Prologue
○OFFICIAL THEME SONG ○
"Elinor!" Kanina pa ako nagsisisigaw dito pero hindi parin talaga lumalabas at nagpapakita saakin ang gunggong na iyon.
I tried to call him nor text him pero naka off ang phone niya. Bwisit talaga itong si Elinor e, gusto palagi na hinahanap siya ngayon pa na kailangan ko siya sa lakad ko ngayon pa siya mag iinarte nang ganito.
Naka salubong ko ang isa sa malalapit niyang kaibigan kaya sakanila na ako nag tanong kung nasaan ang gunggong na iyon. Agad naman nila akong nginitian nang makita nila akong papalapit sakanila.
"Hey Kenny, did you know where is Elinor? Kanina ko pa siya hinahanap e" i asked. Kenny is one of Elinors' closest friends, ang katabi niya ay si Eidan kaibigan rin nila.
I hope Kenny will answer me where is Elinor dahil may pagka pilosopo ang isang ito.
"May ka chukchakan sa taas" ma ngisi ngisi nitong aniya. Agad naman na napa kunot ang noo ko dahil sa sagot niya, what's with the word? Nilingon ko si Eidan na napapailing rin.
"Akyatin mo nalang, room 208." Eidan said at iniabot saakin ang susi ng kwarto na inuukupa nila. Buti nalang at nasa katinuan pa si Eidan ngayon at wala pang tama ng alak.
Hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa at agad na akong umakyat at nakipag siksikan sa kadamihan ng tao sa dance floor. Hinawi ko lang lahat ng tao na paharang harang sa dinaraanan ko, mayroon pa ngang iba na sinasamaan ako ng tingin pero hindi ko nalang pinapansin. Wala akong oras para sakanila ngayon.
Hinanap ko ang kwarto na tinuro ni Eidan. Mukhang wala dito sa ikalawang palapag ang kwarto na iyon, mabilis akong umakyat sa taas at finally nahanap ko na ang kwarto. Binuksan ko kaagad ang pinto gamit ang susi at tama nga ang sinabi ni Kenny saakin.
May ka chukchakan nga ang gago.
Mabilis akong lumapit sakanilang dalawa at kaagad na hinigit si Elinor papalayo sa babaeng iyon. Mukhang hindi pa nahihimasmasan si Elinor sa halikan nila ng babaeng iyon kaya sinampal ko siya.
"What the fuck Cazier!" Gulat na gulat niyang sigaw saakin pero kinurot ko pa siya sa pisngi para magising na siya. "Cazier! What's wrong with you?!" He shouted at me.
Hindi ko na siya pinansin at ginawian ng tingin ang babaeng kahalikan niya na ngayon ay nakatayo na at nakatingin saakin na nanlilisik ang mga mata. Ang lakas rin ng apog nang babaeng ito ah para tignan ako nang ganyan. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Elinor at nilapitan siya.
"Who the hell are you?" I asked her.
But she just smirk at me and chuckled.
"Ikaw pa talaga ang may ganang mag tanong niyan? Ikaw itong bigla bigla nalang papasok dito at nang iistorbo." Malakas ang loob na ani nito. Aba't napaka lakas talaga nang loob nito ah! Ako pa talaga ang sagut sagutin niya ng ganyan?!
Inangat ko ang kaliwang kamay ko at malakas na isinampal iyon sa mukha niyang napaka kapal. Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya dahil sa malakas kong sampal sa mukha niya. Kinuha ko ang baril na nasa loob ng suit na suot ko at itinutok iyon sa noo niya. Naramdaman ko ang paghawak at pagpigil saakin ni Elinor saaking likuran pero hindi ko siya pinansin.
Binalot nang takot ang mukha ng babaeng nasa aking harapan na kani kanina lang ay kahalikan ng mapapangasawa ko.
Hindi ko na pinatagal pa at pinindot na ang gatilyo ng baril at agad na pumutok iyon sa ulo niya kasabay ng pagsabog ng dugo sa sahig. Pinanuod ko kung paano siya bumagsak sa sahig na wala ng buhay.
"Bakit mo ginawa iyon Cazier?!" Marahas ko siyang nilingon at pekeng ngumiti sakanya.
"Nilabag mo ang isa sa mga ayaw ko Eli, sinabi ko saiyo at sa pamilya mo na ayaw na ayaw ko na magtataksil ka saakin. Yes, arrange marriage lang ang magkakaroon tayo pero ayoko namang matapakan ang dignidad ko bilang babae. You know how Angel i am, pero hindi mo alam kung gaano ako ka demonyo. Pwes, ibibigay ko saiyo ang gusto mo dahil simula palang naman ay ayaw mo na saakin hindi ba? Ayaw ko rin naman saiyo e, pero nang dahil sa kagustuhan nang iyong ama na mapakasal tayo ay pumayag ako kahit na ayoko kasi inisip ko na isa lamang iyong laro na dapat akong mag enjoy, pero wala e ayaw mo naman din pala." Sabi ko. Inalis ko ang singsing sa daliri ko at inihagis iyon sakanya.
"Malaya ka na. At binabalaan lang kita na huwag na huwag kang haharang at manggugulo sa landas ko kundi hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Pagkasabi ko niyon ay nilagpasan ko na siya at umalis na ako sa bar na iyon.
Mabilis akong sumakay sa aking kotse at agad na umalis. Kailangan ko pa naman siya ngayon kasi may pupuntahan ako na okasyon at sinabi ni Dad na kailangan ko siyang isama para raw sa mga media. I dialled Dads' number at buti nalang ay sinagot niya kaagad.
"Dad, the wedding is off. And Dad.... i killed someone so please clean my mess, sorry po." Hindi ko na hinintay pang makasagot si Dad at kaagad ko nang pinatay ang tawag.
Sinunod ko namang tinawagan si Ari at nakailang ring pa iyon bago niya sinagot.
"Nasa-"
"Nakadaong ba ngayon ang cruise ship mo?" Halos magka sabay pa kaming nagsalita pero mas inunahan ko siya.
Narinig ko sa kabilang linya kung paano siya natigilan sa pagsasalita, alam kong nagtataka siya kung bakit bigla akong naging interesado sa ship niya.
"Yep, pero paalis narin mamayang 12. Teka bakit ba? Anong nangyari?" Hindi ko pinansin ang mga tanong niya.
"And buy me a new phone, please. And withdraw atleast 10 million on my account, thanks Ari! Love you!" Bago pa siya maka angal ay pinatay ko na ang tawag at in-off ang cellphone ko, sinira ko muna iyon bago ko tinapak-tapakan, kinuha ko rin ang sim card nito at hinati iyon bago itapon.
For my safety.
Alam ko naman ang port kung nasaan ang cruise ship nila kaya hindi ko na kailangan pang tanungin. Basta makarating ako duon ay okay na. Gusto ko munang umalis dito ngayon.
Alam ko namang hindi titigil ang mga Sans na hindi kami makasal ng anak nila, well hindi naman ako pipigilan ni Dad sa kahit na anumang gustuhin ko. Kaya lang naman ako pumayag ay alam kong makakabuti rin ang impluwensya nila saamin pero ngayon ay wala na akong pakealam. Hahayaan ko na silang bumagsak ngayon.
Kapangyarihan lang naman ang gusto nila kaya gusto nila akong magpa kasal sa anak nilang makati.
Dapat kasi pinakinggan ko nalang si Rylie edi sana wala ako ngayon sa posisyon na ito. Hindi ko sana nahuli na nakikipag lampungan sa iba ang lalaking pinagka sundo saakin.
Hindi naman mahalaga ang pera at kapangyarihan saakin, i just want Dad to make happy. Ngayon pa't wala na si Mom na nagpapasaya sakanya bukod saamin ng kapatid ko. At nakidagdag pa si Rylie sa problema ni Dad, na mas lalong nakapag palungkot sakanya.
Gusto kong bumalik ulit kami sa dati, pero paano? Paano na kung hindi naman nakikipag cooperate ang kapatid ko saamin? She turned into a different person now, lumalabag na siya sa batas at mahirap iyon para kay Dad, kanang kamay pa naman siya ng Presidente ng Pilipinas kaya maaaring mabahiran ng dungis ang kanyang pangalan kapag lumabas sa publiko si Rylie at ang mga ginagawa niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga taong nakapaligid saakin. Ayokong dumating ako sa punto na sumuko nalang ako at magalit nalamang sa mundo.
Ayokong dumaring ang araw na iyon.
"ANO bang pumasok diyan sa kukoti mo at balak mong sumama sa cruise ship ko? Alam ba iyan ni tito pres?" Ari welcomed be with so much questions of her. Pagkababa at pagkababa ko palang ng sasakyan ay nakapameywang na siya sa harapan ko.
"Just give me the phone and the money, Ari." Imbis na sundin niya ang sinabi ko ay mas lalong lumalim ang gatla sakanyang noo.
"Give me atleast a hint Caz, after that mananahimik na ako. And i promise i won't tell tito pres kung nasaan ka, i'm good at acting right?"
"I need to rest Ari, and breath at the same time. You know what i mean?" Ari didn't scold me or something violent, she reach one of my hand and held it.
"How about the wedding?"
"I called it off." She just 'oww' as i answer her question and after she interrogates me she give me the black bag that i think it's the money inside, and the phone.
"I know na kaya mo naman ang sarili mo, kaya mo naman sigurong mag-isa 'diba? And by the way, i will let you use my private room sa ship ko mga staff ko na ang bahala saiyo at nasabihan ko narin naman sila to take care and to look of you habang wala kang kasama." She pull me for a hug. "Take care okay? And don't do such a mess, baka ma-headline and cruise ship ko kung anumang gawin mong hindi kaaya aya."
Napairap nalamang ako sa hangin at nagpaalam na sakanya dahil paalis na ang ship. Mabuti nalang at maaasahan ko talaga si Ari sa kahit na anumang hingin kong tulong. She's like a supergirl to me na malalapitan ko anytime.
Habang dahan dahang umaandar ang ship papaalis ng port ay iniisip ko lahat ng taong mahalaga saakin na maiiwan ko muna pansamantala hanggang sa makapag isip isip ako.
I just need a break lang naman. Hindi ko naman iiwan lahat ng taong nagmamahal saakin rito.
Pahinga lang muna siguro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top