I.Hawla

Sa paanan ng bundok Aronoa ay may mga napadpad na rebelde sa isang nayon at sinimulan ng nasabing pangkat na gawing kampo ang lugar. Dahil sa mga pagpatay, pagbabanta at pagkatakot ng mga mamamayan, wala silang nagawa kung hindi pagmasdan ang pagusbong ng mga parola sa paligid at maglagay ng mga bitag na tila hindi angkop na gamitin laban sa tao.

Isa sa mga mamamayan ng nasabing nayon si Harun Aiyasari.

Hindi naiiba sa kanyang mga kanayon, lagi niyang sinasalubong ang silangan na may ngiti at kagalakan. Ngunit ang sinag ng silangan ay unti-unting naglalaho magbuhat nang sila'y sakupin ng mga rebelde sa kanilang mapayapang pook. Mula noong araw na iyon ay nabuhay sila sa bangungot na kailanman ay hindi nila inaasahang mararanasan nila.

Upang maibsan ang kakulangan sa hukbo at manggagawa, napagpasyahan ng kanilang pinuno na si Ghijo-Ban na pakinabangan ang kanilang mga bihag. Pinapasok nila ang mga kabahayan at kung sino man ang kanilang madatnan ay hinahawakan sila sa braso at hinihila palabas patungo sa liwasan habang nakatutok ang matalas na sandata na anumang oras ay maaaring wakasan ang kanilang buhay sa sandali na sila'y manlaban.

Sa pagkagat ng dilim ay inumpisahan na ng mga rebelde ang kumuha ng mga taga-nayon. Upang makaiwas na madakip, nagkubli si Harun sa ilalim ng kanyang higaan at halos tikom ang kanyang bibig. Kanyang maingat na pinakikiramdaman ang mga yapak na anumang oras ay maaaring maghudyat ng matinding panganib sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at ang kanyang pinangangambahan ay naganap. Ang katahimikan ng paligid ay biglang nabasag ng isang malakas na sipa. Nabali ang kandadong nakalagay sa pinto at nang ito ay mabuksan, nagsimulang maglakad ang mga hindi imbitadong tao at sinimulang galugarin ang apat na sulok ng madilim na silid ni Harun.

Habang ang rebelde ay papalapit, ang bawat minutong lumilipas ay pinakakaba si Harun, kanyang pinagdarasal na siya'y hindi lumapit at tuluyang umalis sa kanyang bahay.

Nang mabuksan ang silid ni Harun, pinagmasdang mabuti ng rebelde ang paligid. Sa liwanag ng buwan na tumagos sa bintana ng silid, kanyang natagpuan lamang ay mga banga, sisidlan ng damit at mga palamuti.

Paalis na sana ang rebelde ngunit nang siya ay napatingala, naaninag niya ang bughaw na pana ni Harun na nakasabit sa kisame dahilan upang pagnasaan niya ang nasabing gamit at lalo pang magtagal sa loob ng silid. Hindi alam ng rebelde ang kanyang gagawin upang makuha ang pana kaya naman basta na lamang niya binunot ang kanyang nakasukbit na espada at ibinato sa kisame. Pinutol ng talim ng sandata ang sabitan at nalaglag ang pana sa kanyang palad ang pana samantalang ang espada niya ay tumama sa pader at tumusok pababa sa gilid ng higaan.

Nabigla si Harun nang makita niyang ang talim ng espada ay halos isang pulgada ang layo sa kanyang ulo.

Siya ay kinilabutan at bahagyang napaatras sa kanyang pinagtataguan dahilan upang magalaw ang higaan; bagay na nang makita ng rebelde ay alam niya na may nagtatago sa ilalim ng kama kaya naman binunot niya ang espada at nagwika:

"Sumuko ka na nang hindi ka mapahamak!"

Tinanggal ng rebelde ang tela ng kama at natagpuan niya si Harun. Pinatayo siya at hinila palabas ng kanyang silid dala ang pana upang katagpuin ang kanyang mga kasama. Dinala siya sa liwasan kung saan tinipon ang iba pang nadakip.

Lahat ng nadakip ay ikinulong sila sa mga piitan sa ilalim ng mga parolang nakakalat sa buong nayon.

Iniulat ng isang rebelde kay Ghijo-Ban na may nadakip silang mamamana at kanyang ipinagutos na siya'y dalhin sa kanyang tolda.

Dumating si Harun na nakagapos ang mga kamay kasama ang dalawang rebelde. Ipinasok siya sa tolda at umalis ang mga rebelde.

Bago pa man makapagsalita ang pinuno, natanaw ni Harun ang kanyang pana na kasamang nakasabit ng iba pang mga sandata. Sa pagharap ni Ghijo-Ban ay inalam niya ang katauhan ng dalaga.

"Magandang gabi, binibini. Maaari bang malaman ang pangalan mo?"

"Harun Aiyasari, isang mamamayan ng nayong ito. Isang taganayong papatay sa iyo !"

"O Harun, Harun. Ha ha ha masyado kang galit. Bakit hindi ka muna maupo at......."

"Hindi ko kailangang makipaglaro sa iyo. Pakawalan mo ako at ibalik mo ang PANA ko!", pagalit na wika ni Harun habang nagpupumiglas na makawala.

Ngumiti ng kaunti si Ghijo-Ban at sumagot :

Paumanhin ngunit sa tingin ko ay hindi ko napagbibigyan a--ng inyong munting hiling." habang naglalakad-lakad ; humarap at muling nagwika "Ibabalik ko ang

pana mo at pakakawalan kita kung......... magiging miyembro ka ng aking grupo".

"Hindi ko gugustuhing sumama sa iyo at ipaglaban ang mga ambisyon mo. Mas nanaisin ko pang mamatay." matapang na pahayag niya.

"Kung yan ang hinahanap mo, ibibigay ko sa iyo. Pero mas maganda kung masasaksihan ng mga minamahal mong mga taganayon ang kamatayan mo.", pabirong wika ni Ghijo-Ban "Kaya naman lalabanan mo ako sa isang duelo. Pag natalo ako, ibibigay ko ang ninanais mo. At kung matalo ka, makukuha mo pa rin ang inaasam mong mala-bayaning kamatayan. Kahit ano man ang kahantungan, pabor pa sa iyo ang alok ko."

"Sige, pumapayag ako sa iyong inaalok na duelo", tugon ni Harun.

Sa sagot ni Harun ay bahagyang napangiti si Ghijo-Ban. Naisip niya na madali lamang para sa kanya na manalo laban sa isang mahinang babae. Napagkasunduang espada ang sandatang gagamitin upang maging patas ay gaganapin sa gitna ng liwasan sa unang araw ng taglamig ang laban.

Matapos ang paguusap, ay muli siyang pinabalik sa kanyang piitan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: