III.Puting Kumot

Sa piitan naman ay nagdarasal si Gilbran, lumuluha si Sorya at inaagapayan siya ni Oleso. Hindi matanggap ni Sorya ang sinapit ng kaibigan. Narinig ni Oleso ang tinig ni Ghijo-Ban at tumingin siya sa maliit na siwang ng piitan. Nang makita niya ang pinuno ay biglang mamuo ang poot at sakit na nadama ng kanyang kasintahan. Hindi niya mapatawad ang sarili sapagkat wala siyang nagawa habang nakikita ng dalawang mata niya ang pagkapaslang ni Harun.

Sa ikatlong araw ng taglamig, nagsimula na ang pag-ulan ng niyebe. Ang buong kabundukan at mga lupain sa Aronoa ay natatakpan ng hanggang tuhod na niyebe. Sa panahong ding iyon ay nagiging madalas ang malakas na bugso ng hangin at pag-ulan ng niyebe.

Habang ang lahat ay nilalamig sa bagyo; kausap ni Flaia, ang diyosa ng Etheriel, ang ispirito ni Harun.

"Alam kong matindi ang pagnanais mong tulungan ang iyong mga ka-nayon ngunit sa iyong hinihiling, kaya mo bang mapagtagumpayan ito sa loob ng oras na kaya ko lamang ipahiram sa iyo?", wika ni Flaia

"Kahit na ano ang kahinatnan, kakayanin ko po", tugon ni Harun.

"Kung gayon ay kailangan mo ng sandata para sa pinakamalaking laban mo para sa mamamayan ng Strazza", wika ni Flaia at mula sa mundo ng mga mortal, ang pana ni Harun ay nadurog na parang yelo sa kamay ng rebelde at napasakamay ito ni Flaia. Binago niya ng kaunti ang kaanyuan nito at ang mga kristal na nasa pana ay lalo pang nagningning. Matapos nito ay muling ibinalik ni Flaia ang pana ni Harun sabay sabing:

Ngayon, mas panatag na ako na matatapos mo ang naiwan mong laban sa Aronoa. Sa loob ng isang oras ay mananatiling malakas ang buhos ng niyebe at kailangan mong palayain ang tahanan mo. Ang sinumang kalaban na madikitan ng pana o ng iyong palaso ay magyeyelo ang katawan nito. Kapag natapos na ang oras mo sa lupa, magbabalik ka dito sa tahanan ko. Maaari ka nang magsimula".

"Salamat po ", wika ni Harun at muli siyang ibinalik sa katawang lupa niya.

Mula sa makapal na niyebe, lumitaw ang kamay na nakagwantes ng bughaw at bumangon mula sa pagkakahimbing si Harun. Nagtaka siya nang makita niyang nasa palad niya ang talim at ang mga palaso. Naging puti ang kanyang itim at mahabang buhok. Ang mga pinsalang tinamo niya sa duelo ay nawala at naghilom. Siya'y nakagayak ng bughaw na kasuotan at bota baa may ilang linyang dilaw at simbolong nakaburda sa likod ng gayak niya. Pinagpag niya ang ilang niyebe sa katawan at agad niyang tinungo ang nayon.

Sa kanyang pagbabalik, pinatamaan niya ang mga bantay sa entrada. Pagkatapos, gamit ang dalawang talim ng kanyang pana, itinusok niya ito sa pader upang gumawa ng daan paakyat. Pinuntahan niya ang mga bantay sa mga tore at nang idinikit sa kanila ang pana, sila ay nagyelo.

Tinatakbo niya ang kahabaan ng pader tungo sa iba pang mga parola, pinatatamaan niya ng palaso ang mga ito at isa-isa silang nagyeyelo at nang matapos nito ay bumaba siya at sinugod naman ang mga rebeldeng nakakalat sa buong kanayunan. Sa pagtama ng kanyang palaso sa mga kalaban at sa lakas ng unos, walang umaalingasaw na tunog sa paligid. Isinunod niya ang tolda ni Ghijo-Ban.

Habang nakakubli sa ilalim ng puno, nakita niyang may bantay ang tolda at nang pagmasdan niyang mabuti ang mga ito mula sa kinaroroonan niya, nakita niya na iyon ang dalawang taong naglagay sa kanya sa karitela at naglagay sa kanyang palad ng talim at ng mga palaso. Sa halip na patahimikin sila, ibinaba ni Harun ang kanyang sandata at naglakad dahan-dahan patungo sa dalawa at nang makalapit at huminto siya at nagsalita na halos sila lamang tatlo ang nagkakarinigan.

"Maaari bang umalis na kayong dalawa dito at tatapusin pa naming dalawa ang laban namin"

Sa una ay hindi nila lubos na maintindihan at akmang lalabanan ng dalawa si Harun ngunit nang banggitin niya ang mga katagang nagpapaalala sa naganap na duelo, agad tumabi at nabitawan nila ang kanilang mga hawak sa pagkatakot at pagtataka kung paanong nabuhay ang iniwan nilang bangkay sa kabundukan.

Bago pumasok si Harun, nagbigay siya ng isang mensahe kalakip ang isang maikling ngiti.

"Sa aking himlayan, pumunta kayo at tanggapin ninyo ang aking pasasalamat".

Tumakbo ang dalawa at sinunid ang bilin ni Harun.

Pagkapasok niya sa tolda, nanatiling tahimik si Harun habang nakatutok ang palaso sa nakatalikod na pinuno. Sa pagharap ni Ghijo-Ban, binitawan ni Harun ng nagyeyelong palaso at tumagos ito mula sa kalasag hanggang sa puso nito. Habang nilalamon si Ghijo-Ban ng yelo mula sa palaso pakalat sa buong katawan niya, binigkas ni Harun ang mga salitang binanggit niya bago siya lumaban:

"Kung ito man ang katapusan, ito na sana at wala na dapat pang sumunod pa. Paalam", at tuluyan nang naging solidong yelo ang pinuno.

Sa paghupa ng unos , pinakawalan niya ang kanyang mga kanayon mula sa mga parola. At sa huling parola, sa pagtunog ng bakal na pinto patungo sa piitan, imbes na rebelde ang masilayan ay isang taong lubos na minamahal ng tatlong malapit sa kanya ang dumating at binuksan ang piitan upang sila'y palayain. Nang tanungin ng tatlo kung paanong nabuhay siyang muli, hindi niya sinagot at sa pagdating ng itinakdang oras upang siya ay lumisan, ipinakiusap ni Harun na pakaingatan ang kanyang sandata bilang ala-alang mananatili para sa kanayunan.

Pinalabas ni Harun ang tatlo sa parola dahil akala nila ay sisirain niya ito ngunit sa tono pa lamang ni Harun ay alam ni Oleso na siya'y nagsisinungaling. Binalikan ni Oleso si Harun sa loob at nakita niyang mula paa paitaas, siya'y naglalaho. Dahil sa pangungulila, niyakap niya si Harun at hiniling niyang isama na lamang siya. Sa ipinamalas ng kanyang kasintahan, napangiti si Harun habang kayakap si Oleso. Ayaw man ni Harun na lumisan agad, naisip niya na talagang hindi niya matitiis na mamuhay nang nag-iisa at nalulumbay kaya naman noong sandaling iyon, sabay silang naagbalik kay Flaia.

Sa paglipas ng mga taon, ang mumunting nayon ay umunlad at bilang pagtanaw ng loob ng mga mamamayan, pinalitan nila ang Aronoa ng Haraii, mula sa pangalan ng taong nagpalaya sa kanilang nayon na si Harun Aiyasari.

********wakas*******

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: