TAWAGIN NYO YUNG IBA! HABULIN NYO, P*TANG*NA NYO BILIS!"
Mahigpit ang hawak ko sa tyan ko. Please let my babies live God. Lumiko ako sa isang eskinita. Madilim at parteng 'to. Lakad-takbo ang ginagawa ko.
"Bear with mommy, babies. Kapit lang kayo please. 'Wag nyo kong iiwan. Hahanapin pa natin ang daddy nyo. Hold on tight to mommy, please babies? Mahal kayo ni mommy."
Tahimik na humihikbi ako habang taimtim na nananalangin sa poong maykapal. Alam kong siya lamang ang masasandalan ko sa mga oras na ito. Siya lang ang makakatulong sa amin.
Hindi ko na mabilang kung ilang liko pa ang ginawa ko. Hindi ko rin alam kung nasan na ako. Basta gusto ko lamang makalayo sa lugar na ito.
Isang mahigpit na kamay ang humablot sakin. Nanginig ang mga labi ko. "No, pakiusap bitiwan mo ko!" Mas lalong tumulo ang mga luha ko. God kayo na pong bahala samin.
"Don't move."
Nanginig ang mga tuhod ko sa lamig ng boses nito. I tried so hard to stop sobbing but I can't. And my tears just keep falling from my eyes as I look at his.
...
Salamaton sa pagbabasa!!
Vote, comment and share
PS. "Kabanata" means the chapter has been revised and/or edited. Feel free to point out mistakes. Thanks ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top