34:Love's you

34

Third Person's POV

NAKAPALIBOT ANG LIMA sa maliit na bonfire na ginawa ni Kazuo. Nakatuon ang atensyon nila Kazuo, Gideon at Aster sa dalawa. Kanina ng makumpirma ni Gideon na kilala niya ang mga ito ay agad niya silang  hinila papunta sa mas tagong lugar.

"So, ano?" Kazuo impatiently ask.

Napatingin si Isabella sa binata na nasa kanyang tabi. Hinihintay na magpaliwanag ito.  Nanliliit ang matang tinitigan niya ito. Ang damuhong 'to!

Sensing her gaze, balewalang itinuro niya si Aster. "That seems to be my brother."

"This is not the time to talk about that. Anong ginagawa niyo dito? Have you seen Thunder?" Iritang sabad ni Aster sa kanyang kapatid at saglit na tinapunan ng tingin ang babaeng kasama nito.

Agad namang sumeryoso ang paligid. They are at a very dangerous situation, every second counts. Lalo pa at hindi sila sigurado sa kalagayan ng mag-asawa.

"Balak sana naming humingi ng tulong sa labas dahil walang signal ang mga aparato ngayon sa buong villa." Humugot ng malalim na buntong hininga ang dalaga. "At hindi namin nakita si Dimiscus, pero alam ko kung nasan si ate. Probably ay nasa kwarto pa rin siya sa taas. Galing pa lang kami sa basement kaya hindi ako sigurado kung ilan ang bantay na meron do'n."

"I seem to see someone with blue and green eyed guy, kanina." Saglit na kumunot ang noo ni Margus. "Mukhang papunta sila sa bodega sa likod ng mansyon. If I am not mistaken, he will atleast loss an arm or a leg, if we're late.

Tumango-tango si Aster. "If that is the case, then we have to move." Pumalibot ang tingin niya sa apat niyang kasama.

"Kazuo and Gideon kayo ang hahanap sa kwarto ni Jaime. Margus you'll come with me. Pupunta tayo sa bodegang sinasabi mo." Awtomatiko namang tumatango ang mga binata sa plano ni Aster.

"What about me, anong gagawin ko?" Tanong ni Isabella.

"Ikaw ang lalabas sa villa. Humingi ka ng tulong sa mga kinauukulan, as soon as possible. Dahil hindi tayo nakakasiguro sa kung anong mangyayari." Itinuro ni Aster ang direksyon ng backdoor. "Sa labas niyan, sa kaliwang parte may makikita kang kotse. Nakalagay sa dashbard yung susi. Drive it. But before that draw the way to where Jaime is."

"Mas alam ko ang daan papunta sa kwarto ni ate. Why not let me lead you there? Mas mapapadali pa iyon-"

"Babae ka. We won't let you risk your life kung kaya naman namin. Mas mapapahamak ka lang at makakasagabal samin." Mariin na salansa naman ni Gideon. Agad natahimik ang dalaga.

TULALANG NAKATINGIN SI JAIME sa labas ng kanyang bintana. Bumuntong hininga si Trevor.

"Hey cheer up." Binigyan ito ni Jaime ng isang pekeng ngiti. Hindi na rin niya lubos maunawaan ang nangyari kanina. Her life was just so messy.

Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng mundo. "Ikaw Trevor, bakit ka nagtatago?"

Natigilan ang binata, agad niyang naunawaan ang ibig sabihin nito at lihim na napangiti sa kanyang tinuran. He never thought that she will notice. "So you know. Since when?"

Bumalik sa alaala ni Jaime ang unang pagkikita nila ng binata at ang pagpapakilala nito. "Capen, Trevor. Trevor, Caspen. Kaya pamilyar ang boses mo ay dahil iisa lang kayo."

'T-Caspen. I'm Caspen nice to meet you Jaime.'

"I'm Trevor Caspen." Trevor chuckled.

"Everybody wants to lie to me." Ng mapansing walang balak magpaliwanag ang binata ay muling nanahimik si Jaime. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid.

Umusog papalapit sa kanya ang binata. Their shoulders almost touching.

"You know, you're not the most unfortunate person in this world. My family is a complicated one too." Malungkot na ngumiti ang binata. " When I was five, my mom and dad always fight. One night narinig kong umiiyak si mama. Turns out nalaman niyang may anak sa labas si dad. At that time we are not that wealthy. Pero nagsumikap si dad at nakapagpundar ng negosyo. But his reason was not for mom and I. Mom was very devastated by that. But mom told me to never get angry to him and my sister. He even went as far to adopt a baby girl. And mom accepts her, we named her Rainesme." Pinunasan ng binata ang natuyong luha sa kanyang mga mata.

"One time he says, he wants his princess to be proud of him. Honestly I'm not angry about him having a daughter from another womb. I want to support him but he died without even holding her. That's why I promise on his grave that I will find my sister. And I will protect her on his stead. I will protect my sister even if I die. "

Ngumiti si Trevor at piningot ang ilong ni Jaime. "Does it even make sense?" Natatawang pinagmasdan nito ang namumulang ilong ng babae.

"So cheer up Ok? Hindi lang ikaw ang may magulong sitwasyon. In this world you will never be alone."

"REMEMBER PAGKATAPOS niyong makuha si Jaime, dito ulit tayo magtatagpuan. Kung sino man satin ang unang grupong makakabalik agad siya ang maghihintay sa tulong na makukuha ni Isabella. And if things get rough mauna na kayong lumabas ng villa."

Their plans has many loopholes ngunit kapos na sila sa oras para pagplanuhan itong mabuti. Dahil oras ang kalaban nila dito. Sapagkat bawat segundong lumilipas ay buhay ang nanganganib.

'Kung nandito lang sana si Caspen. He can come up with a better plan.' Napabuntong hininga si Aster.

Makalipas ang ilang minutong pagpaplano ay nagumpisa ng kumilos ang grupo.

"10 minutes guys. 10 minutes." Seryosong ulit ni Gideon. Sa loob ng sampung minuto ay kailangan nilang maisagawa ang plano.

Kinakabahan man ay mahigpit ang kapit ng dalaga sa kasintahang si Margus. Hindi niya alam ngunit malakas ang pagtibok ng kanyang puso sa kaba. "Mag-iingat ka," Nalipat naman ang pansin ng binata dito alam niya ang nararamdaman nito. His face unconsciously soften and lightly pat her head. "Hmmm."

Naunang kumilos sina Gideon. Sumunod na umalis ang dalaga palabas ng backdoor at saka naman umalis ang magkapatid. Mabilis ang kilos na agad nakatungo sa likod ng mansyon sina Margus dahil kabisado niya ang pasikot-sikot ng mansyon.

May dalawamg bantay ang nakatayo sa mismong harap ng bodega. Tumango si Margus sa kapatid, naintindihan naman agad ito ni Aster at ginulo ang kanyang buhok upang matakpan ang halos kalahati ng kanyang mukha. He purposely lowered his head.

Margus leisurely walks. Agad naman namataan ng dalawang bantay ang pagdating niya. "Boss Margus-"

Ngumiti ng nakakaloko si Margus at pakunwaring bumaling sa likod ng mga ito. "Tabi, bibisitahin ko ang ating panauhin." Halos napailing-iling si Aster sa biglang pagbabago ng awra ng kanyang kapatid. Really a two-faced bastard.

Saglit na nagkatinginan ang dalawang bantay. "Boss, hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino dito. Iyon ang utos ni Senyor-"

Nakangiting tumango-tango ang binata. "You don't want me to go inside. I see." Nang mapansin ang sitwasyon ay agad na binigwasan ni Aster ang malapit na bantay sa kanya, his palm hit his pressure point. Agad na nawalan ng malay ang lalaki. Agad na itinali niya ito.

'Crack'

Nagsalubong ang kilay niya ng mapansin ang wala ng buhay na lalaki sa kamay ni Margus.

"The f- ba't mo pinatay?!" Galit na sita niya dito. Nakangiting nagkibit balikat naman ang huli.

Matapos hilahin nila ang dalawa patago sa madilim na sulok ay agad nilang tinungo ang kinaroroonan ni Thunder. Nang mahanap nila ang susi mula sa katawan ng dalawang gwardya ay dali-daling pumasok si Aster habang nanatiling nasa labas si Margus para magbantay.

At the deepest corner of the room a man hanging from the ceiling was revealed.

SAMANTALANG MULA SA anino ng malalaking halaman dalawang pigura ng lalaki ang mabilis na tinatahak ang ikalawang palapag ng mansyon. Ng mapansin ang dalawang nagrorondang gwardya ay agad nagtago ang dalawa gamit ang dilim.

"Is this the right way?"

Kalmadong tumango si Kazuo sa tanong ni Gideon. Base sa ginuhit ni Isabella ay ilang metro na lang ang layo nila sa kwartong kinaroroonan ni Jaime. Humigpit ang kapit ni Kazuo sa bakal na bintana. Kasalukuyan sila ngayong umaakyat pataas sa ikalawang palapag.

It's the safest route they could have. Mas madami kasi ang mga bantay sa loob ng mansyon kaysa sa labas dahil sa biglaang pagsulpot ni Thunder na ikinabahala ng Senyor.

Ng makalagpas sa kanila ang mga gwardya ay tinungo ng dalawa ang pangatlong bintana mula sa kaliwa nila.  Bilin ni Isabella ay may kulay puting kurtina at may nakalagay na may kalakihang cactus sa labas ng bintana ang inookupa ng kanyang kapatid. "There it is."

Gideon and Kazuo both let out a sigh of relief. They nimbly climb the window. Hindi naka-lock ang bintana kaya naman madali nila itong pinasok.

"Tre-" Mula sa dilim ay ang paos na boses ng isang babae ang pumuno sa buong paligid. "Anong ginagawa niyo dito?" Takot na napahakbang paatras si Jaime. Agad namang humakbang papunta sa kanya si Kazuo. 

"Jaime ako 'to, si Kazuo. Nandito kami para ilabas ka dito." Dali-dali namang isinara ni Gideon ang bintana at lumapit din sa kanila.

"Kazuo, Gideon? Pano kayo nakapasok dito?"

"Mamaya na kami magpapaliwanag ang mahalaga ay ang makaalis tayo dito, agad." Mabilis na sansala ni Gideon at inakay papalabas ng bintana ang dalaga.

Napatuon ang tingin niya sa isang sulok. Mula doon ay kita niya ang pamilyar na pigura ni Trevor. Isang tango ang ibinigay ng binata. Waring umaayon sa suhestiyon ni Gideon na umalis kaagad. Hindi ba ay dapat pinipigilan sila ngayon ng binata? Uncertainty flash in her heart.

Bakit kakaibang lungkot ang bumalot sa kanyang puso ng tumalikod siya dito?

Hindi na nakapag-isip pa ng maayos si Jaime dahil mas nananaig sa kanya ang pag-asang makalabas sa mansyon. Hindi sila pwedeng lumabas gamit ang pintuan sapagkat marami silang makakasalubong na bantay kapag nagkataon. They can only use the window route.

This may be their house, but this was never her home.

Nanginginig ang bawat paghakbang niya. Dumaplis ang pag-apak ng kanyang paa sa bakal. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mabuti na lamang ay mabilis na naalalayan siya kaagad ni Kazuo. "Dahan-dahan lang."

"Biisan niyo. We only have 4 minutes." Naunang bumaba si Gideon sumunod si Jaime at si Kazuo.

"Shift 6-" Isang nakakasilaw na liwanag ang eksaktong tumapat sa kanila.

"Boss may tao!" Agad na naaalerto ang mga gwardya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalaga na halos sumakit na ang kanyang dibdib sa kaba at takot.

"Sh*t!" Gideon swiftly punch the man. Mabilis ding inagaw ni Kazuo ang hawak na baril ng isa pa at pinukpok ito sa batok. Agad bumulagta ang mga ito.

"Tigil!"

"Tara bilis!" Nagmamadaling hinila ni Kazuo ang kamay ng namumutlang dalaga. Nagpatianod naman ito sa kanya.

Ilang mabibigat na yabag ang humahabol sa kanila kaya kailangan nilang magmadali. But with their speed siguradong maabutan sila ng mga ito. Jaime can't run fast because of pregnancy. Nang magawi sa isang sulok ay agad na nagtago ang tatlo.

They are running out of time at siguradong nakapag report na ang mga ito. They will find them sooner or later. Ang tanging pag-asa na lang nila ay ang tulong na dala ni Isabella. 

Bumaling sa babae si Gideon.  "Mauna ka ng pumunta sa likod ng mansyon.  You'll be safe there. Hintayin mo ang tulong galing kay Isabella she should be here sooner or later. "

Naguguluhang napatitig dito si Jaime. The familiar uneasiness in her heart was suffocating. "But, pa'no kayo?"

"Kami na ang bahala dito. Susubukan namin silang pigilan. Ililigaw namin sila.  Susunod din kami agad." Hindi na naghintay pa ng sagot ang dalawa. Sumenyas si Gideon kay Kazuo at sabay na lumabas ito ng kanilang pinagtataguan para kunin ang atensyon ng mga humahabol sa kanila.

Jaime was truly worried. May kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa kanyang dibdib. She never expect na ililigtas siya ng mga ito kahit hindi naman sila mag kaano-ano. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito ng dahil sa kanya, but she can't help them. Naginit ang gilid ng kanyang mga mata.

For once she wants to be selfish for her babies. They have to survive.

Pigil ang luhang nagmamadaling lumiko sa kabilang pasilyo ang dalaga. May dumaang kirot sa kanyang pisngi.

Oh God not now. Sapo-sapo ang dibdib na mabilis ang pagtahak niya sa daan patungo sa likod ng mansyon. Kailangan niyang magmadali lalo na at nagsisimula nang kumirot ang kanyang puso.

"Saan ka pupunta? Senyorita Jaime!"

*Bang!

Galit na sigaw ni Elias, ang kanang kamay ng kanyang ama. Ilang sunod-sunod ng putok ng baril ang pumainlalang sa paligid.

Jaime panicked. Hindi niya maiwasang manlamig sa pinaghalong kaba at takot.  Hindi na niya ito nilingon at mas binilisan ang kanyang paglakad hanggang sa maging takbo ito.

Oh God, please help me! Naiyak man ay pilit na pinigil niya ang sarili. Hindi siya dapat mahuli nito dahil alam niyang papatayin siya ng mga ito. No, no please save me, save my babies.

"Ano?! Takbo pa! Habang may pagkakataon ka pa!"

*Bang!

"Ah!" Tumama ang bala isang pulgada mula sa kanyang binti. Jaime turn around to face Elias. Halos manghina ang kanyang tuhod. Katapusan ko na ba talaga? But  how about my babies? Ni hindi pa nga nila nasisilayan ng mundo mawawala na agad sila? "Please don't." Naiiyak na usal ni Jaime habang nakatingin sa mga mata ni Elias.  Why is this world so unfair? Walang kasalanan ang kanyang mga anak para pagkaitang mabuhay!

Sa 'di kalayuan ay ang boses ng kanyang umiiyak na ina, sumisigaw ito. "Elias! Wag! 'Wag na huwag mong itutuloy iyan!" Napangiti siya  ng mapait. Sa huling pagkakataon finally, her mother truly cares for her....

I'm sorry babies. Mahina ako. Mahina. I can't protect you enough.

Mas lalong humigpit ang hawak ni Elias sa kanyang baril. Sunod-sunod ang pagkalabit niya sa gatilyo nito.

Pikit matang sinalubong niya ang pagputok ng bala. Ang luhang kanyang pinipigilan ay unti-unting bumuhos sa kanyang mukha.

Isang mahigpit na yakap ang kumulong kanyang buong katawan. These familiar arms... Sunod-sunod na putok na baril ang pumuno sa paligid. Nanginginig ang kanyang katawan sa bawat pagtama ng bala sa kanya. Her heart trembled. Trevor!

"Do you remember what I told you? I will protect my sister even if I die." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I will protect you... even if.... I die..."

Trevor lightly press his cold lips on her forehead. Ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng lakas nito. Nanginginig na nag-angat siya ng tingin dito.  Pumatak ang malamig na dugo ng binata sa kanyang pisngi.

Blood flows out of the corner of his lips. "Don't cry. Kuya, love's you. "

Trevor sweetly smiled as his eyes slowly close...

....

MMagdamag kitang iniyakan 😭(╥_╥)

Let me hear your thoughts

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top