Chapter 46

Alyssa was walking from nowhere. Naglakad lang siya sa tila walang hanggang damuhan na may mga napakaraming bulaklak. She was humming while walking. Nakaramdam nang kapanatagan si Alyssa habang binabagtas ang nilalakaran niya.

She's wearing a white dress. Kasing puti nito ang pakpak ng mga anghel sa langit at ang mukha ni Alyssa ay maaliwalas. Ang paligid niya ay sadyang kaaya-aya at walang kasing-ganda.

Ang langit kay kasing-puti ng kanyang damit at ang hangin ay napakasarap samyuin. Alyssa doesn't know where she is but everything was heavenly. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya dito at hindi siya makapaniwalang may lugar na ganito katahimik at kapayapa.

Natanaw ng kanyang mga mata ang isang pares ng babae at lalaki na tila nag-aantay sa kanya sa isang trangkahan. Ang trangkahan ay kulay ginto at nakakasilaw. Alyssa came to a halt when she recognized the woman and man who were waiting for her.

Nilingon niya ang kanyang dinaanan, napakalayo pala ng kanyang nilakbay upang makapunta lang sa kung nasaan siya ngayon. Malayo pa lamang ay kitang-kita na niya ang ngiti sa mga labi ng mga nag-aantay sa kanya.

Ang mga luhang nahulog sa kanilang mga mata ay nakita ni Alyssa. "Ma, Pa." She whispered to herself when she finally recognized them. Ang aaliwalas ng kanilang mga mukha at tila walang mga problemang dinadamdam.

Tila lumandag ang puso ni Alyssa sa saya nang makita ang mga magulang na matagal na nawalay sa kanya. She ran into them because of her excitement. "MA! PA!" Sigaw pa nito habang tumatakbo papunta sa direksyon nila.

Sinalubong siya ng mga ito sapamamagitan ng kanilang mga mahihigpit na yakap. "Ma, Pa, masayang-masaya ako nagkita tayong muli." Aniya na tila halos bitawan ang mga magulang.

She buried her face into her mother's chest. Nasa tabi naman nila ang ama ni Alyssa at nakaakbay lamang sa asawa pero kitang-kita dito ang kaligayahan. Walang nagbago sa mukha ng kanyang mga magulang pero tila mas bumata lamang ang mga mukha nila.

Her mother caressed her cheeks and kissed it. "Miss na miss kita anak, masaya ako dahil nakita kita." Malambing nitong turan sa anak habang pinagmamasdan ang buong mukha nito. Ang nag-iisa niyang anak ay nasa harapan niya ngayon at maligayang-maligaya siya.

"Ganoon din ako, Ma, ganoon din ako. Miss na miss at mahal na mahal ko kayo ni Papa." Tila batang sanggol ito habang nasa bisig siya ng kanyang Ina.

Iba pa din ang pagmamahal na ibinibigay ng mga magulang sa kanilang anak. Ang pagmamahal ng mga magulang sa kanila anak ay walang pasubali. Walang pag-iimbot at walang takot.

Hinagod ng Ina ang buhok ng kanyang anak at tinignan ang kabuuhan nito. The woman's eyes teared as she looked at her daughter. Nagdalaga at nagkaasawa itong hindi nila kasama dahil sa hindi magandang pangyayari.

Wala silang magagawa dahil ito ang kalooban ng Diyos at tadhana. They can't do anything about it. "You are beautiful, my baby..." Bulong ng babae sa kanyang anak. Napangiti si Alyssa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa ina habang hawak ang kamay ng kanyang ama.

"Maglakad-lakad muna tayo habang magkukuwentuhan." Ani ng lalaki sa kanyang mag-ina na nag-apiran lamang. "Doon tayo sa may sapa parang masarap ang maupo roon," dagdag ng babae sa kanyang asawa at kinindatan ang anak.

The man groaned in annoyance. "Pinagkaisahan na naman ako ng mag-ina ko." He muttered something, but then agreed with them. They walked hand in hand towards the stream.

Ang huni ng mga ibon at ang mga tawanan nila ang umaalingawngaw sa paligid. Tila nag-re-reminisce sila sa kanilang mga nakaraan noon habang lahat sila ay magkakasama pa. They were sitting next to the stream. They were all content just being by themselves.

Kahit yata wala silang pag-uusapan ay magiging masaya pa din ang pamilya nila hangga't makakasama sila. Alyssa was lying on her mother's lap, while her father kept a close eye on them.

Ang babae din ay matiim na nakatitig sa anak na nakapikit ang mga mata. Nasa mga mata nila ang emosyon kanina pa nila pinipigilan magmula kanina. They will surely miss their unica hija but this isn't her time yet.

Hindi niya pa oras, hindi pa siya pwede dito sa paraiso dahil marami pa siyang gagawin sa lupa kasama ng taong umaasang babalik siya dito. "We will certainly miss you, my dear child," she said, her eyes welling up with tears.

The man also shed tears watching his wife and daughter. Ang luha ng babae ay nahulog sa mukha ni Alyssa dahilan upang mapamulat at bumangon siya. "Ma, bakit ka umiiyak? We should be happy, we are complete now." Aniya sa ina.

Umiling ang babae at niyakap ng mahigpit ang anak. "No, my dear, it is not yet your time. We are here because we were given the chance to speak with you and be with you."Madamdaming wika ng lalaki sa kanyang anak na unti-unting nag-iba ang emosyon sa mukha.

"No, no, no... dito lang ako sa inyo. Dito lang ako, ayokong umalis. Kayo lang an gang tunay na nagmamahal sa akin." She pleaded at them but it's not their decision to do this. Niyakap ng mag-asawa ang anak at inalo ito.

"You have one person who dearly loves you, Alyssa. Huwag kang magbulag-bulagan. He loves you so much. Pakinggan mo ang mga pagtawag niya sa'yo. Pakinggan mo ang boses niyang nagmamakaawang magising ka." Sabi ng lalaki sa kanyang anak.

Alyssa didn't hear him well. Ang nais niya kasi ay manatili sa tabi ng mga magulang at hindi ang bumalik.

"Please don't make this difficult for me... listen to him. We are not here to get you; rather, we are here to make you realize that life is full of struggles and obstacles. All you have to do is believe." The mother told her daughter to hold her chin and listen.

Ngayon ay naririnig na ni Alyssa ang boses na tumatawag sa kanya. "Baby dove, please... I'm begging you wake up. Mamatay ako kapag wala ka. Dove, I need you so much. I need you and I love you. Mahal na mahal kita at kaya kitang sundan kahit nasaan ka pa. Magmamakaawa ako sa Diyos para lamang papasukin ang demonyong katulad ko para makasama ka." Napalunok si Alyssa nang marinig ang boses ng asawang nagmamakaawa.

She imagined herself lying in a hospital bed, with Damien's face buried in her physical body's chest. She had never seen her husband cry like this before. Alam niya kung ilang beses lang umiyak si Damien dahil mabibilang lamang ito sa daliri.

She realised Damien's plight. Her heart clenched for him, but the pain she had felt remained. "Ang sakit ay parte lamang ng pagmamahal anak, kung hindi ka nasasaktan ibig sabihin ay hindi mo mahal ang lalaking 'yan." Tapik ng kanyang Ina sa kanyang balikat.

She saw Damien's haggard face. She saw messed he is. Kitang-kita niya na ang suot niya noong umalis siya ay ang suot pa din nito ngayon.

"He did everything to find you. Hindi na yata kumakain ang taong yan hanggang ngayon dahil sa pag-aalala sa'yo." Imporma ng kanyang ama habang nasa mga mata nito ang paghanga sa kanyang asawa.

"Natural sa mag-asawa ang mga problema Alyssa, huwag mo lang hayaan na tabunan ng hindi pagkakaintindihan ang pagsasama ninyong dalawa.

Nag-uumpisa ang maligayang pagsasama ng mag-asawa sa pamamagitan ng komunikasyon," ani ng babae.

The truth is communication is the key to a better relationship with someone. Si Damien at Alyssa ay nawalan nito ng mga araw na iyon at inuna ang mga sarili nilang damdamin at hindi inisip ang damdamin ng isa't-isa.

Naging makasarili sila ng mga araw na iyon. "If that man didn't love you, my dear, bakit niya pa gugutumin at papagurin ang sarili niya para lamang sa'yo kung hindi ka niya mahal talaga?"

Before Alyssa could return to where she belongs, the couple wanted their child to realize something. They wanted her to understand that not all of her decisions were correct.

Nagkakamali at nagkakamali ang tao at dapat lamang na itama ito bago pa maging huli ang lahat at pagsisihan ito.

"Look at his eyes as he looks at you, my child. Mahirap na ang makakita ng lalaking titignan ka nang ganyan buong buhay mo." Dagdag ng ama ni Alyssa na mas lalong nagpayuko sa dalaga.

Tama ang mga magulang niya masyado siyang nagpadalus-dalos at hindi man lang inisip ang mga desisyong ginawa niya.

"Look at me, my child. Okay lang na magkamali. Alam naming hindi maganda ang naging karanasan mo. You were hurt and you didn't trust anyone but Alyssa, hindi lahat ng tao ay masama kahit pa masama ang mga ginagawa nito. Some were forced to do it, while others chose to do it." Her parents were astute.

"He loves you, Yssa, and you don't realize it. Never doubt him; he is the person you sought from the Creator himself." Pinahidan ni Alyssa ang luhang dumaloy sa mga mata niya habang tinitignan ang asawa at pabalik na tinignan ang mga magulang.

"Makikita ko pa naman kayo hindi ba?" Napangiti ang mag-asawa at sabay na hinalikan sa ulo ang anak.

"We may see each other soon, but for now, my baby Yssa, we are always here." Alyssa's chest was pointed out by the woman.

"We will always be here my dear." Segunda ng kanyang ama. Then, she sighed and hugged them.

"Mahal na mahal ko kayo Ma, Pa." Aniya sa mga ito at niyakap nang mahigpit ang mga magulang sa huling pagkakataon.

"We love you, Alyssa Nicole." They spoke in unison. "Take care of your child, as well as yourself, Yssa." Alyssa looked at them, puzzled, with their final wish and goodbye, but she slowly faded from their sight.

As Alyssa continued her life to be with her only love, Damien, the world began to revolve again and will continue to rotate. They may not be together today, but they will be soon...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top