last

"Hindi ka ba nagtataka kung lagi tayong pinagtatagpo tuwing umuulan?" aniya.

Tahimik lang akong nakatingin sa ulan. Dinala ako ng estrangherong lalaki dito sa may waiting shed sa park. Hindi niya yata nahalata na umiiyak ako kanina dahil umuulan. Syempre kapag umiyak ka sa labas habang nagpapakabasa ulan ay hindi talaga halata.

"Ang tahimik mo naman. Umaano ka nga pala? Para kang bata na gumagawa ng sand castle sa harap ng swing habang umuulan," tanong niya.

"Wala ka talagang balak sagutin ang mga tanong ko. Anyway, here's my towel," inabot niya pa sa akin ang tuwalya ngunit tiningnan ko lamang siya.

"Malinis 'yan. Galing pa 'yan sa bag ko, bagong bili. Inutusan kasi ako ng Ate ko na bumili. Kaya tanggapin mo na 'yan, magpatuyo ka na para 'di ka magkasakit," aniya. Kinuha ko naman sa kanya ang pink na tuwalya tsaka binalot iyon sa likod ko. Ngunit nagulat na lang ako na kinuha niya iyon tsaka nilagay niya sa ulo ko at pinunasan niya ang basa kong mukha tsaka ang buhok ko.

"S-salamat."

"Walang anuman, Miss. Nagsalita ka na rin."

Natitigan ko naman siya. Siya nga 'yung lalaki noon sa 7/11. 'Yung lalaking inabutan ako ng cup noodles pero tinanggihan ko lamang.

"Umaano ka nga pala dito?" nagtataka niyang tanong pero sa halip na sagutin ko siya. Tumingin ako sa likod niya at nakita ko na tumila na ang ulan.

Inabot ko sa kanya ang tuwalya tsaka tumayo na ako.

"Hmm...salamat nga pala. Kailangan ko na umuwi," sabi ko. Nagsimula na akong maglakad.
"Hatid na kita, Miss."

Hindi ko na siya pinansin. Naglakad na ako pauwi sa bahay namin. Sumulyap ako sandali sa swing. Mapakla akong napangiti. Dito...dito nagtapos ang istorya namin ni Nevan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top