25-FARM VISITATION: Kissing is a free will!
Busy month. Wew Simula na kami ng research papers. Wish me luck guys nakakapagod haha. Unedited. Anyway,
Enjoy reading!
Malamig. Naninindig ang mga balahibo ko sa batok.
That sound.
It feels so real.
Palakas ng palakas ang mabining tug-tugin na pumapinlalang sa paligid.
Is this real?
Madilim ang paligid. Sobrang dilim. Wala akong kahit na anong maaninag. Even the faint silhouette of my hand, I can't see it. What's happening?
Maya-maya pa isang pigil na hikbi ang narinig ko. I panicked. Mahina lamang ito ngunit rinig na rinig ko na parang mas nangingibabaw ito sa mabining musikang kanina pa tumutugtog.
"Sino ka?" My voice echoed, but no one answered.
Parang may sariling isip ang katawan ko. Sinundan ko ang tunog niyon.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumalapit sa isang maliit na liwanag.
Habang palapit ng palapit ako sa liwanag, palakas ng palakas naman ang musika na siyang kabaliktaran ng tunog ng hikbi, mahina na ito.
I touched the light.
Nagmumula ito sa maliit na siwang ng pinto. Marahan ko itong itinulak.
The cold wind blew, making me shiver. It was midnight. No moon, no stars, just the dark sky.
Bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin. Where am I? This place seems familiar, but I can't tell where.
"Ah!"
Awtomatikong napaharap ako sa pinanggalingan ng sigaw. A girl? May iba pang tao maliban sa akin at sa humihikbi kanina! Tanging likod na lamang nito at naabutan ng paningin ko. Mabilis na tumatakbo ito na parang may tinatakasan.
Hindi niya ba ako nakita?
Hindi ko alam ngunit may nagtutulak sa akin na sundan ito. My body moved accordingly.
Her hair almost reaches her hips. Nakayapak lamang ito at suot ang kremang bestida.
Her body physique is familiar. Na para bang kilala ko kung sino siya. Para bang dapat alam ko kung ano ang pagkatao niya.
The scene changes.
Kaharap ang ko likod ng babae. Nakaharap naman ito sa isang may kalawakang tubig.
Bigla ang dagsa ng kaba sa dibdib ko. And the next second makes my my mind blank. She jump!
Walang pag-aalinlangan itong tumalon sa tubig.
Naghintay pa ako ng ilang segundo na umahon ito. But nothing came.
Nanginginig na lumusong din ako sa tubig. Agad hinanap ng mga mata ang pigura ng babae. Nasa pinaka-ilalim na ito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
Mabilis na lumangoy ako palapit dito.
She has her eyes close. Palapit ng palapit ako dito. Finally, nakalapit ako dito. Pinag-aralan kong mabuti ang mukha nito na natatakpan ng kanyang buhok.
Unti-unti, natatangay ng malumanay na pag-alon ng tubig ang buhok nito, dahilan para unti-unting makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
Familiar. Very familiar.
Dahan-dahang dumilat ang mga mata nito. Her eyes resemble like that of a dead. No emotion at all.
Shocked, I stare at her face. Her pale face was full of cuts some were open wounds.
My heart thump painfully.
This girl is me. And this place is inside the Vallarde manor.
I shouted but not a single voice slips out of my lips. My lungs felt like burning.
...
Jaime
Hinihingal na napabangon ako. Punong-puno ng pawis ang buong katawan ko.
Was I dreaming? It feels so real. But what is it?
Pilit kong iniisip kung ano ang napanaginipan ko. Pero tanging ang huling natatandaan ko na lamang ay ang madilim na ilalim ng tubig at isang babaeng hindi ko na ma-alala ang mukha.
Napailing-iling na lamang ako. Madalas kasi akong managinip, pero kinaumagahan ay hindi ko na matandaan kung ano iyon. Napakibit-balikat na lamang ako.
Ramdam ko ang mahinang pagkirot ng tiyan ko. Kagat labing hinimas-himas ko ito ng biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa party na ginanap apat na araw na ang nakalilipas.
"Whatever happens, never let Thunder got in contact with anything with strawberry. Nanghahalik yon."
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang dating sinabi ni Kazuo ng minsang tinulungan niya ako sa pagaayos ng hardin.
Ah! Bakit ko ba nakalimutan ang bilin niya?!
Lugmok na mas lalong nagsumiksik ako sa kobre kama.
Muling sumagi sa isip ko ang nangyari sa party. Pagkatapos ng sayaw ay tahimik na umalis kami ng asawa ko. Alam kong pulang-pula pa rin magpahanggang ngayon ang magkabilang pisngi ko.
Asawa ko.
Napailing-iling ako. "Bakit kasi hindi ko naalala? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya. Jusko, nakakahiya!"
Kalma Jaime, kalimutan mo na yon! Tiyak na wala lang sa kanya yon, assuming ka lang!
Huminga ako ng malalim. Sana nga wala lang yon, ugh!
"Ahhh!" Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko.
Hingang malalim-
Maya-maya may kumalabog sa direksyon ng pintuan. Gilalas na napatingin ako doon. "Ma'am ok lang po ba kayo?!"
Mula sa maliit na siwang ng pinto, sumilip ang bilugang pisngi ng isang ginang. Si Lola Nancy, ang nagiisang katiwala ni Thunder. Apo niya yung batang nakakakwentuhan namin ni Kazuo dati.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tuwid na napaupo sa kama at inayos ang magulo kong buhok. Kumurap-kurap ako. "W-wala po! Ano, sinusubukan ko lang pong sumigaw ng malakas. Pwede po bang Nanay na lang tawag ko sa inyo? Tsaka, Jaime na lang ho, 'wag ng Ma'am, nakikituloy lang din naman po ako dito."
"Naku juskong batang ire, o sige't magkasing-ganda naman tayo noong kabataan ko! Nakikituloy? Hindi ba't asawa ka ni Sir Thunder? 'Ku talaga ang mga bagong magsin-irog nga naman ngayon, kaunting tampuhan! Normal lamang iyan at bago lamang kayong mag-asawa.."
Umiling-iling ito at kunwa'y hinimas-himas ang kanyang noo.
"Osya mabuti pa't bumaba ka na at ng makapag-agahan na, masamang nagpapalipas ng gutom lalo na't may ipinagbubuntis ka."
Hiyang-hiyang napangiti ako na tiyak kong naging ngiwi. "Opo! Susunod na lang po ako."
Pagkatapos umalis ni Nanay Nancy agad na akong naghilamos at nagayos ng sarili. Ang dapat na paghihilamos ay nauwi sa mabilis na pagligo.
Naabutan ko sa hapagkainan si Nanay. Tumulong na ako sa paglalagay ng mga pagkain at kubyertos sa lamesa. Nakakahiya naman kay Nanay, kung hindi man lang ako tutulong.
Pinilit ko rin itong sabayan ako sa pagkain. Ng itanong ko kung nasaan si Thunder, ika niya ay maaga itong umalis para bisitahin ang hacienda na pagmamayari nito.
Bago umalis si Nanay para mamili ng mga supply sa kusina, nagbilin muna ito na base sa utos ni Thunder, na pumunta raw ako sa hacienda na pagmamayari ng 'asawa ko', ni Tutu. Ihahatid naman daw ako ng apo nitong nagngangalang Iska. Si Iska ang batang nakakakwentuhan namin dati ni Kazuo sa pag-ayos ng hardin.
Saktong pag-alis ni Nanay ang siya namang pagdating ni Iska. Agad din kaming umalis sakay ng sasakyan na karaniwang ginagamit sa rough terrain sa pagbisita malapit sa bundok. Medyo may kalayuan kasi ang papunta sa farm.
Mahigit dalawamput-pitong minuto ang iginugol namin sa pagbibyahe.
"Maligaya pong pagdating sa Haciendas de Tonnerre, Miss Jaime." Saad ng driver na naghatid sa amin.
Nginitian ko lamang ito bilang pasasalamat.
"Tonnerre?"
Humagikgik si Iska habang tinutusok-tusok ang magkabilang pisngi na para bang proud na proud. She puff out her chest while saying, "Ang Tonnerre po ay hango sa salitang French na ang ibig sabihin ay pangalan ni Sir, Thunder."
Nangingiting napailing-iling na lamang ako sa bata. Bilugan kasi ang mga mata nito na palaging may kislap ng pagkapilya. May mamula-mula itong pisngi bagamat may maliliit na itim na dot sa magkabilang pisngi nito at iilan sa ilong na bumagay sa kulay rosas niyang kutis.
"Ang galing ko po di ba Ate? Hihi"
Tumango-tango ako.
"Halika na po't ihahatid kita kay Sir Thunder, bilin ni Nanay. Kanina niya pa po kayo hinihintay."
Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa pinaka sentro ng hacienda. Sa sentro nakatayo ang isang malaking building na parang mansyon.
Samantalang agad namang itinuturo ni Iska ang mga parte ng buong hacienda.
"...Yang nasa sentro po Ate ang tinatawag naming 'Compagnie' iyan ang pinaka gitna ng hacienda. Ang lupang ito kasi ay binubuo ng apat na parte ang ang Timog, Kanluran, Hilaga at Silangan. Sa Timog nakatanim ang mga gulay. Sa Kanluran ang mga prutas sa Hilaga naman ang mga alagang hayop. At sa Silangan naman ang lupang inilaan para sa mga tagapamahala ng buong Hacienda!... "
"Minsan ay sasamahan kitang mamasyal dito Ate! Hihihi" Ngumiti lamang ako sa sobrang kahyperan ng bata.
Halos hindi matapos-tapos ang pagsasalita ni Iska hanggang sa makarating kami sa likod ng malaking gusali.
Tumigil kami sa harap ng isang mesa na kinauupuan ni Thunder. May hawak itong isang tasa ng tsaa, habang may nakalatag na dyaryo sa mesa. Mabilis na nagpaalam si Iska at naiwan akong nanatiling nakatayo.
"Take a sit. Nagtataka ka siguro kung bakit kita pinapunta dito?"
Tumango ako at piniling umupo sa katapat nito.
"About the incident in the ball, I won't appologize. I believe kissing is a free will,"
Napag-isip ako, ibig sabihin, pwede kong halikan kahit sino na gusto ko?
Wew, sabi 'di man?
"However, don't even think about kissing someone." Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin, wari ay nabasa niya ang iniisip ko. Napalunok ako.
"Anyway, consider this as part of our deal, the other night. Susubukan kong gawin ang sinabi mo tungko sa paggamit ng Ingles, but pretend that you love me. Now that they know that we are married you must act accordingly. Also, while you are married to me, you are not allowed to entertain any 'prospect relationship'. Are we clear?"
With his stoic face, baritone voice and intense eyes, paano pa ako makakatanggi? Lalo na kung ang simpleng pagtitig niya pa lang ay nagababanta ng 'subukan mong humindi hindi ka na sisikatan ng araw bukas'.
Pero hindi ko maitatanggi na kahit simpleng salita lang galing sa kanya, hindi ko mapigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang kakatwang pakiramdam sa loob ng tiyan ko.
....
Salamaton sa pagbabasa!
Please don't forget to do vote and comment para naman ganahan si Pirata na mag Ud, pampa inspire na run yon haha.
- Pirata
PS. Salamaton nga din po pala Kay Bb, na nagbigay ng feedback niya ukol sa BC, I appreciate it po hehe, mwah. 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top