Chapter 49
"I'm so full," reklamo ni Alyssa sa asawa habang patuloy pa din siyang sinusubuan nito. Damien frowned at her. Umiling-iling pa ang lalaki at muling kumuha ng pagkain at sinubo sa asawa na umiiling din dahil busog na daw siya kahit pa iilang subo pa lamang ang nabibigay ni Damien sa kanya.
Bumuntonghininga si Damien at inilagay muna ang pagkain sa nasa tabing mesa at tinignan ang asawa sa kanyang mga mata. "I know what you're thinking, Dove. Please, stop it. You and our child must be healthy. Hindi ka nalang nag-iisa sa katawan mo ngayon," pagpapaintindi ni Damien sa kanyang asawa.
Kitang-kitang dismayado si Damien sa pag-ayaw ni Alyssa sa pagkain. Napayuko si Alyssa at tinignan ang tiyan niya. Why does she keeps on avoiding foods if it's for her baby? Pareho nilang kailangan ang mga nutrisyong galing sa mga kinakain niya.
Damien is forcing her to eat healthy foods because her baby needs to grow strong and healthy in her tummy. Ayon na rin sa mga Doktor niya na kaaalis lang kanina. The Llyichs were relieved that she had already awakened.
Wala nang dapat pangambahan sa kanila bukod sa dapat nalang maging malusog si Alyssa para sa baby niya. "All right, give me those foods and allow me to eat those fruits." She gave her husband the order. Si Alyssa lang ang pwedeng mag-utos sa asawa niya at wala ng iba.
Huwag lamang mangahas ang iba na muli siyang utusan sa mga gagawin niya lalong-lalo na ang taong yon na kinontrol siya noon. Hinding-hindi na siya makikinig sa mga iyon kung anuman ang mangyayari.
Ililigtas niya ang asawa, siya mismo ang gagawa ng paraan upang mailigtas ito at hindi aasa sa desisyon ng kung sino man. Damien smirked; it appears that her wife understands their predicament.
He believes Alyssa would do everything for their child. Alam niyang magiging mabuting ina ito sa mga magiging anak nila. She definitely is a mother material. Sinubuan siyang muli ni Damien at binigyan siya ng saging sa kanyang kabilang kamay na walang dextrose.
Damien peeled the banana and Alyssa bit it. Habang pinapakain ni Damien ang asawa ay lumalamon naman si Alyssa ng saging. She loves the taste of banana. Ang ibang buntis, ayaw na ayaw sa lasa ng saging.
Damien looked at his wife, expecting her to say something strange, similar to what Dra. Llyich had told him. Mahilig ang mga buntis na magpakuha ng kung anu-ano at mahilig na kumain ng mga kakaibang pagkain na hindi normal para sa panlasa ng tao.
"May suka ka ba dyan?" Bigla nitong tanong. Nangunot naman ang noo ni Damien pero kinuhaan pa din nito ang asawa ng suka na inilagay niya sa platito. The next thing he saw almost made him puke.
That was really gross but his wife is enjoying it. Nasira ang mukha ni Damien habang tinitignan ang asawa sa kinakain nito.
He thought, vinegar is for mangoes and paksiw. Ngunit ang asawa niya sira ata ang taste bud. Sinawsaw nito ang saging sa suka. Napalunok si Damien nang tumingin sa kanya si Alyssa, ngumiti siya kunyari dito at hindi niya pinahalata na parang masusuka siya sa kinakain nito.
Tapos na siyang subuan ang asawa kaya pinanood niya nalang ito na kumakain ng prutas na sinawsaw sa suka. Ang amoy ng suka ay nagkalat sa loob ng buong kuwarto at amoy na amoy iyon. Matatanggap niya pa ang pagsawsaw ni Alyssa sa mansanas sa suka pero ang saging hindi talaga.
Sarap na sarap ang kanyang asawa at tila nang-iinggit pa ito sa kanya gayong hindi na nga niya matake ang pinapanood niya dito."Are you finished, dove?" When she was licking her fingers, he asked her.
Hindi siya pinansin nito at tuloy lang sa ginagawa nito. Akala ata ni Damien ay hindi siya napansin ng asawa gayong kanina pa ito natatawa sa itsura ng mukha niya. Alyssa was enjoying with her husband's reaction.
She saw him be angry, happy, and excited, but she didn't see his disgusting reaction. It was entertaining to watch Alyssa. Being hurt is a necessary part of loving. She realized that pain follows people wherever they go.
Alyssa looked at Damien. Ang playful side niya ay ipinapakita niya sa kanyang asawa ngayon. "Please kiss me." Damien was given a serious order. Damien froze in his seat and looked at his wife to see if she was serious.
Seryoso ang mukha nito kahit sa loob-loob nito ay natatawa na talaga. Sinong mag-iisip na kayang pasunudin ni Alyssa ang kinatatakutang Mafia Boss sa Amerika? Amoy suka ang bibig ni Alyssa at alam iyon ni Damien kaya naman hindi niya alam kung anong i-re-react dito.
Mukhang si Damien yata ang naglilihi at hindi si Alyssa base sa mukha nitong napapangiwi."Dove, can we do it later?" He bargained, despite the fact that he knows his wife will not agree.
"No, kiss me now." Nasasanay na si Alyssa na inuutusan ang asawa. And Damien was her willing victim. Hindi siya mahindian ng asawa dahil alam ng lalaking sensitibo ang damdamin niya bilang buntis.
"Ayaw mo?" Nakangusong sabi ni Alyssa na pinalungkot pa ang boses upang maguilty ang asawa. Damien saw it and abruptly he stands and leaned on at his wife. Ang labi ni Alyssa na kumain ng saging na sinawsaw kanina sa suka ang nagpapatayo ng balahibo ni Damien sa batok.
"Of course I will, dove!" Anito. Walang magawa si Damien kaya pinigilan niya nalang ang paghinga niya nang lalapat na ang labi sa asawa ay siya namang pagbukas ng pintuan nitong kuwarto.
"OMG! Porn!" The couple snapped their eyes at their two visitors. Ang mga kamay ni Leon ay nakatabon pa sa mga mata kahit na kita pa rin sila. Si Jask naman ay napangisi lang habang si Damien ay bumuntonghininga.
Save by the bell! He should be grateful to these two for saving him. While Damien was seated at his position, Alyssa sighed in disappointment. "Bakit ganyan mukha mo, baby girl? Dismayado ba dahil hindi naka-kiss?" Pang-aasar ni Leon na ikinasimangot ni Alyssa.
Kinuha nito ang balat ng saging sa pinaglagyan at tinapon sa mukha ni Leon. "Aw, baby girl, I feel your love," Leon teased.
Mas lalong nasira ang mukha ni Alyssa na siyang ikinasama din ng mukha ni Damien. "Shut up, Sokolov, or I'll make you drink that f*cking vinegar." Damien stated. Napangisi lang si Leon at tumabi pa sa babae sa kinahihigaan nito.
Sa laking bulas ni Leon katulad ni Damien ay hindi magkasya ang lalaki. "Magkakapamangkin na pala ako sa'yo, baby girl. Hindi mo ako sinabihan," reklamo ni Leon. Alyssa rolled her eyes. "Bakit tiyuhin ka ba ng anak ko?" Pamimilosopo ni Alyssa na siyang ikinalaki nang pag-ngisi ni Jask.
Natigilan naman si Leon at napailing bago tinignan si Damien. "Anong ginawa ng anak mo dito sa kapatid ko?"Leon inquired of Damien. Damien shrugged and smiled. "He did nothing, you're just ugly and annoying," Alyssa stated once more.
Poor Leon, mula sa asawa ni Hellion papunta sa asawa ni Damien palagi siyang basag nang magbuntis ang mga ito. "Grabe, grabe, saan nalang pala ako lulugar nito?" Sabi pa ni Leon habang ang kamay ay nakahawak sa puso na palagi nitong ginagawa kapag kunayring nasasaktan.
"There is so much space in this room, Kuya Leon, so create your own." Pang-aasar ni Alyssa kay Leon. Napanguso nalang ang lalaki at natahimik sa kinauupuan nito habang si Jask naman ay napatingin kay Alyssa.
"How are you, baby girl?" Jask asked. Damien just observed them. May kasalanan pa si Jask sa kanya kaya naman tahimik lang siya. "I am fine, Kuya, thank you for helping me." Alyssa smiled at Jask.
Tumango lang si Jask habang si Alyssa ay naramdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa. "What did you do at Kuya Jask?" Damien fell silent as she snapped her gaze at him.
Tila yata may lahing manghuhula ang babae at nahulaan nitong may ginawa si Damien kay Jask. Damien shook his head at his wife, but Alyssa stared back. "If you punish him, I swear you'll never touch my tummy again." She forewarned him.
Nanlaki naman ang mata ni Damien. He enjoys touching his wife's tummy. Hindi niya magagawa iyon sa kanya. "What?! That is not possible! You have no choice but to let Jask face his punishment." Damien stated obstinately.
Alyssa raised her brows and glared at her husband again. "Try me," she spat. Natameme si Damien. Seryoso talaga ang asawa niya. Si Leon naman ay natatawa sa kinauupuan niya habang si Jask ay nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa.
They were arguing and Alyssa's winning. Wala itong magagawa sa gusto ng asawa. Nagkasukatan pa sila ng mga tinginan kanina pero si Alyssa ang nanalo. For the first time in Damien's life, ngayon lang siya natalo at wala siyang pinagsisihan roon lalo pa at sa asawa niya siya natalo.
Without a doubt, he loses to the person he loves. "Okay, you've won. I won't." Nagbuga nang hangin si Damien at natahimik nalang sa kinauupuan habang hawak ang kamay ni Alyssa.
Nagkuwentuhan naman ang tatlo. When someone shouted, the two were about to leave and looked at each other.
"Sunog! Nasusunog ang ospital!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top