[1] END


Date Finished: April 12, 2020

Status: Finished

This story was done during my Art Appreciation class as a final output. Heavily inspired by "Saan Kami Pupunta?" by ruerukun. I recommend you reading the story! I will never forget how that story made me feel like I was transported to that world. Still waiting for the sequel after all these years.

***

Petsa'y ika-tatlo ng Pebrero. Pagkatapos magpasa ni Samuel ng kanyang sinulat na obra para sa screening ng patimpalak sa pagsusulat ng kanilang paaralan, balak niyang pumunta ng plaza para bumili ng bulaklak. Inasar-asar pa siya ng kanyang mga kaibigan.

"Para kay Shaira? Ayaw pang aminin!" Sabi ni Levi, isa sa mga katropa niya.

"Kapag wala kayong nakitang bulaklak sakin bukas, anong gagawin ko sa inyo?", panunuya ni Samuel. "Sabihin ko..." sabay tingin kay Frans, isa pa niyang katropa, "...na may gusto ka kay—"

"Hoy! Huwag mong subukan." sabi ni Frans, habang ginagaya ang pagsasalita ni Presidente Duterte na nagmistulang meme. "Para kanino nga kasi yung bulakla—"

"Sa nanay ko nga! May trabaho si mama buong araw bukas kaya walang time para magcelebrate ng Valentines!" Isa-isa niyang tinignan ang kanyang mga kaibigan na mukhang natauhan sa kanilang pang-aasar. "Mga malilisyoso mga isip niyo, pare-parehas naman kayong torpe. Hayskul na kayo aba!" aniya. Ako naman ang mang-aasar, hahaha.

"Hoy! Grabe ka makasalita!"

"Ingat! Maghugas kayo ng kamay! Kalusugan muna bago landi! Una na ako!" Nagpaalam siya sa dalawa pagkatapos ay binelatan sila, tsaka siya naglagay ng face mask. Ilang araw na ring naglalagay ng mga malalaking alkohol ang kanilang paaralan sa estasyon ng sekyu sa labasan nang mabalitaang marami na ang mga persons under investigation ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya pinaigting nila ang seguridad at kalinisan.

Nagtungo siya sa plaza upang dumaan sa mga flower vendors sa tabi-tabi. Ramdam pa rin ang esensiya ng Valentines day sa kabila ng pagkabahala sa COVID-19. Marami-rami din ang mga taong nakamask na iba't-ibang klase't kulay, may iilan na naka-N95 mask na maaaring ginamit noong pagputok ng bulkang Taal. Naalala niya na muntikan nang hikain ang nakababata niyang kapatid dahil sa amoy ng abo sa labas ng kanilang bahay.

"Iho?"

"Ay!" Nagising ang kanyang diwa nang tapikin siya ng tindera ng bulaklak sa harapan niya.

"200 pesos iho." Sabi ng tindera. Isa itong maliit na balot ng bulaklak na naglalaman ng sunflower at mangilan-ilang gerbera.

Napakamot sa ulo si Samuel. "... Wala na po bang bawas?"

Napairap ang tindera't tumingin sa kanya, ngunit unti-unting lumambot ang kanyang mukha't sinabi, "Sige. 180 pesos nalang. Mukhang estudyante ka pa naman." Sabay masid niya sa uniporme ni Samuel.

"Salamat po!" Nang makabayad siya sa tindera ng bulaklak ay dumeretso siya sa mini mart upang bumili ng tsokolate at donuts na rin para sa kanyang nakababatang kapatid. Kulang na ba ang allowance ko? Tanong niya sa sarili. Inipon niya ang kanyang baon para gastusin sa Valentines day. May matitira pang 40 pesos sa pitaka niya, sobra pa para sa pamasahe pag-uwi. Tumingin siya sa kanyang relo. 5:30 na pala. Kaya naman ay dali-dali siyang pumila sa cashier upang magbayad.

Nang biglang...

BANG!

"Lumilindol!" Nagpanic ang mga tao nang biglang bumulagta ang malakas na pagyanig. Pagsusumamo't pag-iyak ay humahalo sa dagundong ng delubyo.

Diyos ko, hindi ko na alam. Iligtas niyo po ako. Ayoko pang mamatay!

Napadako siya sa orasan ng mini mart.

Teka?

Tumigil ang orasan sa paggalaw nito. Tinignan niya ang kanyang relo. Ganoon din. Namamalikmata ba ako? Tanong niya sa sarili, habang tinitignan niya ang mga tao sa paligid niya na nanginginig sa takot. Siya'y napapikit na lamang. Pagkatapos ng ilang sandali, tumigil bigla ang pagyanig. Narinig niya ang paghinga ng mga tao sa loob ng mini mart kaya't dumilat na siya. Tumingin siyang muli sa kanyang relo at bigla itong gumana muli?

Tik. Tak.

Parang may mali.

Tik. Tak.

"Ah, bakit walang tao't sasakyan sa labas...?" Tanong ng isang dalaga.

Puno ng pagkalito ang makikita sa mukha ng bawat isa. Nagsimulang magbilang si Samuel ng tao. Labingtatlo, kasama ang kahera at dalawa nitong tagaayos ng paninda. Kataka-taka, parang naging abandonado ang plaza? Pati mga kotseng nakaparada ay naglahong parang bula? Natahimik ang lahat.

Tik. Tak.

Maririnig ang lakas ng tunog ng orasan nang biglang magsalita ang isang lalaki, "Susubukan kong itsek kung anong meron sa labas."

Sumigaw ang isang babae. "Baka kunin ka nila! Hindi niyo ba nakikita? Hindi ito totoo! Nilalaro lang nila ang mga utak natin!" Sabay pukpok ng ulo nito sa stall. Biglang tumakbo ang dalawang trabahador ng mini mart at sinubukan siyang pigilan at pakalmahin.

"Mam, kumalma po kayo, pakiusap!"

Kumalma naman ang babae't umiyak. "Hindi ko na alam..." Umaalingawngaw ang pag-iyak niya kasama ang malakas na tunog ng orasan bawat segundo. Napagdesisyunan ni Samuel na sumama sa lalaki.

"Sasama po ako sa iniyo."

"Sigurado ka ba dyan boy?" Tanong ng lalaki. Tinignan siya ni Samuel ng mariin, at ipinalagay niya na isa siyang estudyante sa kolehiyo base sa uniporme nito.

"Opo." Saka binulsa ni Samuel ang kanyang selpon.

Napasinghap ang lalaki. "Sige," ika niya, saka tinignan ang lahat ng tao sa loob ng mini mart. "Babalik po kami. Makakaasa po kayo." Iniwan ni Samuel ang binili nitong mga bulaklak sa counter at tsaka sila lumabas ng mini mart.

Naglakad sila palabas papuntang munisipyo. Mapapansin na ang mga pilar ng munisipyo ay nababalutan ng itim na amag na para bang matagal na itong hindi ginagamit. "Para 'tong zombie apocalypse. Wala akong ideya kung nasaan ang mga tao't bigla silang nawala." Panimula ng lalaki.

"Kuya, hindi kaya tayo yung nawawala?" Tanong ni Samuel. "Kasi, kanina, nakabili pa ako ng bulaklak sa may labas ng plaza. May mga bangketa pa roon. Ngayon, wala ni isa."

"Ibig mo bang sabihin ay na-transport tayo sa ibang dimensyon?"

"Sa totoo lang po," napakamot si Samuel sa kanyang ulo. "Hindi ko rin po alam. Parang straight out of fiction ang nangyayari."

Muli siyang napahinga. "Pasensiya na ah. Sa totoo lang, natotorete na rin ako sa mga nangyari. Kaya lang, ayoko ring mabulok sa loob ng mart." Tumango si Samuel. Patuloy silang naglakad sa tahimik na sentro ng bayan.

"Ang lakas ng loob niyong ilantad ang sarili ninyo!" Napatingin ang dalawa nang may sumigaw na matandang lalaki sa likod nila. Medyo gris ang kulay ng damit nito, na may mahabang balbas na aabot sa kanyang dibdib. Mayroon siyang hawak na tungkod. Nanlaki ang mata niya habang pinagmasdan niya ang dalawa.

"Anong ginagawa niyo dito? Nasaan po ang ibang tao?" Tanong ng lalaking kasama ni Samuel.

Hindi sinagot ng matandang lalaki ang tanong nila, sa halip ay nagtanong pa ito sa kanila. "Bakit kayo nakauniporme? Mga hibang ba kayo? Wala nang pag-asa ang bansang 'to! Kung iniisip niyo ay makakabalik pa kayo sa eskuwelahan, nagkakamali kayo! Hindi na mabilang ang mga patay dito dahil sa virus!"

"Anong—"

"Maraming hibang dito. Ako. Kayo. Wala nang makain at maasahan!" Nagpatuloy siyang magsalita habang nanginginig si Samuel sa takot. "Pasko? Wala na! Kamatayan, dahil sa kapabayaan at kurakot ng gobyerno at pagdadamot ng mga burges!"

Pasko? Napataas ng kilay ang dalawang estudyante. Walang anu-ano'y kinuha ni Samuel ang kanyang selpon sa kanyang bulsa, binuksan ito at laking gulat niya na punong-puno ito ng glitches pagkabukas niya at bumulantang ang sumusunod:








d̶̡̫̝̰͚̭͉̗̜̬̬̼͖̦͍̗͈͉͈͔̮͈̪̩̜͙̻͕̟̥̱͈̀͋̒͗̈́́̑̎̊̓̀̇͂́͋̇̓̾͆̇̀͛̓̇̏͋͊̌͛͋͒̏̂͘͘̚͘̚͠͠͝͠e̸̡̢̢̩̖̫̦̜̳̝̦̩̳̞͓̗͕͖͖̥̜̩̟̻͚̫̱̘̳̗̬͚̯͖̜̯̦͈͖̟̳͇̙̞̅̄͋̎̈́́̍̏͌̇̃̈́̕͘͜͜͠͠͠͝͝ͅl̶̢̡̢̨̢̡̛̖̖͍̹̹͇̰̲̳̮̭͓̜̳̺̪̰͚̟͔͚̺͇͙̣̣̣̟̙͙͎̪̣̙̦͔͓̜̖̪̻͕̮͖̩̗͓̜̬̭̬̤̙̪̺̻̹̮̳͍̺̹̙̱̤͍̜̬͓͔̤̫̙̟̞̘͔̥̭͇̟͎͛͗̋̾̉̏̓̍̀͌͊̋͊̓͗̉̎͋̿̈́̑̓̏̈́̌̓͛̐̇̀̉́̇͑̈͐͆͛͛̒́̈́͋͛̽͂̓͂̌̅̓͒́̍͊͌̍̓́̍͂͒̚̕̚͘͘͘͜͜͜͝͝͝͠͠ͅͅų̸̡̧̛̛̻͍̫̝̲̙̙̭̜̳̝͕͍̤̬̯͎̤͇̓̓̍̓̓͆̓̂́̔̿͋̂͐̀̈́̅͗̅̾̎̀̽̂̌͆̂̑̄͆͒̿̍̐͌̌̓́̈́̂̓́̇̇̐̐̋́̃͛͋̈́̽̅̏͒̽̍̓͒̿̈́̂͐͐̊́͗̈́͆̎́̋̐͗̏́̂̐́̊̌̏̃̏̾̈́̇̀͂̀͊͊̐͐̕̕͘͘͘͘͜͜͝͝͝͠͝͝͠͝b̶̡̧̨̧̛̛̛̥̻͚͙̜̩̝͍̖̘͇͍͙͉̬͍͕͕̯̝̤̗̗̬̦͉͚͉̙̘̼̩̝̦͙̱̳̳̺͕̥͇̠͕̣̜̞̳̠̹͎̖̲̗͈̪̝̘͖͈͎̟̫̼̯̜͇͛́̀̽͒̒̀̓̿̔̋͆̈́͗͋̈́͐͊͐̍̀̈̒͂̔͆̍̍̋̋̈̓̈́̄͒̐̓̆͂͗̃͛̓̈́̈́̿̀̔̎̇̔̋̂͂̈́̆̊̽͂́͛̾̇̓̉̎͋́̃̑̌̂̎͒́̈́̍̅͊́̊̃̈͌̿͊̚͘̚̚̚͘͠͝͝͠ỳ̷̢̨̧̡̨̛̛̭͚̳͎͚̟̤̟̬͙̺̦̗͇̱̭͈̯͎̗̝͉̭̣͈͖̯͚̬̹̟̼̪̳̖̣͕͚̥͇̖̣̯̘̠̯̈́̒̋̂̈́̐́̉͌͋̈́͋̓͗́̂̃̽̃͌̈́̍͊͑̈́͊̄̿̆̅̋̀̆̿̿̈́͌͋̾̽̀̈́̀̄̑͌͋̅̅̐͐͆͐͑͑̈́̂̊̌̿͒́̃̃̀̓͑̀͑̔̀̑̉̿͗̈́̈́͑̾̈́̆̋̉̌̅̔͆̈́͒͛̎̈́̿̀̀̏͘͘̕̚͘̚̚̕̚̚͘͘͝͝͝͝͠͝͠͝͝͝ͅơ̷̢̡̧̨̡̧̡̢̢̛͙͍͕͔̹̙͕̹͕͙̤̣̩͕̖̲̗̳͇̼̜̰͕̮̘͍̻̣̖̜̣͔̟̰̰͈̳͎̟͙̝̘͔͕̠̣̬̜͉̗͕̮̝͙͇͓͚̘̒̓͛͂͒̌͋̌̽́͗̾͑̈̊̌͆͋́̌̓͂͊̽͐̾͆́̈́́͊̓̉̅̍̌͑͛͐̿̈̐̉̉́̀̃̎̎̾͐̑͐̎̒͒̄̽̈́̅͌͑̔̓̉̇̊̇̾̈́́̓̑̈̃̈́̓̿̈́͑̓̏̾̀̍͒̍͋́̀̍̇̔̃́̓͆̓́̔͘̕͜͠͝͠͝͝ͅͅ








Nag-iba ang text makalipas ang dalawang segundo.

1 2 2 4 2 0 2 0

"Kumalma po kayo," sabi ng kasama ni Samuel sa lalaki.

Hindi ito tumigil sa pagsasalita. "Ha! Mga tao lang rin pala ang papatay sa kapwa nila tao! Anong ginawa nila sa mag-ina ko? Pinabayaang mamatay! Nakakasulasok, nakakarimarim, nakakadiri, nakakagago! Ahahahaha!" Doon nila nakumpirmang dalawa na wala na ito sa tamang pag-iisip. "Kayo..? Papatayin ko na rin kayo!"

Hinabol sila ng matandang lalaki, kaya't dali-dali silang tumakbo papalayo. Props lang pala ang tungkod na iyon, pag-iisip ni Samuel sa sarili habang hinahabol ang sariling hininga. Ngunit nagulat na lamang sila ng bumunot ito ng baril at magpaputok ito sa kanila.

Bang!

Lumagutok at humandusay ang katawan ng kasama ni Samuel.

Bang!

Aray! Dahan-dahang natimbuwang si Samuel. Nakita niya ang agos ng dugo sa kanyang kaliwang binti, at tuluyan siyang humandusay sa lupa. Kahit malamlam na, nakakarinig pa rin siya at napakinggan niya ang malakas na paghulog ng baril at naghihisterikal na pagtakbo ng matandang lalaki palayo.

OOOOOWIIIIIIIOOOOOOWIIIIIIOOOOO!

Pambubulabog ng ingay galing sa mga patrol car ng barangay ay tumitilapon sa kanyang mga tenga.

Paalala mula sa lokal na pamahalaan. Sumunod sa panuntunan ng curfew. Kung kailangang bumili ng pagkain at iba pang gamit sa bahay, magsecure ng quarantine pass mula sa barangay. Inaaniyayahan po ang lahat na ingatan ang inyong kalusugan, lalo na ang paghuhugas ng kamay. Sabay-sabay nating puksain ang COVID-19.

Teka?

Unan? Kumot...? Puting dingding, kurtina...Nakadapa ako?

"Anong—aray!" Hindi maramdaman ni Samuel ang kanyang kaliwang binti dahil sa pamamanhid. Masyadong matingkad ang paniginip para sa kanya. Tsinek niya ang kanyang selpon. Abril 12, 2020, Linggo ng Pagkabuhay.

Panaganip. Hanep. Ramdam na ramdam ko yung mga nangyari sa pinasa kong piyesa ah. Self-insert pa more.

Napostpone ang patimpalak dahil sa sa enhanced community quarantine. Simula noon, hindi matigil sa kakaisip sa Samuel kung anong mangyayari sa Pilipinas dahil sa COVID-19. Sangkaterbang takot at inkompetensya ang nakikita niya araw-araw sa telebisyon kaya't hindi niya maiwasang mag-alala. Wala pa ring kasiguraduhan kung anong mangyayari sa hinaharap. Nagdasal siya, nagpasalamat sa bagong umaga at hiniling na sana'y humilom ang Pilipinas laban sa pandemya.

Tinawag na siya ng kanyang ina upang kumain ng umagahan.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top