13-DEAR ALCOHOL
Enjoy reading!
...
Jaime
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Halos Hindi na nga ako nakatulog. The memories of our conversation still haunts me. If he don't want me here, then aalis ako. Madali lang naman akong kausap. Hindi tulad ng Kulog na yon, ang Arte arte! Ang sungit-sungit pa! Dinaig pako!
My heart clenched.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko talaga kayo mabibigyan ng buong pamilya babies, ang sungit kasi ng daddy nyo."
Hindi pa sumisikat ang haring araw. Pero gising na gising na ang diwa ko. I tried to move. Nangunot noo ako ng dahan dahang bumukas ang pinto.ng kwartong ginagamit.ko.
Si Thunder kaya yon?
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Bago pa man tuluyang bumukas ng pintuan mabilis na Nagtalukbong ako ng kumot. I don't want to see him!
Maya-maya lang narinig ko ang pagsaraa ng pintuan. Napahinga ko ng maluwag. I need to go. Mabilis ang naging kilos ko. Dumiretso ako sa banyo at mabilis na inayos ang sarili ko. Ng masiguro Kong mukha na akong presentable, dahan-dahan along lumabas ng kwarto. Tiyak na nakaalis na si Thunder. Teka nga, bakit ba ako kinakabahan?
Parang may Hindi magandang mangyayari.
Huminga ako ng malalim at kalmadong naglakad papunta sa pintuan ng condo. I count one to the ng may biglang kumaluskos.
"Seno po sela?" Matinis ang Boses niya. Hindi rin ito pamilyar. Nanlalaki ang mga mata ko. I don't know but nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo paalis ng unit na yon.
Habol ang hiningang napaupo ako. Malayo na pala ang narating ko.
"Long time no see, Ma'am Jaime."
"K-kayo.."
Binundol ng kaba ang puso ko. I shouldn't have leave!
"Mabuti naman at Hindi mo na kami pinahirapang hanapin ka, senyorita. Hinahanap ka ng iyong amang Senyor. Gusto ka raw nyang masilayan at ang iyong magiging anak. Tiyak akong labis na masisiyahan ang iyong pamilya sa muli mong pagbabalik, Senyorita hahaha"
Mahirap paniwalaan ang sinabi nila. I stood frozen. Ramdam ko ang pagtakas ng dugo sa mukha ko. I fight the urge not to scream when some other men emerge from a secluded road.
"Tingnan mo nga naman oh, grasya na mismo ang lumalapit satin hahahaha"
Gusto kong magsisigaw, humingi ng tulong. Gustong gusto kong tumakbo sa takot at pangamba na nagsisimulang gumapang sa kalamnan ko, but i can't. Hindi ko kaya kahit pilitin kong ibuka ang labi ko, hindi ko kayang ihakbang ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko, namamanhid ako.
"Ma-maawa kayo.."
Thinking of what my father can do to us again, makes me tremble in fear.
"Damputin niyo yan, siguraduhin niyong walang makakakita!" humakbang sila papalapit sakin. Anim lahat sila at naglalakihan ang katawan.
"H-huwag kayong lalapit! S-sisigaw ako?!" dinuro ko dila, trying my best not to break down, but i can't.
Wala akong laban! Luminga linga ako sa paligid. Ang tanga ko, bakit sa lahat ng lugar sa malayo sa mga tao pa ko nagpunta?!
"Damputin niyo yan, bago pa may makakita bilis!"
Muli akong tumakbo. Hindi nila ako dapat maabutan! Hinding hindi na ko babalik sa impyernong bahay na yon. Ayoko.
"WAGGG!!! TULONG! TULONG!!!"
Two big hands, scooped me up from the ground. Mahigpit na kamay ang tumakip sa bibig ko. My voice came out as gasps.
"Tatakas ka pa ha! "
I keep on strugling. Please, somebody help me!
"Ipasok na yan! Bilisan niyo!"
i tried to scream, pero masyadong mahigpit ang pagtakip niya sa bibig ko.
Iniling-iling ko ang ulo ko, saka huminga ng malalim. I calm my self and forcefully bit the rough flesh of his hands. Malakas na inapakan ko ang kaliwang paa ng nakahawak sakin. His grip loosened, tuluyan nya kong nabitawan.
My legs automatically move.
"Wag ka ng magtatangkang tumakas!"
A firm hand landed on my cheek. Napaupo ako sa malamig na sementadong daan. Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko. Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Marahas na mga kamay ang humawak sa braso ko, mahigpit ito kumpara kanina. I fight my self not to sob, i won't let them the satisfaction to make me breakdown, never.
A screeching sound of tires, makes my knees wobble. Tumigil ito malapit samin. Marahas na bumukas ang driver seat at lumabas ang taong di ko akalaing makakahanap sakin.
"Thunder..."
Madilim ang mata nito ng tumigil sakin ang kanyang paningin. Salubong ang kilay, bagamat wala ng ibang reaksyon na makikita sa mukha ng binata.
"You fucking dared to touch my little Vixen?"
tiim na tiim ang bagang nito at malamig ang boses.
"I-ikaw na naman?! Hulihin yan!"
unang nakabawi ang taong may hawak sakin.
Mabilis na lumapit ang limang katao kay Thunder. Mabilis ding tumama ang kamao ng binata sa unang lalaking nakalapit sa kanya. Tumama ito sa panga ng lalaki. Nasalo ng binata ang suntok na tatama sana sa kanyang pisngi, hinila nya ito kaya napasubsob ang lalaki.
"I'll fucking kill all of you."
Thunder's face was still emotionless. He moves like an action star. He's in fury. Napasigaw ako ng may tumamang sipa sa kanya, parang walang naramdaman na sinuntok niya rin ito. The guy grunt in pain, Thunder punch the guy on his stomach. May lumabas na dugo sa labi nito.
Ilang minuto lang tatlo na lang ang natitira. Pinalibutan nila si Thunder. One on his back. The two on his both side.
Naglabas ng kadena ang nasa likod ng binata, habang ang nasa kaliwa naman ay may isang balisong.
"Thunder! Magiingat ka!"
My heart thump painfully. Pano kung mapahamak siya?! Or worst what if he dies!
A ghost smile appear on his lips. Hindi ko alam pero kinilabutan ako. I shrug it off.
Muling sumugod ang nasa kaliwa at iwinasiwas ang hawak nitong patalim. Iwas lang ng iwas ang binata. Tulad ng unang beses na iniligtas niya ako. Parang sanay na sanay na makipaglaban.
Napasigaw ako ng may tumamang sipa sa likod ng tuhod niya. Nagawa niyang mabali ang kamay ng may patalim, napasigaw ito sa sakit.
"Fuck."
Napaluhod si Thunder. Agad namang lumapit ang nasa likod niya na may hawak ng kadena.
Namilog ang mga mata ko.
"Thunder sa likod mo!"
Pumulupot ang bakal sa leeg niya. Mabilis na namula ang pisngi niya sa kakulangan ng hangin. Muling lumapit ang dalawang lalaki papunta sa kanya.
Binundol ng kaba ang puso ko. Sisigaw na sana ako ng may kamay na tumakip sa bibig ko, pumulupot ang braso nito sa leeg ko.
Sinubukan kong kumawala ngunit mas lalong humihigpit ang pagsakal niya sakin. Wala akong magawa kung hindi bumaling ulit kay Thunder. His raging eyes met mine, mabilis na kumalat ang galit dito.
Malakas na sinipa niya ang gilid ng ulo ng isang lalaki, mabilis itong nawalan ng malay. He elbowed the mad who's choking him. Agad siyang nakawala dito at malakas na ibinalibag ito. He grab his collar and landed a fist on his face. May iilang gas gas ang mukha ni Thunder. Mabilis niya ding napatulog ang huling kalaban. Napangiti ako.
"Release her."
nakakatakot ang boses niya. Buong-buo at napakalamig, always manly but deadly.
Ramdam ko ang paninigas ng katawan ng lalaking may hawak sakin. He began to stride towards us. Madilim pa rin ang mukha nito at halos magdikit na ang mga kilay.
"H-hindi wag kang lalapit o papatayin ko ang babaeng to?!"
hindi tumigil sa paglapit si Thunder ng may marampaman akong malamig na bakal na tumapat sa ulo ko.
"Ano?! Pasasabugin ko ang ulo nito!" i tensed.
nakita ko kung paano tumigil sa paghakbang si Thunder. Tumutok ang mga mata niya sakin. His eye's soften for a moment. Maya maya lang nakita ko ang dahan dahan pagtango niya. I felt confused. His eyes looked down to my foot kaya napasunod ako dito. I slightly shake my head. Masyadong malayo ang binti niya. Gusto nyang sipain ko ang may hawak sakin.
"Do it."
His jaw clenched. Sending me warnings.
"A-anong-?"
pumikit ako ng mariin at malakas na kinagat ang kamay na nakatakip sa bibig ko. "Put*ngina!"
Mabilis na kumalas ang kamay nito. yumuko ako habang nakatingin kay Thunder. Ngumisi siya bago may binunot sa kanyang likod. Namilog ang mata ko ng makita kong baril ito. Caliber 48. A gonshot was heard. Bumulagta ang katawan ng lalaki sa likod ko.
My legs gave up. The tears were still flowing freely from my eyes. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung hindi siya dumating.
Bago pa man tuluyang bumagsak ang katawan ko sa semento, a strong pair of arm held my waist.
"Why did you try to fucking leave me? Don't you know that i nearly killed Caspen? Fuck, I thought you fled with that bastard. I thought i'm not gonna see you again. As long as you're carrying my babies, you are not allowed to leave my fucking side. I will locked you on my bedroom if i had to.."
"Salamat."
I smile, i miss his voice. Binaon ko ang mukha ko sa matigas na dibdib ni Thunder. Stangely i feel safe, in his arms. "Salamat sa pagdating. Hindi ko alam ang mangyayari kung hindi ka dumating kanina. " i sniffed.
Maingat na iniangat nya ang ulo ko. His hand carefully caress my cheeks.
"Shh. Does it hurt?"
Hindi ako sumagot at tumitig ng diretso sa mga mata niya. His eyes held gentleness, for the first time.
"I will never going to let this happen again. Here."
My heart swelled and skip a beat. Naginit ang mga pisngi ko. Nagtaka ako ng may malamig na bagay ang ipinatong niya sa kamay ko.
"A-ano- Para san to?"
naguguluhang napatitig ako sa bagay na iniabot niya sakin. His forehead creased. Then seriously said.
"That's an ethyl alcohol. That fucking bastards might have viruses. It'll keep you and the babies safe. It has 99.9% germs free protection. That will disinfect bad bacterias away from you. Proven and tested."
Maang na napatitig ako sa kanya. With his serious face? My tears stop falling and my jaw drop.
.....
Salamat sa pagbabasa!
Sorry sa late UD. Gomen!
Please do vote and comment if you like it. Mamats!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top