16- DROWNING

Happy 3.95k Reads!!! Love lots bb's!!

Dedicated to ; XXReyes

Special thanks sa mga nagvote at nag add ng story nila #ThunderAndJaime sa kani kanilang libraries. Salamat po, ulit.

Salamat sa matagal na paghihintay hahaha

Enjoy reading!

Jaime

"Why are you here? You were supposed to be inside, sleeping." Malamig na boses ang pumutol sa katahimikan.

Hilaw na napatitig ako kay Thunder. Gabi na pasado alas nueve.

"Wala, nagpapahangin lang."
Kumibot-kibot ang labi nito. He heaved a sigh bago naupo sa isang sun lounger.

Nakaupo ako sa dulo ng pool. My feet freely touching the cold water.

Matapos ng nangyaring paguusap kanina, maagang pumasok si Thunder sa opisina. Ilang oras lang ang lumipas ng bumalik ito, dala ang isang suit case. Nagtaka ako ng utusan niya akong magbihis at magempake ng damit na kasya sa isang linggo. I tried asking him why pero puro, irap lang ang isinasagot niya sakin. It's funny how he can rolled his eyes like it's the most natural way to express his feelings.

Bumiyahe kami papuntang Baguio, kung saan ang tinutuluyan namin ngayong rest house. From here we could see the over looking view of the city. The lights from different houses and establishments gives the galaxy-like illusion. Nagmumukhang nagniningningan na mga bituin ang mga ilaw, mimicking the night sky.

Natuon ang atensyon ko sa tubig parang nange-engganyo ito, makikita ang repleksyon ng kalahating buwan. I could clearly see the reflection of my face, someone of my hair is dancing gently with the wind. Para sa karamihan ang tubig ang isa sa kailangan ng tao para mabuhay sa araw-araw, para sakin, water is comfort. Water can wash my fears and frustration away. Kapag malalim ang iniisip ko, i always want to go to in contact with the water.

Huminga ako ng malalim saka nakangiting tumalon sa tubig. My body colliding with the soft splash of water. I swiftly dive to the bottom of the pool until my feet is already touching the cold tiles. I can feel the adrenaline pulsing through my veins.

Completely oblivious of the surrounding. Nagtagal pa ako ng isang minuto para pagmasdan ang ilaw na nanggagaling sa buwan. My lungs starts to heat up, the level of oxygen supply in my body is decreasing. I miss this.

I close my eyes as i feel my body slowly float. This is my own version of reality.

....
Flashback

"Dalawang linya... Positive...buntis ako..." Naguunahang tumulo ang mga luha ng dalaga. Magulo ang buhok nito at gusot-gusot ang laylayan ng kanyang bestida sa ilalim ng mahigpit na hawak niya.

Napuno ng takot at pagsisisi ang puso niya. Takot sa responsibilidad na ibibigay nito sa kanya. At pagsisisi dahil hinayaan niyang magpakalango sa alak sa kaarawan ng kanyang kapatid, dalawang buwan na ang nakakalipas.

Nanginginig na napadausdos siya sa malamig na sahig ng banyo. Sa kanyang nanginginig na kamay nakalagay ang isang maliit ng puting bagay na may nakaguhit na dalawang linya. Isang Pregnancy Kit.

Ano na lang ang sasabihin ng mga tao tungkol sa kanya? Ano ang sasabihin ng kanyang mga magulang? Matatanggap ba nila ang kalagayan niya, lalo na ang kanyang ama?

Tahimik na napahagulgol ang dalaga.

Sa edad na dalawampu't isa dalawang buwan pa bago siya makapagtapos sa ikatatlong taon para sa kanyang kursong Nursing sa kolehiyo.

"Jaime! Anak!" Nagmamadaling boses ng kanyang ina ang pumukaw sa atensyon niya. Kumatok ito ng dalawang beses.

Aligagang napatayo ang dalaga. Kahit nahihilo dala ng pagiyak, pinilit niyang tumayo ng tuwid at pinunasan ang ilang takas na luha sa kanyang pisngi. Sinuklay niya ang magulong buhok gamit ang daliri bago mabilis na lumabas ng banyo.

Inayos niya rin ang kanyang damit bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Ina..ano po iyon?" Paos ang kanyang tinig dala ng pag iyak.

Matiim na pinasadahan siya ng tingin ng ginang. "Nasaan ka ng gabing matapos ang birthday party ni Isabella."

Bahagyang namilog ang mga mata ng dalaga. Hindi niya lubos maisip na uungkatin nito ang bagay na iyon.

"A..n-nasa.." Naramdaman niya ang panunuyo ng lalamunan dala ng matinding niyerbyos.

Tahimik na pinanood ng ginang kung paanong matuliro si Jaime. May namumuo ng hinala sa isip nito.

"Bakit hindi mo sabihin... Ate?"

Napukaw ang atensyon niya ng marinig ang malamyos na boses ng kanyang kapatid. Nasa likod ito ng kanyang ina, hindi niya ito napansin kanina. May ngising nakaukit sa labi nito. Bagamat maamo ang mukha, makikita ang naglalarong panunudyo sa kislap ng kanyang mga mata.

Umawang ang mga labi ni Jaime. Tila kakapusin siya ng hininga ng may inilahad na isang cellphone ang kanyang kapatid. Iniabot ito sa kanyang ina. "Ano ito?"

Nagaatubiling inilahad nito ang aparato.

"I got a surprise for you my dear sister. I'm sure you'll gonna like it. Very much like it."
Natuod ang kanyang mga paa ng may isang video ang i-play. Saglit siyang nagtaka kung para saan ito ng marinig ang isang malakas na musika at hiwayan ng mga tao. Nagmumula ito sa video, pamilyar ang musika.

Maya maya lang lumipat ang video tumapat ito sa dalawang taong sumasaya. Her heart begings to beats faster. Parehong pareho ng damit niya ang suot nito. Reality shakes her when the their lips locked.

"Sabihin mong hindi ikaw iyan, Jaime anak. Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na yan." nagmamakaawa ang tinig ng ginang, ang kanyang ina.

Dumausdos pababa ang cellphone na hawak hawak ng dalaga. Bumagsak ito sa mismong paanan niya.

Siya iyon. Walang duda!

"Jaime, sumagot ka! Hindi ikaw yon hindi ba?"

Hinawakan siya ng ginang sa magkabilang balikat at marahang yinog yog. Nagmamakaawa ang mga nito. She feels like a great trash.

Lumuwag ang hawak niya sa PT. Bumagsak ito sa sahig. Sumunod ang mga mata nilang tatlo rito. Parang binuhusan ng tubig si Jaime. Dala ng pagkataranta, dali dali niya itong pinulot at itinago sa kanyang likod.

Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa kanyang kwarto. Mahigpit ang hawak niya sa aparato. Humarap siya sa pintuan para isara ito, ng may humablot sa kanyang kamay.

"What the- y-you're pregnant? Buntis ka?" namimilog ang mga matang tanong sa kanya ng kanyang kapatid.

"Buntis ka? Jaime! Sinong ama?! Kelan pa?!"

Namamawis ang kanyang kamay ng makita ang pinaghalong gulat, pagkadismaya at galit sa mata ng ginang.

"O-opo, aks-sidente po ang nangyari..." utal-utal na paliwanag niya.

"Sinong Ama?!"

"H-hindi... Hindi ko po alam."

"Hindi mo alam?! Jaime naman, hindi ganito ang pagkakakilala ko sayo! Mali ba ako ng pagpapalaki sayo?! Nagkulang ba ako?!"
Napayuko siya sa sumbat ng kanyang ina. Wala siyang mukhang maihaharap dito. Samantalang tahimik naman na nasa gilid ang kanyang kapatid.

She feels so small. Nanliliit siya sa kanyang sarili.

"Ipaglaglag mo ang batang iyan! Walang Vallarde ang magkakaroon ng bastardo sa pamamahay na ito!" Gulat na napatingin siya sa kanyang ina.

"Hindi. Hindi ko ipapalaglag ang batang ito Ina, wala siyang kasalanan! Anak ko ito Ina! Hindi ko kayang pumatay ng walang muwang na Anghel!" natigilan ang kanyang ina.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na sumigaw siya at tumutol sa kanyang magulang. Hindi niya maatim ang sinasabi nito.

"Ipapalaglag mo ang bata. Hindi mo kaya!" napalunok siya ng magmartsa ang ginang palabas ng kanyang silid.

Naiwan sila ng kanyang kapatid. Kumawala ang hikbi sa kanyang lalamunan at may paghinanakit na tumingin sa kanyang kapatid.

"Masaya ka na ba Isabella? Masaya ka bang mawawala ang magiging anak ko? Masaya ka na bang nasasaktan ako? Masaya ka bang nahihirapan na ako?! Sabihin mo... Ano bang ginawa ko para parusahan ninyo ako ng ganito?!"

Blangkong ekspresyon ng mukha ang ibinigay nito bago, tahimik na umalis sa kwarto. Napuno ng hagulgol ang silid, hang tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mga mugtong mata ng dalaga.

....

End of flash back

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hot tears flows from my eyelids to the cold water. Mapait akong napangiti.

I just want some rest...

Dalawang matigas na braso ang maingat na pumalibot sa bewang ko. My brows knotted. Ramdam ko ang mabilis na paggalaw ng tubig.

Who is this?

Dagli kong naibukas ang aking mata para makita kung sino ang pangahas na humahatak sakin pataas. Napahinga ako ng malalim, as we reach the surface.

"Are you ok? Goddamn it! Are you trying to kill yourself, you little vixen?!"

Maang na napatitig ako sa perpektong mukha ni Thunder. Magkasalubong ang mga kilay nito. His jaws were clenched. Nagbabaga ang mga mata nitong nakatutok sakin may kislap ng pag aalala sa mga mata nito.

Thunder... Thank you for helping me not to get drown. I hide my smile, at taimtim na tumitig sa magkaiba niyang mga mata. His hypnotic eye's, that makes me want to get drown, deeper.

"P-pinag alala ba kita?" Napaiwas ako ng tingin ng makita ang ayos ko. His arms still wrapped protectively on my waist. My clothes were drenched. My hair completely gathered on my back.

"Red. Bakat." huh? "Red brassiere."

Sinundan ko kung saan nakatutok ang mga mata niya.

"Y-you're looking at my-..Manyak!"
Lumipad ang palad ko sa kaliwang pisngi niya.

Bumabakat ang kulay pulang undergarments na suot suot ko. Nakakahiya!

"I didn't mean to, damn it! Aw!"

Pinaghahampas ko siya sa dibdib at braso. Tigas huhu.

He stared at my breast! Bakit ko nakalimutan na manipis ng puting sando ang suot ko?!

....
Salamat sa pagbabasa.

Currently #615 in General Fiction

Till next time. And don't forget to
Vote and Comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top