17- WHITE DRESS

Enjoy reading!!!

Jaime

Ang tanga ko, nakakahiya! Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa pool. I can still remember how his eyes darkened as his gaze travel on the valleys behind the thin fabric of my shirt. His lustful eyes. I shake my head and stare at my reflection on the mirror.

Matapos ang 'muntik ko ng pagkalunod', Thunder led me to a room. Mabilis din siyang lumabas dala ang isang malinis na towel at damit pamalit. Black shirt at isang boxer shorts.

Hindi kalakihan ang resthouse ni Thunder ngunit kumpleto ang gamit mula sa pang kusina, muwebles na maliit sa salas at iilang mga palamuti sa paligid. Maayos din ang pagkakaorganisa, mahusay ang pagkakadisenyo ng buong bahay. Halatang binusisi and bawat detalye. The place itself screams manliness and power.

This house is an ideal for a single person, pagkat iisa lang ang kwarto. May dalawang banyo, isa sa kwarto at isa malapit sa kusina. May katamtamang laking pool sa likod at malawak na bakuran na puno ng bulaklak pinapalibutan ang isang anghel na rebulto na may lumalabas na tubig.

I sighed. Tinampal-tampal ko ang pisngi ko at muling napatitig sa salamin. My usual dull eyes stare right back at me. Something has change. I feel light. I feel free. Marahil ay dahil sa alam kong malayo na kami kay Ama, hindi niya na kami masasaktan ng mga magiging anak ko...or maybe mainly because of Thunder.

Growing up is a tough stage for me. I grew up inside the grasp of Vallarde. Mula pagkabata namulat na ako sa buhay na hindi lahat ng gusto mo magagawa mo, thanks to my Father. With a young age i was introduced as a child of a house maid, kapag may ginaganap na okasyon, while Isabella being the perfect only child. They would lock my door and bring me food, when they are finish. Minsan inaabot ng madaling araw bago umalis ang mga bisita, dun lang ako pwedeng kumain at minsan nakakatulugan ko na. The Vallarde's manor becomes my cage.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Bakit ko nga ba iniisip yon? Tapos na yon. They can't hurt me anymore.

...

KATATAPOS ko lang makapagpalit ng damit ng bumukas ang pintuan.

Thunder poked his head and discreetly walk in. His eyes landed on me. Binigyan ko siya ng naiilang na ngiti.

"Tss."He snorted, with long stride he throw himself into the soft cussion of the bed.

Oo nga pala, san ako matutulog? Iisa lang ang kwarto, iisang kama lang din. Napanguso ako. I doubt na hahayaan niya akong matulog sa kama, hmmp! Ang isnabero pa naman ng Kulog na to! And as if I will sleep beside, would I? My cheeks flushed. Ipinilig pilig ko ang aking ulo.

What am i even thinking?

With heavy heart, inilibot ko ang paningin sa buong paligid. My eyes landed on the beigi couch. It was twice my size, this would do. Buti naman at ng may mahihigaan nako, kung wala pwede naman sa sahig, kaso masyadong malamig, kahit na carpeted. Masyadong mababa ang temperatura ng lugar na ito kaysa sa nakasanayan kong mainit na klima sa Maynila.

Now, now, san ako kukuha ng kumot? My eyes landed on the bed. Maybe i could just borrow?

"Psst Thunder?" Dumukwang ako papalapit sa kanya. He had his eyes shut. "P-pwede bang pahiram ng kumot?" kunot nuong nagmulat siya ng mata.

His eyes stares at me and to his bed, then from me to his bed. Pinukol niya ako ng matalim na tingin. "Don't you want to sleep beside me? Ah! Nevermind. Pakihanap ng pake ko." he massage his temple, waring sumsakit ang ulo niya sa tanong ko.

"Huh? P-pero-"

"Nasa pangatlong kabinet, suit yourself. Then shut up. Close your big eyes and sleep." may pinalidad na aniya. "Save your strength for tomorrow. May pupuntahan tayo."

Pupuntahan? Saan? Bakit 'tayo'? Napatitig ako sa kanya. Waring nabasa niya ang iniisip ko. Sumama ang tingin niya sakin, silently giving 'tulog-na-wag-ka-ng-magtanong' look.

Napanguso ako. Why can't he tell me?

Bagsak ang balikat na sinunod ko ang sinabi niya at kumuha ang kumot sa pangatlong kabinet sa gilid ng kama. Bumalik din ako kaagad sa malawak na sofa. Inaayos ko ang dalawang throw pillow saka komportableng nahiga.

Before i close my eyes i murmured, "Goodnight Thunder..." Then i dozed off to sleep.

Before the darkness swallow me i heard a faint, "Goodnight Mia little fox." I feel my self floating then i feel a soft cussion on my back. Isiniksik ko pa ang katawan ko sa mainit na bagay na nakabalot sakin. Hard yet warm. Very comfortable to sleep on. I sighed in contentment.

What a nice dream...

...

Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa kusina. Napangiti ako. I caress my belly. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.

Mukhang may makakain na tayo babies. Naghahanda na siguro ng almusal si Manang Fe.

Iniunat ko ang aking mga braso. Stretching my muscles just enough to go on for today. Nangunot noo ako. Manang Fe? Bumalik sa utak ko ang mga nangyari. Mula sa eskenita, sa habulan, kay Caspen, kay Thunder, sa pool-

Bumahagda ang lungkot sa puso ko. Wala na nga pala ako sa mansyon ng mga Vallarde na kinalakhan ko. Ipinilig ko ang ulo. It's better this way.

I mentally face-palm. Nasa resthouse nga pala kami sa Baguio.

Napabalikwas ako ng bangon. Pain shot through my head, napahiga ako ulit. Dahan dahan akong bumangon at inilibot ang tingin sa paligid.

My forehead creased. "Bakit nandito ako sa kama? The last time i check sa sofa ako nakatulog?"

Could it be? 'Goodnight Mia little fox.' napailing-iling ako. Imposibleng binuhat niya ako papunta rito. Napakaimposible. Maybe, nag-sleep walk ako. Tama.

Bumaling ako sa maliit na mesa sa gilid (bedside table) kung san nakalagay ang isang digital clock. '7:21 am'

Bumangon na ako papunta sa banyo. Matapos kong gawin ang 'morning rituals' ko bumaba na ako patungo sa kusina. Ipinusod ko lang pataas ang hanggang bewang kong buhok.

Naabutan ko sa kusina si Thunder. Nakaupo habang tahimik na nagbabasa ng dyaryo. Sa kaliwa niya nakalagay ang isang baso ng mainit na kape.

"Magandang umaga." Mahinang bati ko. Isang simpleng tango at pasada lang ng tingin ang naging bati niya pabalik, atsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Napanguso ako. "Hmmp sungit."

Isang matalim na tingin ang ibigay niya sakin bago iminuwestra ang upuan sa harap niya. Napalunok ako. Hindi naman niya narinig hindi ba?

Dali-dali akong umupo sa harap niya. Nakahanda sa mesa ang simpleng sunny side-up egg, fried rice, bacon at ilang prutas tulad ng apple, mangga, strawberry at saging. Isang baso at isang plato lang ang nakahanda, kumain na kaya siya?

"Eat up." Napansin niya siguro at tinitingnan ko. Sumimsim ito ng kape habang seryosong nakatutok ang mata sa babasahin. "I have already eaten my breakfast. Kapag tapos ka na, take a bath. I'll leave your clothes on the room. We will leave after, an hour."

Tumango-tango ako saka tahimik na nagdasal. Kumuha ako ng tatlong piraso ng strawberry, bacon, ginisang kanin at hotdog. The strawberries taste like heaven! Lasang lasa ang katas nito sa unang kagat pa lang na sumasabog sa nanunuyo kong lalamunan, kumuha pa ko at agad itong nilantakan.

Mabilis din akong natapos kumain. Huhugasan ko sana ang pinagkainan ko pero sabi niya, may magaasikaso naman dun, kaya dumiretso na ko sa kwarto. Tulad ng sabi niya, dali-dali akong naligo. Ipinulupot ko ang isang puting tuwalya na nakalagay sa isang sulok ng banyo.Pakalabas ko ng banyo, may nakalatag ng isang puting dress sa kama sa tabi nito may kulay pulang paper bag.

Una kong nilapitan ang paper bag. Sa loob nakalagay ang ilang piraso ng under garments, lahat kulay pula. Lacey underwares. Meron naman akong dinalang sapat na panloob sa maleta ko, yung binili namin ni Caspen. Anong naisip ng Kulog na yon? Why red?

Muling sumingit sa utak ko ang boses nito. 'Red. Bakat...Red brassiere.'

Namumulang kumuha ako ng isang pares at isinuot ito. Siniguro ko munang nakalock ang pintuan. Mahirap na.

Sunod kong nilapitan ang dress na maayos na nakalatag sa kama. May note na nakaipit sa gilid nito.

'Hurry up. Don't keep me waiting.'
-TVD

Demanding na bossy pa!

Nagmamadaling isinuot ko ito. Surprisingly the dress perfectly hugs my curves. Maternity dress na umaabot sa tuhod, puno ito ng maliliit na binurdang patern na kita ang likurang bahagi, revealing the mole right at the middle of my spine. Simple lang ang disenyo nito. Simple ngunit elegante.

Di na ko nagabalang magsuklay, kahit na tuyo na rin naman ang buhok ko, basta ko na lang itong itinali. Baka naiinip na si kamahalan, mabugahan pa ako ng apoy.

Suot ang isang tsinelas nagmamadali akong lumabas sa kwarto at tinahak ang daan patungo sa garahe.

Thunder is leaning on his Porsche. Suot nito ang isang puting polo na bahagyang nakabukas ang unang tatlong butones na pinaresan ng itim na pants at simpleng leather na sapatos. Maayos na nakasuklay palikod ang mohawk na buhok nito, na binagayan ng itim na salamin, na hawig sa reading glass. Bagay na bagay dito ag suot. Lalong lumitaw ang morenong kulay ng balat nito at ang manipis at mapupulang labi.

"One hour, twenty three minutes and eight seconds! What the damn-heck took you so long?" ang baritonong boses nito ang nagpabalik sakin sa reyalidad.

Salubong ang kilay nito habang nakafold sa dibdib ang kanyang mga braso. Puno ng nakakaintimidate na awra ang postura nito.

Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. Sabi na eh! At teka, did i just check him out?! "S-Sorry, natagalan kasi ako-".

"Whatever, Come here." Salubong pa rin ang kilay niya ng pinasadahan ako ng tingin.

Atubiling lumapit ako sa kanya. "Suklay?" naiiling na napakunot noo ako. "Damn you're not just stupid, you're slow too." bugnot na ipinaikot niya ako.

Anong gagawin niya?

Nanigas ang kalamnan ko. He carefully pull the tie on my hair. Ginawa niyang suklay ang kanyang daliri na mabining lumusot sa hibla ng buhok ko. Maingat na ipinusod niya ito, makatapos ang ilang segundo.

"Now, now. Turn around." seryoso ang mukhang pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. He reach for my hair and pull some strands and carefully put it on my face. My bangs. He bent his knees on a squat position, sitting on his heel, he lift my foot and gently put a baby pink doll shoes on then the other one. Saktong-sakto lang sukat nito.

Ibinili niya ako ng damit, inayos ang buhok ko then gives me shoes. Napakura-kurap ako. Is he-?

"I'm not a gay. Napatunayan ko naman na siguro."He wisphered, tumatama ang mainat niyang hininga sa mukha ko. He smirked then steal a gaze on my belly.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. I can feel the furious heat on my cheeks. I can help the wild beating of my heart. Dug-dug. Dug-dug.

Pramis! Ilang beses na akong napahiya sa harap niya? Ah!

Napatalon ako sa gulat ng may biglang bumusina. Nakasakay na si Thunder sa kanyang sasakyan at inip na nakatingin sa gawi ko. "Tara na, o baka gusto mong maiwan ka dito?!"

Tarantang sumakay ako sa nakabukas na pinto sa katabi ng driver seat. "Put your damn seat belt."

Tulalang napatitig ako sa kanya. "Ha?" He leaned in. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko.

"I don't know you're this stupid. I won't kiss you."

Napamulat mata ako ng bigla niyang pinitik ang noo ko. Para pagtakpan ang hiya, inis na himarap ako sa kanya saka patay malisyang nagtanong.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Kailangan pa talagang kasama ako? Tsaka bakit nagabala ka pang bilhan ako ng damit?"

Limang salita dalawampu't isang letra.

Then he droped his answer like a bomb.

"We're going to get married."

...

Longest update so far haha

Thank you for reading!
Silent readers, Happy 7.6k reads! Thank you so much guys. Lab you😂

Please do vote if you like this chapter. Wag sin kayong mahiyang magcomment. I'm dying to hear your thoughts.
-capteyn key

Ps. Paramdam naman kayo. Di pa naman nangangagat si otor haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top