Chapter 41

Alyssa saw the number Jask given to her at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. 'Nanaginip lang ako. Hindi ito totoo.' Aniya sa sarili habang lumalapit sa dalawang puntod na magkatabi.

Nanlamig ang buong katawan ni Alyssa at tila mabubuwal siya sa kanyang kinatatayuan habang lumalapit sa mga ito. "Ma, Pa..." Bulong ni Alyssa habang nakikita ang mga ito na tanging lapida na lamang. Napalunok ang dalaga nang lumuhod sa puntod nila. She touched tombstone while trembling. 

Mauritius Paderes -Born: January 11, 1963 Died: June 24, 2018 

Gertudes Paderes =Born: August 22, 1965 Died: June 24, 2018

Napaluha ang babae, isang taon lang ang pagitan nang pagkatakas niya at nang pagkamatay nila.

"Ma, Pa, bakit hindi niyo ako inantay?" Tila ulang bumuhos ang mga luha ni Alyssa, hindi niya akalaing bukod pa sa sakit na nararamdaman niya kanina ay may mas triple pang sakit at pighating nag-aantay sa kanya.

Tandang-tanda niya pa ang pag-aaway nila noon pero heto at sabay silang namatay na ibig-sabihin ay nagkasama silang muli. Napaluhod si Alyssa roon at niyakap ang puntod ng mga magulang.

Wala nang mas sasakita pa dito, bakit hindi siya nagmadali sa pagtakas? Bakit hindi na niya naabutan ang mga magulang matagal na niyang pinangungulilaan?

"Kasalanan ko Ma, Pa, kasalanan ko ang lahat ng ito." Sisi niya sa sarili habang itinuturo ang dibdib ng kanyang palad. Ang pighati ni Alyssa ay umalingawngaw sa buong sementeryo dahil sa katahimikan nito.

Ang paligid ay nakikiramay sa babae at walang hanggang katahimikan ang maririnig dito maliban na lamang sa mga sinasabi ni Alyssa. Sinisi niya ang sarili dahil hindi niya nakasama ang mga magulang malamang namatay ang mga ito nang nag-aalala sa kanya.

Nag-iisang anak na lamang siya at ngayon ay ulilang-lubos na siya. Wala na ang pinakamamahal niyang mga magulang, wala na ang mga taong lubos at totoong nagmamahal sa kanya.

Napatingin siya sa langit, hindi niya man nais na kuwestiyunin ito ngunit sa sakit na nadarama niya, sa pait ng mga naranasan niya. Wala ba siyang karapatang kuwestiyunin ang nangyayari sa kanya?

"Bakit Panginoon ko? Bakit nangyayari sa akin ito? Bakit hinayaan niyong magkaganito ang buhay ko?" She asked. Hindi tumitigil ang mga luha ni Alyssa na bumagsak. Huli na ang paghihinagpis niya, huling-huli na.

Isang taon na ang nakakaraan, isang taong na wala na ang mga magulang niya. She can't stop herself to shout and let-out what she feels. Sigaw nang sigaw si Alyssa, hindi siya tumigil, at hindi siya tumigil hangga't hindi siya napagod.

Sana kahit man lang nakita niya ang mga mukha ng mga magulang kahit sa huling pagkakataon ngunit wala, wala siyang nakita kahit ni dulo lamang ng mga buhok nila. San Mateo is far from San Martin which is their hometown. Alyssa felt useless.

Marahil lumipat ang mga magulang niya dahil naalala siya ng mga ito sa lumang bahay nila. Marahil ay nakapagkit sa kanila na patay na siya kaya upang hindi sila lalong malungkot ay napadpad sila rito.

"All I asked is to be happy and be with my parents. Bakit ito ang nadatnan ko?" She asked herself. Paos na paos si Alyssa at masakit ang lalamunan niya dahil sa ginawang pagsigaw niya kanina pero walang mas sasakit sa sunud-sunod na mga pangyayaring ito.

She can't handle everything once. Akala niya kaya niya, akala niya malalampasan niya ito pero hindi pala. The pain was too much.

Hindi lang ang buong katawan niya ang masakit kundi maging ang puso niyang wasak na wasak na nga ay durog na durog pa. Ano ang nais ng tadhana sa kanya?She has already given up everything, realizing she is no longer useful.

Huli na siya. Ang pinapangarap na yakap ng mga magulang ay tanging sa malamig na lapida niya nalang mararanasan. Ang halik nang may pagmamahal mula sa kanila ay tanging sa hangin niya na lamang mararanasan.

"Umuwi ako para magkasama tayo pero iba ang isinalubong niyo sa akin, Ma, Pa. Masakit na masakit na. Isama niyo na ako." Humigang nakadapa ang babae sa pagitan ng mga lapida ng mga magulang.

Nakandabuhol-buhol na ang tali ng buhay ni Alyssa dahil sa mga nangyayari sa kanya. Ang pinakamahusay na batang pintor noon ay heto, wasak na wasak ang puso at napakagulo ng kanyang buhay.

She always thought that when she was in her parents' arms, she'd be able to move on with her life and look forward to her future, but after what happened today, she chose to let go and be with her parents.

Magsasaya ang mga demonyo sa nais niya dahil sa wakas isang anghel na naman ang sumuko sa laban ng buhay. Hinalikan niya ang mga lapida ng kanyang magulang habang ang kanyang mga luha ay nahuhulog roon.

"Miss na miss ko ang mga luto mo, Ma," aniya na tila kinakausap ang ina na parang nasa tabi niya lamang ito.

"Miss na miss ko ang mga pangaral mo sa akin Pa." She conversed with her father's tombstone. Her two favorite people are not in her arms, but rather in their cold tombstone. Sa lahat ng nangyari kay Alyssa, ang isang ito ang hindi niya kinayanan.

Hindi niya maisip kung gaano siya pinangulilaan ng mga magulang habang hinahanap nila siya. The couple died hand in hand as they looked for their only child. Isa lamang sila sa pamilyang pinagkaitang magkita-kita at magsama-sama.

"I love the both of you so much... so much." She whispered. She doesn't want to leave them. Nakita man niya ang mga ito na lapida na lang, ayaw niya namang umalis dito.

Nais niya munang makasama ang mga magulang kahit sa pagkakataon lang na ito na nararamdaman niyang ang puso niya ay wala na sa dibdib niya dahil sa mga nangyari sa kanya. Iniisip ni Alyssa, pinong-pino na ang puso niya mula sa sakit.

Kung papipiliin man siya ngayon, pipiliin niya ang mag-isa at ang lumisan upang mahanap ang kapayapaang nais ng isipan niya. She wanted to leave everything behind and be with her parents.

Ito ang hiling ng isang pusong puno nang sakit at pagdadalamhati. She kissed her parents' tombstone and said her final goodbyes. "I love you, Ma and Pa... magkikita din tayo." She sobbed as she said those words.

She lingered for a while, staring at her parents' tombstone before standing and leaving with a heavy heart. She walked away, carrying her sadness and loneliness in her heart.

Ang isipan ni Alyssa ay punong-puno ng mga alalahaning nais niyang mawala.She wanted to remove it from her mind, and by doing so, she could only think of one way that she thought would be correct.

Before she could leave the cemetery, she received another message on the phone Jask had given her. 

Stay calm, baby girl, and don't think anything bad about yourself. Susunduin talaga kita. The files pertaining to what happened to your parents are attached.

Binuksan ni Alyssa ang mga files na ibinigay sa kanya ni Jask. She didn't text back at Jask. She sobbed after read it. Tama nga ang mga konklusyon niya kanina.

Nabangga ang sinasakyan nilang kotse nang nabalitaan nilang may bangkay ng dalagang nakita sa may San Martin sa pag-aakalang anak nila iyon ay bumiyahe sila pabalik roon pero nabangga naman ng trak ang sasakyan nila.

Dead on arrival silang dumating sa ospital. Pinahidan ni Alyssa ang mga luha niya at tinandaan ang huling address na pupuntahan niya bago itinapon ang cellphone ni Jask na ibinigay sa kanya.

She doesn't want anyone to know how she's doing now. She doesn't want any ties to them. Alam niyang kung magkakaroon pa siya nang koneksyon sa kanila mas masasaktan lamang siya mas mabuti na ang ganito tutal naman wala siyang planong magtagal pa rito.

She doesn't want to be associated with them. Tanging itinira niya ay ang perang ibinigay sa kanya ni Jask. She didn't wait for the tricycle because the cemetery isn't in the city limits.

Naglakad si Alyssa pabalik ng terminal at doon sumakay muli para magpahatid sa bahay na tinirhan ng mga magulang niya bago nila nilisan ang mundo. Inihatid siya ng tricycle sa isang may katamtamang laking bahay na tila abandonado at hindi na naalagaan.

The house was far from downtown. "Sigurado po ba kayo dyan ang punta niyo Maam? Haunted House daw ang bahay niyan Ma'am." Tanong ng driver. Tumango lamang siya at bumaba na roon.

"Bahay ito ng mga magulang ko," maikli niyang sabi. She stared at the house. Ang bahay na tinirhan ng mga magulang niya sa nakalipas na apat na taon.

The house looks sad. Gaya ng mga magulang niya na namatay nang may lungkot sa kanilang mga mata. Matagal niyang pinakatitigan ang bahay bago umusal ng mga salita.

"I'm home Ma, Pa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top